"Dok- Kamusta ang pasyente?" Nauulinigan kong boses. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero tila ba pagod na pagod ang pakiramdam ko. "For now, stable naman ang vital signs niya." Pilit kong iginagalaw ang kamay at paa ko pero hindi ko magawa. Sinubukan kong muli na imulat ang mga mata ko pero wala pa talaga. "Mabuti naman dok, pero bakit wala pa rin po siyang malay hanggang ngayon?" Muling tanong ng isang lalake. "K-Kier..." Sa wakas ay nakasambit ako ng pangalan ngunit mahina iyon kaya hindi ako sigurado kung naririnig niya ba ako. "Aki? Gising ka na? Dok! Gising na siya!" Tila tuwang tuwa ang boses nito. Nararamdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko. Napaka-init ng palad niya! "Ba't ganun dok? Nakapikit pa rin siya?" "Hayaan mo muna siyang makarecover sa mahaba niyang pagkakat

