Nalula si Melissa sa dami ng inorder ni Timothy. “Mauubos ba natin yan?” tanong niya sa binata na noo’y abala na sa pagkain. “Pag di natin naubos, ipabalot natin para may pasalubong tayo kina lola” sagot nito sa kanya. Nangiti si Melissa sa mga oras na iyon inaalala pa rin ni Max ang pamilya niya. “Ganda ng ngiti ng isang ale diyan ah!? Pwede bang malaman kung bakit?” tanong ng binata kay Melissa. “Natutuwa lang ako sa iyo!” amin ng dalaga. Napatigil sa pagsubo ang binata “ bakit ano tingin mo sa akin.. clown?” tanong niya sa dalaga. Sumeryoso ang dalaga “kasi sa mga oras na ito inalala mo pa sina lola”. Ngumiti naman nang matamis ang binata, nakita ng dalaga ang sinserong mata nito. “Mabuti kasi sa akin ang pamilya mo…natural na ibalik ko rin ang kabutihan nila sa akin. Kumain ka na d

