Kabanata X

4671 Words
Act Like You Love Me Time is fast passing by and here I am, looking at the outside city of Makati. Wondering what other people are doing. I saw them walking at the sidewalk. Some are waiting for the green light signal to cross the road. The cars were moving accordingly. It looks peaceful at my position without knowing how loud and irritating it could be down there. The sun rays were passing through the transparent glass window of my office. It is past twelve in the afternoon and some of the employees are taking their lunch. "Hindi ka pa maglunch?" Jom peeped through my office door. "Sige na. Mauna ka na. I'll just need to finish this." Umupo akong muli at humarap sa aking computer at may tinipang kung ano. "But Rashid is here," he uttered. Napatingin ako sa kanya ng mabilisan. May multo sa kanyang mga labi at nakikita sa kanyang mukha ang kakaibang pinapahiwatig ng kanyang mga titig. "For sure?" Kailangan kong makasigurado. "Yeah. He's been waiting for you in the reception." He said. Mabilis akong tumayo at naglakad patungo sa reception area nang hindi pinapansin ang kahit na sino. Doon na ako naniwala nang nakita ko ang likod ni Rashid na nakaupo sa sofa katabi ang ibang kliyente. He stands out because of his foreign features. "Hi," he greeted when he saw me. "Hi," I greeted back. Hindi nakatakas sa akin ang tingin ng ibang empleyado sa loob ng opisina. May tinatagong ngiti ang mga ito nang tingan ko sila isa-isa. "What are you doing here?" Lumapit ako sa kanya hanggang sa makatapat ko ang kanyang malaking katawan. "I told you last night that I will fetch you for lunch," he said while smiling. "Oh! Right." I faked my laugh. I totally forgot. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang presensya ni Wilder na sinadyang lumabas sa reception. Si Jom naman ay nakatabi sa kanya at pinipigilan din ang kilig. "Should I wait a little longer?" He asked softly. "No! I'll get my purse inside." I immediately replied. Mabilis akong tumalikod sa kanya at siya ko namang harap sa kinatatayuan ni Wilder. Ang mga mata nito ay tipong nanlilisik sa lalaking nasa aking likuran. Mapanuri na mula ulo hanggang paa ay sinusuyod nito ng tingin. Nakakrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "Ikaw na, Bethany!" Sinusundan ako ni Jom hanggang loob ng aking opisina para kunin ang aking bag. "Shut your mouth, please." Pakiusap ko. "This is the first time na pinayagan mong manligaw ang mga nirereto ko sayo," masigla nitong usad. "I know. Kaya itigil mo na iyang bibig mo. I'll be quick, we'll just eat at the restaurant nearby." Tiningnan ko ang aking itsura sa maliit kong salamin bago lumabas ng opisina ko. "Okay! Enjoy!" At ang bakla ay sinigaw pa talaga. Rashid insisted to eat at the restaurant far from the office but I refused. I left my work undone and I need to get back in the office after an hour. But he happily understands that. Here we are at the cheapest karinderya I know nearby. "Are you sure you want to eat here?" Rashid asked as soon as we enter. "Yeah. You will love the dishes here." I said. Nauna akong maglakad patungo sa counter kung saan nakalatag ang mga lutong ulam. Marami ang pagpipilian at hindi ka pa mauubusan ng sabaw dahil libre iyon. Binuksan ko isa-isa ang mga kaldero para makapamili ang kakainin.  "Are you a regular here? Are you sure that it is safe to eat here?" Naggagala ang mga mata nito. Halatang ngayon lamang siya nakapasok sa ganitong kainan. Kaya ito na ang pagkakataon ko para ipakilala sa kanya ang restaurant na hindi masasayang ang perang binayad mo. Bukod sa mas malaki ang porsyon ng mga pagkain, kahit hindi masyadong lagyan ng disenyo ay malalasap pa lang sa amoy ang sarap nito. "I always eat here, Rashid. This is a safe place to my growling stomach." Sabi ko. "Ate, isang tasa ng kanin tapos itong kalderetang baboy ang ulam. Pahingi na rin po ng mainit na sabaw." Sabi ko nang dumating ang serbidora. "How about you? What do you wanted to eat?" Baling ko naman kay Rashid na kyuryoso pa ring nagbubukas ng mga kaldero sa aking tabi. "Are you sure that these are delicious?" He asked. "Of course. You will surely love it." I assured him. "Then, I'll have what you're usually eating." He said. Masaya naman akong bumaling sa tindera para sabihing gawing dalawa ang aking order. Naghanap kami ng mauupuan na malapit lamang para madaling kunin ang aming pagkain. Hindi pa rin natatapos ang kanyang paglinga sa paligid kahit kami na lang ang nandito sa loob. "Rashid," I called. "There is no security guard outside. Or even surveillance cameras are not located." He said. "It's fine," hindi ko mapigilan ang aking pagkamangha sa kanyang kinikilos ngayon. Halata sa kanya na hindi pa siya nakakapunta sa ganitong lugar. "And the food. Are you sure it's cleaned?" He whispered. Hindi ko siya nasagot dahil naunahan na ng aking pagtawa ang aking mga salita. Mas inuna pa niyang isipin ang mga CCTV o gwardiya. Hindi na naman nakakapagtaka sa isang anak mayaman ang hindi mapadpad sa ganitong lugar. "Why are you laughing?" His thick eyebrows are towards each other. "Nothing," I can't help but to burst my laughter at this moment. Dumating ang aming pagkain at napangiti ako nang makita ang umuusok na libreng sabaw. Nang mailagay iyon sa aming lamesa ay agad kong kinuha ang aking kutsara para tikman ito. Hinihipan ko ito para hindi mapaso ang aking dila. Rashid was just watching me when I slurped the soup. I made face when the sour flavor hits my tongue. "Try it," alok ko sa kanya. Pinanood ko muna siyang isubo ang kanin at ulam na nasa kanyang kutsara. Ang kanyang mukha ay hindi pa rin nagbabago ng ekspresyon hanggang sa ngumuya na ito. Ninamnam niya ang kanyang pagkain sa kanyang bibig habang sinusuri naman nito ang nasa kanyang plato. "I have never tried this kind of food," his Arabic accent was dominant. "Is it good?" I asked. "Ladhidh Jiddaan!" He uttered. It means very delicious in Arabic. My smile plastered as I watched him enjoy the food. Magana itong kumakain sa aking harap at matunog ang bawat paghigop nito sa maasim na sabaw na panglimang beses na niyang hiningi. Nang matapos kami sa pagkain ay hindi nito napigilan ang pagdighay nang may kalakasan. Pareho kaming hindi napigilan ang pagtawa at nakita ko namang nakisabay sa pagtawa ang tindera habang nasa loob ito ng counter. "I'm glad that you enjoyed the food," I said while smiling. "I really enjoyed it. Especially because we ate together." He said while seriously looking at me. Patuloy naman ang pagdating nang iba pang customer ngunit kalimitan sa mga ito ay take-out ang order. Sa loob ay kami lang din ang natira at linis na ang aming lamesa. Tanging baso na lamang na may lamang kaunting tubig ang nakapatong dito. "I first saw you in the picture that Jom sent to me," he opened his phone and browse something but later on, he showed me my picture. It was me, holding a glass of wine at my right hand and smiling genuinely. This photo was taken when Jom and I went to this fancy restaurant after