"Anak, okay ka lang ba? Parang namamayat ka yata." puna ng kanyang ina sa harap ng hapag kainan isang umaga nang sa mansiyon sya umuwi.
"I agree anak. Baka naman hindi ka kumakain nang maayos sa condo mo anak. Why not stay here para masubaybayan at maalagaan ka namin nang mabuti." anang kanyang ama.
She felt exhausted mentally and physically. Napuyat siya sa kaiisip sa sitwasyon nila ni Derick.
"I'm okay Mom, Dad. Medyo napagod lang po sa pag aasikaso sa bagong branch ng D' Flavors. Pero since stable na po ang operasyon, I entrusted everything to Carlo na po." Si Carlo ang inatasan niyang Branch Manager sa Batangas since matagal na rin niya itong empleyado sa Main Branch at subok na mapapagkatiwalaan. Inabot niya ang pagkain pero pakiramdam niya ay hinahalukay ang sikmura niya nang makaamoy ng hindi kaaya - aya sa pagkain.
"Bleeeuuurrrggghh," napahawak siya sa kanyang bibig at agad na nagtatakbo sa pinakamalapit na sink. Sinundan siya ng nag - aalalang mga magulang.
"Are you okay? Hon, call our Doctor. I think our daughter needs to be checked."
Nanghihinang napasandal na lang sa sink si Venice. Halos wala na siyang maisuka since wala pa rin ngang laman ang kanyang sikmura. Maagap siyang inalalayan ng kanyang ina habang tumatawag naman kay Doctor Garcia ang kanyang ama.
"Manang Fe, ihatid nyo na muna ni Helen si Venice sa kanyang silid please. Susunod kami doon ni Vedasto." utos ng kanyang ina sa dalawang kasama sa bahay.
"Yes po Ma'am." Agad na tugon ni Manang Fe at agad siyang kinuha mula sa pag - alalay ng kanyang ina.
**********
"Venice is what?!?" base sa tinig ng kanyang ama ay nais niyang manginig sa takot.
Tumikhim si Dr. Garcia habang ang kanyang ina ay gulat na napatakip ang kamay sa bibig nito. Naririnig niya ang mahinang pagtawag sa kanyang pangalan ng kanyang ina. Ngunit hindi niya magawang tumugon.
"Yes, you heard it right Mr. Medina, your daughter is 8 weeks pregnant."
"Venice.." naramdaman niya ang mahigpit na yakap ng kanyang ina.
Nilingon siya ng doktor. "I suggest you eat lots of fruits and vegetables. No more alcoholic drinks and coffee. Here is the list of vitamins that you should take during this stage." iniabot nito sa kanya ang nasabing reseta.
"Don't worry hija. Wala namang problema. Your uterus is adjusting to the new kind of hormones. For now, tiisin mo na lang muna ang mga early symptoms of pregnancy."
Pinisil naman ng kanyang ina ang kanyang mga palad reassuring her that everything is okay.
"So paano, I'll go ahead na at may tawag na rin sa akin sa clinic. Don't foget to take your vitamins hija." pamamaalam ni Dr. Garcia.
"Let's talk outside Doc." seryosong wika ng kanyang ama. May ilang sandali ring nawala sa kanyang paningin ang kanyang mga magulang at si Dr. Garcia. Nang magbalik ay parehong mukhang galing sa pag - iyak ang mga magulang.
Mabilis niyang kinuha ang mga kamay ng mga magulang.
"Mom, Dad.. I'm sorry."
They both hugged her which made her cry. They love her so much and are so forgiving of her weaknesses.
*********
"Mag - uusap tayo Venice Dionne!"
Si Derick na bigla na lamang sumulpot sa kanyang opisina. Dire - diretsong pumasok sa silid si Derick. Hindi man lang kumatok, seryoso, matiim ang tingin sa kanya at animoy manghahamon ng away. Mabilis nitong binalikan ang pinto at agad na ikinandado.
Napalunok siya sa kabang nararamdaman. Ngayon niya lang nakitang ganito si Derick. Ah pangalawang beses na pala. Ang unang beses ay nang malaman nito ang kanyang kalokahan upang maagaw ito kay Patty. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling tinawag ni Derick sa buong pangalan. He sounded angry and serious.
"T-tungkol saan?" she asked although at the back of her mind ay may nabubuo nang ideya.
"Damn it! Don't play innocent here, Venice. I know so well na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." halos manggalaiti ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Sabihin mo para maintindihan ko." as much as she wants to tell him, gusto pa rin niyang manigurado.
Lumapit sa kanya si Derick at mabilis siyang naitayo mula sa kinauupuan. "I know you know what I'm talking about. Don't you think I have the right to know you're carrying my baby?"
Napakurap si Venice bago tuluyang umiling. Naningkit ang mga mata ni Derick. Lalong dumilim ang mukha nito.
Mabilis siyang binitawan at lumayo mula sa kanya.
"I don't know what to do with you anymore, Venice." anitong inihilamos ang mga kamay sa mukha. "Let's get married as soon as possible."
Hearing them from Derick, supposedly masaya siya. Pero dahil sa kaalamang dahil lamang sa bata kung bakit siya pakakasalan ni Derick, nabuo ang isang pasya sa isip niya.
"Ayoko at walang kasalang magaganap." seryosong sabi niya.
Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ni Derick. "My word versus your word Venice Dionne. Try me. Prepare yourself and be home early. The whole family will be there this evening."
Iyon lang at mabilis na siyang iniwan sa silid ng binata. Nanghihinang napaupo siya sa kanyang upuan.
'What have I done?'