Maaga ako gumising hindi para pumasok kundi para maglinis ng buong bahay. Nakakinip kahit na pinadalhan ako ni Mr. Labrigat ng laptop at si Mrs. Labrigat naman ay panay ang tawag sa akin para kamustahin ako. Hinahanap hanap parati ng katawan ko ang paglilinis kung maari lang ay magtitinda ako sa Academy. Gustuhin ko man mag part time sa Academy kahit na sa canteen restaurant nila doon kaso hindi sila tumatanggap ng mga nag aaral sa Academy. Mabait ang mag asawa kaya naman talagang sinisikap ko na maibigay sa kanila ang magandang grade nakakailang linggo na ako dito at talaga namang mahirap pero kinakaya ko pa naman. Ang lagi ko lang naman problema ay si Vince ang sungit niya tapos bigla na lamang magiging….hmmm ano ba ang tawag doon sweet na ba iyon. Tsup tulad niyan bigla na lang s

