Venice was confused. Naroon na siya na mahal niya si Derick. Ngunit ang bagay na hindi niya matanggap ay ang ideyang pakakasal lang ito for the sake of their child. Nahahati siya sa ideya na baka hindi mag work ang kanilang marriage life at ang anak nila ang magsuffer o subukan niyang gawin ang lahat upang mapaibig niya, makuha niya ang kalooban ng binata once na kasal na sila.
'Even though there is no us, I'm doing this to give my child a family. No more, no less.' Ayon sa ipinadalang mensahe sa kanya ni Derick.
Ouch! Ang sakit sa puso teh. Kulang na lang, isampal nito sa kanya ang katotohanang wala siyang aasahan dito.
Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch. It's 7:25 and yet nandito pa rin siya sa kanyang opisina. Siya na lamang ang naiwan sa lugar since 6:00 pa lang sarado na talaga ang shop. Around 7 naman usually ay nakauwi na lahat ng kanyang mga staff. Napabuntuhininga na lamang siya. Kung kailan naman nagawa na niya, saka naman parang nabahag ang kanyang buntot na harapin ang mga consequences ng kanyang ginawa.
'What have I done? Venice, Venice, you ruined everything. You and your desperate moves.'
Naiiling na lamang siya sa sariling katangahan. Malakas na katok sa pinto ang pumukaw sa kanyang pag - iisip. Wari'y nagmamadali ang sinumang nasa labas. Marahil ay si Sky.May nakalimutan siguro.
Napamaang na lamang siya nang ang bumungad sa kanya ay ang seryoso at galit na galit na si Derick.
"What the hell do you think you're doing Venice Dione?!?"
Uh-oh, napapalimit yata ang pagtawag nito sa kanya sa buong pangalan. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa siya nakabulagta dito.
"Bakit na naman ba?" kunway pikon na sabi niya. Nakita niyang napahilamos sa mukha si Derick.
"Venice," may diing tawag sa kanya ni Derick. "Huwag kang mamilosopo diyan. Napag - usapan na natin ito kanina. I told you to go home early. We're getting married. Kanina pa kami sa bahay nyo. Nag - aalala na rin sina Tita. We better go para mapag - usapan na ang ating kasal."
Mabilis nitong sinalansan ang kanyang mga gamit at binitbit ang kanyang bag at susi ng kotse. Walang nagawang napasunod na lamang siya.
"Douche.." bulong na lamang niya. Ngunit mukhang nakarating sa pandinig ni Derick.
Nilingon siya nito. "Anong sinabi mo?"
"W-wala." Hays, mukhang wala na siyang lusot sa isang ito. Better yet, tanggapin na niya ng consequences ng kaniyang ginawa at simulang gawin ang lahat upang makuha ang loob ng binata. She will soon be Mrs. Venice Dionne Almabis. Sounds great! Music to her ears. Hindi niya napigilang ngumiti.
*********
"Anong nginingiti - ngiti mo diyan?" sita ni Derick sa kanya. Kasalukuyan nitong tinatanggal ang seatbelt niya. Nasa harapan na sila ng kanilang bahay.
"Wala. Bakit ba? Bawal na bang ngumiti ngayon?" nakangiting pinagtaasan niya ito ng kilay.
"Shhh, nonsense. Bumaba ka na diyan. Sumunod ka na sa akin. O baka naman gusto mo pang buhatin kita mula rito hanggang sa loob?" parang naiinis na sabi sa kanya ni Derick.
"Bakit ba ang sungit mo? Daig mo pang ikaw ang nagbubuntis at may hormones changes, sa totoo lang."
Sinulyapan siya ni Derick saka huminga nang malalim. "Common, let's go. They're waiting for us."
Inalalayan siya ng binata papasok sa mansiyon. Sa simpleng pagdikit ng kanilang mga balat, naramdaman niya ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa kanya.
Ayie. Love is in the air. She'll win his heart.
'Promise. Cross my heart and ope to die.'
***********
Pagpasok ng kabahayan, gumaan ang kalooban ni Venice. Maaliwalas ang mga mukha ng mga taong nadatnan nila. Naroon ang kanyang Kuya Scott kasama ang buong pamilya nito, ang kanyang hipag at 2 pamangkin na sina Stephanie at Steven. Naroon na rin ang mga magulang ni Derick, ang mga kapatid nito na sina Gibson, Blue at Kristel.
"What took you so long, Derick? Kami pa kami naghihintay dito nina Balae." anang ina nito na ngiting ngiti habang nakatingin sa kanila. "Di ba balae?" pahkuway sumulyap ito sa kanyang ina.
Alanganin ang ngiting ibinigay niya sa ginang.
"Okay lang balae. Ang mahalagay narito na sila. Hala, siya, atin nang simulan ang pag - uusap sa pagpapakasal ng ating mga anak. Gusto ko sana ay sa lalong madaling panahon para pipis pa ang tiyan nitong aming unica hija sa kanyang wedding gown."
Sumang - ayon naman ang kabilang panig. Hudyat na iyon ng pagsisimula ng pagpupulong. Marami pang mga detalye ang pinag - usapan, ang mga Ninong at Ninang sa kasal, mga abay, lugar kung saan gaganapin ang kasal at reception, dami ng guests, ang wedding event coordinator at iba pa. Ang magkabilang panig ay masayang nagpapalitan at nagbibigayan ng suhestiyon. Mukhang masaya silang lahat at excited sa darating na wedding maliban sa isa na seryoso lang na nakamasid at walang ambag kundi 'I'm fine with it', 'Go' "Whatever you say.' na response sa lahat ng iyon.
Nang ganap na matapos ang pormal na usapan at may malinaw ng resulta, agad na nagyaya ang kanyang ama't ina ng pagkain. Lahat ng pagkain ay mula sa Almabis Grills and Pasta Resto ng mga ito.
Masarap naman lahat ng mga pagkain ngunit nang matikman niya ang isang menu ay may naamoy na naman siyang kakaiba.
"Bleeeuuurrrggghh," napahawak siya sa kanyang bibig, napatayo at agad na nagtatakbo sa pinakamalapit na sink. Sinundan siya ng nag - aalalang si Derick. Patuloy nitong hinagod ng hinagod ang kanyang likod sa buong durasyon ng kaniyang pagsusuka. Nang sa palagay nito ay nakatapos na siya ay iniharap siya nito at maingat na pinunasan ang kanyang mukha. Nang matapos ay mahigpit siyang niyakap na parang ayaw pakawalan pa. Natulala siya sa ginawa ni Derick. Mas bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Putek! Nagwawala ang puso niya!