"Congratulations on your promotion, Ms. Barcelon. You deserve it." The Chairman of the company that I work for praised me. It was such an honor.
"Thank you, Mr. Chairman." Nilapag ko sa tray ang kapeng iniinom ko. Inimbitahan niya ako sa kanyang opisina para sa mga updates at may ipapagawa daw siya sa akin dahilan ng pagpunta ko dito.
Abot tainga ang aking ngiti sa mga papuri na natatanggap ko mula sa kanya. Hindi biro ang ginawa kong effort para lamang ako ang mapili para sa promotion. Halos ialay ko ang aking buhay sa trabahong ito para lamang makamit ang posisyong hinahangad ko. At siguro naman ay deserve ko talaga ito dahil sa akin pa din ito napunta. My co-workers were happy for me at hindi din sila magkamayaw sa pagbati sa akin bago ako umakyat sa aking opisina.
"You don't like the coffee?" He asked. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"That's not what you think, nilapag ko lang po." Palusot ko. I just don't like strong black coffee. Mas gusto kong hinahaluan iyon ng cream para hindi mas matapang. Balanse lamang ang tamis at pait kapag lumapat na iyon sa aking dila.
That's how I like my life to be, balance.
"Ah! I like strong coffees. It makes me alive for work." Sinabayan ko ang kanyang pagtawa to ease the atmosphere. Hindi naman ako sanay na nakikita ang Chairman at nakakausap ito ng harapan without the connection to work. It was my first time being in his office.
"May I know why you summon me here, Mr. Chairman?" I asks him straight forwarded. Para maiba na din ang usapan. Doon sa magiging komportable ako. Nasanay ako na maguusap lamang kami kapag tungkol sa trabaho. He was well respected sa mundong ginagalawan ko. Nakakagulat na napagusapan din namin ang mga personal naming buhay.
"Oh, that." Sumimsim siya sa kanyang kape bago iyon ilapag sa tray. Umayos din siya ng upo na punong puno ng awtoridad kung saan iyon ang aking nakasanayan.
"I really don't know how to tame my son," panimula nito. Kumunot naman ang aking noo sa pagtataka. Ang akala kong tungkol pa din ito sa trabaho ay biglang naiba.
"I'm sorry, Mr. Chairman. I do not have the ability to help you with that." I truly feel sorry. Ito pala ang pinoproblema niya.
"Ikaw ang nilapitan ko dahil I see that ability in you. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. This is work, Ms. Barcelon. And I'm willing to pay incentives to this." Litanya niya.
Naawa akong bigla para sa kanya. Ang lahat ng ginagawa niya ay wala lamang dahil sa pasaway nitong anak. He once said that ito ang susunod na mamamahala ng kumpanya but he lack skills. He doesn't know how to manage the company. How to be a trustful person.
"May I know the problem, Sir?" Gusto kong tumulong hindi dahil sa bonus na matatanggap ko. Gagawin ko ito to lessen the burden on the Chairman's shoulder. He has a lot of works, being helpful in the way that I can will ease his struggle.
He sighs, "wala siyang alam tungkol sa kumpanya. Paano ko ipapasa sa kanya ang responsibilidad kung ano ano ang inaatupag niya? Matanda na ako, at siya lamang ang lalaking anak ko na magmamana nito." I can sense his frustration. Para bang araw araw ay ito ang tumatakbo sa kanyang isip.
"I want you to be his mentor," he proclaimed.
I stopped for a moment. Para akong nasamid kahit wala naman akong iniinom. Para akong kinapos ng hininga kahit hindi naman ako tumakbo. This is still part of my work? How come? What's the connection?
"Pardon, Sir?" I said. To make things clear.
"This is still part of your job. I need feedback and updates everyday. It is that hard to do?" He asks. Napapalunok na lamang ako. Hindi ko naman siya matanggihan.
"I need you to prove to me that you're worth in this position. I won't approach and seek your help if I don't see the potential in you." Seryoso ang kanyang tono. Sa akin nakadirekta ang kanyang tingin.
"Are you going to disappoint me, Ms. Barcelon?" Anito.
"No, Sir." Pagiling ko. Isipin mo na lang Bethany na pagsubok mo ito para sa bago mong position. He was just testing you. Isipin mo na lang na examination mo ito.
"Are you going to take my offer?" He asks again.
I sighs, "yes, Sir." For proving my worth. For entering a new challenge. For entering a new things to discover.
I saw him smile. Para bang naibsan ang bigat sa kanyang kalooban nang mapapayag niya ako. This will never be an easy task. Ayon sa kwento niya ay pasaway nga ito na kahit ang sarili nitong ama ay hindi siya mapasunod. Fine, you will just instruct him about the company. Make him learn about the organization. Will he absorb it? Sana naman ay huwag niya akong pahirapan.
"Dad pinatawag mo daw ako," narinig ko ang pagbukas ng pintuan kasabay ang boses ng isang lalaki. Nakatalikod ang aking pwesto sa pintuan habang nakaharap naman si Mr. Dela Calzeda kaya kita niyang pumasok ang kanyang anak.
"Yes, Wilder. Take a seat." Mr. Chairman said.
Wilder? Wilder Dela Calzeda? My batchmate in high school? The varsity player?
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na tumayo at humarap sa lalaking pumasok. Tama nga ako. Siya nga. Ilang taon na akong nagtatrabaho sa kumpanyang ito na Dela Calzeda ang may ari. Ngunit hindi ko kailanman naisip na anak si Wilder ng Dela Calzeda'ng kilala ko bilang aking amo. Siya ang tuturuan ko?
Nanlalamig ako. Pakiramdam ko ay hinahatak ako ng lupa pababa. He never change his gaze on me. It is still the same whenever our eyes meet. Deep and unpredictable. He became more masculine than before. Taller and more attractive.
"Son, I said take a seat. Simpleng utos ko hindi mo na naman sinusunod." Nilapitan ni Mr. Dela Calzeda ang kanyang anak upang ito ay paupuin sa sofa.
"Come here, Bethany." Mr. Chairman commanded. Lumapit ako doon nang nanginginig ang mga tuhod.
I can't stand his gaze. Matagal ko na siyang hindi nakita at wala kaming naging komunikasyon after graduation in high school kaya hindi ako nasanay. He wants to say something but he never mouthed it. I want to know what is it.
"Meet my son Ms. Barcelon. This is Wilder Dela Calzeda, my successor. Son, this is the Marketing Director of Pipol Tourism Philippines branch, Ms. Bethany Barcelon." Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tinitingnan na lamang kami ng kanyang ama at ito'y nagtataka sa knikilos naming dalawa. To ease the awkward atmosphere, I extend my arm to him.
"Pleasant to meet you, Sir." I faked my smile. Hindi iyon makaabot sa aking tainga. I pretend na hindi kami magkakilala para hindi kami mahalata.
Lalo lamang akong nanlamig nang tanggapin niya ang aking kamay at ito'y pisilin. Parang may dumaloy na kuryente sa aking katawan dahilan para bawiin ko ang aking kamay. Ngunit mas lalo niya lamang iyong hinigpitan para hindi ko mabawi. Tiningan ko ang kanyang mukha at nakit ang galit niyang mga mata. Bakit? Anong nagawa ko na ikinagalit mo?