Linggo, maagang gumising si Timothy nakakaramdam na siya ng excitement. Nagsabi na sa kanya na hindi makakasama ang dalawang matanda at mga pinsan ng dalaga. Namili siya agad ng isusuot, balak sana niyang magpantalon kaya lang mukhang halatain na date ang pupuntahan niya. Ayaw niyang ma-awkward si Melissa ka kanya, naglunch na siya nang maaga. Pagkaligo ay nagshave ng ilang balbas at nagpahid din ng aftershave lotion. Nagwisik siya ng pabango. Samantala naglunch na sina Melissa, saktong 1:30 dumating si Timothy,naka-walking short, round neck light blue t-shirt at sneakers ito. Naghihintay ang binata sa tarangkahan ng bumaba ang dalaga naka-macarena short ng light brown ito,blouse na fitted light pink at sneakers. Nanibago si Timothy hindi siya sanay na ganito ang pananamit ng dalaga. Na

