Tiningnan ko ang relo na nasa lamesa ko parang kay tagal nitong tumungtong sa oras hindi ako gaano nakatulog dahil kay Vince. Tumayo ako at nagpasya ng bumaba doon na lamang ako maghihintay. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at napatingin sa taong nasa sofa. Bakit ang aga niyang gumising? Nagkatinginan kaming dalawa ilang minuto bago siya ngumiti. Napangiti din ako sa isipin na ibang Vince ang madalas kong nakikita lalo na kung kami lang dalawa ang magkasama. “Good morning” sabi niya at tumayo at lumakad papunta sa akin sa may hagdan. “G-good morning” nauutal kong sabi ito na naman ako sa tuwing lalapit siya ay nauutal ako at ang lakas ng t***k ng puso ko. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba o hindi pero sa huli ay iniabot ko din ang kam

