Isang katok ang gumising sa akin kinabukasan. Pakiramdam ko ay antok na antok pa ako at sobrang sakit din ng katawan ko. Napatingin ako sa kabuuan ng kama ko. Wala na si Kier at tanging magulong bedsheet na lang ang naiwan. Napangiti ako. Para tuloy akong timang na wala sa sarili ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na walang kang itinatagong lihim sa mga taong mahal mo. "Anak, Aki! Gising na at mag umagahan ka na. Nasa hapag kainan na ang Daddy mo at si Keira, hinihintay ka na nila." Boses iyon ni Tiyang Loleng. "Opo, Tiyang. Magfreshen' up lang po ako." "Sige anak, bilisan mo at ng makainom ka na rin ng mga vitamins mo." "Okay, Tiyang..." Nagtoothbrush lang muna ako at naghilamos. Hanggang sa mapatitig ako sa salamin. Tiningnan kong mabuti ang mukha ko. I looked pale. Dahil siguro sa i

