CHAPTER 21 MISUNDERSTANDING

1677 Words

Pagkagising ni Melissa ay agad siyang nag-ayos pupunta siya palengke, balak niyang ipagluto ng sopas ang binata para gumaan-gaan ang pakiramdam nito. Nagulat pa siya nang makita ang binatang nakatayo sa labas ng tarangkahan, naka-pajama ito at nakangiti sa kanya. Ngumiti agad siya pagkakita sa binata, hanggang kanina ay hindi siya makapaniwala na “sila na” ang bilis ng pangyayari. “Hi!” bati nito sa kanya. “Kanina ka pa ba diyan?” nakangiting tanong niya dito. “Hindi naman!” pagpasok ay agad itong humalik sa kanyang pisngi, napalingon siya baka may ibang nakakita, natapik niya sa braso ang binata. “Ang aga ha!?” sabi niya dito. “Pampabwenas iyan!” inakbayan na siya nito, dumiretso na sila sa kusina. Tulog pa ang lola niya, samantalang maaga namang umalis ang ina. Nagtimpla siya agad ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD