Kasalukuyang nakahiga si Max sa kama mag-iisang buwan na halos mula ng maghiwalay sila ng nobya, may pagkakataon na hinahanap-hanap pa rin niya ang presensiya nito. Sa dami ng naging girlfriend niya dito siya kay Melissa naging seryoso, natuto siyang magtiis kung ano lang ang kayang ibigay ng dalaga sa kanya. Yung mga nauna niyang nakarelasyon isang buwan pa lang naikakama na niya pero si Melissa hindi basta-bastang babae kaya malaki ang tiwala niya dito. Unang kita pa lang niya dito ay talagang kumabog ang dibdib niya, yung ibang babaeng nakilala niya ay agad nagpapakita ng interes sa kanya pero mailap ang dalaga. Ginawa niya lahat ng paraan para mapasagot ito. Pumupunta siya sa bahay nila pero ramdam niya ang malamig na pakikitungo ng kapamilya nito para siyang nakatuntong sa numero, hanggang holding hands lang sila, nahahalikan lang niya sa pisngi kapag uuwi na siya. Kaya may pagkakataon na hindi na lang siya dumadalaw tutal naman kapag uwian at may oras ay pinupuntahan niya ito sa eskwelahan. Higit isang taon na sila noong magbirthday ang tatay niya at ipinakilala niya sa mga kapatid ang nobya. Gusto si Melissa ng magulang niya, kimi lang ito, hindi maharot, lalong hindi humaharap sa inuman. Kung saan niya lang ito iniwan doon niya lang binabalikan. Hindi nahirapan si Melissa na makisama sa kanila. Kaharap ni Max ang barkada ng magsalita ang isa sa mga ito, marahil sa tama ng alak “pre…hindi ka pa ba mag-aasawa?” napatingin naman siya dito “hindi pa pre kailangan pa ng ipon..”
Nagpapalatak ito “nagtuturo na siya di ba, ikaw naman ganoon din parehong may trabaho kaya nyo na yan!”. Tiningnan ito ni Max “hindi pa naman stable ang trabaho ko ayokong sabihin ng pamilya niya na pinahihirapan ko si Melissa….bata pa naman kami, ayaw naming madaliin ang mga bagay-bagay” sagot nito. Natahimik ang kabarkada niya. “Eh, paano naman si Junjun?” sabay turo sa kanyang alaga, nagtawanan ang mga ito. “Marami naman paraan diyan kung ayaw magbuntis ni Melissa!” susog ng isa. Nakitawa na lang si Max sabay sagot “Ok lang makakapaghintay pa naman si Junjun!” na lalong ikinalakas ng tawanan ng mga ito.
Nakita niya ang nobyang kausap ng mga kapatid, maghihintay siya sa panahong handa na ang dalaga.
Ikalawang anibersaryo nila, nagtuturo na si Melissa noon sa kabilang bayan. Natapat namang Linggo
May lakad ang magulang niya. Nagpaluto muna siya sa ina ng kaldereta, bumili na rin siya ng cake at red wine. Naabutan pa ni Melissa ang magulang ni Max, sabay-sabay silang kumain ng pananghalian. Pagdating ng hapon ay lumakad na ang mga ito, naiwan silang dalawa sa bahay. Maya-maya ay piniringan siya ng binata may surpresa raw sa kanya. Hinila siya nito sa kuwarto, nagulat siya ng makita ang petals ng red roses na nakakalat sa sahig. Inabutan siya ng red wine, pinaupo siya sa gilid ng kama. Hindi sanay uminom si Melissa, gumuhit agad sa lalamunan niya ang lasa nitong manamis-namis na may halong pakla, napangiwi ang dalaga. “Red wine na lang hindi pa maganda ang lasa!” pintas nito. “Try mo ulit, isa pa para masanay ka!” sinalinan muli ang baso ng dalaga. Naka tatlong lagay siya sa baso nito, nakaramdam namang ng konting init si Melissa. Habang iniinom ito ni Melissa ay nakatitig lang si Max sa nobya, napakaganda talaga nito, hindi siya nakapagpigil hinapit niya ito at hinagkan, nagpaubaya ang dalaga “Happy anniversary love!” ng bumitiw ang labi niya dito. “Happy anniversary din!” muling hinagkan ni Max ang dalaga, napapikit ito.
Hinawakan ni Max ang baso at ibinaba ito sa side table. Inihiga niya ang dalaga, ngayon lang talaga siya nagkaroon ng pagkakataon na masolo ito sa kwarto niya.
Hnalikan niya muli ito sa labi na bahagyang nakaawang, impluwensya marahil ng alak naging maalab din ang halik ng dalaga. Iniwan ng labi niya ang labi nito, pumunta ito sa may tenga ng dalaga, “Ohhh…!!” narinig niya ang ungol nito. Bumaba ang halik niya sa leeg nito, sa may batok. “Ohhhh….!!” Lalong lumakas ang ungol nito na parang musika naman sa tenga ng binata. Naglakbay na ang kamay niya sa balakang nito, ipinasok ang kamay sa loob ng blouse. Hinimas-himas niya ang impis na tiyan nito. Pumunta ang mga kamay sa likod ng dalaga, inapuhap ang hook ng kanyang bra. Matagumpay niyang naitaas ang blouse nito. Natanggal na rin niya ang hook ng bra nito. Bumaba siya sa may tiyan nito, sinimulan niya itong hagkan pataas papunta sa mayamang dibdib na inaasam niya. Napaliyad na ng tuluyan ang dalaga. Nakaramdam ng excitement si Max alam nya makukuha na niya ito finally. Hinubad na niya ang blouse ng dalaga at tumambad na ang mag dibdib nitong noon niya lang nakita. Tinakpan ni Melissa ang kahubaran gamit ang dalawang kamay. “Gusto kong makita love….!” Tinitigan niya itong mabuti, then he sucked it one by one…slowly… gently. Di alam ni Melissa paano ang gagawin. Pinagtagal ni Max ang mga labi doon “Ohhhh…Max…Max…! sambit ng nobya. "Ang sarap....love!" ungol naman ng binata. Napaliyad naman ang dalaga, nakapikit siya gusto sana niyang makita ang ginagawa ng nobyo pero nakakaramdam pa siya ng hiya. Sa dalawang taon nilang relasyon noon lang nila ginawa ang bagay na naririnig lang niya sa mga kaibigan niya. Maya-maya pa naglakbay muli ang mga kamay ni Max sa hita ng dalaga. Nakapantalon ito, bumaba na ang labi niya papunta sa tiyan ng nobya. Biglang nagring ang cellphone ng dalaga, nadistract ito. Naramdaman ito ni Max kaya kagyat niyang ibinalik ang labi sa mga labi nito, kinontrol niya ang kamay nitong nag-aapuhap sa bag. Tumigil ang ring pagkaraan ng ilang sandali. Bahagyang nakalimot si Melissa, pero umulit muli ang ring. “Sandali lang Max..!baka emergency!” pigil niya sa binata. Tinitigan siya ng binata sinapo sa mukha “Love…sa akin muna attention please…!” malamlam na ang mga mata nito larawan ng paghahangad sa kanya. “Saglit lang….!” bahagya na siyang itinulak ni Melissa palayo sa katawan. Tinakpan ang kahubdan saka sinagot ang cp, pero lumapit si Max at itinuloy ang paghalik sa dibdib niya, napaliyad muli ang dalaga “He-hello….!” namamaos ang kanyang boses.
. “Anak….!” sabi sa kabilang linya nang marinig ang boses ng ina ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig itinulak ang nobyo “Ma…ma…bakit po?!” sumenyas sya sa nobyong tumigil muna, nakakaunawang lumayo ito. “Ano?! Saan?!” napalingon si Max sa boses ng nobya halatang nataranta.
“Opo!opo ma! Pupunta na ako….” Naiiyak ng sabi ng dalaga. Binilisan niya ang kilos inayos ang sarili. “Bakit?” naguguluhang tanong ng binata. “Si lola nasa ospital, nadapa daw” sabi ng umiiyak na dalaga.
“Ano?!” hindi malaman ng binata ang mararamdaman sa dami talaga ng pagkakataon noon pa nangyari iyon nagmamadaling nag-ayos ang dalaga, nakaupo lang si Max habang tinitingnan ang pag-aayos nito.
Sa ganoon natapos ang araw na inaasam ni Max. Nang mga sumunod na pagkakaton sa tuwing tatangkain niya ay umiiwas ang dalaga. Nang minsan manood sila ng sine, sinubukan niya muling gawin ang ginawa nila noon sa bahay nila pero hindi komportable ang dalaga.
Third anniversary nila, kinayag niya itong magstaycation sa condo ng kaibigan niya sa Manila pero hindi natuloy ang gusto niya may period ang dalaga. Nung oras din na iyon umuwi sila
Sa ganoon lang umikot ang relasyon nila. Hindi na naglevel-up kumbaga. Gusto sana niya itong kayagin ng magsama sila pero alam niyang hindi ito papayag. Madalas ay tinutukso siya ng mga kabarkada kung hindi ba siya naalangan kapag sinusundo ito, professional ang nobya, maganda ang porma siya naman ay namamasukan lang sa factory. Tumatawa lang siya pero ang totoo may mga pagkakataon na kinukurot ang puso niya lalo na kapag nakakasabay ni Melissa ang mga co-teachers nya. Kaya kapag sinusundo niya ang dalaga, sinisikap niyang lagi siyang presentable. Nagsisikap naman siya subalit on and off ang trabaho sa kanya. Nahinto siya ng pag-aaral noong second year college na siya sa kursong Banking and Finance. Nalugi sa negosyo ang magulang kaya napunta ng Bulakan, subalit mailap na ang magandang kapalaran sa kanila.
Sa mga pagkakataong kasama niya ang mga barkada ay nagiging laman siya ng tuksuhan, halos lahat ng kabarkada niya kiss and tell, dati niyang ginagawa iyon pero pagdating kay Melissa hindi niya kaya kaya ramdam ng mga kabarkada niyang hindi pa niya nakukuha ang dalaga. Minsan naitatanong niya sa sarili kung mahal ba talaga siya ng dalaga bakit ayaw ipagkatiwala sa kanya ang isang bagay na hinahangad niya. Kung sakali man na may mabuo, handa naman siyang panagutan subalit iba ang prinsipyo nito. Nang minsang magkatuksuhan ninais na niyang kunin ang dalaga noong oras din na yun na andun mga barakda niya para patunayan ang p*********i niya subalit cannot be reach. Nito ngang huli na-pressure na siya, gusto nyang patunayan sa sarili na mahal siya ng dalaga pero matigas ang paninindigan nito.
Natigil ang pagmumuni-muni niya ng maramdamang kumislot ang babaeng katabi niya sa kama, nandoroon siya sa bahay nito pareho silang walang saplot. Napatitig siya dito….ang babaeng ito’y walang alinlangang ibinigay ang pangangailangan niya. Sa ilang linggong pagniniig nila’y wala siyang narinig na reklamo dito o kahit siya. Kahapon nga sa inuman nila ng mga katrabaho naipagmalaki niya ang mga ginagawa nila. Si Trina ang nagbangon ng pride niya bilang lalaki. Ang lambot ng katawan nito’y mistulang posporong nagpainit muli sa kanyang katawan. Umiba ng posisyon ang babae kumubabaw sa kanya sabay ngiti nang buong tamis. Nawala na sa isip niya si Melissa.. alam niya isang araw makakalimutan na rin niya ang dating nobya na hindi kayang ipagkatiwala ang sarili sa kanya. Dito siya sa babaeng makapupuno ng kanyang pangangailangan.
Napapikit siya nang halikan siya nito at bumaba ang halik sa leed hanggang sa may dibdib niya. Nagdesisyon na siyang kakalimutan na ang dating kasintahan sa tulong ni Trina.