work. We loved and enjoyed the wine there and at first. I didn't know that he captured it. "You are so beautiful, Bethany." He compliments. "Thank you," I said. "I really like smart woman," he leaned forward locking both his hands with his fingers intertwined. "I like you, Bethany. I don't want to ruin things since I only have a week before the game. If I don't say it today, I might not say it some other time. You might never know." His eyes was fully grown with infatuation. "I am hoping that you will give me a chance to prove it to you. I would consider it as a gift." My hand that was holding the glass remain unbothered until he remove the glass, then hold my hand tightly. "I like you," he persuasively uttered. I don't know how to react this time. I was stunned that he would confessed right now. Kahit ang mga taong narito sa karinderya ay napatigil at napatingin sa aming direksyon. Hindi bulong ang kanyang pagkakasabi niyon kaya nakakasigurado ako na narinig din ng mga ito. He's a good man. He have a growing career ahead. Awaiting the future that it would bring. It left me bothered and my head is isolated with million thoughts right now. Pabalik sa elevator ay nanatiling tulala at tahimik ako. Pagpasok sa aking opisina ay sigurado ako na may nakakapansin ng aking kinikilos. Nakatingin ako sa sahig habang mabagal ngunit maingay ang mga yabag dahil sa takong. Walang gana kong itinulak ang pintuan ng aking opisina at hindi na makapaghintay na binagsak ang aking katawan sa swivel chair. Did I hurt him? Have I made the wrong decision to left him hanging without proper answer? Did I became heartless in front of him because of that? Binalik ko na lamang sa aking computer ang aking pansin. Ang aking mga naiwang trabaho ay pursigido kong tatapusin sa araw na ito. Kaya naman ay patungo ako sa pantry para gumawa ng kape. "After lunch, kape?" Boses ni Jom ang nakapagpabalik sa aking ulirat habang nandito sa pantry. Nagpapainit pa ako ng tubig sa coffee maker nang dumating ito. Ang isang sachet ng timpladong kape ay nalagay ko na sa aking tasa at hinahalo ito gamit ang kutsara. "Marami akong naiwang trabaho. Kailangan kong magising." Sabi ko. Tumunog na ang coffee maker hudyat na mainit na ang tubig. Sinalin ko na ito sa aking tasa at agad naman iyong umusok at nalanghap ko ang bango ng kape. "Okay lang iyan. You enjoyed yourself, don't you?" Busisi nito. "He confessed," alam kong ito ang gusto niyang marinig kaya walang ligoy kong sinabi habang hinahalo ang aking kape. "And then?" He asked leaning forward to smell my coffee. "I said that I'll think about it," I sipped a small amount of it. "So you're going to give him a chance," he's not even asking. "What made you think?" Humarap ako sa kanya. Honestly, I don't know if I will give him a chance or not. I don't think that I am ready to be part of his world. He's a basketball player. Therefore, he will always be at court. Nights filled with trainings instead of sleep. Days of running yards with ten lapses. I don't think he will be at my side always. "It is because you said that. It's either you will think of giving him a chance, cause why not? He's hot and successful. Or you will think of dumping that man because you are just too comfortable with him." Litanya nito. Sumandal kami pareho sa sink habang ako ay sumisimsim sa aking kape. I should go back to my table and start to finish my work but here I am, having a talk with this guy. At hindi pa ito busy? Wala ba itong ginagawa para sundan ako dito? "I