As promised, nagawang mapapayag ni Axl si Derick sa dinner date nila ngayon.
Ngayon pa lang pinanghihinaan na siya ng loob. Pero ngayon pa ba siya susuko? Nasasaktan siya sa ipinakikitang obvious na kawalan ng interes ni Derick na makasama siya. Parang pinipilit lang nitong kumain at ni hindi umiimik. Ni ha ni ho wala. Mapapanis yata ang laway niya ngayong gabi.
"Dy.. galit ka pa rin ba sa akin?" hindi na nakatiis na tanong niya sa kababata. Ibinaba nito ang kubyertos sa pinggan.
"Galit.. hindi Venice. Hindi ako galit." seryosong wika nito.
Unti - unting sumilay ang kanyang ngiti. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi galit sa kanya si Derick ngunit ang ngiti'y napalitan ng pagkadismaya sa sunod na sinabi ng binata.
"Galit na galit ako Venice! Alam ko na ang totoo. Nang dahil lang sa ayaw mo akong makasal kay Patty ay nagawa mo iyon. Ganun ganun mo na lang isusuko ang sarili mo? It's not a joke." Matiim at seryoso itong nakatingin sa kanya. Nalaman kasi ni Derick na gumawa siya ng dummy account upang magpadala ng mensahe kay Patty. Kung saan at paano, hindi niya alam.
'Sino ba kasing nagsabi na joke lang para sa akin ito?' sigaw ng isip na hindi na nagawang isatinig. Natakot siya. Baka hindi niya gustong marinig ang sunod na sasabihin ni Derick.
"You're making it hard for me Venice. You're my bestfriend. Ano bang pumasok sa isip mo upang gawin iyon?" matalim ang matang tanong nito sa kanya.
'Dahil mahal kita. Mahal kita. Walang ibang dahilan kundi mahal kita.' tikom pa rin ang bibig ni Venice. Nagtatalo ang kanyang kalooban kung paano sasabihin kay Derick.
"You ruined everything Venice. Wala na. Hindi na matutuloy ang mga plano namin ni Patty. She wants out of our relationship. Nasira mo na kami. Napaghiwalay mo kami but you also ruined our friendship. I didn't expected you to be that low."
Iyon lang at inilapag ni Derick ang table napkin sa mesa at mabilis na lumisan sa lugar. Naiwan siyang daig pang minason ang puso sa sakit na nararamdam niya. Nilingon niya ang mga tao sa paligid sa nakitang isimpatya at awa sa mga tingin ng mga ito sa kanya, parang nais magpumiglas ng mga luha sa kanyang mga mata ngunit agad niyang pinalis.
Agad niyang dinayal ang numero ni Axl na himalang agad na sinagot nito.
"Hello.." anito sa kabilang linya. Maririnig ang ingay sa paligid. Nahihinuha niyang nasa shooting ito ng kasalukuyang running teleserye nito.
"Hello, Axl.." medyo gumagaralgal ang kanyang tinig.
Wari'y naalarma ang nasa kabilang linya. "Vi, umiiyak ka ba?"
Hindi niya nagawang sumagot sa kausap. "Hang on, kahit ano mangyari, wag kang aalis diyan. Malapit lang ang shooting place namin. I'll be there."
Iyon lang at pinatay na ni Axl ang tawag.
"I'll Never Go"
Erik Santos/Nexxus
You would always ask me
Those words I say
And telling me what it means to me
Every single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know
Come to me and hold me
And you will see
The love I give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you
Come to me and hold me
And you will see
The love I give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know
I'll never go
I'll never go away
************
Sumagap ng hangin si Derick. Kasalukuyan siyang nasa burol sa farm nila sa Batangas. Nagleave muna siya sa trabaho for a week. Gustuhin man niyang magtagal pa ay hindi maaari dahil siya lamang din ang matatambakan ng trabaho.
He doesn't know what to feel. Gulong gulo ang isip niya. 'Why Venice? Anong pumasok sa isip mo?' Hindi niya lubos maisip kung anong motibo ng kaibigan upang gawin iyon. Nang dahil lang ba sa ayaw nito kay Patty ay magagawa na nito ang mga bagay na ginawa nito. Ang pagpapakababa sa sarili. Where's the Venice he once knew? Hindi niya matanggap na magagawa ito sa kanya ng kaibigan.
Ininda niya ang pakikipagbreak sa kanya ni Patty. She's everyone's dream to have. Sa totoo lang madami siyang naging karibal kay Patty. And he's one lucky guy nang makamit niya ang matamis na oo ng dalaga. Nanghihinayang siya sa mga planong hindi natuloy. Sa mga pangarap na binuo nila nang magkasama. They were all settle then. But Venice ruin all of them. What really makes him feel sad ay ang isipin na hindi na sila kagaya ng dati ni Venice sa isa't isa.
Isang tawag ang pumutol sa kanyang pag - iisip.
"Kuya.." It was Blue. Ang kapatid niyang lagalag dahil sa hilig sa photography. Nakakapagtaka naman na tumawag ito sa kanya. Usually ay magtitext lang ito o pm sa messenger sa kanya. It must be really important.
"What is it?"
Bumuntunghininga ito bago nagsalita. "Kristel's in trouble. Sumugod daw sa Batangas para awayin ang girlfriend ni Hugh."
"What!?!" napahilamos na lamang sa mukha si Derick. Woman! Another pain in the neck!
****************