“Class dismissed” kanya kanyang tayo ang mga kaklase ko yung iba naman ay nagliligpit ng table nila. “Finally I can get home” sabi ng classmate ko sa katabi niya. Kinuha ko ang mga libro ko na dapat ilagay sa locker yung iba ay dadalhin ko. Three days kaming walang pasok yun ang rules and regulation dito. Sa loob ng isang buwan doon ka lamang pwede umuwi at may tatlong araw kang bakasyon. Okay naman ang isang buwan ko dito maliban sa unang araw ko dito ay hindi naman na naulit pa iyon. Wala nga lang nais na lumapit sa akin kundi si Hyorin at sina Charles, Simon at Vince lang. Maliban sa kanila ay wala na lahat ng tao ay umiiwas sa akin na para bang may sakit ako pero kung tingnan nila ako ay parang gusto na nila akong tirisin. “Hi, Aria what is your plan for three days?” s