really don't know," I said. "Are you scared?" He asked. "Yeah," I sipped my coffee again. "Then be scared. Hindi ka naman mamamatay kung matatakot ka. Okay lang iyon." He gave me a life lesson again. I realized that we have same interests in many things. I am comfortable when he's around. We can learn by each other too. But the thing is... How long will it last? Will his feelings won't change? Halos tatlong oras ang ginugol ko para matapos ang panibagong master sheet na ginagawa ko. Pabalik-balik ako sa storage room para hanapin ang mga past invoices nitong nakaraang dalawang buwan. "Ma'am, can I give him twenty percent discount for this?" Tanong sa akin ng isa sa aking team. Napadaan ako sa kanyang station kaya pinagmasdan ko na din ang kanyang ginagawa. She is dealing and communicating to a kabayan administrator of a small company in Cebu. Magbabakasyon siguro ang buong staff ng mga ito kaya nanghihingi ng discount. "Okay. Give it." I said. Muli naman siyang bumalik sa pakikipag-usap sa kliyente at hindi na ako pinansin. Lumipat naman ako sa kabilang station para malaman kung ano ang kanyang ginagawa. Bawat agent ay iba't-iba ang hinahawakang kliyente at iba't-iba din ang gusto ng mga ito. May nakikita na rin akong ibang empleyado na pumupunta sa pantry para gumawa ng kape. Napapangiti na lamang ako dahil sa tuwing lalabas ang mga ito mula sa kwartong iyon, ang mga mukha ay parang inaantok at pagod. "Ma'am, naghahanap na po siya ng manager po." Nilapitan naman ako ng isa pang miyembro ng aking team. "Bakit?" Sumama ako sa kanya pabalik ng kanyang station. "Kasi ma'am hindi ko daw binibigay kung ano ang gusto niya. Ang dami ko na nga pong binigay na quotations sa client." Paliwanag niya. Binasa at inimbistegahan ko ang kanilang usapan. Makikita nga na marami itong naibigay na quotation dito. Ang kanyang inquiry ay tungkol sa hotel na pwede niyang matuluyan na hindi ganoon kataas ang presyo. "Natanong mo na ba ang price range ng kliyente?" Tanong ko sa agent. "Yes Ma'am. Pero nahalungkat ko na po ang buong website pero wala po talagang nag-match sa price range niya." Totoo naman ang sinabi nito. Masyadong mababa ang binigay na budget ng kliyente. "Magkano naman ang mark up mo?" Muli kong tanong. "Katulad lang ng standard po," sagot naman nito. "Bawasan mo. Gawin mong ten percent na lang." Iyon siguro ang magiging solusyon para makuha namin ang budget na gutso niya. Tinuos naman ng agent ang panibagong mark up na aming ginawa. Nakita ko naman na bumaba iyon. "Two percent higher pa rin po siya Ma'am sa budget na gusto niya," sabi ng agent. "Kausapin mo ulit si client. Try to convince him more. Malay mo naman ay kagatin na niya ito." Suhestiyon ko. "Copy Ma'am. Thank you." She replied. "Guys, magkano na nga ang Philippine visa for Pakistan nationality?" Narinig kong pasigaw na tanong ng isang miyembro ng kabilang team. "Check mo sa group chat be. Nandoon ang lahat ng price lists." Sagot naman pabalik ng aking team. Ang buong maghapon ay naging payapa kahit maingay at busy ang mga tao. Hindi magkamayaw sa pagsagot ng telepono at ang pagtulong sa mga kliyente sa reception. Masasabi kong produktibo ang mga ito dahil lahat sila ay may kanya-kanyang inaasikaso. Ilang minuto na lamang ang nalalabi bago matapos ang shift para sa araw na ito. Ang ibang empleyado ay nagpupunta nang muli sa pantry para siguro hugasan na ang kanilang tasa at malinis itong iwan sa kanilang mga lamesa. Maging si Wilder ay nagtungo na rin doon dala ang kanyang cellphone at tasa. Yeah. He will probably leave any minute because his shift is done. "Magkakaroon ba ulit kayo ng meeting?" Pagtukoy ni Jom sa magaganap na team building. Dala na nito ang kanyang bag at handa nang umalis. "Hindi na. Planado na ang lahat. Hinihintay na lang namin ang desisyon ng nasa taas." Sagot. "Okay. Kung ganoon, mauuna na ako sayo. My father wants us to have dinner early! Ang kulit!" Inis nitong litanya na akin namang kinatuwa. "Umalis ka na nga," Utos ko naman. Inirapan muna niya ako bago siya tuluyang naglakad palayo patungo sa elevator. Sumunod na rin ang ibang agent at dumaan muna sa akin para makapagpaalam. "Ma'am! Ma'am! Si Wilder at Allen po, nagaaway doon sa pantry!" Pumunta sa aking harapan si Cherry na dala pa rin ang kanyang tasa sa kaliwang kamay. "What?" Hindi makapaniwalang tanong. "Halina po kayo. Hindi po sila maawat!" Kinaladkad ni Cherry ang aking kamay patungo sa saradong pantry. Kandado iyon at walang ibang makapasok. Sumilip ako mula sa labas at may siwang naman mula sa bintana at nakikita ko ang ginagawa ng mga ito sa loob. Pumaibabaw si Wilder kay Allen nang mapahiga ito at walang tigil ang kanyang pagsuntok. Nararamdaman ko ang lakas ng bawat paglapat niyon sa pisngi ng kalaban nito. Ang kayang mga mata ay madilim at puno ng galit. Ako ay nanghina, umurong ang mga paa at gusto na lamang magpakain sa lupa. I have never seen him this mad. Mga matang pursigido at gustong makapatay ng isang tao. Binawi ko ang aking lakas. Isinatabi ang aking takot. "Wilder!" Pagtawag ko. Alam kong hindi niya ako maririnig mula dito sa labas kaya kinalambag ko ang bintana para mapunta sa akin ang atensyon niya. "Tabi!" Utos ko sa mga ito para lumayo sa pinto. Sinubukan ko iyong buksan ngunid kandado pa rin. "Cherry! Kuhanin mo sa aking drawer ang mga susi! Magmadali!" Sigaw ko. "Wilder! Allen! Buksan niyo itong pinto!" Humahapdi na ang aking palad ngunit hindi ako tumigil sa pagkatok. Hindi ko kayang makita na nagpapalitan ang mga ito ng suntok. May mga agos na ng dugo sa gilid ng kanilang labi at noo. "Heto Ma'am! Ito na po yung mga susi!" Inagaw ko agad kay Cherry ang mga susi. "Tawag kayo ng security!" Narinig kong sigaw ng isang staff ngunit hindi ko na napansin. Hindi ko tanda ang susi sa pintuan ng pantry. Nanginginig na ang aking mga kamay sa kakamadali dahil baka wala na kaming maabutan sa mga ito. Shit! Alin ba ang susi ng pintuang ito?! "Bullshit!" Itinapon ko sa sahig ang susi. Dinukot ko sa aking bulsa ang aking company ID. Iyon ang aking ginamit para mabuksan ang pinto. Naiinis at nanginginig ang aking mga kamay habang pinipilit na mabuksan ang pinto. Sa huli ay bumukas din ito. Pumasok ako sa loob para lamang datnan ang mga sugat at dugo sa mga mukha at kamao ng dalawa. Ngunit hindi sila tumitigil kahit halos lahat kami ay pumipigil na sa mga ito. "Wilder! Allen!" Sigaw ko. Ngunit parang hindi nila iyon naririnig. "Magsitigil kayo!" Sinubukan kong lumapit kay Wilder at hawakan ang kanyang braso ngunit walang naging talab iyon dahil ako pa ang tumalsik. "Ma'am!" Alalang sigaw at dalo sa akin ng ibang agent. Tinulungan nila akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. "Tumawag na ba kayo ng security?" Tanong ko. "Opo. Papunta na po sila dito." Sagot naman nito. Tiningnan ko ang dalawang hindi pa rin maawat sa pagpapalitan ng suntok. Galit na galit ang mga mata ni Wilder at hindi ko mawari kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. Kung hihintayin ko pa ang security na makaakyat dito ay baka patay na ang isa sa mga ito. Nahagilap ng aking mga mata ang ilang plato at tasang nasa tabi lamang ng lababo. Walang alinlangan kong kinuha ang mga iyon at hindi na nagisip nang ibinagsak ko ang mga iyon sa sahig. "Ma'am!" Sigaw ng mga babae. Lumikha iyon ng kakaibang ingay na ikinatahimik ng lahat dahil sa gulat. Ang pagbagsak ng mga ito sa sahig ang naging hudyat para magtigil ang dalawa sa pakikipagpatayan. "Maghiwalay kayong dalawa!" Sigaw kong utos kay Wilder at Allen. Tumingin muna si Wilder kay Allen bago ito tumayo. Nakahawak siya sa kwelyo nito kaya napatayo din si Allen sa ginawa nito. Marahas niyang binitawan iyon nang itulak siya ni Allen. "Allen, okay ka lang?" Tanong ko sa galit na si Allen. Hindi ito sumagot bagkus ay tumingin lamang sa sahig. "Dalhin niyo na si Allen sa infirmary," utos ko sa mga babae. "Si Wilder po? Isasama po ba namin?" Tanong naman sa akin ni Cherry. Galit kong tiningnan si Wilder. Nakatitig ito sa akin ngunit ang mga mata ay nananatiling madilim at puno ng galit. Nagtatalo ang aming mga mata ngunit ako lang din ang sumuko. "Dalhin nyo na rin siya," walang gana kong utos. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magagalit sa kanyang ginawa. Nababalutan ng mga sugat ang agos ng dugo ang kanyang mukha. Ang kanyang kanang kamao ay nagkukulay ube habang nababalutan din ng pulang dugo. Ano ba ang nangyari sa dalawang iyon? Bakit naman nila nagawang magpatayan, at doon pa talaga sa pantry. Nadagdagan lamang ang sakit ng aking ulo sa tuwing iisipin ko ang nangyari kanina. I supposed to go home right now but I can't. Kailangan kong bisitahin ang dalawa sa fourth floor. Pababa ang elevator nang tumawag si Isabella sa aking personal na telepono. "Are you done?" Bungad nito. "Oo pero may dadaanan lang ako. Pagkatapos ay uuwi na din." Sagot ko. "My patient died," malungkot ang kanyang tono. Agad akong pumasok sa infirmary para puntahan si Wilder. Ngunit nang naabutan kong bakante ang isang kama katabi ng kay Allen ay bumuhos na ang kaba ko. "Excuse me, Nurse. Nasaan iyong isang lalaki na kasama naming dinala dito?" Tanong ko sa napadaang nurse dito sa clinic. "What happened?" Narinig kong tanong ni Isabella sa kabilang linya. "Hindi po siya dumiretso dito, Ma'am. Sabi niya ay sa bahay na lang niya iyon gagamutin." Sagot naman ng nurse sa akin. "May hiningi ba siyang gamot?" Tanong ko. "Wala po Ma'am," Sagot nito bago umalis. Mabilis ang t***k ng aking dibdib. Walang kasama sa bahay si Wilder kaya sino ang gagamot sa sugat nito? "Sino ang dinala niyo sa hospital? Where are you?" Nagaalalang tanong muli ni Isabella sa kabilang linya. "Wilder got into a fight with his officemate," sabi ko. "I'm sorry but I can't accompany you tonight." "It's okay, Beth. I truly understand." Sagot nito ngunit ang tono ay malungkot at nanghihinayang. "I just need to visit him at his condo. If you want, I can go with you." I said. "Okay lang. Unahin mo muna iyang si Wilder. Napakatigas talaga ng ulo." Narinig ko ang kislot sa kabilang linya. "Pasensya na talaga, Belle." Matapos kong kausapin si Isabella ay pumunta ako ng reception area ng clinic. "Good evening. Pwede naman ako bumili ng medicine dito, right?" Tanong ko sa babae. "Yes, Ma'am. Para saan po ba?" Tanong niya. "Bigyan mo ako ng gamot sa sugat," sabi ko. Bumili na rin ako ng iba pang gagamitin para magamot ang mga sugat ni Wilder. Hindi ko kasi alam kung may first aid kit ba siya sa loob ng bahay niya. Wilder's face flashed through my mind as I drove going his condo. Medyo malayo iyon mula sa opisina kaya mapapalaki ang pamasahe ko sa taxi. His face full of cuts and wounds. I wonder if he wiped the blood stains. "Good evening. Is the owner of Unit Delta 1402 in? Tanong ko sa receptionist ng residential building na ito. Tiningnan naman nito ang kanyang monitor. "Yes, Ma'am. Nadoon na po siya. Should I announce you?" Tanong nito. "No, but thanks. Aakyat na lang ako." Sabi ko. Nandito na ako sa harap ng pintuan ni Wilder at hindi gumagalaw ang aking mga kamay para pindutin ang door bell nito. I don't know if I can face him right now. Sa totoo lang, noong nakita ko ang galit niyang mga mata, ay natakot ako. Nanghina ang mga tuhod ko. Ngayon ko lamang nakita ang ibang bersyon ni Wilder. Nakakatakot. Madilim. At hindi mo malaman kung ano ang gustong gawin. Oo nga pala! Mayroon akong duplicate key ng bahay niya. Binigay niya ito sa akin noong dito ko pa siya tinuturuan. Ayaw nito na kumakatok pa ako sa tuwing pupuntahan ko siya dito. Kaya naman ay hinalungkat ko ang susing iyon sa aking hand bag. Nang makita ay nanginginig ang aking na kamay na ipasok iyon sa key hole. Sinaraduhan ko iyon nang maingat bago harapin ang kanyang sala. Naabutan ko siyang nakatayo malapit sa lamesa habang hawak ang baso ng tubig. Nakapagpalit na ito ng damit, puting T-shirt at itim na sweat pants. Nakapamulsa ang isang kamay habang nakatingin sa akin. Hindi ko naiwasan na lumambot ang aking damdamin nang makita ang mukha nito. Wala na iyong dugo ngunit ang mga sugat at pasa at hindi pa rin nagagamot. "Hindi ka raw nagpunta sa clinic," tinuwid ko ang aking tayo. "I don't know if you have first aid kit here, so I brought medicines for your wounds." Inangat ko ang plastic na puno ng mga gamot. Ngunit wala siyang sinagot. Nagtungo ako sa kanyang sofa para ilagay ang aking bag. NIlatag ko sa center table ang mga binili kong gamot para sa kanyang sugat. Kumpleto iyon, may plaster, band aids, ointments, medical swabs and alcohol, antiseptic, and non-scented wipes. "Come here," I said. Ngunit hindi pa rin siya kumikibo sa kanyang pwesto at nakatingin lamang sa akin. "I will put ointments to your wounds," Tiningnan ko siya ngunit ganoon pa rin ang kanyang ayos. Nang hindi pa rin siya gumagalaw o nagsasalita ay tumayo ako para lapitan siya. Nang nasa harapan na niya ako ay sumunod lamang ang kanyang mga mata sa bawat galaw ko. Dahil mas matangkad siya sa akin kaya tumingala ako. Kinuha ko ang kanyang hawak na baso at hinawakan ang dulo ng kanyang damit para mahila palapit sa sofa. Pinaupo ko siya sa mahabang sofa habang tumabi naman ako sa kanya. Naglagay muna ako ng alcohol sa aking mga kamay bago ko hawakan ang unscented wipes. Una kong pinunasan ang kanyang kanang kamay na may bahid pa din ng pamumula. Maingat ko iyong pinunasan at saka nilagyan ng antiseptic ang maliliit na hiwa nito. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagkailang dahil habang ginagamot ko ang kanyang sugat sa kamay at mukha ay nakatingin naman ito sa akin. Kahit ang paghinga ko ay aking pinipigilan sa tuwing ilalapit ko ang aking mukha sa kanya, para makita ko ng ayos ang kanyang mga sugat. "Can you please tell me what happened?" Nang matapos ko iyong lagyan ng ointment ay tinanong ko siya. "You won't believe me even if I tell you," sa wakas ay sinagot niya rin ang tanong ko. Humarap ako sa kanya nang matapos kong ligpitin ang mga gamit at nilagay iyon pabalik sa plastik. "Then tell me. I need to know the story. Gusto kong malaman para maipagtanggol kita." Desperada kong sabi. "Hindi ko kailangan na ipagtanggol mo ako. At hindi ako nagsisisi sa ginawa ko." Tumayo ito para maglakad palayo. Patungo sa kanyang kwarto.  "Bakit mo ginawa iyon? Hindi mo na naman ba iniisip ang mga sinabi at paalala ko?" Sinundan ko siya para harangan siyang makapasok sa kanyang kwarto. "Hindi ko naisip iyon," pagamin nito. "Hindi mo pinakinggan mga paalala ko?" Tanong ko. "Hindi ko inisip iyon dahil mas gusto kong basagin ang bungo niya kaysa bigyan ko siya ng respeto," matigas na sabi nito. "Iyan ba ang gusto mong sabihin ko sa tatay mo? Iyan ba ang gusto mong gawin bago mo makuha ang trono mo?" Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako nito sinagot bagkus ay naglakad muli patungong kwarto. Muli akong humarang. Tinigasan ang aking mga binti dahil hindi ako aalis hangga't hindi ko nakukuha ang sagot sa ginawa niya. "Uulitin ko. Bakit mo sinuntok si Allen?" Tanong ko. "Gusto mo talagang malamin kung bakit ko ginawa iyon?" Balik nitong tanong sa akin. "Iyon ang pinunta ko dito," pagamin ko na naging dahilan ng pagigting ng kanyang mga panga. "Ikaw na ang hindi nirespeto. Ikaw na ang binastos. Ngunit bakit sa palagay ko ay siya pa rin ang pinapanigan mo?" "Binastos? Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko napigilan ang aking bahagyang pagtawa. "He called you a w***e! He fantasized your... body! He imagined that he's... f*****g you!" Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko napigilan ang aking palad na masampal siya sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "And you expect me to stay quiet and calm there? Habang naririnig ko? Habang nakikita ko? Gusto mo na maging bulag at bingi ako tungkol sa nalaman ko? Gusto mo na unahin ko pa ang putanginang reputasyon ko habang binabastos ka niya?!" "Mabuti sana kung iyon na lamang ang ginawa mo! Hindi iyong mapapatay mo pa iyong tao!" "Gusto mo na iyon na lamang sana ang ginawa ko?" "Paano kapag nagdemanda iyon? Sa tingin mo ba ay sapat ang narinig mo lamang para maipagtanggol mo ang sarili mo sa batas?" "Wala akong pakialam! Ikaw lamang ang inisip ko noon!" Napatigil ako sa pakikipagtalo. Hindi niya inisip ang magiging reputasyon niya dahil lamang sa akin. Hindi niya inisip kung ano ang iisipin sa kanya ng kanyang ama kapag nalaman niya ito. Hindi niya inisip ang sarili niya at inuna ako? Totoo ba ito? "Just this once. Can you please act like love me?" Nahihinuha ko ang pagmamakaawa sa kanyang tono. "What did you say?" Tanong ko. "Pwede ba na isipin mo na lang na kaya ko iyon ginawa dahil sa taong mahal ko? Pwede bang isipin mo na lang na hindi ko napigilan ang sarili ko dahil hindi ko kayang hindi ka nirerespeto ng ibang lalaki? Pwede bang maging masaya ka na lang o kaya kiligin sa ginawa ko para sayo?" Tumataas ang kanyang tono ngunit wala itong pakialam. "Matuwa? Bakit ako matutuwa sa ginawa mo? You've hurt somebody! At ano iyong sinabi mo? Na hindi mo kayang makita na hindi ako nirerespeto ng iba? Wow! Sayo pa talaga nanggaling?" "My father said that whatever happens, I should respect a woman in any case!" Am I dreaming? Totoo ba na naririnig ko ito ngayon mula sa kanyang bibig? If he really respect a woman, sana inisip niya din iyon noon bago niya ako gawing bagay na binibili sa halagang isang daaang piso. "You should have said that to yourself before. You should have thought about that before you bargained me for a hundred pesos." I said with a cracking voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD