Maganda ang gising ni Melissa kinabukasan, malaking tulong ang pag-amin niya kay Timothy sa nangyaring paghihiwalay nila ni Max. Nagmamadali siyang nag-ayos siksikan na naman sa jeep matrapik pa sa McArthur highway. Pagdaan niya sa harap ng munisipyo ay may biglang bumusina sa kanya. “Ay kabayo!” nagulat pa siya. Bumaba sa sasakyan si Timothy tawang-tawa “nagmamadali ka ata teacher, malalate ka na ba?” sabi nito. Nahigit ni Melissa ang paghinga, totoo palang nakakadagdag ng appeal ng isang lalaki kapag naka-uniporme. Napatitig siya saglit dito bago sumagot. “Oo, matrapik sa highway! Saka na tayo mag-usap nagmamadali ako..!!” akmang hahakbang na siya palayo ng bigla siyang hawakan nito sa braso at iginiya papasok sa kotse. “Tara na ihahatid na kita!” hindi na nakatutol si Melissa, pag

