"Tiyang Loleng! Namiss ko po kayo." salubong ko agad pagkarating na pagkarating ko. Malayo pa lang sa bahay namin ay bumaba na ako sa kotseng sinasakyan ko. Pinayagan ako ni Sir Kier na umuwi dahil may isang linggong business trip din daw siya. Ikinuha pa ako ng personal driver at ipinahatid dito sa aming probinsya. May driver na ako may bodyguard pa. "Aki, anak! Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka?" nasusurpresang wika ni Tiyang Loleng. Agad akong niyakap ng mahigpit na ginantihan ko naman agad ng mas mahigpit na yakap. Naluluha pa ako dahil para akong isang anak na labis na nangulila sa kanyang Ina. Mamaya ay dadalawin ko ang puntod ng inay ko. "Halika, pasok ka, anak. Tamang-tama! Kakatapos ko lang magluto ng hapunan. Sabayan mo na akong kumain." aya sa akin ni Tiyang Loleng. Masigla ni

