Wala pang natatanggap na text or tawag si Melissa mula sa kasintahan kada tunog ng cp ay agad niyang tinitingan, umaasa siyang kahit paano maiisip nito ang pagkakamali pero wala itong pagkilos kahit ano. Minsan gusto na niyang siya ang sumuko sa sobrang pagka-miss niya sa binata subalit alam niyang mas hindi tama na gawin niya iyon. Kasalukuyan siyang nagwawalis ng bakuran ng may biglang nagsalita sa likuran niya. “Miss pwedeng magtanong?” boses ng lalaki, kahit di siya lumingon pamilyar na sa kanya ang may-ari ng boses nito na parang dj sa radyo. Humarap siya sa nagsalita hindi ito naka-uniporme, naka-denim short at round neck white t-shirt, kita ang laki ng katawan nito sa suot, napabugtong-hininga si Melissa lalaking-lalaki ang kaharap niya. “Wala pong yelo!” sabi niya, napangiti ang binata, mukhang marunong nang magbiro ang dalaga. “Kay-aga-aga ano po kailangan ninyo sir?” binitiwan niya ang walis at hinarap ang kausap. “Aba Timothy!” boses ng lola ni Melissa, papalapit na ito sa kanila. Ngumiti ang binata agad nagmano sa matanda, hindi nakaligtas sa pang-amoy ni Melissa ang pabango nito. Tuwing nakakaharap niya ito, ang pabango nito ang una niyang napapansin “bango naman ano kayang brand ang gamit nito?” bulong niya sa sarili. “Ano sabi mo Melissa?” tanong ng binata hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi ng dalaga, nangiti siya kahit man lang yung pabango niya mapukaw niya atensyon nito ay okey lang. “Wala!” sagot niya dito.
“Anong meron apo?” tanong dito ng matanda. “Tara sa kusina, nakaluto na kami ng almusal” kayag ng lola sa bisita. “Naku!wag na po nakakahiyan naman” magalang na tanggi nito. “Sige na sumunod ka na at baka magtampo pa si lola!” buyo niya sa pulis. Pahaba ang estilo ng bahay nina Melissa, ang kusina ay nasa gawing dulo, nasa ibaba ng bahay. Nasa itaas ang salas at kwarto, may pinto ang kusina sa ibaba kanugnog ng bakuran kaya kahit sa ibaba o itaas ka manggaling ay may makakapasok papunta dito. Naabutan niyang naghahain na ang ina nito ng maabutan nila. “Gandang umaga po!” nagmano rin siya sa ina ng dalaga, bahagya itong ngumiti. Nag-aalanganin si Timothy paano tatawagin ang ina ng dalaga, wari’y naramdaman nito ang iniisip niya “tawagin mo n lang akong mama Alice, ganyan ako tawagin ng mga pamangkin ng mister ko.” nakangiting sabi nito.
“okay po, mama Alice….pasensya na po at nakadagdag pa.” dispensa ng binata. “Alice…dito kakain si sir Timothy, pakibigyan ng pinggan” utos ng lola niya. Inabutan naman ito ng ginang. Sa bilog na mesa magkatabi sina Timothy at Melissa, sinangag, pritong isda, kamatis at pandesal ang inihain ng ginang. Masayang kasalo ni Timothy ang pamilya ni Melissa. Habang kumakain ay dumating naman ang ibang pinsan ng dalaga. Ipinakilala niya ang mga ito kina Ivan, Felix at Jeff. Sa tatlong ito si Ivan ang pinakamaloko at walang preno kung magsalita “parang kilala kita kuya, pulis ka ba diyan sa presinto namin?” tanong ni Ivan ang pinakamakulit sa lahat. Bahagyang tumango ang binata. “Ikaw ba yung natarayan ng ate ko? Yung nasigawan niyang pulis?” tanong muli nito sa kaharap. Nasamid si Betty na noo’y umiinom ng tubig “Uhuh!Uhuh!.....Ivan!!” singhal niya dito. Nagulat ang lola “talaga ba ikaw ba yung kinukwento ni Melissa?” napalingon na si Melissa sa lola alam naman ng matanda na si Timothy nga iyon pero nagpatay-malisya pa pakiwari niya’y guisadong-guisado na siya sa ginawa ng maglola. Pulang-pula ang mukha niya sa labis na kahihiyan sa binata.
