"Babe, are you ready?" Tanong sa akin ni Kier pagkabukas niya ng pintuan ng aming kwarto. Ngayon ang punta namin sa birthday party ni Zakari. "Yes babe," nakangiti kong sambit bago ako humarap sa kanya. Nakita ko pa ang pag-awang ng labi niya at pagsuri sa kabuuan ko. "You look stunning babe, parang ayaw ko na tuloy pumunta ng birthday party, dito na lang tayo sa bahay." Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Ipinatong ang baba sa leeg ko at bahagya iyong hinalik-halikan. "Sira ka talaga. Paanong naging stunning ang hitsura ko, e simpleng white dress lang naman itong suot ko?" Pakiramdam ko nga ay losyang na ako at pangit na. Samantalang siya, gandang-ganda pa rin sa akin. "Ang ganda nga ng suot mo, babe. Pakiramdam ko tuloy magpapakasal na ulit tayo. Mukha kang diwata s

