Kabanata VIII

4095 Words
Developing "Wil, anong nakain mo?" Bakit bigla kang naging seryoso? "Ang luto mo," mabilis na sagot nito ngunit ang mga mata ay nananatili sa akin. Naaalala ko noon na nagiba ito ng trato sa akin. Ngunit nalaman ko sa dulo na may kapalit iyon. Ngayon ay hindi ako sigurado kung ganoon ulit yung ginagawa niya ngayon. Ngunit sa tuwing iisipin ko ang mga tao na nagiiba ang pakikitungo sa akin, sa huli ay kailangan ang mga ito. Sa huli ay maiiwan ako. Sa huli ay masasaktan ako. I am just protecting myself. "Silly," ginulo ko ang kanyang buhok at umayos muli ng aking pagkakaupo.  Tila walang kapaguran ang mga batang patuloy pa rin sa paglalaro sa arawan. Alas dies na ng umaga at tirik na ang araw ngunit hindi iyon alintana sa mga ito. Tumakbo palapit sa amin ang isang bata at hingal itong tumigil sa harapan ni Wilder. "Kuya, sali ka po sa laro namin." Sabi nito. Pawisan ito kaya kumuha ako ng tuwalya sa aking gilid para tulungan siyang punasan ito. "Hindi ako marunong nang nilalaro niyo," hindi ko maiwasang mapaikot na naman ang aking mga mata. "Ano po ang laro na alam mo?" Tanong ng bata sa kanya. Ang paglaruan ang kahinaan ko? "Basketball," simple pero mayabang nitong sagot. "Talaga po? Marunong po kami ng basketball!" Natapos ko na siyang punasan ng pawis kaya umupo na akong muli katabi si Wilder. Iniwan ko sa kanyang likod ang bimpo para masipsip nito ang pawis. "Kung hindi mo tataningin, MVP ako noon sa school namin. Magaling daw ako maglaro." Pagmamayabang nito. "Noon po iyon! Ako na po ngayon." Hindi nagpatalo ang bata at tinapatan ng kayabangan din. "Go. Don't upset the kid." Sabi ko nang matapos na sila. "Sige. Si Ate Bethany ang magiging judge natin." Sabi ni Wilder. Ano? Bakit ako? Wala na akong nagawa nang sabay silang tumakbo papunta sa basketball court. Sumunod naman ng ibang bata nang tawagin niya ang mga ito. Binitbit ko ang mga bimpo para sumunod na rin sa kanila. Nakasalubong ko si Vhon at mabuti na lamang at wala itong ibang ginagawa. "Vhon, pwede ba ako maka-request sayo?" Hindi ito mapakali nang humarap sa akin. "Ano po iyon?" Nauutal niyang tanong. "Pwede mo ba akong tulungan na dalhan ng tubig ang mga bata doon sa basketball court? Mamaya ay titigil ang mga iyon sa paglalaro at paniguradong uhaw sila." Sabi ko. "Okay po. Magdadala po ako agad." Sinunod naman nito ang aking hiling at naglakad na papuntang kusina. Nagdiretso naman ako papunta sa basketball court ng orphanage at naabutan ang mga ito na nagsisimula na sa paglalaro. Hindi man patas ang laban dahil walang kasagpi si Wilder, natutuwa pa rin ako kasi siya ang pinakamalaki sa mga ito. Para siyang batang naglalaro din ngunit mas matangkad lang sa kanila. "Ate, saan ko po ito ilalagay?" Nanlaki ang mga mata ko nang dalhin ni Vhon ang isang galon ng mineral water sa kanyang mga bisig. "Dios mio! Dito mo ilagay." Tumayo ako para doon niya ipatong sa aking kinauupuan. "Maraming salamat, Vhon." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng kanyang mga tainga. Ang kanyang mga kamay ay inilagay nito sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti sa akin pabalik. May kinuha siya sa kanyang bulsa at nagaalinlangan pa na ibigay iyon sa akin. "Ano ito?" Tanong ko. Isang luping maliit na sobre na nakatitiyak akong may sulat sa loob nito. Tinanggap ko iyon at bubuksan na sana nang pigilan niya ang mga kamay ko. "Mamaya mo na po basahin. Kapag nakaalis na ako." Nahihiya itong binitawan ang aking mga kamay. "Okay. Halika samahan mo muna ako na panoorin silang maglaro." Umupo ako sa batong upuan ngunit siya ay nahihiya pang tumabi sa akin. "Gusto mo bang sumali sa laro nila? Basketball." Pwede siyang maging kakampi ng mga bata. "Hindi na po," pagtanggi nito. Nararamdaman ko na may gusto siyang sabihin sa akin. The way he acts, I know there's something he wants to tell me. "Ano ba ang laman ng sulat mo?" Kyuryoso kong tanong. "Gusto ko na po na maging matanda," bigla nitong sabi. "Bakit naman?" Napakasarap kaya mabuhay bilang bata. "Gusto ko na po maging ka-edad mo po para maligawan