Kabanata IX

4175 Words
Jealous "Beth! Come here!" Pagdating ko sa opisina ay bunganga agad ni Jom ang aking narinig. "What now?" Agang aga para sa malakas niyang boses. "Just come here," inis nitong utos. You have the nerve to command your boss in the office? Just kidding! Lumapit ako sa kanya na nakabusangot ang mukha. Hindi pa man tanghali ngunit ingay na agad ng kanyang boses ang aking naririnig. "What do you want?" Tanong ko. Wilder is not yet here. "He is available anytime. Isang linggo silang baksayon bago sumabak sa game." Sabi nito. "And then?" Bakit naman niya sinasabi pa ito sa akin sa ganitong oras? Hindi ba uso sa kanya ang text message? "Ikaw lang ang hinihintay niya. Okay lang sa kanya kahit anong oras." Ah! It is about the blind date again. "Okay. Tonight, then." Tamad kong sagot. Masayang nagpipilit ng tili si Jom sa aking harapan habang ako naman ay hindi maipinta ang mukha sa kanyang ginagawa. Siya ba ang makikipag-date at siya itong mas naaapektuhan? Dumating naman si Wilder saktong tapos nang magkikislot itong si Jom. "Good morning, Ma'am. Good morning, Sir Jom." Bati nito sa aming dalawa. "Good morning," nakangiti kong bati pabalik. Tiningnan ko muna si Jom na nagpipigil pa rin ng kanyang ngiti bago ako naglakad papunta sa aking opisina. Kagaya ng palagi kong ginagawa, binubuksan ko ang maliit na speaker sa akin lamesa para patunugin ang paborito kong mga kanta. Sinisigurado kong mahina lamang ito at ako lamang ang makakarinig. Labing limang minuto bago ako magsimula sa tunay kong trabaho. So far, it's been three months since I have mentored Wilder in this industry. I am seeing his improvememts. Although there are times when he is lacking, making mistakes; but I am amazed on how he handles things. I sometimes saw his father in him. The six months contract will end soon and I am proud of him. Nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sa kanila isa-isa at nalalaman ko sa kanila ang kanilang mga problema. May maliliit at may mabibigat, ngunit sa huli ay naging maayos naman. Mabuti na rin na napakinggan ko sila isa-isa. Pumasok si Jom sa aking opisina para ibigay ang weekly report ng ibang team. This day was very tight since the sports fest is approaching. All the managers in each departments are holding meetings every now and then to make a plan. "Kung magpapalaro tayo, dapat makakasama ang lahat." Suhestiyon ko. "Tama. Dapat mga larong alam ng lahat." Sabi naman ng manager ng IT department. "Sa tingin niyo ba ay mapipilit niyo silang sumali sa mga palaro natin?" Tanong naman ng manaer ng Accounting. "This is not just about the sports festival. It can be a team building. So the team needs a cooperation of all." Paliwanag ko. Habang ang iba naman ay hindi na umumik dahil pabor sila sa aking sinabi. "It is far better if we tell them that. Para makasali ang lahat." We all agreed. Nagbigayan kami ng mga ideya para sa mga aktibidad na maaari naming gawin para sa event. Maganda na makakasama ang lahat. Kaya napagpilian namin na ganapin ito sa isang clubhouse malapit sa resort. Ang mga pwede ilang laruin ay basketball, volleyball, tag of war, relays at marami pang iba. Ang sports festival na magaganap ay parang team building na rin sa bawat team. Mapapamalas ang team work ng isang grupo. "How is Wilder as an agent?" Tanong ko kay Jom habang kami ay kumakain dito sa cafeteria. "He is doing great. Palagi niya akong ginugulat on how he handles his clients." Sabi nito. "Really? Ano ba ang ginagawa niya?" Nakyuryoso ako dahil napapansin pala ni Jom iyon sa kanya. "Well, noong isang araw ay may nagpuntang kliyente si Cherry sa office. Naghahanap ng manager pero saktong wala ka kasi nasa meeting. But he stood up and went there to have a talk to the client." Kwento nito. "What happened?" Napatigil ako sa pagkain dahil gusto kong malaman ang buong nangyari. "Cherry's client was furious because the booked ticket. Sinasabi nito na hindi iyon ang ticket na dapat mabook ng ticketing natin. But Cherry has evidences that she agreed with the terms. At kitang-kita naman sa conversation nila na iyon ang pinili niya." "Can you please specify?" I requested. Napaikot lamang ang kanyang mata. "Noong nagsisisigaw ang kliyente sa reception at hindi na kaya ni Cherry ay lumabas si Wilder. As soon as he get at the reception, huminahon siya. Nag-usap sila pero parang hindi naman nakuntento ang kliyente kaya nagsisigaw ulit." "So Wilder took Cherry's phone to investigate. Binasa niya ang conversation nila simula sa pinaka umpisa. Then afterwards, kinausap niya ulit ang kliyente. Pinapakita niya yung cellphone sa kliyente habang nagapaliwanag ito." "Natatandaan ko pa hanggang ngayon ang sinabi niya sa kliyente para maayos ang comosyong iyon," Sabi nito na nagpakaba sa akin. "Ano iyon?" Huwag mo akong bitinin Jom. "We have all the evidence that you agreed to the terms, Ms. Clark. In the conversation, it was clearly stated that you chose this timings. Ms. Cherry just gave you options and you clearly picked this." Sabi nito habang ginagaya si Wilder. "At hindi pa iyon!" Pahabol niya. "You can sue us whenever you want. But our agent didn't made any mistake regarding your booking. This is what you chose. This is what we booked." Jom said impersonating Wilder's act back then. "After that, the client calmed?" Tanong ko. "Yes! I just don't know how he did that. I just can't believe that he stood there for Cherry!" Gulat at mangha nitong sabi. Sa aking loob ay hindi masidlan ang aking tuwa. He really learned from this experience. One day, when her father decided to step down, I know that he is ready. "You have made the right choice on mentoring him," Jom said pleasantly. "Your ways may be unpredictable, but the outcome is bomb." Sabi nito bago muling sumubo sa kanyang pagkain. "Bakit hindi ikaw ang lumabas doon? Bakit hinayaan mo na junior ang humarap sa ganoong klaseng kliyente?" Tanong ko. "I was stunned, for your information! Nagkataon na may inaasikaso din akong complain sa aking team. Pero pagtingin ko, nandoon na agad siya sa labas." Sabi nito. I can't wait to tell his father about this. I wonder what will be the Chairman's reaction when he know about Wilder's doing. Hindi niya ako ngayon tinatawagan dahil na rin siguro sa dami ng kanyang ginagawa para sa paghahanda kay Wilder. Sumapit na naman ang alas syete para ako ay umuwi. Pagod kong tinapos lahat para sa araw na ito. Ang report na aking ginawa ay na-submit ko na rin at pinatay ko na rin ang aking computer. Niligpit ko na ang aking gamit para maghanda nang umuwi nang tumunog ang aking cellphone. Jom: He's there. Waiting. Wear something nice! Oh s**t! Nakalimutan ko ang tungkol sa dinner na ito. At ang masaklap pa doon ay nandoon na siya pero ako ay narito pa rin sa opisina. Niligpit ko ang aking mga gamit at dumiretso sa banyo. Maayos naman ang suot ko. The problem is, this is too formal. Well, this is nice for me. I fixed my lipsticks and let down my hair. I sprayed my favorite perfume. Pinalitan ko ng pumps ang aking sapatos. Mabuti na lamang at hindi ko pa naiuuwi ito sa bahay. This is fine. I look nice, though. Pumara ako ng taxi. Jom texted me the name of the restaurant and the good thing is the driver knew it. We drove there fast as I requested. Nang makarating ako ay binigyan ko siya ng tip bago ako bumaba. It was a fancy restaurant at mababatukan ko si Jom kapag mahal ang mga menu dito. Pumasok na ako at nagdiretso sa reception. "Excuse me. Is there a reservation for Jomar Clemente?" That's the real name of Jom that he hated the most. It was too manly for him. "Yes Ma'am. Please come this way." Utos nito bago ko siya sundan. The aura inside was too calm. The slow melodic and classical background music adds a fancy effect in this restaurant. I think it was inspired by french culture. The designs, the furnitures, the food are mostly french. "Mr. Rashid, she's here." Pagtawag sa atensyon ng lalaking nakatalikod sa amin. Nang humarap ito ay agad siyang ngumiti sa akin. He stood up and all I could think of is he's a giant. His foreign features, his stance, his build. "Shukran," he said to the lady beside me. It means thank you in Arabic. Nang umalis ito ay nalipat muli sa akin ang kanyang tingin. Napapagod na ang aking leeg kakatingin sa kanya. He's twelve inch taller than me! "Assalamu alaikum, I am Rashid Serach. " He greeted while reaching for my hand that I willingly gave. "Assalamu alaikum, I am Bethany Barcelon." I greeted back. It means peace be upon you in Arabic. Egyptian uses a standard modern Arabic language. And most of them are muslims, christians are few. I am thankful that I understand some Arabic dialects because of our Emarati investor from United Arab of Emirates. "Please order whatever you wanted to eat, it is all mine." He said when the waiter gave us the menu list. "You are too kind, thank you." Nahihiya kong sagot. Nang tingnan ko ang mga menu, hindi nga ako nagkakamali sa mga putahe. Karamihan sa mga ito ay french cuisine at ang presyo ay katumbas ng isang mamahaling kwintas. Bakit naman ganito pa ang piniling lugar ni Jom? Although hindi naman ako ang magbabayad, pero sana naman nagkaroon siya ng konsiderasyon. "Did you already picked?" Tanong niya. "Just a second," nahihiya ngunit nakangiti kong sabi. What should I choose? Ratatouille? Au Gratin? Escargots? Nouvelle? Ang dami naman pero wala naman akong alam sa mga ito. "I'll have the Pates Aux Lardons," sabi ko sa waiter bago ibalik ang menu. "That's it?" Tanong naman sa akin ni Rashid. "Yeah, I am still full." Pagsisinungaling ko. Ayoko nang umorder ng marami. Hindi ko naman sila kilala at napaka mahal pa. Muli siyang tumingin sa menu. Ako naman ay umikot ang tingin sa buong silid. Nginitian ako ng waiter kaya ngumiti din ako pabalik. "We'll have the Escargots and Baeckeoffe. She will have her Pates Aux Lardons. I will have the Steak Tartare." He confidently said. "Is that all Sir, Madam?" Tanong sa amin ng waiter nang matapos niyang isulat ang mga orders. "Please add two cheese soufflé," he said. "How about drinks?" Tanong ulit ng waiter. Tiningnan ako ni Rashid. "Wine?" I barely suggested. "We'll have the best selling wine, please." Siya na ang nagsalita. Nang makuha nang lahat ng waiter ang aming order ay umalis na ito para umpisahan na ang paghahanda. Hindi ako makapagsalita dahil nahihiya ako sa harapan niya. He's kind of intimedating for me. Maging siya ay hindi rin naman nagsasalita pero ang kanyang tingin naman ay nakapirmi lamang sa akin. "I heard you are a PBA player?" Time to open up a conversation. "Yeah. My coach said that you are fond of watching games." Sabi naman nito. Madaldal talaga itong si Jom. "Of course. I love to watch live games such as basketball and volleyball." "Really? Have you watched me before?" "I don't think so. I don't remember. I don't know if I saw you there." "But have you been into the court? Like watching the players at the benches?" "Yes. It was such a fun experience. I get to cheer with others too." Lumalim ang aming usapan at hindi na namalayan na nagiging komportable ako sa kanya. Nagtatawanan kami habang nagkukwento kami ng aming mga karanasan sa sports. Nalaman ko na hindi siya dito lumaki. Before he begin his career in basketball, he lives in UAE with his father. In order to pursue basketball, he came all the way here to live with his mom who's a Filipina. "Jom didn't mention that you are an athlete in college?" He asked. Hindi ko na naiwasan na makwento sa kanya ang aking pagiging volleyball player noong kolehiyo. "I was not a full-time player back then. I only played once in UAAP but I stopped." I said. "Why? Many athletes dreamed to play in UUAP. You had a chance. Why did you stop?" He curiously asked. "I don't want to give up my academics. I think I can't handle them both. So I only play on local games such as intamurals, provincial games and divisional." I said. Isa iyon sa struggles ko noong kolehiyo. Hindi ko kaya na pagsabayin sila dahil napapabayaan ko ang aking pag-aaral. Minsan ay nasasakop ng aking paglalaro ang aking buong araw at minsan na lamang ako nakakasama sa mga klase dahil palaging may practice. "That's a real struggle, though." He agreed. "Yes, it sure was." I secondly agreed. Dumating ang aming pagkain at hindi ko maiwasang matakam habang tinitingnan ang mga ito. Dumating din ang Escargots na sinasabi nito at ngayon ko lamang nalaman na snail pala ito. "This are snails?" Inosente kong tanong na may pagturo pa sa mga ito. "Yes," he answered. Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa mga s**o at sa mukha ni Rashid na nakangiti. Kinakain pala ito? Nang dumating ang iba pang order na pagkain ay hindi ko mapigilan ang mamangha sa ayos ng mga ito. Simple ngunit mapang-akit sa mga mata ang istilo ng ayos ng mga ito sa pinggan. Kahit ang mga s**o ay may garnish din na tinadtad na halaman. Kahit na maliit na portion lamang ng pagkain ay hindi mo gustuhing kainin dahil sa maganda nitong plating. "Do you usually eat here?" I opened up the conversation again. "No. It is my first time here. Jom just introduced me here, so I should give a try." Sabi nito habang hinahati gamit ang kutilyo ang kaniyang pagkain. "Introduced? Jom did that?" I asked. Bakit naman sa mamahaling restaurant pa napili ng baklang iyon ang pagkikita namin ni Rashid dito? "Yeah. He picked it." He happily said. "Oh," ang tangi kong nasabi habang pinipilit ang sarili na ngumiti. Malilintikan talaga sa akin ang baklang iyon. Sa dinami-dami ba naman ng restaurants dito sa Makati ay ito pa ang kanyang napili. Sa mamahaling mga pagkain na hindi ko naman kayang bayaran. I should confront him about this. Every time he set me up for a date, he arranged the setting of the lunch or dinner meeting. And I always wanted to get him bald because he always picked a fancy, expensive and high maintenance restaurants. Although I never get a chance to pay for my bills, at least he should have a consideration for them. Lumalim naman ang usapan namin ni Rashid na napunta sa iba pang mga bagay. Napagusapan na namin ang hilig naming pareho sa sports, his life when he's not at court, pati ang mga bansa na napasyalan na niya ay nasabi na rin niya sa akin. We shared same interests in some things and it not hard to keep up with him since he always checked me up. Tinuruan niya rin ako kung paano kainin ang Escargots na tinatawag kong mga s**o kanina. He was an expert doing that since he always eats that. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil sa pagiging komportable ko sa kanya. "Thanks for these," pertaining to the foods. Kagaya nga ng sinabi niya kanina, siya ang nagbayad ng mga pagkain namin. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para bumunot man lang ng kaunting pera sa aking wallet! "I had a wonderful night with you," he said. "Me too," nasa labas na kami ngayon ng restaurants at handa nang pumara ng taxi nang pigilan niya ang kamay ko. "I can give you a ride. Wait me here." Suhestiyon nito bago lumapit sa kanyang itim na sasakyan. A black Camaro stopped in front of me. Lumabas mula sa loob nito si Rashid na ngayon ay suot na ang kanyang coat. Umikot ito para pagbuksan ako ng shut gun seat. "Get in, Mademoiselle." May pagmuwestra pa ang kanyang kamay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanyang ginawa. He exerts extra effort and I am touched by his simple gestures. "As you wish," tingnanggap ko ang kanyang kamay habang pumapasok sa loob ng kanyang sasakyan. I wore the seatbelt and secretly feel the ambiance inside. It is my first time riding this kind of car. "I'll shut the door for you," pagpaaalam niya bago mahinahong sinaraduhan ang pintuan sa aking tabi. Umikot naman ito at siya naman ang pumasok sa kanyang sasakyan at binuhay ang makina. Nakita ko ang miles per hour ng sasakyan at para akong kinabahan dito. "Are you going to drive really fast?" I swallowed my own saliva everyone. "No. I will drive according to your preference." Nakangiti nitong sabi. "Just drive carefully," I said. "Sure, madam." Hindi naman sumagad ng forty miles per hour ang kanyang takbo. Laking himala na hindi ganoon kabigat ang trapiko kaya ilang minuto lamang ay narating na namin ang building ng aking condo. Hindi muna ako bumaba dahil magiging bastos ako kung basta na lamang ako aalis. I should thank him properly. "Thank you for this night, Rashid." Kalas na ang aking seatbelt ngunit hindi pa ako bumababa. "Did you enjoy it?" He softly asked. "Of course. I had a wonderful night with you." I genuinely smiled at him saying those. "I also have a lovely night with a beautiful lady like you," his eyes are all mine. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako sa kanya. Kanina pa din ako nakangiti at hindi ko alam kung paano ba itigil iyon. Masaya siyang kasama at hindi siya nauubusan ng mga kwento. Nagkakasundo kami sa maraming bagay at ang pinakanagugustuhan ko sa kanya ay ang pagiging maginoo nito. "Didn't you know that you have a grandiose mouth?" That is not even a question. "You deserve all the flowery words in this world, sayidati." He touched my chin softly that makes me giggled. "Good night, Rashid." I should have said it earlier. "Will I able to see you again before the game?" Oo nga pala at isang linggo lamang siya bakasyon bago ang laro. "I don't know," depends on my schedule, perhaps. "Can I fetch you out at lunch tomorrow?" He asked. "I am in the office," I said. "Do you eat outside the office for lunch?" May halong sarkastiko ang kanyang tanong. "Yeah, sometimes." Sagot ko. "Then I'll text you tomorrow," he said while reaching my left hand. He placed a soft peck above the back of my hand that made my cheeks heated. Madilim naman sa loob ng sasakyan kaya nakakasigurado ako na hindi naman niya nakikita ng maayos ang aking mukha. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan at inalalayan na makababa sa kanyang sasakyan. He closed the door behind me without leaving my hand at his touch. "Good night," he said while looking at me. Giving the back of my hand a peck again. "Good night," nauutal kong sabi. Naiilang ako na bawiin ang aking kamay. Hinintay ko muna na umalis ang kanyang sasakyan bago ako pumasok ng building. Hindi ko mapigilan ang aking mapangiti at kahit ang pagpindot ng button ng elevator ay nakangiti ako. Panigurado na maghahanap na naman si Jom ng aking mga kwento kapag nagkita kami bukas. Binalikan ko ang nangyari simula kanina nang magkita kami sa restaurant. Hindi ko naman lubos akalain na makakasundo ko siya. Kaya kahit ang pagpasok ko ng elevator at pagpindot ng tamang lapag ng aking unit ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Magsasarado na sana ang pintuan ng elevator nang may kamay na umarang dito. Sa aking gulat ay napasinghap ako habang nakatingin sa kawawang kamay na iyon. Awtomatiko naman na nagbukas muli ito para makapasok ito. Ngunit hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko ngayon. "Wilder?" Ang kanyang mga mata ay madilim. Mukha ay seryoso at nagtatagis ang mga bagang. Pumasok siya sa elevator habang hinaharangan ang aking harapan kaya napaurong ako palikod. "Anong ginagawa mo dito?" Sa pagkakatanda ko ay hindi dito ang bahay niya. Nagsarado na ang pintuan ng elevator sa likod niya. Pinindot din nito ang floor na katulad ng sa akin bago tumabi sa akin. Wala siyang imik habang pataas lamang kami. Nakakapagtaka na narito siya gayung gabi na. "Ano ang ginagawa mo dito, Wilder?" Muli kong tanong ngunit hindi niya pa rin ako sinasagot. Hanggang sa bumukas na ang pintuan ng elevator nang nasa tamang palapag na kami. Nauna pa itong lumabas sa akin at naglakad patungo sa aking unit. Tumigil lamang siya doon sa harap ng pintuan ko at nakatingin sa akin. Binuksan ko ang aking pintuan at nauna rin itong pumasok. "What the hell?" I whispered. Bahay mo ito? Namataan ko ito sa aking kusina habang naglalabas ng bote ng malamig na tubig. Kumuha rin ito ng isang baso at pinuno iyon ng tubig. Nanlaki ang mga mata ko nang laklakin niya ito nang walang tigil. Malamig ang tubig! Hindi na ako nagtaka nang bumusangot ang kanyang mukha at hawakan ang kanyang ulo. "Okay ka lang?" I tried to step forward but I got stunned at my place when he growled. Padabog niya ring nilapag ang baso sa aking counter. "Nagpunta ka ba dito para lamang uminon ng tubig at may balak basagin ang isa sa mga baso ko?" Now I am half mad. Hindi ito sumagot bagkus ay ipinikit lamang ang mga mata at ikinuyom ang mga kamao. What is wrong with this guy? Nilagpasan niya ako at pumunta naman sa aking salas. Doon ay naabutan ko naman itong nakapamaywang habang tinatapik ang kanang paa sa sahig. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi makita kung ano ang tinitingnan niya ngayon. At hindi niya rin naman sinasagot ang mga tanong ko. "Why are you here?" Muli kong tanong. Nanalangin ako na sagutin niya ang aking tanong ngunit humarap lamang ito sa akin. Ganoon pa rin ang ayos at galit ang mukhang nakatingin sa akin. "Pwede kitang kasuhan ng tresspassing sa ginawa mo," pananakot ko. Hindi ko alam kung bakit galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Kahit anong itaanong ko ay hindi siya sumasagot. Nagawa ko na rin na takutin ito ngunit hindi man lang kumibo. "Hindi ko maintindihan itong kinikilos mo. May kailangan ka ba? May gusto ka bang sabihin?" Humahakbang ako nang nakakrus ang mga kamay sa aking dibdib. "Galit ka ba sa akin? Sa paraan ng pagtingin mo sa akin ay nahihinuha kong may galit ka." Tumigil ako nang labing dalawang pulgada na lamang ang layo ko sa kanya. Hindi niya pa rin ako sinasagot. Nagsisimula nang magpuyos sa galit ang aking utak dahil patuloy niyang binabalewala ang mga tanong ko. Nakatingin lamang siya sa kaliwang kamay at ilang segundo ay napapapikit ito. Gumala ang kanyang mata sa kung saan at kinapkapan ang sarili. Nilabas nito ang kanyang rayban at ipinakita sa akin. "I left my shades," sabi niya at ipinasok ulit sa bulsa ang salamin. "Good night, sweet dreams." Walang atubiling umalis ito at padabog na sinarado ang aking pinto. Naiwan ako na hindi maintindihan kung ano ang nangyari. Hindi ko maintindihan ang inakto niya sa akin ngayon lang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya nandito sa building at pumunta dito sa unit ko para uminom ng malamig na tubig. Dumiretso na lamang ako sa pintuan para ikandado ito para makapaglinis na ako ng katawan. Wala dito si Mama dahil doon iyon tunitigil sa bahay ni Monica sa Batangas. Tuwing miyerkules, sabado at linggo lamang ito nandito. Kung minsan naman ay buong linggo. Depende sa gusto niya. Hanggang sa aking pagtulog ay binabagabag ako ng inasal ni Wilder kanina. Biglaan na lamang siyang pumasok dito para lamang sa salamin niyang naiwan? Sa pagkakaalam ko ay wala naman iyong naiwan na gamit dito at nakita ko naman na dinukot niya iyon sa bulsa niya. Hay nako! Patulugin mo muna ako, Wilder. "Mama, napatawag ka?" Sagot ko sa aking cellphone. Inaantok pa rin ako hanggang ngayon. At hindi rin ako pinatulog ng maayos ng mga isipin ko. "May mga pagkain ka pa ba diyan? Dalhan kita kung gusto mo." Sabi naman ni Mama sa kabilang linya. Miyerkules nga pala ngayon kaya luluwas ito ng Maynila para dalawin ako. Mamayang gabi ko pa naman din siya makikita kaya wala na naman siyang ibang gagawin kundi ang linisin ang aking unit. "Huwag na po. Nag-grocery na ako noong isang linggo." Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso sa banyo. "Sigurado ka? Bumili ako ng tinapa at maraming pinais na dulong." Sagot nito. Bigla akong napamulat nang marinig ko ang sinabi ni Mama. Dalawa sa aking paboritong pagkaing Batangas, sino ba ako para tumanggi? "Dalhin mo na lang din po," sagot ko. Nang matapos ang paguusap namin ni Mama ay nagayos na ako para sa pagpasok ko sa opisina. Wearing a gray shift dress in a pencil cut style with short sleeves, the length is favorable because it hides my knees. I paired it with white blazer to make it look formal. I tied my hair in a low ponytail. Now that I look presentable, I head my way to our office by commuting. "Good morning, Ma'am. Taxi po?" Sabi sa akin ng security guard ng building. "Good morning po. Sige po." Sabi ko naman. Ito na ang pumara ng aking taxi kaya bago ako makalabas ng building ay may sasakyan nang naghihintay sa akin sa labas. "Maraming salamat po. Have a great day!" I waved him good bye before entering the taxi. Hindi naman nagtagal at nakarating ako sa opisina nang sakto sa oras. Nagsimula na kasing bumigat ang trapiko at mabuti na lamang at sa ibang kalye dumaan ang taxi driver para makarating ako dito. Nadaanan ko ang pintuan papasok sa reception area at nakitang may ilan nang kliyente ang naghihitay para sa kanilang mga ahente. Binuksan ko naman ang pintuan papasok sa aming opisina at agad nagingay ang aking takong nang tumama ito sa tiles ng aming sahig. Maglalakad na sana ako papunta sa aking opisina nang mahagip ang mga matang kagabi ko pa nakikita. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon at mas lalo lamang dumilim ang kanyang tingin nang mapadako ito sa aking damit. Ano na naman ba ang problema nito? I smiled out of amusement when I saw his eyebrows meet. "Silly," I mocked silently.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD