CHAPTER 5 MELISSA SALCEDO

2154 Words
Ilang linggo na wala pa ring paramdam ang nobyo. Sa pakiwari ni Melissa iyon na ang huling away nila at tuluyan na silang hindi magkikita. Lumaki si Melissa sa bayan ng Bulakan, ang lolo niya ay isang retiradong sunadalo, samantalang housewife naman ang kanyang lola. Napagtapos nila ang mga 5 anak, maliban sa ama ni Melissa na nalulong sa sugal at babae. Nang malaman ito ng kanyang mga lolo ay pinaalis sa bahay nila ang sariling anak, maprinsipyo ang lolo ni Melissa hindi niya kukunsintihin ang pagkakamali kahit pa sa sariling anak. Ang ina naman ni Melissa ay tubong Iloilo City sa edad na dose anyos ay nakipagsapalaran na sa Maynila hanggang sa mapadpad sa Bulakan sa tulong ng mga kapatid. “Ha-hana-napin mo si Me-li-ssa!” narinig ni Melissang dumadagundong na naman ang ang pautal-utal na boses ng kanyang lolo. Nagmamadali siyang pumanhik sa hagdan alam niyang galit na naman ito, na stroke ang lolo niya noong siya ay elementarya kaya ingat na ingat siyang magagalit ito. High school na siya pero sumusunod pa rin siya sa mga rules sa bahay. Ang pasok nila ay ala- siyete ng umaga walking distance lamang ang private school na pinapasukan niya sa kanila alas-tres naman ng hapon ang uwian. May pataan pa siyang isang oras kailangang alas-kuwatro ay nasa bahay na siya, dumaraan muna siya sa ina sa palengke bago umuwi ng bahay. Anupa’t eskwelahan at bahay lamang ang naging buhay niya, may mga kaibigan naman siya pero hindi siya makagala tulad ng mga ito dahil sa kahigpitan ng dalawang matanda. “Andito na po ako lolo!” bati niya sa matanda. Lumiwanag na ang mukha ng kanyang lolo, pagkapalit ng uniporme ay inakay na niya ang lolo niya sa hagdan sabay silang umupo doon at nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa. May pasalubong siyang toasted mamon, pinagsaluhan nila ito. Pagkaubos ng biskwit ay adobong mani naman ang kanilang kinain. Tuwing Linggo ay nagsisimba sila ng kanyang lolo, ang kahungkagan sa presensiya ng ama ay napunan ng lolo at mga tiyuhin na hindi nagpabaya sa kanila. “Masungit” sa ganyan naman ilarawan ang kanyang lola maaga siyang tinuruan nito ng mga gawaing bahay at mahigpit sa pagbabantay ng kanyang mga kilos. Titig pa lang nito ay nagkakaintindihan na sila, fourth year high school siya ng mamatay ang lolo na labis niyang ipinagdamdam. Nagkolehiyo siya sa Bulacan State University, gusto sana niyang kumuha ng Political Science sa PUP subalit ayaw siyang payagan ng mga ito. Nagtapos siya ng kursong BSED- major in Filipino. Edad disinuebe nang makilala niya si Max “pagbilhan…..gulaman nga” narinig ni Melissang sabi ng lalaki abala siya sa pagrereview midterm na nila Lunes, dahil Sabado kinailangan niyang tumulong sa ina sa palengke. Ibinaba niya ang notebook at tiningnan ang lalaki. Malamlam ang mata, matangos ang ilong, maputi, alon-alon ang buhok pero di naman kulot sa unang pagkakataon ay kumabog ang puso ni Melissa. “Ilan?” tanong niya dito, walang kangiti-ngiting sagot niya sa kaharap. “Tatlong baso” sagot naman nito, kita niyang tagaktak ang pawis nito sa noo, nakasando, jersey short at rubber shoes halatang galing sa paglalaro ng basketball. Noo’y dumarating ang dalawa pang kasama nito, binati ng isa si Melissa “Kamusta ka na Melissa?” Ngumiti naman ang dalaga dito at sumagot “mabuti naman”. Kaklase ito ni Melissa noong High School, ipinakilala nito ang dalawang kasama sa kanya. Nag-abot ng kamay si Max pero hindi ito tinanggap ni Melissa, hindi kasi siya sanay sa ganoong pormal na pagpapakilala. “Iyon pa rin ba ang number mo?” tanong ng kaklase nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga. “May notebook ka pa diyan, nagrereview ka ba?” Puna nito sa kanya dahil ipinatong lang niya ang notebook sa ibabaw ng mesa. Tumango naman ang dalaga. Nakatingin lang si Max sa kanila, nakikinig lamang ito sa usapan. Nagpaalam na ang kaklase ng maubos na ang inumin “sige Melissa, uwi na kami salamat!” “Okey, thank you din!” sagot naman niya. Pagtalikod ng mga ito ay naihampas ni Melissa ang notebook niya sa noo, sa ilang minutong uminom ang grupo nito ni hindi man lang niya tinitigan o nginitian ang kasama nitong guwapo. Hindi kasi siya tulad ng ibang kabataan nagpapakita agad ng kilig kapag gwapo ang kaharap “matanda sa una, dalagang Pilipina” sa ganito siya ilarawan ng mga nakakakilala sa kanya. Lumaki siya sa palengke pero hindi siya palengkera marahil ay impluwensya ng nakalakhan niyang pamilya. Kinagabihan ay nakatanggap siya ng text. “Hi! Si Max ito iyong kasama ni Edwin kanina” pakilala nito sa kanya. Hindi siya sumagot agad wala naman siyang load. Nagtext muli ito “saan ka nag-aaral? Anong course mo?” kilig na kilig siya sa text ng lalaki nagpapakita na ito ng interes sa kanya, hindi naman niya masagot dahil hindi na siya pwedeng bumaba para magpalod dahil gabi na. Nakatulugan na niya ang ganoong damdamin. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng friend request muli dito sa sss. Pagkalipas ng ilang araw ay pumunta ito sa palengke na ikinagulat naman niya dahil kagagaling niya lang sa school at naka-uniporme. Bumili muna ito ng palamig saka turon doon na raw kakainin.“Saang uniform yan?” tanong nito sa kanya. “BSU” sagot naman niya. “Education pala course mo” sabi nito napamaang siya nagtataka kung paano nito nalaman, huli na ng mapagtanto niyang suot pa pala niya ang Id niya. Wala noon ang ina umuwi sandali sa bahay. “Third year ka na pala, anong major mo?” tanong muli nito sa kanya “Ah, eh… Filipino” tipid na sagot niya. “Iyon pa rin ba number mo? Noong nagtxt kasi ako hindi ka naman kasi nagrereply kaya iniisip ko baka hindi naman iyon ang gamit mo”. Alanganing sumagot si Melissa. “O-oo iyon pa rin naman, wala kasi akong load saka gabi na yun ayokong lumabas ng bahay kapag gabi na”. Nangiti naman ang binata. Nagpaalam na ito ng mapansing parating na ang ina. Ilang araw na siyang pumupunta sa palengke tinitingnan niya baka matiyempuhan niya ang dalaga. Pagtalikod ng binata ay kilig na kilig naman si Melissa, dinama niya ang puso ang lakas ng t***k nito, kanina nanlalamig ang palad niya habang kausap niya si Max. Pagkaraan ng ilang linggo ay nasorpresa ang dalaga paglabas niya sa gate ng school ay nandoroon na ang binata. Nagtataka siya paano nalaman nito schedule niya gayong wala naman siyang sinasabihan. “Si Jessica pala ay kaklase mo, kapitbahay namin yun sa kanya ko nalaman ang schedule ninyo” paliwanag ng binata sa kanya habang naglalakad. “Ah!” sagot naman niya di niya alam ano ang sasabihin dahil natataranta na siya. Kinayag siya nitong kumain muna at pinaunlakan niya. Nang sumunod na araw ay nandoroon muli ang binata at sinusundo niya, ang bata niyang puso sa unang pagkakataon ay talagang dumadagundong tuwing makikita niya ito. Isang beses ay pumormal ito sa bahay nila subalit ang pakiusap ng lola ay hayaan muna siyang makapagtapos. Akala ng matanda ay naintindihan ng binata ang pakiusap niya. Subalit hindi ito tumigil, itinuloy pa rin ang paghatid at pagsundo sa dalaga makalipas ang ilang buwan ay napasagot niya ang dalaga. “Sikreto lang muna tayo ha….mahigpit kasi sa bahay” pakiusap noon ng dalaga na sinang-ayunan naman ng binata. Nang mag 4th yr ang dalaga ay nakakita ng pagkakataon si Max para makita ito ng madalas, nag practice teaching ito sa paaralan na malapit lang sa kanila. Ilang buwan na silang mag-on pero kahit kailan ay hindi pa niya ito nahalikan man lang, hindi rin sila makapanood ng sine dahil lagi itong busy kapag weekend. Napaaga ang labas nina Melissa, 9 a.m pa lang pinauwi na ang mga bata may bagyong paparating kaya sinuspinde ang klase, nang mga oras na yon ay nasa may gate na si Max inaabangan ang nobya, paglabas nito ay kinayag niya itong magpunta sa kanila. Wala noon sa bahay ang magulang ni Max, lumuwas sa Maynila. Alanganin si Melissa pero pumayag na rin pagpasok niya sa apartment ay agad siyang inasikaso ng nobyo. “Mamaya ka na umuwi, dito muna tayo ngayon lang kita nasolo ng ganito” sabi niya sa dalaga, pumayag ang dalaga. Isinara ng binata ang pinto at binuksan ang tv, abala sa pinanonood ang dalaga. Tumabi dito ang binata, niyakap siya. Halos malunod ang puso ni Melissa sa unang pagkakataon noon lang niya naranasan na mayakap ng isang lalake. Nagtama ang mata nila, pumunta ang labi nito sa kanyang pisngi dinampian siya ng halik doon. Nagulat si Melissa, ramdam niya ang pag-iinit niyon. Maya-maya pa ay hinawakan nito ang mga labi niya tinitigan nang unti-unting lumapit na ito sa kanya ay naramdaman na niyang sumayad ang labi nito napapikit siya. Napatitig ang binata sa dalaga pagkaraan niyon. Nakangiti ang binata “Ako first kiss mo ano?” tanong nito sa kanya. Pulang-pula na ang mukha ni Melissa “O-oo!” Niyakap siya muli nito. Naghinang muli ang kanilang mga mata at inulit ng binata ang paghalik sa labi ni Melissa, bahagya na itong umawang tuluyang pinapasok ang estranghero dahan-dahan, malambing at matamis ang unang halik ni Melissa. Hindi alam ni Melissa paano tumugon sa halik nito. Hinayaan niyang turuan siya ng binata, naghiwalay ang mga labi nila ng maramdaman ni Melissang kinakapos na siya ng hininga. Tumigil sandali ang binata, itinuon ang atensyon sa pinanonood. Makalipas ang ilang sandali ay inulit niya ang paghalik sa dalaga. Naramdaman na niyang sumusunod na ito sa ginagawa niya. Bumaba na ang halik nito sa leeg niya, napapikit ang ito nakaramdam siya ng kakaibang kiliti na hindi niya alam saan nanggagaling. Bumalik ang halik nito sa mga labi niya. Naramdaman niyang naglalakbay na ang mga kamay ng binata sa kanyang katawan, nang maramdaman niyang ibinubukas na nito ang butones sa suot niyang uniporme ay bumitiw siya sa paghalik dito. Pinigilan niya ang mga kamay nito. “Tama na Max…!” awat niya sa binata, saglit itong tumitig sa kanya “Ayaw mo ba?” tanong niya sa dalaga, tiningnan siya nito “hindi kasi tama….baka mapasubo tayo pareho” sabi ng dalaga. “Pananagutan ko naman kung sakali!” depensa ng binata. Praktikal si Melissa, “mas mahirap kapag napasubo tayo … hindi pa tayo handa. Marami pa akong pangarap sa buhay.”. Napatayo ang binata “ngayon lang naman natin ginawa ito” nagtatampong himig ni Max tiningnan niya ang dalaga, hinihintay niyang amuin siya nito pero tumayo na si Melissa “Uuwi na ako Max…baka hinahanap na ako sa amin!” nag-aalalang sagot nito akmang tatayo. Hinila siya ng binata sa braso, niyakap “sorry na…hindi ko na uulitin, hindi ko na ipipilit kung ayaw mo…”. Gumanti ng yakap ang dalaga, “sorry din…mahirap kasing mapasubo sana maintindihan mo”. Bahagyang tumango ang binata “isa pa please….bago ka umuwi ang tamis kasi!” nagpacute pa siya sa nobya. Hinalikan niya ito, malambing subalit damang-dama ang init, gumanti naman ang dalaga. Nang sumunod na araw ay unti-unti ng nakapag-adjust si Melissa sa nobyo, hinanap-hanap na rin niya ang mga halik nito. May pagkakataon na isinasama siya ng nobyo sa bahay nila kapag maaga ang uwian. Nakarating ang balita sa bahay nina Melissa dahil ang isang estudyante niya ay anak ng kakilala ng ina sa palengke. Galit na galit ang mga ito.Pinapunta sa bahay si Max. “Binata…hindi mo ako pinakinggan noong sinabi kong wag muna di ba?” sabi ng lola niya, magkakaharap na sila ngayon sa salas. Hindi makatingin ang binata “Mahal na mahal ko po si Melissa, lola…” sinulyapan niya ang dalagang katabi, hinawakan ang kamay nito, sumulyap naman ang dalaga sa kanya. Muling nagsalita ang matanda “O buweno mukhang hindi kayo paawat! Sige malaya kang makakapunta dito pero tuwing weekend lang”. “Talaga po?! Salamat po lola” tuwang-tuwang tugon ng binata, nakangiti itong sumulyap kay Melissa. “Wag lang kayong gagawa ng isang bagay na labis nyong pagsisihan” bilin naman nito sa dalawa saka tumayo. Pag uwi ng binata ay hinarap ng matanda ang apo “bukod sa gwapo, ano pa ang nagustuhan mo kay Max?” tanong nito sa dalaga. “Mahal niya po ako lola!” nakangiti nitong sagot sa matanda. “Mag-ingat ka lang apo, hindi taal na taga-rito iyan, mas matanda pa sa iyo ng tatlong taon baka kung anu-ano ang ituro niyan sa iyo. Mukhang marami ng alam sa pakikipagrelasyon baka paluhain ka lang….magtira ka para sa sarili mo”. Tumango naman si Melissa sa tanang buhay niya noon lang siya sumuway sa kagustuhan ng kanyang lola mahal niya si Max. Naging routine na nga ang pagsundo at paghatid ni Max sa dalaga nakakapunta na ito sa bahay nila subalit malamig na malamig ang pakikitungo ng kanyang kapamilya at batid niyang nahahalata ito ni Max.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD