“May problema ka ba Melissa?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Lumingon ang dalaga sa kanya nagtatanong ang mga mata. “Saan ka ba nanggaling…bakit ilang araw kang walang paramdam?” “Na-miss mo ba ako?” umupo na ang binata sa tabi niya. “Siyempre! Nakakasanayan ko ng nakikita ka palagi saka walang nangungulit!” tugon niya dito. Lumipat ang binata sa harap niya, bahagyang pinindot ang tungki ng kanyang ilong “andito na ako, wala bang pasalubong na yakap diyan na walang malisya!” natatawang sabi nito. “Baliw ka talaga!” nahampas niya ito. Pinuna siya ng binata “naka-uniform ka pa, bakit di ka muna umuwi at magpalit! Tara na samahan kita para makita din ako ni lola”. Hinila na niya ang dalaga, nagtaka siya ng biglang tumanggi ito. “Nasa bahay si tatay, narinig kong nagtatalo sila ni lo

