Nakaupo si Melissa sa vanity mirror hawak ang pisnging panakaw na hinalikan ng binata, di niya mawari ang mararamdaman ng oras na yaon. Ang init ng hininga nito’y nanunulay pa sa kanya. Nag flashback siya sa nangyari kanina kung bakit kasi nang papalapit na ito’y napapikit siya as if she anticipated for something. Napaisip siya…bakit parang nawawala na siya sa huwisyo pag kaharap ang binata? Hindi naman siya dating ganoon, bakit din ba gawing-gawi na rin ng binata ang bumulong? “Hay naku! Melissa umayos-ayos ka!” Nagsuklay siya ng buhok tiningnan ang relo sa dingding 8:30 p.m. “ano kaya ginagawa niya?” napatitig siya sa salamin “Naluluka ka na gurl….hindi na ikaw yan!” Pumunta na siya sa kama, di pa siya nakatatagal sa pagpikit ay napabangon sa lakas ng kalabog sa kwarto ng ina. “Ano

