THE GRANNY

2007 Words
Habang naglulunoy si Max sa kandungan ng iba ay kasalukuyang nasa parke naman sina Melissa at Timothy, dito muna siya nagpababa, marahang sinimsim nito ang milk tea na binili ng binata. Napansin niyang sumusulyap-sulyap ito sa cp “may hinihintay ka bang tawag galing sa boyfriend mo?” tanong niya. Para namang kinukutkot ang puso niya sa sarili niya tanong. “Wala na kami!” mabilis na sagot ni Melissa sabay tingin sa kanya. “May kinalaman ba iyan sa nangyari kanina?” hindi na niya mawari ang nararamdaman niya kung hindi siya nagkakamali batay sa itsura ni Melissa at sa nakita niya sa katawan nito, parang gusto niyang puntahan ito at suntukin. Umiling lang ang dalaga sa kabila ng ginawa ng nobyo’y mahal pa rin niya ito hindi madaling itapon ang apat na taong relasyon, hindi niya lang maintindihan kung bakit ito nagawa sa kanya. “Saka na lang siguro kapag handa na ako pero sa ngayon wag muna magulo pa ang lahat!” Napatango na lang si Timothy, napaisip siyang mukhang matatagalan pa bago pa siya makapasok sa puso ng dalaga. Tumabi siya sa upuang bakal na inuupuan ng dalaga, tinanaw nila ang mga batang naglalaro, mga kabataang nagkakantahan habang may ibang kabataan naman nagsasayawana. "Mabuti pa sila no.....walang masyadong problema. Mapapa-sana-all ka na lang talaga!" naiiling na sabi ni Melissa. "Bahagi naman ng buhay natin ang problema, depende na lang kung paano natin dalhin" sagot naman ng binata, napasulyap siya sa binatang katabi, may lalim agad ang sinasabi nito. "Hindi pa tayo masyadong nagkakakilala, ilang taon ka na ba Melissa?" tanong nito sa kanya. "Twenty-three" sagot ng dalaga, "eh ikaw naman?" balik tanong naman niya dito. "Twenty-seven" sagot naman ng binata. "Ilang buwan ka na ba dito sa Bulakan?" tanong muli niya sa kausap. Tumingin muna ito sa malayo bago sumagot "eight monhs na ata....pero alam mo gusto ko itong bayan nyo". Bahagyang nagulat ang dalaga " talaga? Samantalang yung ibang mga taga-rito layasan nang layasan, wala raw asenso". litanya niya sa binata. "Tahimik lang kasi dito, walang masyadong krimen, nakawan lanag karamihan ng kaso namin, minsan nga ang boring!" sagot nito sa dalaga. Bahagyang natawa ang dalaga. "Bakit ano ba ang gusto mo may aksyon, yung tipong nanghahabol kayo, tapos may barilan?!" pambabara niya dito, hindi naman napikon ang binata sinagot siya ng may himig pagbibiro "hindi naman kaya lang mahirap din pag hindi na masyadong nagagamit ang tuhod!". Nagkangitian sila, kahit paano gumaang-gaan ang dibdib ni Melissa matapos ang nangyari. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ang dalaga "mauna na akong umuwi baka hinihintay na ako ni lola, makukurot ako noon!". Tumayo na rin ang binata "ihahatid na kita!" hindi na hinintay na sumagot pa ang dalaga. Pagdating sa tarangkahan ay nakadungaw na pala doon sa bintana ang kaniyang otsenta anyos na lola, palibahasa’y naka-unipormeng pampulis abot langit ang ngiti nito. Kagyat pinapanhik ang bisita ng apo. Pagpanhik sa itaas ay agad ipinakilala niya ang pulis sa lola. "Lola si Police Leutenant Timothy Castro po, siya po yung isa sa humawak ng kaso ni kuya." Minasdan ni Timothy ang bahay pagpanhik sa itaas. Yari sa kahoy at bato ang bahay-matanda, walong baitang bago makapanhik sa itaas, maluwang ang salas, ang bintana ay yari sa kapis, lagusan ang hangin dito. May tatlong malalaking kuwarto, ang sahig ay makintab at madulas halatang alaga sa floorwax. Pagpasok ay makikita ang malaking sofa na kulay maroon. May mga gamit doon na halatang luma na tulad ng transistor at orasan. “Mabuti’t nakapunta ka dito sa amin, iho!” bati ng lola. Agad namang nagmano ito sa lola niya na lalong ikinaluwang ng ngiti nito. “Inihatid ko lang po si ma’aam lola, nakita ko po sa parke! Aray!” napaigtad ito sa kurot ni Melissa sa kanyang tagiliran. Kinabahan ang dalaga baka madulas ang dila nito. Agad pinaupo ito ng lola at inutusan ang apo na ipaglabas siya ng minatamis na santol na luto nito. Takang-taka namang sumunod si Melissa “Ano kayang nakain ni lola at ipapakain sa bagong kakilala itong minatamis niyang santol?!” Pagpanhik sa itaas ay naabutan niyang nagkakatuwaan ang dalawa. “Aba! Close agad kayo sir ah!” bati niya. “Tikman mo Timothy itong minatamis kong santol, hahanap-hanapin mo yan!” pagmamalaki ni lola. Agad ngang kumuha ng serving spoon ang pulis at tinikman niya, nanlaki ang kanyang mga mata, matamis at makunat. “Wow lola!! Ang sarap po promise!” papuri niya sa luto ng matanda. Ngumiti naman nang maluwang ang matanda. Sinimulan na niya ang interview portion sa pulis na kaharap. “Ilang taon ka na ba Timothy?” tanong ng matanda sa pulis “Twenty-seven na po ako lola ” nakangiting sagot nito habang sige ang nguya ng santol. “May asawa ka na ba?” follow-up ng lola niya. Napatingin si Timothy kay Melissa bago sumagot. “Wala pa po lola, kahit ipa-chek nyo po sa PSA ang status ko, naghahanap po ako baka may mairekomenda po kayo” natatawang sagot nito sa matanda. “Naku!meron! hayaan mo’t kapag natanggal na helmet at nagising na eh!una na kitang sasabihan” napatingin si Melissa sa lola. Noon pa man ay ayaw na nito kay Max, mabigat na dugo niya. “Ano po kaya ang pwede kong gawin lola para gustuhin niya ako kung sakali?” pangiti-ngiti nitong sulyap kay Melissa na noong mga oras na iyon ay nahihiwagaan kung ano ba ang ipinakain niya sa matanda. “Wag kang mag-aalala akong bahala sa iyo, hangga’t nabubuhay ako hindi siya mapupunta sa lalaking iyon!” sagot ng matanda “taga-saan ka nga ulit?" tanong muli ng matanda. “Urdaneta po Panggasinan” lalong nagpapalatak ang matanda halatang siyang-siya sa takbo ng usapan. “Taga-roon ang namayapa kong asawa….anong angkan kayo doon?!” nasasabik ng tanong nito. “Mga Castro po taga-roon po talaga mga ninuno ko” sagot naman nito. “Eh! Di marami kayong sakahan doon?” sabay tingin sa apo na nakikinig lang. Alanganin namang sumagot ang binata, napakamot pa ng ulo. “Medyo po….lola!” sagot naman nitong tila nahihiya pa. Pinag-aralan naman ni Melissaa ang kilos nito, ngayon nya lang nalaman ang lahat dito. “Pang-ilan ka sa magkakapatid?” napailing na lang si Melissa mukhang hindi titigil ang lola. “pangalawa po sa bunso, apat po kami nasa US na po ang panganay isa po siyang doktor doon, iyong bunso naman po namin ang katuwang nina mama at papa sa……” napatigil sa pagsubo ang pulis, nag-aalanganin pa siyang magkwento. Inawat na ni Melissa ang lola. “Lola, tama na iyan….hindi naman siya nag-aaply ng trabaho lahat na ata ay inalam mo, nakakahiya naghatid lang po siya dito…ano ba yan lola?”. Tiningnan siya nang matalim ng matanda malaki na siya pero pag ganitong tinginan kinakabahan pa rin siya sa lola niya. Ibinalik muli ng lola ang tanong sa kausap. Isinubo na lang ni Melissa ang minatamis na santol. “Paano kapag nakapangasawa ka ng taga-Bulakan, ano ang gagawin mo?” Nabigla sila ni Timothy sa tanong ng matanda, napaubo si Melissa inabutan siya agad ng tubig ni Timothy at hinagod sa likod. Nangiti na lang ang matanda, siyang-siya sa eksenang nakikita. “O siya, wala na kong tanong…pero dalawin mo ako palagi ha…minsan kasi naiiwan na lang akong mag-isa dito gabi na dumarating iyan lalo na kapag maraming trabaho sa school!” sabay tinging nagtatampo sa apo. “Pero salamat na rin, sinabi kasi ni Melissa na inalalayan mo siya noong nakaraang linggo sa kaso ng kapatid niya, salbahe talaga pamilya ng babaeng iyon”. “Opo lola! Makakaasa po kayo lagi ko po kayong dadalawin.” Makahulugan ang tinginan ng lola at ni Timothy. Pag-alis ng binata ay inihatid ito ng dalaga sa tarangkahan "salamat ulit kanina!" ngumiti nang matamis ang binata "wala iyon kahit ilang beses mong kailanganin ang balikat ko magsabi ka lang!" kumaway din ito sa matanda na noo'y nakadungaw sa balkonahe. Naglinis na ng katawan si Melissa at nagpalit ng damit. Pagdating ng hapunan ay sabay-sabay silang kumain, hindi maiwasang hindi pag-usapan ang bisita noong hapon ding iyon. “Magalang si Timothy, Melissa at….binata pa!” panimula ng lola, napatigil sa pagsubo ang manugang at nagtanong ang mga mata kaya Melissa. Gabi na rin kasi siya umuwi kaya hindi niya inabutan ang sinasabi ng biyenan. “ Si Timothy ba yung pulis na nakilala natin noong nakaraang linggo?” tanong niya sa anak. “Opo,ma…inihatid po niya ako kanina, nakita po niya ako sa parke. Ewan ko po ba ay lola parang si Boy Abunda kung magtanong, fast talk!” natatawang sagot niya. Natigilan si Alice, tiningnan ang anak. “Manliligaw ba sa iyo anak…hindi ba’t may nobyo ka na?” naguguluhang tanong niya dito. “Ma, hindi po inihatid lang ako kanina, asyumera lang po talaga si lola, manapa’y naka-uniporme pa kanina kaya siya ganyan.” Natatawang sagot niya sa ina saka sinabing “Break na po kami ni Max!” nanlaki ang mata ng lola, nagkatinginan ang magbiyenan. “Talaga ba apo….final answer na ba iyan?! Wala ng bawian yan ha!” natatawang sabi nito. Nagtatakang napatingin naman ang ina sa anak. Batid niyang mahal ito ng anak kaya nga kahit tutol sila wala silang nagawa, hinayaan na lang nila siya sa desisyon niya. “Pag humingi po siya ng sorry tatanggapin ko po ulit!” pahabol niya sa lola, naningkit ang mata nito. “basta ako apo…una palang sinabi ko na sa iyong ayoko sa kanya, hindi na uso ang puro pag-ibig lang, hindi pwedeng guwapo lang kailangan may pinag-aralan at may permanenteng hanapbuhay. Hindi ka mapapakain ng pogi, mag-isip kang mabuti. Ang lolo mo hindi guwapo pero minahal ko, hindi siya talaga ang nobyo ko pero dahil noong araw mahawakan ka lang sa kamay kailangan ka ng pakasalan eh, wala na akong nagawa. Hayun nakasal kami, sundalo siya noong panahong iyon sa hirap at ginhawa itinaguyod namin ang pag-aaral ng mga tito at tita mo. Ngayon pensyonada ako….kung pogi lang ang pinili ko baka nagtatrabaho pa rin ako hanggang ngayon o di kaya nakaratay na ako sa banig dahil walang pangsustento sa gamot” litanya ng matanda, pagka ganoong usapan hindi na sumasagot si Melissa alam niyang may punto ang kanyang lola. “Siguro…lola kaya kayo ganyan kanina kay Timothy naaalala mo si lolo kapag nakasuot ng uniporme!” natatawang sagot ng dalaga. Sumenryoso bigla ang matanda, tiningnan siya “Oo apo at iba ang pakiramdam ko sa isang yan….kaya wag mo ng pakawalan!” napuno ng tawanan ang kusina ng mga oras na yaon. Pagpasok sa kwarto ay humiga si Melissa, binalikan niya ang nangyari maghapon, hindi niya maiwasang hindi maluha pag naalala ang dating nobyo at ang kapangahasan nito sa kanya. Di niya akalaing ipagpipilitan nito ang isang bagay na hindi pa niya kayang ibigay. Nanghihinayang siya sa loob ng apat na taon, emotional investment kung baga. Nagtataka pa rin siya sa ikinilos nito kanina, magkagayunman buti na lang naisalba niya ang sarili niya. Hinawakan niya ang cp umaasa siyang magtetext man lang ito o tatawag para magsorry sa kapangahasan niya pero naghintay lang siya sa wala Samantala duty ng gabing iyon si Timothy, nangingiti siya kapag naaalala ang usapan nila ng matanda. Magaang ang loob nito sa kanya at ganoon din siya. Dahil break na sina Melissa at ang boyfriend nito naramdaman niyang may tsansa na siya lalo na’t kung yung lola muna ang susuyuin niya na mukhang hindi naman siguro siya mahihirapan dito dahil malambing siya lalo na sa matatanda. Mas mahihirapan ata siyang makapasok sa puso ni Melissa dahil alam niyang matagal ang pinagsamahan nila ng nobyo at kung gaano man katagal handa niyang sugalan iyon. Subalit naisip niyang hindi muna dapat agad-agad kahihiwalay pa lang nito ayaw niyang pilitin dahil baka ma-pressure lang ang dalaga at sapilitan lang ang gagawin nitong pagsagot sa kanya kung sakali man, baka sa huli masaktan lang siya. Kakaibiganin niya muna ito pati ang pamilya ng dalaga sa pakiwari niya, may magandang samahan ang nakatira sa bahay na yaon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD