Makalipas ang Limang Taon... "Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Cebu Pacific Air Welcomes you to Manila." rinig kong anunsyo ng isa sa mga flight attendant. Napangiti ako. Talagang nasa pinas na nga ako. Lumanghap ako ng sariwang hangin pagkababa ko ng eroplano. Bitbit ko ang aking mamahaling bag sa kanang braso ko at sa kabila ay hawak ko ang aking anak. Panay ang tingin ko sa orasan dahil mukhang late ang sundo ko pero agad din akong nakahinga ng maluwag ng kumaway na sa akin si Tito Ricardo. Nagkatuluyan sila ni Tiyang Loleng at this time ay wala ng hadlang sa kanilang dalawa. It's been five years simula nung umalis ako ng Pilipinas. Sinundo ako ng Daddy kong Americano. Pagdating ko noon sa bahay ni Tiyang Loleng ay nagtaka pa ako sa kan

