Kabanata I

3643 Words
Out of Control The atmosphere inside the office becomes heavy because of his presence. Kanina lang noong wala pa siya dito ay komportable pa ako, ngunit ngayon na nandito na siya at katabi ko pa ay parang sinisilihan ang aking pangupo na ayaw ko lang ipahalata. Kailan ba ako lalabas sa opisinang ito? Hindi ko na mahintay ang oras na iyon. Mas pipiliin ko na lang magtrabaho na agad para mabaling na ang atensyon ko. God! He's looking, no! He's glaring at me!  As if I was a prey!  "Wilder, nakikinig ka ba?" Tanong ng Chairman sa kanyang anak. Kahit ako ay hindi na din naiintindihan ang kanyang mga sinasabi dahil sa ilang na nararamdaman ko. "Yes, Dad." He answered, yet his eyes are still on mine. I can see on my peripheral vision. "Oh God, Wilder. Act like a man! Ms. Barcelon is an exception." Mr. Chairman hisses. What does it mean? "I did nothing, Dad." Matapang na sagot naman ng anak nito. "I'm really sorry, Bethany if my son makes you uncomfortable." For the first time since I started working here. My boss just apologize to me. Kilala si Mr. Dela Calzeda bilang misteryoso, strikto at matinik sa larangan ng negosyo. In my six years here in the company, I've been into two bosses. Ang matandang Dela Calzeda at ang kasalukuyang boss ko ngayon. I don't know what to feel when I heard him apologize to me. He just apologize to me for the sake of his son! "It's okay, Sir." Tanging nasagot ko na may hilaw na ngiti sa aking labi. May nga tao talagang marunong ihiwalay ang trabaho sa pamilya. Magkaibang personalidad ang inaakto ng isang tao sa magkaibang sitwasyon na tulad nito. "I'm really really sorry. We'll now start to the business." Muling nagseryoso si Mr. Chairman. From a father mode into boss mode. Real quick. Pinaliwanag ni Mr. Chairman ang mga gagawin namin sa pagiging mentor ko kay Wilder. Hindi pa din ako makapaniwalana nasa harap ko siya ngayon. Bumabalik ang lahat ng nakaraan ko sa kanya. Lahat lahat. Kahit ang mga pangyayari na ibinaon ko na sa limot ay muling pumaibabaw. "I can't believe this is happening!" One small glass of vodka. Bottoms up. "Of all people, why does it have to be him?" Another glass. "That's your second shot, Miss. Let me remind you of how low you can tolerate alcohol." Isabella is such a nug! "I know my limit, Belle." I told her everything. Siya na ang takbuhan ko kapag may problem ako sa trabaho. It's not just because were this close but she's the nearest among my friends. "I just can't believe myself for being this deaf and blind. How stupid of mine to forget the surname 'Dela Calzeda' as the same surname of his!" And then, another shot. "Hindi mo naman kayang kontrolin kung ano ang mangyayari. Or what's ahead of you. Just accept it." Nang sinubukan ko muling magsalin ng vodka sa shot glass, ay siya namang agaw sa akin ng bote. "How? Kung sa tuwing makikita ko siya ay naaalala ko kung paano niya ako ginago!" Sigaw ko. Sa lugar na pinagtagpuan namin ay maingay. Loud hispanic music was being played. Madaming tao ang nagsasayaw ngunit nandito kami sa counter. I want to be drown kaya si Isabella ang tinawagan ko. Well, siya lang naman ang malapit sa akin ngayon sa lahat ng kaibigan ko. And that's totally fine, napagtyatyagaan naman. She's a nag! Like a mother. "Woah! That was deep. Okay, I know. Relax." Pagpapakalma niya sa akin. "Am I being fooled?" Tanong ko sa hangin. "What?" She asks. Hindi ko alam kung hindi niya ba narinig o hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin. "After all those years, bakit muli siyang nagpakita?" "Okay, the drama has started." Isabella whispered. I didn't care about it. Tulala lang ako sa samu't saring alak na nasa harapan ko. Habang iniisip kung bakit nangyayari ito sa akin. Gusto ko magpakalasing, gusto kong umiyak, gusto ko na lamang mawalan ng pakialam sa mundo. "Bakit bumabalik sa akin ang lahat ng gusto ko nang makalimutan?" "Bakit kung ano pa yung binaon ko na sa pinakailalim ng aking utak, iyon pa rin ang nangingibabaw ngayon?" "Bakit noong makita ko siya muli? Bakit ganoon pa din ang nararamdaman ko para sa kanya?" Tumutulo na parang talon ang aking luha sa gilid ng aking pisngi. Lumalabo ang aking paningin at naririnig ko na din ang sarili kong pagiyak. "Okay, that's it! I'm calling Oliver." Hindi ko alam kung ano na ginagawa ni Isabella sa tabi ko. I am tired to even look at her. Maingay ang musikang tumutunog sa aking likuran. Kahit hindi ko tingnan, madami ang mga nagsasayawan. Siksikan ngunit nagagawa pa din nilang umindak sa ganyang kalagayan. Isabella is nagging again beside me. Hindi ko na iyon maintindihan dahil okupado ang aking isipan. What should I do? Should I just ignore the fact that we've met again? What we're he thinking when he saw me? But now that we have to work together, it means that I have to stick with him the whole day. Hindi man lang ako nakatanggi. But how? His father is begging to me. "Hey," Oliver arrived. He kissed Isabella as if I was not here. I kind of envy to their relationship. It's stable. Ang tagal na nila, ever since High School. Hindi ko nabalitaan na nagloko man lang itong si Oliver or vice versa. I guess they're falling in love to each other everyday. I wish for this kind of man. She told me na mataas ang standards ko pagdating sa lalaki kaya wala man lang pumapasa. I dream of a perfect man kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong karelasyon. "Let's go home. Beth's drunk." Isabella said. "I'm not," palusot ko. "Oh really? Come on, we'll take you home." Hinigit pa nito ang aking braso para mapaalis ako sa aking upuan. "Really. I can still walk straight. Talk straight. Think straight." Depensa ko. I'm just a little dizzy because of the vodka, that's why. "Let's go home. 'Diba may work ka pa bukas?" Tanong sa akin ni Oliver. "f**k work! I don't want to go anymore." Tamad kong sagot. "Bethany Barcelon? Is that you?" Ipinakita sa akin ni Isabella ang gulat niyang mukha. She knew me. And I'm not a kind of person that gives up easily. I always think of my career. It became my life that only keep me moving. Umirap ako sa ere sa tanong niyang iyon. Tinahak ko na ang daanan palabas ng bar sa pamamagitan ng pagpasok sa dagat ng mga tao. They we're wild. Nagkakatulakan. May naaapakan. Nagsisiksikan. I have no other choice but to go. "Where did you parked your car, Oliver?" Tanong ko. Nakalabas na ako sa mga nagsasayawang tao at ngayon naman ay madilim itong nilalakaran ko. "Oliver?" Tawag ko sa kasintahan ni Isabella. Naglakad pa rin ako kahit madilim. Mahaba rin itong nilalakaran ko para makapunta ako sa exit. Pero teka! Tama pa ba itong nilalakaran ko?  "Ladies sa kanan, Men sa kaliwa. Ay sosyal! Separate ang exit." Bulong ko sa sarili ko. "Hey Miss, are you lost?" Someone asked me from behind. Nilingon ko siya pero dahil madilim nga dito ay hindi ko makita ang mukha niya. Ang sikat ng ilaw ay kaunti lamang at halos hindi na maabot ang daanang ito. "No I'm not. Papunta lang ako sa exit." Sagot ko. My vision beame blurry nang pinilit kong lapitan ang mukha niya para makita ito. "I'm afraid you're lost," anito. Palapit siya ng palapit sa akin kaya paatras din ako ng paatras hanggang sa mapasandal n ako sa dingding. "Are you alone?" Tanong nito sa akin habang kinukulong ako ng kaniyang dalawang braso. "No. I'm with my friend." Sagot ko. "Where's your friend?" Naramdaman ko ang kaniyang paglalaro sa dulo ng aking buhok. "Probably outside waiting for me. Will you please excuse me?" Tinulak ko siya nang mahinahon pero hindi ito natinag. "Sandali lang. Naguusap pa tayo." His voice became husky. Alam ko ang galawang ganito. I've been into bars since twenty seven years old. This kind of gestures and the way he talked to me, this means that he's hitting on me. "I'm sorry but how old are you?" Tanong ko. "Seventeen," nakita ko ang paglapit ng mukha niya sa akin kaya pinigilan ko ang kanyang bibig gamit ang aking palad. "You are just seventeen pero nakapasok ka dito?" Tanong ko. Inalis niya ang kamay ko sa kanyang bibig at mahigpit itong hinawakan. "That's what money's for," hinalikan niya ang likod ng aking palad na nagpangiwi sa akin. "I'm sorry little boy but I'm twenty eight years old," bago ko mabawi ang kamay ko ay napahiga na ang lalaki sa sahig. Oliver came at pinagsusuntok nito ang lalaking kausap ko kanina. He's furious at ramdam ko iyon sa mga suntok niya. Hindi pa ito nakuntento at kinuwelyuhan pa nito ang lalaki para mapatayo. "Oliver stop!" Pigil ko. Nang hindi siya nakinig sa akin ay kinalag ko na ang mga kamay nito sa kwelyo ng lalaki at nilayo. "Tama na. He's just a kid!" Pigil ko dito. "Get out of here, kid!" Baling ko naman sa lalaking kausap ko kanina. Naawa ako sa itsura niya. Duguan ang noo hanggang labi. "Ano bang ginagawa mo pa dito? Akala ko ba ay lalabas ka na?" Pagalit na tanong sa akin nito. "Lalabas na ako pero pinigilan ako ng lalaki," sabi ko. "Restroom itong pinuntahan mo," natatawang sambit ni Oliver. "Oh! Nasaan ang exit?" Tanong ko. Mali pala itong dinaanan ko. "Sa kabilang hallway," sagot nito. Okay. I'm not drunk. Nahihilo lang. Hinatid ako nina Oliver at Isabella sa building ng pad na tinitirahan ko. Isabella insisted na ihatid ako hanggang sa room ko pero hindi na ako pumayag. I'm not a baby. Kaya ko naman. Sa condominium ako nakatira ngayon kasama si Mama. Mataas na floor pa iyon kaya gumamit ako ng elevator. My surroundings was quiet, maybe bacause of the time o dahil walang mga tao akong nakikita. My head became light and I feel like my eyes are about to fall off. Pagkabukas pa lamang ng elevator ay nagmadali na ako sa pagpasok sa condo. Lock and pinto, hubad ang takong, tapon si bag sa sofa at bukas ang pinto ng kwarto.  Napangiti ako sa naabutan ko. Mama's sleeping very peaceful. Minsan ay hindi ito natutulog hangga't hindi ako dumadating. It's past nine in the evening at pagod na pagod ako. Dahan dahan akong humiga na nagiingat na magising ang aking katabi. Ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang baywang at unti unti na rin akong hinila ng antok. Napabalikwas ako sa aking pwesto nang marahas na tumunog ang aking alarm.  Eskandaloso! Hindi ko na muling mabawi pa ang aking antok kaya naman lumabas na ako ng kwarto diretso sa kusina. Masakit ang ulo ko at pakiramdaman ko ay lumulutang pa ako. Pesteng vodka! Hindi ko na sana dinamihan. Binuksan ko ang fridge para kumuha ng tubig. Naririnig ko si Mama na naghahanda ng almusal kaya hindi ko na siya inabala. Masakit talaga ang ulo ko and I don't feel like going to work today. "Umupo ka na dito at kumain," narinig kong sabi ni Mama at sumunod na lamang ako. Umupo ako sa upuan at inilatag naman niya sa harap ko ang almusal. "Pinagtimpla kita ng kape mo," saka naman niya nilagay sa mesa ang aking tasa. Naamoy ko agad ang creamy coffee na paborito ko. "Salamat, Ma." Binuhat ko ang tasa at diniretso iyon sa aking labi. Mainit ito kaya dahan dahan ako sa pagsimsim. Usually, sermon ang aabutin ko kay Mama kung darating ako ng hating gabi at lasing. Pero nakakagulat na hindi niya ako nasesermonan ngayon. Hindi ko na lang ipapaalaala dahil baka nga gawin niya. "Kamusta ang trabaho?" Panimula ni Mama habang kumakain kami. "Ayos naman, Ma. Medyo nakakapagod lang." Sagot ko. "Nagiba na ba ang schedule mo?" Tanong nito. "Hindi naman po," sabi ko bago nguyain ang sinubong pagkain. "Kung ganoon, anong oras pa ang pasok mo ngayon?" Sumimsim si Mama sa kanyang mainit na kape. "Katulad pa rin ng kahapon," Muli akong sumubo ng pagkain. Inisip kong mabuti ang mga gagawin ko ngayon. Iniisip ko pa lang pero napapagod na ako. Hindi biro ang pagiging Marketing Director ng isang Travel Agency lalo na't araw araw ay kailangan naming makamit ang binigay na quota. Dumagdag pa itong si Wilder na lalong nagbigay sa akin ng dahilan upang huwag nang pumasok sa trabaho. Bakit naman kasi ako pa? "Alas nueve ang simula ng trabaho mo, kung ganoon, late ka na ng isang oras." Sabi ni Mama. "Ma, masakit po ulo ko. I'm not in the mood to ride your trip." Pinilit kong tapusin ang pagkain ko. Nararamdaman ko na masusuka ko din naman ito. "Hindi ako nagbibiro," Tiningnan ko si Mama. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kanang kilay. "Tingnan mo ang oras," Utos niya na sinunod ko naman. Pagkatingin ko sa relo dito sa kusina ay bigla akong nanlamig. Tama nga si Mama, isang oras na akong late. Alas dies na! Daglian akong napatayo at patakbong nagtungo sa kwarto. Binuksan ko ang aking cabinet at naglabas na lamang ng kahit anong maisusuot ngayon. At kapag minamalas ka nga naman, hindi pa pala plantsado. "Mama pakiplantsa naman po ng susuotin ko!" Sigaw ko mula sa kwarto. Hinagis ko sa kama ang mga damit para kuhanin ang aking tuwalya at pumasok na sa banyo. Kahit ang aking pagligo ay mabilisan na din. Muntik ko na ngang gawin ang magwisik na lamang. Never in my entire life na malate ako. Kahit noong nagschooling pa lang ako. I am always on time. Kaya naman kabado ako ngayon dahil ito ang unang beses na papasok akong trabaho na late na dadating sa opisina. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo. Mabilisan ang aking kilos kaya naabutan ko pa si Mama na pinaplantsa pa din ang aking damit. Pinagpatuloy ko ang pagaayos ng aking sarili habang hinihintay na matapos ang aking susuoting damit. I didn't bother to wear makeup at mas lalo lang magtatagal. "I'm coming home late. Don't wait for me." Pamamaalam ko kay Mama habang unti unting sinasaraduhan ang pintuan. I don't have a car. Yes, I don't invest in any vehicles because it will just cause another traffic and pollution. Mahilig naman ako magcommute at mas madali pa nga iyon kaysa sa sariling sasakyan. Pagkatigil ng train ay siya ring bukas ng pintuan sa aking harapan ay agad na akong pumasok. Wala akong nahanap na bakanteng upuan kaya wala akong ibang choice kundi ang tumayo. Naghanap ako ng makakapitan at tumayo na ng maayos. Magkahiwalay ang lalaki sa babae sa train na ito kaya okay lang. Nang makarating ako sa aking destined station ay bumaba na ako. Daglian akong naglakad na halos takbuhan ko pa ang papunta sa building. Paniguradong mapapagalitan ako nito. Ang dami pa namang tsismosa at inggitera sa opisina at nakakasiguro ako na hindi nila ito papalampasin. Isa ako sa mga usap usapan palagi doon. Kesyo kulang daw ako sa experience, sipsip sa higher bosses at cheater. Madami pa nga kung iisa isahin ko, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan pa nilang gawin yun. Bakit hindi na lang sila magtrabaho para marating din nila itong narating ko? Pinangungunahan kasi ng inggit, ng galit. Hindi nila alam na iba't iba tayo ng paraan para makamit ang mga gusto natin sa buhay. Alam naman nila kung paano, hindi lang nila ginagawa. Tapos isisisi sa iba kesyo ganito, ganyan. Filipino toxic character. "Wait! Hold it!" Sigaw ko dalawang metro ang layo sa elevator. Laking pasasalamat ko nang narinig nila ako kaya napigilan nila ang pinto na magsara. "Thank you," Sabi ko sa lalaking nagpigil ng pinto. Ang tagal namang gumalaw ng elevator na ito. Nadagdagan na nga ng labing limang minuto ang pagkalate ko, baka madagdagan pa lalo dahil sa elevator na ito. Ang dami pang stop over bago ako makarating sa floor ng opisina namin. Unang tapak ko pa lamang sa sahig ng opisina ay bumungad na sa aking ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa. "Ms. Bethany," Tawag sa akin ng aking sekretarya. Nang maharap ko siya ay hindi maipinta ang kanyang mukha. "Kanina pa po kayong tinatawagan sa top floor," sambit niya sa akin. "Sa office ni Mr. Chairman?" Tanong ko. Binaba ko ang aking bag sa aking lamesa at inilabas ang aking cellphone. Pagkabukas ko nito ay may sampung missed calls at pitong messages ang bumungad sa akin. Bigla kong naalala, may meeting nga pala kami ngayon ng Chairman. "Opo," Sagot ng aking sekretarya. Gulat akong napa "Meet me here at nine tommorow," "We'll continue the discussion tomorrow," "Don't be late, Wilder." You are dead, Bethany! Ang ideyang si Wilder ang sinabihan ni Mr. Chairman na huwag malate ay kabaligtaran ang nangyari. I am totally dead. Karipas akong tumakbo pabalik sa elevator. Pinindot ko ang top floor at habang tumataas ito ay mas lalong lumalakas ang kabog sa aking dibdib. What will happen to me? Kabago bago ko sa posisyong ito, pumalpak agad. Nandito na ako ngayon sa harap ng pintuan ng opisina ni Mr. William Dela Calzeda. The Chairman and the co-founder of Pipol Tourism. Dahan dahan muna akong kumatok bago binuksan ang pinto. "Good morning, Mr. Chairman." Nakasilip ako sa pintuan habang siya at ang kanyang anak ay nakaupo sa sofa. Parehong nakaekis ang mga braso sa dibdib. Tiningnan niya ako nang walang ekspresyon. "You're late," is this the end of my career? Pirmi akong pumasok at tahimik na sinarado ang pintuan. Pinikit ko muna nang mariin ang aking mga mata bago ako muling humarap sa kanila. "It is my fault, Sir. I have no better explanation on it. I'm sorry." Nakayuko kong sinabi. "Alam mo naman kung ano ang ayaw ko 'diba?" Panimula nito. "Dad," singit naman ni Wilder. "Late and tardiness," Sagot ko naman. "Alam mo naman pala. Bakit ngayon ka lang?" Wala akong maisip na mabisang dahilan kaya nanahimik na lamang ako. "We don't know her reasons, Dad. Baka masama lang pakiramdam niya." Pagtatanggol sa akin ni Wilder. Tuluyan ko na siyang tiningnan at hindi ko mabasa kung ano ba ang binabalak niyang gawin. Sa kanyang ginagawa ay mas lalo lamang akong mapapahamak. "Kahit na. If that's the case, she should tell us beforehand. Hindi yung pinaghihintay tayo dito. You just waisted the busy man's time!" Panenermon sa akin ni Mr. Chairman. "I'm really sorry, Sir. I promise it won't happen again." Sambit ko. namumuo na ang aking mga luha sa pagaalala na baka matanggal ako nito sa trabaho. I've work hard to achieve this position. "I really hope so, Ms. Barcelon." Huling litaniya ng Chairman bago namin maipagpatuloy ang diskusyong naiwan kahapon. You see? He is really strict or should I describe him as perfectionist. There's nothing wrong with that because I can still keep up my work. Ngunit malambot din ang puso niya. Kapag mabibigyan pa ng pangalawang pagkakataon, bibigyan niya. Minsan pa nga ay pangatlo o pangapat. Basta nakikita niya na deserve naman ng tao. As we discussed things, nakikita ko na naman si Wilder na panay ang sulyap sa akin. Magkatabi na naman kami ngayon at hindi ko na naman malaman kung saan ipupwesto ang tuhod ko. Kung sa kaliwa naman ay nagtatama ang aming mga tuhod, ayoko ng ganoon, kung sa kanan naman ay hindi ako komportable. Kaya napagpasyahan ko na itikom na lamang iyon sa gitna. "The contract will last for six months and after that, he will take an assessment that I made. If he pass, I will give you incentives that you both deserve. And if he failed, you will not credit any incentives." Patuloy ni Mr. Dela Calzeda.  Nakikinig lang ako sa kanya. Pinipilit na makinig. Wilder's presence is knocking me off that I would like to just storm out of this room. He makes me occupied. Hindi ko na nga alam kung nasusundan ko pa ang mga pinagsasabi ng kanyang ama. Sa tuwing mapapalingon ako sa gawi niya, nakatingin siya. Para ngang wala siyang ibang nakikita sa room na ito kundi ako lang. And I don't know if that's the best or worst. Nagring ang telepono ng Chairman na nagpagambala sa diskusyon naming ito. "I believe we're through. You can now both leave my office." The Chairman said, dismissing us both. "Thank you, Sir. I will not disappoint you." Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinamayan si Chairman. "I'm rooting on you," he turned to his son, "for the both of you." With rushing determination in his eyes. He has believe in his son. I saw it. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ako mismo ang nakasaksi niyon. It's just that his son doesn't take any of this seriously. Gaya ng kwento ng kanyang ama, he's an adventurer. Going places, trying other things that's out of his father's favor, just thankful that he hasn't been tasting drugs, collecting girls as I heard. Lumabas na ako sa opisina ng Chairman knowing that Wilder is behind me. I don't know why I'm becoming like this. When he's around, I can't think straight. I can't act straight! It feels like he's the one with control of my body. On my way to the elevator and we're the only person here. It's the top floor at kailangan ko pang hintayin ang lift na nasa fifth floor pa. It happens so fast. In one swift move, I can feel the coldness of the wall behind me. And he was in front of me, so close that I can even cross my eyes to see him properly. I can't react that quick! "What are you doing?" Stuttering. He's not answering me. He's just there, looking at me. "What is your problem?" This time, I got stronger. Without any notice, he answered me with a kiss. A kiss that all I can taste is pain. A kiss that all I could think of is anger. A kiss that all I can see is betrayal. A kiss that made me saw the hurtful past I have with him. Sa aking gulat ay buong lakas ko siyang tinulak. Lahat ng lakas ko ay inipon ko sa aking mga palad para malayo siya sa aking katawan. At pagkatapos ay nilapatan ko ng sampal ang kanyang pisngi. Nagulat ako. Nagulat siya. Hindi agad kami nakakibo pagkatapos ng nangyari. Ang nagpabalik lamang sa aking ulirat ay ang tunog ng elevator na nasa floor na ito kung nasaan ako. Walang pasubali ko siyang tinalikuran na may gulat pa din sa aking mukha. Pinindot ko agad ang close button dahil hindi ko maaatim na makasabay siya maging dito sa loob ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD