Floris Flowers
Simula noong mangyari ang pagpapalayas ko sa babaeng maharot sa condo ni Wilder, hindi na siya muling nagdala pa ng ibang babae. Hindi ko alam kung ilang babae pa ba ang mayroon siya. Kung mayroon mang magpunta ay siya na nagpapaalis sa mga ito bago ako dumating. Hindi niya ba talaga makayanan na walang kalingkis na babae?
What to expect? He's a playboy.
Isang linggo na ang nakalipas at nakikita ko na ang paunti unting improvement ni Wilder. Tapos na kami sa mga introduction at sa susunod naman ay itetrain ko na siya na kumausap ng mga tao. Mabuti pa nga kung magsisimula siya sa pinakamababa para mas maintindihan niya kung paano ba talaga tumatakbo ang isang kumpanya.
I sent an email to Mr. Dela Calzeda about my proposal for Wilder to better understand and addapt to the company. He replied after, that he have to have time to think of it.
"Are you really sure about that, Beth?" Jom said.
He is the Assistant Manager of the other team which handles international inquiries and application of international visas and tickets.
"That's the only idea I know that will work for him," sa kanya ko lamang sinasabi ang tungkol sa pagtuturo ko sa anak ng aming boss.
"Papayag kaya siya?" He asked. Bakit naman hindi? Kung para naman ito sa anak niya, papayag siya.
"I already sent him an email-" he cut me off.
"I meant him," he clarifies.
We were on our lunch break kaya nandito kami ngayon sa pantry. Dito kami nagkukwentuhan dahil ngayon lang kami ng nagkaroon ng oras para sa ganito. Kapag work hours, work lang. Busy ang mga tao sa industriyang ito kaya madalang lamang ang pagkukwentuhan namin.
"This is all for him. Whether he like that or not, he will undergo training. This is the way for him to grow, slowly but surely." Sabi ko.
I couldn't agree more of my suggestion. Iyon lang ang naiisip kong paraan para mas matuto pa si Wilder. Hindi naman siya mahirap turuan, he's a fast learner. Kaya kung magtetraining siya, start at the bottom, he will be good. He will have a better knowledge of the company, he will understand our workers, he will know how to grow by himself.
"What is this that you're suggesting Ms. Barcelon?" Ipinatawag ako sa opisina ng Chairman dahil gusto niyang ipaliwanag ko ang naisip kong ideya para sa kanyang anak.
"Makakabuti po iyon sa kanya dahil mas malalaman niya kung paano tumakbo ang isang kumpanya," sabi ko.
"Pero mas magkakaroon siya ng special treatment kung malaman nila na anak ko siya, mas hindi siya makikinig." Alalang alala ang kanyang ama.
"If that happens, Sir I will tell them. I won't let that happen Sir. Kailangan pantay lang ang trato sa lahat." Paliwanag ko.
"Did he already know about this?" Tanong nito.
"Hindi pa, Sir. But I will tell him once we meet again." I assured him.
Hindi naman mahirap pakiusapan si Wilder. Alam naman niya na para sa kanya itong ginagawa ko. Maiintindihan niya naman ito. Mababantayan ko rin naman siya kasi sa team ko siya ipapalagay.
"Payag ka?" That was quick.
"Makikita naman kita doon kaya okay, payag na ako." Really? That's your reason?
"Wilder, please focus." Pakiusap ko.
"I am focused. You said that I should have an inspiration to keep moving." Wow. Nakikinig nga talaga siya.
"You are my inspiration," he said.
Tiningnan ko siya sa mata. Seryoso siya habang binibigkas ang mga salitang iyon.
"I realized that I want to give you a better life-"
"Wait, what?" Anong nakain nito at kung ano ano sinasabi?
"Why would you want to give me a better life? Why would you say that?" I didn't see that coming.
"Because I want you," Walang pagaalinlangan niyang sinabi. Totoo iyon dahil nakikita ko sa mga mata niya. Marunong mangusap ang mga mata niya kaya hindi siya mahirap basahin.
Aray. Bakit biglang kumalabog ang dibdib ko? Bakit bigla akong naapektuhan sa sinabi niya?
"Go Wilder! Wilder win the game! Go!" Iyan ang cheer ng mga kaklase ko habang naglalaro ang aming team ngayong intramurals.
Nakakabingi sila. Kung sumigaw sila ay akala mo'y hindi na gagamitin ang boses kinabukasan. Hindi ba pwede pakihinaan lang? Sila din naman magsasuffer. Mapapaos. Sasakit lalamunan. Mawawalan ng boses mamaya o kinabukasan.
"Alam mo konti na lang maiisip ko na magkamaganak sina Oliver, Wilder at Marco." Lauren said beside me. My friends are complete today also watching the game.
"Why would you say that?" Tanong ko. Hindi naman sila magkakamukha. Magkakaiba pa ng apilido. Paano naman niya nasabi iyon?
"Pareho silang magagaling kapag naglalaro. Ibang teamwork ang ipinapakita nila. Kung suportahan nila ang isa't isa ay parang matagal na silang magkakakilala." Lauren yell in excitement nang muling makashoot ang team namin.
"Iyon lang? Para iyon lang?" Pambasag ko sa kanya.
"Anong parang iyon lang? Hindi ka kasi nagoobserba! Hay nako, Bethany napagiiwanan ka na naman." Huh? Ano raw? Ano bang sinasabi nitong si Lauren?
Natanaw ko sa aking kanan ang open gymnasium kung saan nagaganap ang competetion for volleyball. Team namin at ang kabilang team ang magkalaban. Habang pinagmamasdan ko ang paglutang ng bola sa hangin habang pinagpapasahan ito ng mga kalahok, naisip ko kung bakit hindi nga ba ako kasali sa mga players ngayong intrams? Taon-taon akong sumasali ngunit ngayong naggrade twelve na ako ay parang ayaw ko na.
Don't get me wrong. I love volleyball. I love being sporty. It's just that, ayoko lang sa ngayon. Well, the truth is hindi ako pinayagan ni mama. Nagaway pa nga kami ng dahil lamang dito. Puro na lang daw ako laro, puro volleyball na lang daw laman ng utak ko. Gusto niya kasi akong makapasok sa prestihiyosong unibersidad sa Maynila kaya tinututukan niya ako. Ilang buwan na lamang ay gagraduate na ako ng Senior High School, at tatlong buwan na lamang at kukuha na ako ng exam for scholaship sa unibersidad na gusto ni mama. Wala kaming pera para bayaran ang malaking halaga ng tuition na iyon kaya mageexam ako para naman mabawasan na ang isipin ni mama.
Mabigat ang buntong hininga ko na tuluyan nang naisantabi ang maiingay na sigaw sa paligid ko. Sana nandoon din ako. Sana naglalaro din ako. Sana pinapalo ko din ang bola. Sana...
"And three points for Wilder!" Yan na naman ang sigawan ng mga estudyante.
Natapos ang game na malaki ang lamang ng aming team. It means na kami ang panalo at may laro ulit sila bukas ng umaga na ibang team naman ang kalaban. Tuwang tuwa na naman ang team manager namin. Kinukulit nga siya ng buong team para magpapansit. Hindi ko lang alam kung pumayag nga siya.
"Galing mo Marco ha!" Pagbati ko kay Marco, sinunod kong batiin si Oliver. Tama nga si Lauren, magagaling silang tatlo.
"Si Wilder hindi mo babatiin?" Pangaasar sa akin ni Marco.
"Bahala siya. Mambubwisit lang yun." Hindi ko rin alam kung bakit inis na inis ako sa tuwing nakikita ko siya. At malala pa nito, kahit wala akong ginagawa, ang lakas niyang mangasar.
"Bakit sila lang binabati mo? Akin ka diba? Dapat ako din!" Sumulpot na lamang bigla ang lalaking ito sa likod ni Marco.
Kumukulo na naman dugo ko sayo, Wilder! Hindi ko na napigilan at ayun, pinaghahampas ko na naman siya. Wala na ba talaga siyang ibang gagawin sa akin kundi ang asarin ako? Ang painitin ang ulo ko? Ang sirain ang buong araw ko!
Beth, konting tiis na lang gagraduate ka na. Hindi mo na siya makikita. Hindi mo na siya maririnig. Matatahimik nang muli ang buhay mo.
"Wala ka na bang ibang magawa? Bakit ako na lang parati punterya mo?!" Kunirot ko ang kanyang tiyan. Basang basa ng pawis ang kanyang damit.
"Aray ko, Beth!" Sigaw niya dahil sa sakit.
"Hindi ka ba napapagod? Araw araw mo akong iniinis! Araw araw mo akong pinapasimangot! Natutuwa ka ba na hindi ako nagiging masaya kapag nakikita kita?" Nagtitinginan na sa amin ang ibang estudyante habang palabas sila ng gymnasium. Dahil tapos na ang game, sa ibang court naman sila manunuod o kaya naman ay kakain ng meryenda.
"Tara na. Gutom ka lang." Nagagawa mo pang ngumiti?
"Come on. Pakakainin kita." Inakbayan niya ako sa balikat upang giyahin palabas ng gymnasium.
Ako naman itong si ewan, nagpaubaya na naman. Syempre, pagkain daw, tatanggi pa ba ako?
Hindi ko alam kung pwede na bang lumabas ang mga estudyante ngayong tapos na ang game. Alas dos pa lamang ng hapon at nakita kong bukas na naman ang gate. Wala pa namang naglalabasang estudyante, mangilan ngilan pa lamang. Mahigpit ang guard sa eskwelahang ito, daig pa ang principal kung maghigpit. Pero naiintindihan ko naman sila kasi ginagawa lang naman nila ang trabaho nila to keep students safe and away from danger.
"Pwede na ba tayong lumabas?" Tanong ko kay Wilder na walang pangamba sa kanyang mukha kung mapapagalitan man ako o hindi.
"Boss ako," yabang talaga.
"Hindi pa pwedeng lumabas," Sabi ng babaeng guard kay Wilder.
Oh. Ngayon mo ilabas pagkaboss mo.
"Tapos na naman ang game," Sabi niya. Hinampas ko siya. Hindi marunong gumalang.
"Tapos na po ang game," paguulit niya sa mahinahon at magalang na tono. Napangiti na lamang ako.
"Permit," matapang boses ni Ate Guard. Totoo ba? Lalabas lang kailangan pa ng permit?
"Bakit kailangan pa ng permit?" Bumalik na naman siya sa walang galang niyang pakikipagusap.
"Wilder," saway ko.
"Mabilis lang naman po kami. Kakain lang, gutom na po kasi girlfriend ko." Inakbayan pa talaga ako.
Hayop ka! Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo! Anong girlfriend? Wala akong natatandaan na magkarelasyon tayo!
"Pasensya na po ate, dito na lang po kami kakain." Sabi ko sa guard. Siniko ko pa ang tiyan ni WIlder para ipakitang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
Nauna akong naglakad pabalik sa loob. Busog pa naman ako pero gusto ko pa ding kumain. Nakakasawa na rin naman pagkain dito sa canteen kaya bihira na akong bumili. It's either magbaon ako or bumili na ako sa labas bago pumasok.
"Sorry," bulong ni Wilder sa akin likod.
"What for?" Tanong ko.
"Mamaya na lang hapon. Ihahatid kita pauwi." Pursigudo talaga siyang itreat ako.
"Okay," pagsangayon ko.
Hinintay kong magalas kwatro para magpalabas na ng estudyante sa gate. Gusto ko nang umuwi dahil pagod na pagod na ako kakatayo at kakaupo. Wala na ngang ginagawa, napapagod pa. Huwag na kaya akong pumasok bukas? Magawarding lang naman pagkatapos ng last game. Tatambay lang naman ako. Nakakabagot kaya na manunuod a ka lang, sisigaw, tatawa, magsasalita. Gusto ko yung pinapawisan din ako, yung hinahabol ko din hininga ko, yung mainit ang buong katawan ko. Tapos pagkatapos ng lahat, kinabukasan, masakit ang katawan.
"Ano ba namang mukha yan, Beth?" Isabella said.
"Ano na namang problema niyo sa mukha ko?" Ganyan sila. Ako ang palaging punterya ng pambubully nila.
"Maganda ka naman pero halos isa lang lagi ang expression mo," singhal naman ni Everly.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Nakasimangot!" Sabay sabay pa talaga nilang sinabi. Ito namang pinsan kong si Monica ay nakisabay pa sa tawanan. Aba! Pinagkaisahan na ako.
"Sige. Tumawa pa kayo. Sige lang. Hanggang sa mapuno ng hangin yang mga sikmura nyo." Harsh ba masyado? Well, ganyan talaga ako. And that's fine kasi hindi naman nila sineseryoso.
"Hey," nakilala ko agad ang paraan ng paghawak niya sa aking siko. Hingal na hingal siya nang harapin ko siya pero nakikita ko pa rin ang ngiti sa kanyang labi.
"What?" Mataray kong sagot.
"We had a plan today, right? Come on," pag-aya niya sa akin.
"Teka! Saan kayo pupunta?" Ang laki talaga ng tainga nitong si Everly.
"None of your business," sagot naman ni Wilder.
"Ay! Nagtaray!" Sinundan naman ito ng halakhak ng aking mga kaibigan.
Kahit kailan, kahit anong mangyari or kahit anong masabi ko, hindi agad sila nagagalit. Ewan ko ba, parang hindi sila nasasaktan sa paraan ng pananalita ko. Okay lang yun sa kanila kasi nakikita ko pa silang tumatawa.
Hinigit na ako Wilder at nauna na kaming maglakad sa kanila. Nagpapalabas na ngayon ang guard kaya makakakain na kami sa labas. Kanina pa ako ginugutom dahil hindi naman ako kumain ng lunch dito sa loob ng school. Nakakasawa dahil paulit ulit lang naman ng menu. Gusto rin naman ng tiyan ko na makatikim ng bago.
I didn't expect na dito ako dadalhin ni WIlder sa Plaza. It is supposed to be a hotel pero sa baba nito ay iba't ibang restaurant ang makikita. I know a lot of reviews sa lahat ng restaurant dito at lahat iyon ay positive. Dati ay gusto ko lamang maranasan na makakain kahit isa sa mga ito pero ngayon ay nasa harap ko na sila.
"Pick one, whatever you like." Dito kami ngayon sa may parking pero hindi pa kami pumapasok. Pinapapili ba niya ako kung alin sa mga restaurants na ito ang gusto kong subukan?
"You want me to choose?" Tanong ko sa kaniya.
"Yeah, whatever you like." Sagot naman nito.
Ang mahal kaya dito! Ginto ang presyo ng isang putahe dito. One hundred pesos lang ang allowance ko everyday at nabawasan na nga iyon nang bumili pa ako ng tubig sa canteen.
"Dito ba talaga tayo kakain? Pwede naman sa Jollibee na lang or sa Chowking-"
"Pick whatever restaurant you wanted to eat," he commanded. Wow! Boss?
Okay fine, whatever.
Dati ko pa gustong subukan ang Sizzling Sisig ng Dencios. Tuwing makikita ko ang advertisement nila sa social media, talagang nakakatakam ang kulay, itsura at ang umuusok pa nitong karne na pinirapiraso sa maliliit.
"Doon tayo sa Dencios," Sabi ko. Bigla naman akong natakam sa ideyang makakain ko na rin ang sisig dito.
"Hmmm," himig niya na parang nagiisip.
"Sige,"
"Totoo ba?"
"Sige, doon tayo sa my food court."
Ay ganon? Akala ko ba ako ang pipili kung saan kami kakain? Bakit sa food court, hindi naman iyon ang pinili ko. At ang lalaki, nauna pang maglakad sa akin papasok sa public food court na pinagigitnaan ng mga restaurants. Bigla akong nanlumo. Gusto ko na lamang siya hampasin ng paulit ulit habang magmakaawa siya na tumigil ako.
"Hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan," Sarap na sarap na siya ngayon habang kumakain ng fishball at siomai. Maluugan ka sana!
"Saka na lang, naiwan ko card ko sa bahay." Sabay subo ng tatlong fishball na sabay sabay tinusok sa isang stick.
Ang bata bata, may credit card agad! Ikaw na! Ikaw na mayaman.
"Uwi na lang ako," Sabi ko sabay talikod.
Sa totoo lang hindi ako kumakain ng street foods. Hindi ko sila trip kainin.
"Teka lang!" Hinawakan niya ang aking braso saka ako hinigit paupo.
"Ano?" Pagalit kong tono.
"Sayang naman itong binili ko para sayo, kainin mo." Binuksan niya ang taklob ng kahon na nakahain sa aking harapan. Ang kahon na iyon ay may nakalagay na pangalan ng store na kanyang pinagbilhan.
"Fruit salad," speaking verbally.
"Alam kong hindi ka kumakin ng street foods. Kaya heto, fruit salad mo." Binigyan pa niya ako ng disposable spoon.
Totoo naman ang sinabi niya this time, hinatid nga niya talaga ako pauwi. Naglalakad na kami ngayon sa village. Akala ko talaga makakakain na ako ng sisig ng Dencios, pinaasa lang pala ako. But anyways, at least he's still thoughtful. Alam niya na hindi ako kumakain ng street food kaya iba ang binili niyang pagkain para sa akin.
"Thanks, anyway." Sabi ko nang nasa tapat na ako ng bahay nina Monica. Dito kami ni Mama nakatira dahil wala naman kaming pambili ng bahay, kahit ang pangrenta.
"Is this your house?" Pagtukoy niya sa maganda at malaking bahay sa aking likod. Ito ang unang beses na pumayag akong magpahatid sa kanya sa paguwi. Kaya ngayon lang din siya nakarating dito.
"No. It's Monica's." Dito pinag aral sa Batangas si Monica ng kanyang Italyanong ama sa personal na dahilan. Sa La Union talaga sila nakatira ng pamilya niya dahil sila ang may ari ng pinakamalaking grape farm doon. They also produce wine that every end of the month, they produce it all over the world. Kilala na ito kaya marami na rin silang branch farm sa Italy, France, Spain, China and USA.
Si Monica na lang magpaliwanag nito sa inyo. Wala naman akong masyadong alam sa negosyo nila. Basta ang alam ko, mayaman sila, tapos!
"Okay, see you tomorrow." Sabi niya. Tomorrow?
"Walang pasok bukas," Sabi ko sa kanya. Ano? Nakalimot na siya?
"What?" Oh don't be innocent Wilder. Hindi bagay.
"Tomorrow is Saturday,"
"No,"
"It is,"
"No,"
"Yes, it is."
"No, it's not."
"Okay, what day is it, then?"
"No day,"
"Are you dumb?" Why would he say that? Hindi niya ba alam ang mga araw sa loob ng isang linggo?
"I don't feel the day is passed when I'm with you."
Marunong talaga siyang mambola. Kahit ako, napapaikot niya. Wait, what? Anong sinabi ko? Naku, Bethany, sinasabi ko sayo. Huwag muna ngayon.
"Sige na! Papasok na ako." Sabi ko habang hindi na makatingin sa kanya ng diretso.
"Pwede ba kitang sunduin bukas?" Tanong niya. Kanina pa kami dito sa labas ng gate at sumasakit na rin ang paa ko dahil sa may heels and sapatos ko.
"Bakit?" Ano na namang balak mo?
"I want to bring you in the restaurant that you chose earlier," totoo ba? Dadalhin niya ako doon? Susunduin niya ako bukas para lamang kumain kami doon?
"Ay naku! Pwedeng pwede iho! Kahit saan mo pa dalhin ang anak ko, papayag ako!" Bigla na lamang nagsalit si mama mula sa aking likod. Niyakap niya ako sa aking likod kaya nagulat ako.
"Ma!" Piglas ko sa yakap ni Mama.
"Sayang naman 'nak. Ang gwapo eh." Bulong niya sa akin na alam ko namang narinig din ni Wilder dahil nagpipigil ito ng ngiti.
"Ma, ano ba? Pumasok ka na muna doon! Susunod ako." Pasaway din itong nanay ko eh.
Gwapo na ba si Wilder sa paningin ni Mama? Nanlalabo na kasi ang mat dahil tumatand na, sige naiintindihan ko naman. Pero sana naman, hindi na lang niya pinahiya anak niya.
"Your Mama likes me," panunukso nito.
"No! Don't take that seriously, she's just joking." Agaran kong pagkontra sa kanya.
"Didn't you find me handsome?" Ubod ka talaga ng yabang sa katawan.
"Not at all," Mabilis kong sagot.
Hindi na ako naghintay ng sagot niya at binuksan ko na ang gate at diretso iyong sinarhan. Sumandal muna ako rito para pakinggan kung nandiyan pa rin siya sa labas. How would he say those things? But I have to admit, I like being around him kahit na palagi niya akong inaasar at inapainit ang ulo. He still managed to make me smile that I don't know how.
"I'll wait for your message, see you tomorrow." I heard him chuckle. At narinig ko rin ang unti unting nanghihinang mga yabag.
He just won't give up! Kahit isang araw man lang hindi ko siya makita. Hindi siya maamoy kasi s**t! Ang bango niya talaga. Hindi siya makitang magsalita kasi his lips is so tempting. Wait what? Anong sinabi ko? At bakit parang nangangawit yung labi ko? Oh my gosh! I am even smiling! What's gotten into me?
Iwinaksi kong lahat ng iyon sa akin isipan at diretso nang pumasok sa malaking bahay ng aking pinsan na si Monica. Actually, she doesn't like it here. Mas gusto pa niya na sa La Union siya magaral kasi doon siya mas sanay at naroon ang kanyang mga kaibigan simula pagkabata. Ipinanganak man sya sa Italia pero dito niya piniling manirahan.
"I saw that," bungad niya sa akin nang makapasok ako. Nakaupo siya sa sofa habang makahulugan ang mga tingin sa akin. Nakacross pa ang kanyang mga braso na parang pinagsususpektuhan ako. Hindi lang parang, kundi talagang yun ang iniisip niya.
"What?" Inosente kong tanong. Alam ko kung anoman ang tinitukoy niya pero ayaw kong aminin dahil panigurado ako na mas palalakihin niya lamang ito.
"Don't act innocent, my cousin. I know that feeling." She said after sipping her coffee. Really? Coffee even at this hour? It's half past six in the evening.
She sometimes act mature and not. I just think that she has split personality. And what was she said that she know what I felt? Whatever!
"I'll go upstairs," pamamaalam ko sa kanya. I am not in the mood for teasing.
"Okay," she just gave up.
I was forced to wake up when my phone rang. Who's dumbass will call at this hour? I have no choice but to picked it up and answer. I balanced it out on my ear and answer while my eyes are still closed.
"Hello?" I answered.
"Did I wake you?" The first word that he uttered, I know he was now.
"Obviously, jerk." Walang pinipiling oras talaga ang lalaking ito para inisin ako. Even in my deep slumber!
"I was being nice to you and that was your response?" I heard him chuckle. Kahit nakapikit ako ay parang umiikot parin ang mga mata ko.
"Why are you calling me? Didn't you know what time is it? I'm having the best sleep of my life!" And I hang up. Nakakainis na naman siya. Napakaaga niya para ako ay inisin.
Wala talaga siyang pinipiling oras o minuto, kahit segundo sa isang araw na hindi niya ako iniinis. Kahit sa pagtulog ko, hindi niya binigyan ng konsiderasyon. At ngayon na tumutunog na naman ang aking telepono ay hindi na ako nito binalik sa pagtulog. I continuously ignored his calls dahil ayokong madagdagan ang pagkabad trip ko sa umaga.
"Gising na nga eh!" Sigaw ko sa aking telepono na parang maririnig niya iyon.
"Anak, sinong kaaway mo?" Hindi ko napansin si mama na pumasok sa aking kwarto na may dalang almusal.
Always treating me as if I am still a child.
"I should've eat at the table," I said.
"It's fine, darling. Anyway, may bisita ka sa labas." Sa sinabi ni mama ay tuluyan na akong napabangon.
"Wala naman po akong inaasahan, Mama." Sa pagkakaalam mo, wala pa akong naiimbitahan na kaibigan o kaklase ko dito sa bahay dahil hindi naman talaga ito sa akin. So nakakapagtaka na may bisita akong naghahanap sa akin.
This can't be.
Daglian akong bumaba sa hagdan dahil hindi ko na mahintay pa kung sino man ang taong nasa sala at hinihintay ako. At hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko. There he is, standing gracefully with a handsome smile on his face. And a flower.
What is he doing here? We were just talking over the phone earlier and now he's here? Is he some kind of alien? Possessing a teleport supernatural power? Is what I said means any idea? I must be out of my mind.
"Is that the way you will greet me?" He said.
I was out of word. I never thought that he will be here. And what is he supposed to do here? I was shocked. I can't even moved. He's there! He's literally there, standing in front of me.
"Ay Beth, pinapasok ko na sya. Kawawa naman kasi. Naghihitay sa labas." And Monica is here, helping her maids to prepare breakfast.
"Halina kayo. Sabay sabay na tayo kumain." Pagaya niya sa aming lahat.
And I just realized that I am still on my pajamas! Oh this is embarrassing.
Tumakbo akong pabalik sa aking kwarto upang maligo. Sobra ang hiyang naramdaman ko nang makita niya ako sa ganoong ayos. Binilisan ko ang aking panliligo at naghanap na maayos at presentable man lang. Kaya ba siya nandito para tuparin yung pangako niya sa akin na dadalhin niya ako sa Dencios? Kagaya ng sinabi ka kagabi bago kami maghiwalay?
Is that the reason why he's here?
Tumalon bigla ang puso sa sobrang tuwa. He is not that bad pala. He still knows how to do his promises.
"Be back before ten, okay?"Paalala sa akin ni Monica.
"Nanay ba kita?" Pabiro kong tanong sa kanya.
"I am not kidding. We will lock the door before ten. Kung wala ka pa dito, sa kanila ka na lang muna. Wala namang pasok bukas. Sige na! Lumayas ka na! Pagtutulakan niya.
She never gave me chance to speak at patuloy lamang siya sa pagtulak sa akin palabas ng gate. She also shut the gate in front of me at parang pinalayas nga talaga niya ako. Well, sya lang ang nagpalayas sa akin nang may ngiti pa sa mga labi. Pumasok na kami sa kotse ni Wilder.
"You were true to your words," I said out of nowhere.
"I will never break my promises to you," he replied.
"What is that?" Pagtukoy ko sa bulaklak na kanina niya pang hawak. Is that suppose to be mine?
"Sayo na lang. Nangangalay na ako kakahawak. Dadaan sana akong sementeryo." He just threw the flowers on my lap. Wala talagang kakilig kilig itong tao na ito sa kanyang buto.
But still, I am touched. He did not break his promise. And more importantly, kahit hindi ko naalala agad that we have agreement, but still, he chose to make it come true. He somehow carve his own way to my heart.