Hawak na ni Melissa ang sulat na nagsasaad kung saan at kailan siya magtatake ng board exam for professional teachers. “Ramon Magsaysay High School” basa niya sa sulat, nakalagay na kailangan before 7:00 a.m ay nandoroon na siya, pack lunch, hanggang 4 p.m Napangiti siya ito na ang matagal niyang inaasam ang makakuha ng board. “Kelan ba yan anak?” usisa ng ina niya, “next week na po Sunday po ito” sagot naman niya. Bahagya siyang nalungkot noong panahon na pumunta siya sa PRC si Max ang kasama niya, ngayon magta-take siya ng board ng siya lang mag-isa. Pumunta siya sa kwarto bahagyang nagpahid ng luha araw-araw umaasam siyang makikita muli ito “sorry lang” ang gusto niya wala na silang pag-uusapan. Si Max ang una niyang pag-ibig, may mga bagay siyang nagawa para lamang sa pagmamahal niya d