“Opo, lola! Pasensya na po sa nangyari noong gabing iyon” paumanhin nito. “Naku! Ako nga hihingi ng paumanhin may katarayan ba ang apo ko?” tanong niya dito. Tumingin muna ang pulis kay Melissa, nangingiti siya sa reaksyon ng mukha nito bago sumagot “medyo po….nakakatakot nga po! Hindi po ako takot sa kriminal pero sa kanya po kinabahan po talaga ako lalo na po nung nag-tiger look sa akin…” Nagtawanan ang mga pinsan nito. “Don’t worry kuya, kaming bahala sa iyo….astig si ate may ligaw ng pulis,hahaha!” sabay apir ng mga magpipinsan. Tiningnan sila ng masama ni Melissa, “Anong kuya? Sir ang itatawag nyo sa kanya, saka hindi siya nanliligaw… naligaw lang dito nang maaga!” litanya niya sa mga ito. Inakbayan pa ni Ivan ang pulis
“kuya nagbabasketball ka ba? Laro naman tayo sa susunod!” kayag niya dito. Ngumiti naman ang pulis “walang problema dude!” sagot naman nito. “Wow dude na tawagan namin…tunog mayaman!” tukso naman ni Jeff. “Magbasketball na nga kayo, kay-aga-aga eh!!” taboy ni Melissa. “Opo ma’am aalis na po” pang-aasar ni Ivan. “Bye kuya!” pangungulit nito sa pulis. Pagkakain ay tumulong si Timothy sa pagliligpit. Naiwan sila ni Melissa sa kusina.
“Pasensya ka na sa mga pinsan ko makukulit talaga sila…” untag ng dalaga sa pulis. “Okey lang yun” sagot naman nitong nakangiti. “May alam ka bang apartment banda rito?” tanong niya sa dalaga “ito lang kasi yung lugar na pinakamalapit sa station, gusto ko sana mag-apartment kami ng ibang kasama ko para kapag day-off namin napapahinga kami ng husto hindi yung nandoon kami sa itaas kapag day-off na parang….. wala din.” Bahagyang nag-isip si Melissa “meron diyan sa kabila… I mean paglabas mo rito dalawang bahay lang ang pagitan sa amin, tatlong pinto iyon gusto mong makita?” tanong niya dito. Umaliwalas ang mukha nito pabor na pabor sa kanya ang lokasyon ng sinasabi ng dalaga. Dahil ang bahay nina Melissa ay malapit sa lahat kung kaya’t walking distance lang kapag pupunta sa palengke o magrereport sa opisina, hindi na sila mamamasahe. Nagpaalam si Melissa sa lola na sasamahan muna niya ang binata sa apartment. Pagdating doon ay kinausap na nila ang kasera, nalaman niyang tiyahin pala ni Melissa ang may-ari, sinabi ng dalagang kaibigan niya ito kaya binigyan pa ng discount 3k, 1 month deposit at 1 month advance. Agad kinuha ito ng binata. Walang inaksayang oras ang dalawa tutulungan pa ito ni Melissa sa paglilinis dahil naka-duty daw ang dalawang makakasama niya. Agad silang nagwalis, nagbalde at naglinis ng bintana. Habang naglilinis sila ay dumating ang mga pinsan ng dalaga at nakitulong na rin. Bandang hapon ay nagpasama ang binata sa kanya na pumunta sa kabilang bayan para mamili nga kakailanganing gamit. Nakaligo na si Melissa ng dumating ang binata ganoon din ito. Nagulat pa siya ng igiya siya nito sa kulay gray na SUV. Napaisip siya kung gaano ba kalaki ang sweldo nito para maka-afford ng ganito kagandang sasakyan.
Pagdating sa kabilang bayan ay pumasok muna sila sa tindahan ng mga gamit sa bahay, nagtanong sila sa saleslady kung saan ang section ng mga kumot at kobre kama. “Naku!sir at mam tamang-tama po naka-sale po kami ngayon, nagbibigay po ng discount ang boss namin lalo na sa mga bagong kasal!” nakangiti pang sabi nito. Napa-awang ang bibig ni Melissa, magsasalita na sana siya ng unahan ni Timothy “see? Honey! Di ba sabi ko sa iyo nagbibigay sila ng discount!” kinindatan niya ang dalaga pinanglakihan naman siya ito ng mata. “Tara po dito sir, ano po bang size ng kobre kama king or queen?” napatingin naman ito sa dalaga nagpapasaklolo hindi niya alam ang size na bibilhin. Ginantihan siya nito hindi ito kumibo. “Ano po kayang size yung kasya sa aming dalawa?” tanong niya sa saleslady, bahagya pa itong ngumiti. Wari’y kinilig pa ang saleslady sa paniwalang honeymooners pa lang ang mga ito. “King size po sir!”. Hindi nakatiis si Melissa “miss double lang ang ibigay mo sa kanya” natawa ang saleslady “may point ka diyan ma’am kasi kapag double size mas magkakadikit talaga kayo pagtulog!”. Nanlaki nang tuluyan ang mata ni Melissa, natatawa naman si Timothy, hinila na palayo si Melissa dahil nahalata niyang kumunot na ang noo nito. “miss pakiready na lang yung double, may titingnan lang kami dito” sabi ng binata sa nagbebenta. Binulungan siya ni Melissa “kanina pa yan ha….bubugahan ko na talaga iyan!” gigil na bulong nito sa binata “kunsintidor ka rin ano?” sita niya dito. Nagkunwaring walang narinig ang binata. “Tatlo lang kami sa apartment, patulong naman ng mga gamit sa kusina na kailangan namin” sabi niya sa dalaga. “Ah…so deadma ka na lang sa sinabi nung saleslady, ganoon ba?” sagot naman ni Melissa, tiningnan siya ng binata “hindi naman….kaya lang wala naman akong magagawa kung iyon ang gusto niyang paniwalaan..” katwiran nito.
Napaisip si Melissa, may katwiran nga ito. Hindi na lang siya nagsalita. Nasa counter na sila ng makita sila ng saleslady kanina “misis…yung kobre kama ninyo po nakalimutan nyo na! Heto po 20% off na po iyan” napipilan si Melissa ang daming tao nang tinawag siya nito, noon naman ay palapit na si Timothy kinakabahan na siya sa itsura ng dalaga. Siya na ang pumila at nagbayad sa counter. Pagkapamili ay kumain muna sila sa fastfood, sinadya ni Timothy na damihan ang order dahil balak niyang i-take out ang iba at ipakain sa pamilya ng dalaga. Tahimik naman ito, hindi na malaman ni Timothy paano pahuhupain ang inis nito mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng saleslady. Pagsakay sa sasakyan ay hindi na ito kumibo. Pagdating sa apartment ay nandoroon na ang kasamahan ng pulis at sila na ang nag-ayos ng mga gamit. “Salamat Melissa….pasensya ka na kanina” hingi niya ng paumanhin dito. Tiningnan lang siya ng dalaga “okey lang…di ba sabi mo hindi mo naman kontrolado kung ano ang gusto niyang paniwalaan”. Isinasara na ng dalaga ang tarangkahan nang siyang labas naman ng mga pinsan at tuwang-tuwang lumapit sa binata, tinanggap ng mga ito ang pasalubong niya napansin ni Ivan ang mukha ng ate “anong nagyari doon?” nagtatakang tanong nito sa binata. Hindi na ito nagsalita ngumiti na lang ang pulis