Kier's POV Papunta na ako ng aking opisina ng maisipan kong dumaan muna sa mansion ng mga Samson. Isa pa, gusto ko ulit makita ang aking anak at magiging asawa ko bago ako pumasok sa aking trabaho. Tila ba pakiramdam ko ay sila palagi ang nakakapagbigay ng lakas sa akin sa araw-araw. Papasok pa lang ako ng malawak na garahe ay may sinabi na agad sa akin ang gwardya na may dumating daw na panauhin sa bahay nina Akira. Nang mapatingin ako sa parking lot ay nilukuban na agad ako ng kaba sa aking dibdib ng makita ko ang pamilyar na sasakyan ni Cristina, kaya kahit hindi ko pa naaayos ang kotse ko sa parking lot ay bumaba na kaagad ako sa aking kotse at patakbo akong pumasok sa loob ng mansion nila. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sina Akira at Cristina na kapwa hawak ang mga buhok ng

