Humahangos na pumunta si Timothy sa bahay nina Melissa. Nakita niya ang binatang nakatayo sa may gate wari’y hinihintay talaga siya. “Bakit Ivan?” tanong niya dito. “Kuya, kanina kasi lumabas ako para bumili sa tindahan pabalik na ako tapos nakakita ako ng lalaking naka-motor nakatanaw sa bahay namin pero ang nakakapagtaka nakita ko siyang nakatitig sa kuwarto ni Ate Melissa. Doon siya sa side na yun nakatingin eh” sabay turo sa may kwarto ng dalaga gawing kaliwa. “Nasiraan daw pero nung tinanong ko nakatakbo naman, agad ngang umalis eh”. Napaisip din si Timothy “sino naman kaya iyon? Pumanhik ka na, mamaya magsasabi ako sa baranggay na magpatrol dito wag mong iiwanan mga ate mo!” bilin niya dito. Nang mga oras na yaon, gising pa si Melissa nakahiga lang siya pero lumilipad ang isip niya

