Ilang Biling baliktad na ang ginawa ko pero hindi ako makatulog ano bang ginawa mo sa akin Vince. Ilang araw na akong walang tulog. Kahit dito sa school ay hindi din ako makatulog. Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa may damuhan sa tabi ng malaking puno. Kakain na lamang ako sa canteen sigurado naman na wala sila doon. “Hi! Aria” nakita ko si Charles na papunta sa akin kaya naman lumiko ako at mabilis na lumakad. Ilang araw ko na silang iniiwasan hindi ko alam kung bakit kung dahil ba doon sa babaeng nag banta sa akin. Ayaw ko din naman kasi ng gulo. “Hoy! Pinagtataguan mo ba kami?” si Hyorin akala mo ay may giyera. Kumakain ako dito sa sulok at ito siya nanlilisik ang mga matang nakatingin hindi na tuloy ako makakain ng maayos. “Hindi ah bakit ko naman kayo pagtataguan?

