Naglalakad ang dalawa pabalik sa bahay nina Melissa, “Tara muna sa loob!” kayag ng dalaga sa binatang pulis. Pumasok sila sa tarangkahan at dumiretso sa kusina. Pinaupo muna ni Melissa ang binata, kumuha ng gamot . Pababa na ay natalisod pa ito sa huling baitang, mabuti at mabilis ang binata nasalo siya nito. “Ooppppss!” sabay payakap na salo nito sa baywang ng dalaga. “Aray!” napadaing ang dalaga. Iniupo siya ng binata at tiningnan ang paang nasaktan. Bahagyang ginalaw-gilaw “O-okey na iyan di naman malala ang nangyari..maupo ka na rito” sabi ni Melissa kay Timothy. Pag-upo ng binata ay kinuha naman ng dalaga ang kamay na nasaktan dito kanina, may bahagyang galos agad niya itong nilinis at nilagyan ng ointment na anti-biotic. Abala siya sa ginagawa kaya hindi niya nakita ang nangungusap