po kita ng maayos," nahihiya nitong sagot. Sa pagkakatanda ko, disi otso anyos na ito. Tapos gusto niya pang madagdagan ng panibagong sampung taon ang kanyang edad? Napakasarap ng buhay ng bata kasi wala pang iniisip na responsibilidad. Kaunti pa lamang ang pangangailangan. Dapat ay namnamin niya muna ang pagiging binata. "Vhon, kung hihilingin mo na maging kasing edad ko... baka gustuhin mo na lamang isipin na bumalik sa pagkabata." Kailangan niyang mamulat sa katotohanan. "Kung makakasama naman po kita. Handa po ako sa mga responsibilidad." Seryoso nitong sabi sa akin. Marami na nga ang batang akala mo ay kaya na ang kanilang mga sarili. May mga bata na nakukuha nang magdesisyon para sa kanilang mga sarili ngunit nauuwi sa pagsisisi sa bandang huli. May mga bata na nagpapadalos-dalos sa kanilang mga kinikilos na nauuwi sa pagkakamali. Sa panahon ngayon, mas inuuna na ng mga kabataan ang bugso ng kanilang mga damdamin na hindi na nila naiiisip ang maaaring kaharapin kinabukasan. May iba na nagsisi, ngunit wala nang magawa dahil hindi na mababalik ang nakaraan. May mga kinapulutan ng aral at nagpatuloy sa buhay. Depende pa rin sa isang bata kung paano niya lalakaran ang buhay na nilaan sa kanya. "Bata ka pa, Vhon. Marami ka pang kailangan matutunan. Huwag kang magmadali." I pat his right knee to get his attention. "Gusto ko na pagisipan mong mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Ang pag-ibig ay darating naman sa tamang pagkakataon. Makikilala mo siya sa tamang panahon. Ang gusto kong gawin mo ngayon ay ayusin mo ang sarili mo; magtapos ka ng pag-aaral, makahanap ng regular na trabaho o magnegosyo, makaipon." "Para kapag dumating siya sayo, masasabi mo na handa ka na. Kaya mo nang ibigay ang lahat ng kaya mo para sa kanya. Dahil gagawin mo ang lahat para mapasaya siya. Dahil kapag dumating siya, wala ka nang ibang dapat makamit kundi ang mapaligaya ang taong magpapakulay ng mundo mo." "Wala ka nang ibang gustong makita kundi ang matatamis na ngiti niya. Wala ka nang gustong puntahang iba kundi ang mga braso niya." "Mararamdaman mo na mahal ka niya kapag masaya siyang kasama ka. Sabik na makita ka. Kapag naaalagaan mo siya ng maayos. Masarap sa pakiramdam." Pangaral ko sa kanya. Nakikinig lamang siya sa akin habang hinahayaan niya akong magsalita. "Pero mas gugustuhin kasi ng mga babae ang mga gwapong lalaki," doon pa lamang ay napanghinaan na siya ng loob. "Hindi iyon totoo," hinagilap ko ang kanyang mga kamay para mapaharap siya sa akin. "Women are only attracted by the looks. But we are falling in love by the attitude. And how men respects a woman." That is how I explain our side. "And even if you were rejected once or countless times, keep trying. Never give up on your woman." Sumingit si Wilder sa aming usapan kaya napatingin ako sa direksyon niya. Buhat na nito ang dalawang pawisang bata sa magkabilang bisig habang nakatingin silang lahat sa amin. Kahit ang mga bata. "Pagsikapan mo siya. Paghirapan mo. Because she will be your greatest treasure in this world. The most expensive gem behind your success that money can't buy." Habang sinasabi niya iyon ay sa akin siya nakatingin. Sa akin nakapokus ang kanyang madidilim na mata. My heart is pounding out of my chest. Gustong kumawala. It wanted to go to its rightful owner. Dahil simula nang mabuo ang damdamin ko sa kanya, wala na sa akin ang puso ko. Hawak niya at hindi maibalik. Kinahapunan ay umalis na kami ni Wilder sa ampunan para hindi kami gabihin sa biyahe. Pinangako ko sa mga bata na babalik ako sa susunod na Sabado. At kung gusto ni Wilder na sumama sa akin muli ay hindi ko siya tatanggihan. "I didn't know you were a preacher," I broke out the awkward silence between us. His eyes are only on the road. Madilim na sa labas at maging sa loob ng kanyang sasakyan ay madilim din. Nakatitig ako sa kanya habang seryoso itong nagmamaneho. Ang kaliwang kamay lamang ang nasa manibela at ang kanan naman ay namamahinga sa gear shift. I never imagined him saying those words to a kid. He seemed serious though and I felt his sincerity. "That's what I believe," he said. "Ano ba talaga ang pinaniniwalaan mo?" Tanong ko. Minsan ko lamang makita at makausap ito ng seryoso kaya lulubusin ko na. "Tungkol saan ba ang gusto mo malaman? Marami akong pinaniniwalaan." Handa naman ako makinig. "Tungkol sa buhay... what do you believe in life?" Nanatili naman ang kanyang mga mata sa kalsada. "Noon, pinaniniwalaan ko na kaya kong mabuhay sa buhay na mayroon ako noong hindi ka pa dumarating. Living in a condo unit, bringing girls over, boozing at the bar. I do not care about my father that much. His idea of me taking over the business. Like, seriously?" I would love to stay quiet and just let him talk because this is my only chance of knowing his life. When I am not around for all those years we have never seen each other. "I would seriously take illegal drugs back then because of my ex-girlfriend. But then I failed because Marco appeared. He punched my face real hard. Mabuti na lamang at hindi nasira ang mukha ko." Pagbibiro nito. Hindi ba talaga lilipas ang isang araw na hindi siya magseseryoso? "Noong sinuntok niya ako, bumalik ako sa reyalidad. Hiniwalayan ko ang babaeng iyon dahil sinisira niya ang buhay ko. Nalaman ko na pera lamang ang habol niya sa akin. Kaya pinalayas ko siya." "I am lost," his voice cracked without breaking the eye contact on the road. I felt his sadness. Suddenly, I felt his pain. "But then you came... again, and I told myself to get its grip." He finally decided to look at me. Bigla kong naramdaman ang panlalambot ng aking mga binti. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso. "Bumalik ang buhay ko noong muli kang dumating," bigkas ng kanyang bibig. Huminto ang sasakyan dahil sa traffic at hindi ko maiwasan na makisabay pati ang aking puso sa paghinto. Nandito na naman siya. Nandito na naman siya sa puso ko. At ang hirap nang alisin dahil masyado nang malalim ang nararamdaman ko. Hindi nabawasan sa kabila nang masakit kong karanasan sa kanya. Bagkus ay lalo itong nadadagdagan sa bawat araw na makikita ko siya. "I am serious when I told you that I wanted to give you a better life. And when I found out the other side of your world, I can't do anything but fall even deeper." He shifted to his seat just to face me. "Ano ba ang gagawin ko? Ano ang gusto mong gawin ko para mapatunayan ko sayo na totoo ito? Aayusin ko ang sarili ko para maging karapat-dapat sayo." Ang desperado nitong mga mata ay naghahanap ng sagot. "Hindi ako titigil, Bethany. Kung kailangan kita paghirapan, hindi ako magrereklamo. Hindi ako magiging duwag na sumagal sayo." Ano ba, Wilder? Matigas akong tao pero pagdating sayo ay nanlalambot ako. Nagsimulang bumusina ang mga sasakyan sa aming likuran at naagaw nito ang aking pansin. Nilingon ko ang traffic light at nalaman kung ano ang kanilang rason sa pagbusina. "It's green light. We should go." I said. Ang gusto kong malaman ay ang naging buhay niya noon at ang kanyang paniniwala ngunit naiba ang usapan at napunta sa akin. Nakahanap siya ng butas para isingit sa akin ang mga iyon. Alas siete nang makarating ako sa bahay at nakahanda na ang hapunan na niluto ni Mama. Tinulungan niya lamang ako na maghakot ng mga gamit at umalis din kaagad bago pa maalok ni Mama na sumabay sa amin. Adobong manok ang nakahain sa lamesa at naamoy ko ang anghang nito. Just what I want. Hindi na ako nakapaghintay na matikman iyon kaya inunahan ko na si Mama sa pagsubo. Mapaparami na naman ang kain ko nito dahil sa sarap nang luto ni Mama. "May gagawin ka ba bukas, anak? Magsisimba sana tayo." Tanong sa akin ni Mama sa gitna ng pagkain. "Sige po, magsisimba po tayo." Sabi ko at muling bumalik sa pagkain ang atensyon. "Lumaking gwapo at matipuno si Wilder, anak. May nobya na ba iyon?" Biglang tanong ni Mama kaya nabilaukan ako. Naubos ko ang isang baso ng tubig bago huminga ng malalim. "Mama naman. May nobya na po si Wilder. Kaibigan ko lang po siya sa trabaho." Pagpapaliwanag ko. Totoo naman. May girlfriend na ito at nakilala ko iyon noong unang beses ko siyang turuan sa kanyang flat. "Sayang naman," mababang bulong ni Mama. Alam ko na sinadya niya iyon na marinig ko dahil nakita ko ang multong ngiti nito. Nang matapos sa pagkain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan. Nilinis ko pati ang lamesa at ang mga tirang pagkain ay itinabi ko sa refrigerator. Malinis ang buong sala nang mapansin ko ito. Pabalik ako sa aking kwarto para maglinis ng katawan at maghanda sa pagtulog. Ang pakiramdam ng mainit na tubig ay nanunuot sa aking balat. Napapalibutan ng mga bula ang aking bath tub habang nakalublob ako rito. Ang amoy ng mga kandila ay lavander na kumakalat rin sa buong banyo. Tunay na nare-relax ang aking katawan at parang ayaw ko nang umahon sa pagkakalublob dito. I remember his face when I bought those flowers earlier. As if he was acting jealous not knowing the person I will give those flowers. I remember his face when he's smiling while playing with the other kids. He was happy playing with them while losing willingly. I remember his face when he's seriously looking at me. Smitten with his words. Ayoko nang maging malambot pagdating sa kanya. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari noon. Ayokong isipin na magiging mababa na naman ang aking halaga pagdating sa kanya. I fought myself almost everyday just to remind that I am more than a hundred pesos worth. I fought myself every single day. To not loose my control. To not break every time I thought about it. It was f*****g frustrating when your enemy is yourself. You don't know how to win. Day seven of training, Wilder has improved. He learned the products so quickly. He was treating his co-workers as his seniors in this industry. He was very patient and obedient. Lahat ng sasabihin ko ay sinusunod niya. Takot ito na magkamali kaya ginagawa niya ang lahat para pag-aralang mabuti ang isang sitwasyon. "Do you think he is ready?" Jom gave me a cup of coffee while observing Wilder doing his work. Nabigyan na ito ng sarili nitong computer at katabi na siya ngayon ni Jomar. Habang ako ay nasa labas ng aking opisina at pinagmamasdan ito sa malayo. "He will be," I sipped the hot coffee. "He's doing great, Bethany. He's willing to learn. He's willing to accept whatever we throw at him." Pagpupuri naman nito kay Wilder. "Doon natin iyon malalaman kapag nagsimula na siyang maghawak ng mga kliyente," sabi ko. I will give his company phone later before he leave. I need to orient him first because he is not just an ordinary employee. "Okay, out of the topic. My cousin texted me that one member of his team is interested in you. Remember my cousin?" Pagiiba naman nito sa usapan. "The basketball coach?" Tanong ko. "Not just the basketball coach. The PBA coach, for your information." Pagmamalaki nito. "Okay, so what?" Sa aking pagkainip ay natarayan ko pa tuloy ang baklang ito. "Are you free this Saturday?" He asked while doing his signature puppy eyes. "Okay. Here we go again." Naglakad ako papuntang pantry para hindi marinig ng mga empleyado ang aming paguusapan. "Can you stop being my 'suitor setter'? Sa dami na nang pinapakilala niya sa akin ay wala naman akong nagugustuhan kahit isa. Nagsasayang lang ito ng pagod niya. "I will not stop unless you find a husband," he snapped back. I really don't like these blind dates he keeps on setting. I don't even know those men! They only saw me in pictures and he will say to me that they were interested in me? Just like that? "I will not have time for it. Alam mo naman kung saan ako pumupunta kapag Sabado." Ayoko lang talaga. "Sunday, then?" Hirit pa niya. "No!" Pagtanggi ko. "Please? I don't want to upset my cousin." "I also don't want to upset your dearly cousin," "This will be the last time, I swear. Kung hindi mo talaga siya magugustuhan, titigil na ako." "Swear?" Paguulit ko. Hindi kasi ito titigil hangga't hindi ko napapagbigyan ang gusto niya. "Swear," he said while raising his hand as if drawing a promise sign. "Okay, fine." Pagsuko ko. "Yes! On Sunday?" "Not Sunday. May pupuntahan kami ni Mama." "When do you like?" "Whatever time possible," Kung hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Jom ay hindi ako nito titigilan. He has his way to corner me that I could not even oppose. Sinabi niya naman na huling beses na ito kaya pinagbigyan ko na. I too are curious about this basketball player. I have never been in PBA live game and I didn't even know every single one of them. Nakakalungkot pagmasdan ang master sheet na aking ginawa ngayon. Sa aking team ay mababa ang aming benta nitong mga nakaraang araw. May mga blanko, may malilit na numuro. Dahil ba ito sa hindi ko na sila madalas nakakausap? Dahil ba ito sa panahon? Nasanay ako na palaging top performer ang aking team sa halos apat na taon. Ngunit ngayon ay naninibago ako. "Mary, can I talk to you for a second?" Mabuti siguro kung kausapin ko sila isa-isa. "Will go there, ma'am." Sabi nito bago ko ibaba ang telepono. Ang aking inaasahang agent na pumasok sa aking opisina ay naunahan ni Wilder. Dala na nito ang kanyang bag at naghahanda na siguro sa paguwi. Alas sais na ngayon at tapos na ang kanyang shift. "Wilder, uuwi ka na ba?" Tanong ko. "Yes, ma'am. Dumaan po ako dito kasi ibibigay mo daw po ang aking cellphone?" Umupo ito sa upuan sa harap ng aking lamesa. "Ah! Oo. Heto." Binigay ko sa kanya ang company phone. "Mayroon na itong sim at monthly ang load. You can exceed its limit and it will automatically renewed. Kung may gusto kang tawagan outside the Philippines, you can come here and use my phone." Paliwanag ko. "Okay po. Sa akin an po ba ito?" Tanong nito. "It is company's property. If you will resign or terminate, we have to take it back." I said crossing my hands over my keyboard. "This will be my company anyway. I will not resign." Mayabang nitong anunsyo. "Shut up. Your identity here will remain low until you're ready to take over." Pagsuway ko. Sakto naman ang pagkatok si Mary sa aking pintuan bago ito pumasok. "Good evening Ma'am, Mr. Wilder." Pagbati nito sa amin ng makapasok. "Good evening. Please have a seat." Pagturo ko sa bakanteng upuan kaharap ni Wilder. Tahimik at madahan naman itong umupo sa katapat ni Widler at nakikita ko ang kabado nitong mukha. "You can go now. I'll see you tomorrow." Hinintay ko muna na masarhan ni Wilder ang aking pintuan bago ko ibaling ang atensyon kay Mary. Muli kong binuksan ang aking master sheet at hindi nagbago ang aking ekspresyon nang makita ko ito. Binaling ko ang monitor sa bandang makikita ni Mary kung ano ang nais kong ipakita sa kanya. "What do you see?" I asked. Lumapit ang tingin nito sa monitor at seryosong pinagaralan ang master sheet na nakapaskil sa aking system. "We have low sales for this month, Ma'am." Yumuko at nahihiya itong humarap sa akin. "You are right. How could this happened?" Nakayuko lamang ito at hindi nagsasalita. Am I being strict again? Yes. That is how my team knew me. I am a strict and ambitious team leader for them. I always set high standard that gives them a lot of pressure, I guess. Pero kung hindi ko ito gagawin ay masasanay sila namakita akong malambot. Madaling magpatawad at sa lahat ng pagkakataon ay bibigyan ko sila ng pagkakataon. I need to be like this to set as an example for them. Becasue that's how a leader works. Strict or not, ambitious or easy, generous or selfish; they always need to put the team on top of their priority. Pulling them up no matter how heavy. "Is there a problem? Is there something you wanna tell me?" I asked softly. There might be a reason on why this is happening. I wanted to know if they have a problem inside or outside work, I don't care. I always tell them that I am here to listen. "Wala naman po Ma'am. This is not really big of a problem." She answered. "No matter how big or small; if that problem will affect your doing, then it is a problem." I said. "Look at me, Mary." She swiftly turned. "You can tell me whatever it is." Magkakaiba naman ang problema ng bawat tao. Kung titingnan mo sila sa panglabas na anyo ay hindi mo malalaman kung gaano kalaki o kaliit ang dinadalang problema ng mga ito. One way to find out is to let them talk about it and you just have to listen. It is a big help for them because just by listening, you are helping a person escape the dark. "Nagbreak po kami ng boyfriend ko," sabi nito habang humagulgol ng iyak. Hindi ko napigilan ang pagikot ng aking mga mata. The childish breakup was the cause of her low performance?  Come on! Lalaki lang iyan! "I caught him cheating. Kung hindi pa po navideo-han ng f*******: friend ko ay hindi ko pa malalaman! Hindi rin naman niya tinanggi!" Patuloy ang kanyang hagulhol. "You believed the video that your f*******: friend has send to you?" Tanong ko. "Hindi niya tinanggi, Ma'am. Hindi lang siya umumik tapos kinabukasan nakablock na ako sa phone niya!" How childish! "I'm really sorry, Ma'am." Hindi pa rin ito tumutigil sa pagiyak kaya hinayaan ko siya. Hihintayin ko siya matapos hanggang sa wala na siyang mailuha pa. One hour of mourning is enough for a man who's not worthy of a woman's tears. Ito ang kinakagalit ko. Bakit may mga lalaki na nagagawang magloko sa partner nila? However long or short their relationship is, kung talagang gago ang lalaki, magloloko ito. Malaman mo man o hindi. Hindi na lang sana nila niligawan o pinakasalan kung sa dulo ay ganoon lamang ang kanilang gagawin. Para saan pa ang ipinangako nitong maganda at masayang pagsasama kung dudumihan lamang? "Are you done crying?" I softly asked. Nakita ko naman siya na humihinahon na. "Opo," mahina nitong sagot. "Mary, he is not worthy." Kinuha ko sa aking drawer ang isang box ng tissue at binigay sa kanya. "Kung nagawa niya iyon sayo, maaaring ulitin niya kung patuloy mo siyang papatawarin at bibigyan ng pagkakataon." "Mahal ko naman siya, Ma'am. Mahal niya rin ako. Siguro may pagkukulang ako kaya niya iyon nagawa?" Napakababaw naman ng dahilan. "Mas dapat niyang intindihin kung may pagkukulang ka. We are not perfect as a girlfriend or a partner. There will be always above us. But if he really love you, if he really wanted to work your relationship. You is enough." Nanggigigil ako doon sa lalaki. Sino ba siya? "You lacked time for him? You lacked in spoiling him? But then he cheats? Then he's an asshole!" I don't care if I am being harsh right now. Kumukulo ang dugo ko sa mga lalaking hindi makuntento! Ano? Tawag ba ng laman? Hindi makatiis? Hindi makapaghintay? Call me a manhater. I don't care. They are asshole! "Stop mourning. Dry your tears. Then move on." I advised. She was just looking at me the whole time my mouth is opening. I don't know if she was getting my point.  If I will be your friend and this happens to you. Girl, get some f*****g tissue and I will f*****g make you cry just by my f*****g words. I will f*****g make you realized what you have missed just by staying beside a f*****g asshole. "You were born in this world alone. You finished your studies alone. Then you met him a year ago. And that's the time when things became different. You two are always together; Eating or sleeping together. The time has come when you are not the same single woman before. That's when you forget how independent you were growing up." "You forget that he came to your life and started to bugged you. When you were silent. When you were focusing on yourself." "What I mean is, you have the control to go back being alone. Being independent. Without him. Because you grew without him." Nakikinig lamang siya sa mga sinasabi ko at tutok ang mga tingin sa akin. Hindi ko alam kung may naiintindihan ba talaga siya o sinasayang ko lang ang laway ko. But then, I wanted to give her some learnings. "Go back to your old self. Do everything for yourself that you will not regret in the future." Sinulat ko sa isang maliit na papel ang aking personal na numero at binigay sa kanya. "Do not settle for less when you know that you can be beyond on where you are right now," Tumayo ako at lumapit sa water dispenser para kumuha ng tubig. nang mapuno ito ay humarap ako at naglakad pabalik sa kanyang harapan. "Know your worth," I said as I gave her the glass of water.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD