Her Secret Disorder
"You should have said that to yourself before. You should have thought about that before you bargained me for a hundred pesos." I said with a cracking voice.
I have made him stop for a second. Our eyes are locked even if my vision became blurry because of the tears forming in my eyes.
"Okay," he said.
Ito ang ayaw ko. Dahil sa tuwing mag-aaway kami, hindi ko napipigilan angng sarili ko na isumbat ang mga nangyari noon. Hindi ko na gusto pang pag-usapan o pagtuunan pa ng pansin ang mga iyon ngunit hindi ko kayang pigilan pa ang sarili ko.
"So this is about what I've done before," he butted.
"You didn't just did it, Wilder. You break me!" I said with the evidence of pain in my tone. You didn't even know what I've been through just to cope that.
"Hindi ka nagagalit dahil sa ginawa ko ngayon, Bethany. Nagagalit ka dahil sa ginawa ko sayo noon. Ilang beses ko bang dapat na ipaliwanag sayo ang sarili ko?" Tumataas ang kanyang boses.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag. Kung ano iyong nakita ko, iyon ang paniniwalaan ko. Aanhin ko ang paliwanag mo?" Sumbat ko.
"Iyon ang mali mo! Hindi mo pinakinggan kung ano ang paliwanag ko!" Anito.
Bakit ako pa ang may mali sa aming dalawa? Ako ang nadehado, ngunit bakit ako pa ang mali?
"Ako ang nasaktan dito, Wilder. Bakit ako pa rin ang mali?" Naguguluhan kong tanong. Nagulat ako nang tumaaas pang lalo ang kanyang boses.
Sa unang pagkakataon, ngayon ko naranasan ang masigawan ng isang lalaki.
"And now, you're telling me that you respect a woman. Ako? Hindi ba ako babae sa tingin mo? Hindi mo ba ako nirerespeto noong nagbigay ka ng tig-isang daang piso sa mga kaklase mo kapalit ng halaga ko?" I almost break a tears when I said those words. My hands are secretly shaking on my side. I begin to have trouble in breathing but I don't want him to notice so I contained myself.
"Hindi mo ako pwedeng sisihin kung bakit hindi ko makalimutan ang bagay na iyon!" Dugtong ko.
"Wala akong ibang sinusumbat sayo kundi ang pakinggan mo lamang ako," may pagmamakaawa na sa kanyang tono. Kung kanina ay sinisigawan niya ako, ngayon ay malambot na ang kanyang boses.
"Pagod na ako, Wilder. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong trabahuhin na hanapin ang halaga ko bilang babae."
"Nang dahil sa ginawa mo, takot na akong makisama sa ibang tao." Habang sinasabi ko iyon ay itinutulak ko siya gamit ang aking daliri.
"Nang dahil sa ginawa mo, pakiramdam ko, hindi pa rin ako sapat kahit na anong gawin ko." Patuloy ang pagsikip ng aking paghinga kaya napahawak ako sa aking dibdib. Tumataas baba ang aking mga balikat.
Pinilit kong kalmahin ang aking sarili sa harap nito. I can't just burst in front of him. I can't. Seconds later, unti-unti nang bumabalik sa normal ang aking paghinga. Tumigil na rin sa panginginig ang aking mga kamay. Huminga ako ng malalim at pinikit nang mariin ang aking mga mata.
I can't be feeling this way again.
No. Not now.
"They call me a social phobic, don't you know? Because I'm scared of people. I'm scared on what they will say. I'm scared of what they will mean to say. I'm scared of what they will feel towards me. I'm scared to know if how much they see me as a person." I uttered without looking at him. My hand are still on my chest.
"I'm really scared of pain," I let out a heavy and shaky sigh while maintaining my balance.
"Are you okay?" He easily reached my elbows for support.
Alam kong walang patutunguhan ang usapang ito. Nagtataasan kami ng boses. Nagsisigawan. Nagsusumbatan. Hindi ko na rin alam kung sino ba ang tama sa aming dalawa. Hindi ko na sana pa hinalungkat ang memoryang dapat ay ibaon ko na sa ilalim ng lupa.
Pinilit kong tumayo ng tuwid. Nilabanan ko ang aking pagkahilo at ang panginginig ng aking kamay. Pinagpapawisan ng malamig ang aking batok. Iwinaksi ko ang kanyang mga kamay sa aking mga siko at dumistansya.
"Cleanse your wounds everyday. I won't be doing it by next time." I said as I grabbed my bag to the sofa.
I need to get out of this place or I might get trigger again.
"Beth, please." He pleaded.
Handa na akong umalis mula sa aking kinatatayuan ngunit pinigilan niya ang aking kamay na ngayon ay hawak na ang aking hand bag.
"I love you, Bethany. Don't just leave like this. Can we please settle this once and for all?" Naglakbay ang kanyang mga palad papunta sa aking balikat na nagresulta ng pagtayo ng aking mga balahibo.
"Huwag kang umalis nang hindi natin ito naaayos," bulong nito.
Huwag mo na akong lapitan, Wilder. Kumalma na ang aking dibdib ngunit sa muli mong paglapit ay muli itong kumakabog. Ayaw ko nang maramdaman ang panginginig ng aking mga kamay, ang pagsikip ng aking dibdib at ang pagsakit ng aking ulo sa kakaisip.
"Noon pa man ay gusto na kita. Kahit nag-aasaran pa lang tayo. Kahit na sinasaktan mo ako sa mga palo at kurot mo." Kahit bulong ay naririnig ko ang kanyang sinabi.
Hindi ko alam kung ano ba itong nangyayari sa aking katawan. Sa isang iglap ay manginginig, ngunit sa isang iglap ay muling kakalma. Lalo na sa mga haplos at presensya niya.
"Alam ko na walang kapatawaran ang nagawa ko sayo. Hindi ko rin alam ang tamang eksplenasyon na sasabihin ko. Labag rin sa loob ko ang ginawa ko. Kasi ayoko na masaktan kita." Anito.
"Bakit ginawa mo pa rin?" Tanong ko.
"Hindi ako nakatanggi sa kanila. They were my classmates and friends. Pero hindi ko gusto ang ginawa ko."
Iyon ang dahilan niya? Kasi kaibigan niya sila? Nagawa niya iyon kasi hindi siya nakatanggi sa mga ito? Should I count that as valid reason?
"Habang nakatitig ako sayo, binubugbog ko ang sarili ko sa aking isipan. Ang tanga ko lang para gawin yun sayo."
Mabut at nasabi mo rin sa sarili mo kung gaano ka ka-tanga.
"Pinagsisisihan ko na iyon. Marco even punched me because of what I did. Nasaktan rin ako." Ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng aking manggas.
"I should go," I don't plan on staying here any longer. With you.
Hindi ako matuloy sa aking hakbang dahil sa bawat pagkilos ko ay siyang pigil ni Wilder sa bawat galaw ko. Kinulong ako nito sa kanyang yakap habang siya ay nasa likod ko. Humihigpit ngunit hindi masakit.
"I'm willing to change just for you. Give me my f*****g chance." He huskily said.
Sa bawat paghinga niya habang nagsasalita, tumatama iyon sa aking tainga na nagreresulta ng pag-iinit nito.
"I will prove it to you. You just need to watch and be patient, please." He said kissing my shoulder.
The light in my unit is dim. Very quiet.
Pumasok ako bago ko buksan ang main switch ng ilaw. Malalim na ang gabi at hindi pa ako kumakain. Wala na rin naman ang aking gana dahil nalipasan na ako.
Nakatulala sa kisame ang aking mga mata. Bagsak ang aking katawan sa kama. Pinipilit kong balikan ang mga dahilan at mga karanasan ko sa loob ng sampung taon. Inisa-isa ko kahit ang maliliit na detalye sa bawat minutong naaalala ko.
Posible ba na bumalik ito? Posible ba na maramdaman ko ulit ito sa pagkatapos ng sampung taon?
Hawak ang kapirasong matigas na papel sa aking kamay. Pinagmasdan ko ang pangalan at numerong nakasulat dito. Ang pangalan ng establisyimento at ang lugar kung saan ito matatagpuan ay nakasulat naman sa likod.
Ayokong bumalik sa lugar na ito. Magaling na ako. Alam ko sa sarili ko na magaling na ako.
Ngunit kailangan kong gawin iyon. Kailangan ko ng mga kasagutan. Ang mga patong-patong na tanong sa aking isip ay nangangailangan ng sagot. Hindi ako matatahimik. Hindi ako makakapante. At hindi ako babalik sa pagiging normal kung babalewalain ko ito.
Ilang araw ang lumipas ngunit ganoon pa rin ang aking nararamdaman. Naging mahirap sa akin ang pagpasok sa opisina dahil hindi na ako nagiging komportable sa mga taong nakakasalamuha ko araw-araw. Patuloy ang panginginig ng aking mga kamay, ang paghihirap ng aking paghinga, ang pagpapawis ng malamig at ang hirap sa pagtulog.
Sa tapat ng pintuan ng isang kwarto, nanatili akong nakatayo. Hawak pa rin ang kapirasong papel sa aking kamay. Hindi maintindihan kung tutuloy ba ako sa aking ginagawa.
"Dok, papapasukin ko na po ba ang sunod na pasyente?" Narinig ko mula sa loob ng silid.
"Sige, papasukin mo." Boses iyon ng doktor na pamilyar na sa akin.
Ngayon na lamang muli ako nakarating sa silid na ito. At ang isiping narito ako muli ay nagpapabigat lalo sa aking pakiramdam. Sinigurado ko na hindi ko na muli silang makikita, ngunit saan ako dinala ng pangako ko?
"Patient thirty seven, please come in." Pagbating nakangiti sa akin ng nurse nang pagbuksan ako nito ng pinto.
Bumibilis ang aking paghinga at nagdadalawang isip pa rin kung papasok ba ako o hindi. Ang pamilyar na silid ay muli kong nasilayan pagkatapos ng mahigit sampung taon. Sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay pumapatong dito ang bigat na aking dinadala.
Hinarap ko ang tanging lamesang nasa kanang dulo ng silid. Nakaupo sa likod nito ang pamilyar na taong tinanaw ko ng utang ng loob. Nang dahil sa kanya, natulungan niya akong gumaling.
"Bethany. Come. Sit." Nakangiti ang doktor nang ako ay batiin.
Tahimik at nakayuko akong naglakad papunta sa upuang nasa harapan ng lamesa. Ito nga ang pakiramdam nang muli kong pagdalaw sa silid na ito. Ang maharap ang doktor sa ngayon ang tangi kong kailangan para matanong ang aking mga tanong.
"It's been ten years since I last saw you. You look healthier than before." She said while complementing me.
"It's good to see you too, Dr. Linda." I greeted back. With fear.
Muli kong pinagmasdan ang babae sa aking harapan. Nagiba ang kanyang facial features marahil siguro sa pagtanda niya. Nakakabilib na hanggang ngayon ay nasa serbisyo pa rin siya ng mga tao.
Dr. Linda P. Esquivel. Psychotherapist.
Pagbasa ng aking isip sa name plate sa gitna ng kanyang lamesa. Nakangiti ang ginang sa akin habang pinapakiramdaman niya akong magsalita.
"Maaari ko bang malaman ang sadya mo rito?" Marahan nitong tanong.
Doon pa lamang sa kanyang sinabi ay nagpapasalamat na ako. Ang tanging nais ko lamang ngayon ay ang makausap siya at mabigyan niya ako ng mga sagot sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
"Posible ba na... posible po ba na bumalik ang anthro... anthropophobia?" Hirap na hirap ako sa pagbigkas nang mga salita. Hindo ako nagpaligoy-ligoy at tinanong agad ang salitang gumugulo sa aking isipan.
Kumuha siya ng notebook sa gilid ng kanyang monitor at humugot ng lapis mula sa kanyang pencil holder. Tahimik siyang naglakad papunta sa aking harapan. Marahang umupo para ako ay tingnan.
"Anthropophobia," bigkas niya habang sinusulat ito sa kanyang papel.
"Ano bang nararamdaman mo?" Dugtong na tanong nito.
"I begin to tremble... when I am surrounded by people. My hands are shaking. My head keeps aching. And I can't breath properly... sometimes. I am not having a good sleep at nights." I answered.
"Nitong mga nakaraang araw, nakakaramdam muli ako ng mga sintomas. I did a good job in hiding, but there are times that I just couldn't control it." Dugtong ko.
Sinusulat ng doktor sa kanyang papel ang ano mang sabihin ko. Nakikinig habang nagsusulat.
"Should I ask her for drinks, Doc?" Singit na tanong ng nurse sa amin.
"Huwag na lang. Salamat na rin." Ako na ang sumagot. At nakangiti naman itong umalis sa aming harapan.
"Kailan ang unang beses na naranasan mo itong muli?" Tanong ni Dr. Linda sa seryosong tono.
Pinakaiisip ko ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Binuo kong muli ang mga senaryong naganap upang malaman ang kasagutan.
"Hindi ko masyadong matandaan, pero nagsimula akong mahirapan sa pagtulog noong nakita ko siya ulit." Namumuo ang aking luha. Umuusbong ang aking takot.
Kinagabihan noong muli kong makita si Wilder, noong ipinakilala siya ng kanyang ama sa akin, hindi na ako dinalaw ng antok. Gabi-gabi ang nararansan kong paghihirap sa pagtulog. Hindi sapat ang dalawang oras na pagpikit ng mga mata. Hinayaan ko ang sarili ko na pilitin ang makihalubilong muli sa mga tao. Ngunit ang naging resulta, ang hindi pagtahimik ng aking isipan.
"Nakita mo siyang muli?" Gulat na tanong sa akin ng ginang.
Pinilit kong ibinahagi ang mga nangyari simula noong nagkita kaming muli. Taimtim itong nakikinig sa akin. Habang nagkukwento, hindi ko mapigilan ang muling panginginig ng aking mga kamay. Nagsimula akong matakot sa aking paligid kahit na alam kong kami lamang ang narito sa silid na ito.
Alam ni Dr. Linda kung sino ang tinutukoy ko. Noong labing walong taong gulang ako, siya rin ang doktor na nag-diagnosed sa akin ng Anthropophobia.
Anthropophobia. Fear of people.
Nagsimula ko itong maramdaman noon nang hindi ako pinapatulog ng mga iniisip ko. Umaraw man o gabi, hindi ako makausap ni Mama dahil nakatulala lang ako sa kawalan. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay sumisikip naman ng aking dibdib kapag may nakakasalubong akong tao. May mga taong buhay at nagsasalita sa aking isipan na nagreresulta ng palagi kong pagiyak at pagwawala.
Ayoko nang balikan ang nakaraang iyon. Dahil habang nakikita ko ang dati ako, hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang mga bagay na iyon.
Hindi ako baliw. Hindi ko magagawang saktan ang sarili ko. Hindi ko gustong marinig ang mga taong nagsasalita sa loon ng utak ko. Mahirap ipaliwanag, ngunit hindi ako ang batang iyon.
"Posibleng bumalik ang mga sintomas ng Anthropophobia," ani ginang at sinarado ang kanyang notebook.
"Lalo pa at may bagay, tao, lugar o pangyayari ang pwedeng magpaalaala sa mga ito." Dugtong nito.
"Paano ang gagawin ko, Dr. Linda? Ayokong maapektuhan ang trabaho ko. Ang bagong buhay na binubuo ko ngayon." Hindi ko maiwasang maisip ang mga posibleng mangyari kapag hindi ko nakontrol ang disorder na ito.
"There are two types of treatment that we can do for this. First, talk therapy sessions. Face to face talking monthly sessions. You have to tell whatever's on your mind and I will listen. Just like what we did before." She smiled.
Isang taon din akong pabalik-balik sa kanyang klinika para sa buwanang dalaw ko para sa therapy. Habang nagaganap iyon, palagi nitong hawak ang kanyang ballpen at papel at may sinusulat na kung ano.
"Secondly, for me this is the easiest treatment that you can try. But I need to warn you because this is the most dangerous therapy between the two." She seriously uttered.
"Ano po iyon, Dok?" Kailangan kong piliin kung ano ang mas makakabuti sa akin.
"Exposure therapy. You will need to conquer your fears by force." Napatigil ako sa kanyang sinabi.
"That means that I have to stick to him to fight my fear?" I asked.
Why do I have to stick to the person who caused me this pain?
"You need to. You need to trigger your fears, Bethany. But this will be dangerous because we cannot control what's gonna happen." She said.
"What's gonna happen, Doctor?" I asked. She only shook her head.
"We need to prevent the worse," she timorously said.
I know the consequences of my actions if I chose to stick with him. I might not even control the symptoms. I might do the things I did before when I have no control of myself again. But it might get worse if I didn't do what's best for me.
I don't want to affect my mother, my job, my life.
"Come here," binitawan ng doktor ang kanyang notebook at giniya ako papunta sa mahabang sofa.
"Lay down," utos nito na sinunod ko na lamang.
Kumuha ito ng maliit na upuan at nilagay iyon sa aking tabi. Umupo ito sa aking tabi habang kinandado naman ng nurse ang pintuan.
"Whatever happens here, whatever you feel, Don't tell to anyone." The doctor said.
Nilagyan ako ng kumot ng nurse na ipinatong nito mula sa aking paa hanggang baywang. Sinigurado nito na komportable ako sa aking pwesto bago ito umalis.
Ano ba ang nangyayari?
Nang dalhin na ng doktor ang kanyang kanang kamay sa aking mukha ay sinusundan ko na lamang iyon ng tingin. Pamula sa aking noo, lumandas ang mga daliri nito papunta sa aking baba.
"Sleep," the voice of the doctor became slow. My eyes became heavy and my body begin to relax.
"You will hear my voice," she said.
"You will feel my touch," she reached my hand and gently caressed my palm.
"Only my voice and my touch," she said almost whispering and all I can see now was black.
Black surroundings. Chilly wind that is blowing softly through my direction. I feel like I am in a room with no windows, no door and no lights.
"Tell me, Bethany. Where are you right now?" I heard the voice of the doctor but I can't see her.
Gradually, the place begin to become vivid. My eyes are adjusting naturally from the light and I am not in a room.
"Science park, from my old school." I said that in my head.
People begin to come in every way. I can hear them laughing, talking. I can see them walking by pairs or alone.
"Good. Now tell me what you see there." I heard the doctor said.
Nilibot ko ang aking mga mata sa lugar kung saan ako naroon. Maraming mga estudyante at may iilang guro rin ang naglalakad. Ngunit ang mas pumukaw ng aking pansin ay ang lalaking dalawang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko.
"There's a boy. With school uniform." Paglalarawan ko sa aking nakita.
"Sino ang lalaking nakikita mo?" Tanong muli ng doktor. Patuloy ko siyang hinahanap sa aking paligid ngunit hindi ko siya makita. Tanging boses lamang nito ang aking naririnig.
"I can't see. It feels like his face is blurred." Sagot ko.
"Approach him, Bethany." Dr. Linda ordered in my mind.
Without hesitation, I kept my distance close to that boy. Slowly approaching him while he's just standing there. Not resisting to move.
I begin to tremble when I finally saw his face, but as expected. It is blurred.
"Continue to approach him, Bethany. I will be right here." The doctor whispered.
"I can't see him!" I cried in my mind.
"Look closer!" She ordered.
I keep my focus on higher level. I remain my eyes open looking intently at the boy right in front of me with a blurry face.
Who would be this boy?
As seconds passed, his face begin to surface. His thick eyebrows begin to show. Slowly, his eyes too. It was familiar and mysterious. And then his nose trailed the light and his lips pursed into smile.
He is looking at me. Smiling at me.
"Wilder?" I called.
Nang magpakita na ang kabuuan ng mukha nito ay doon ko na napagtanto kung sino ang lalaking ito. Ang mga mata niya ay pamilyar sa akin. Ang aking pakiramdam habang nakikita siya ay muling sumagi.
"I saw him," I muttered.
"You are doing good, Bethany. We will need to continue. Bear a little more!" The vague voice of the doctor begin to be unimportant. The only thing that matters to me right now if the face of the familiar man in my life.
"What do you feel when you finally saw his face?" She asked.
Ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon? Ang alam ko lamang ay wala na akong ibang hinihilig na makita pa kundi ang magagandang ngiti mula sa kanyang mapang-akit na labi.
"Peace. Comfort. I feel safe." I said softly.
"Wake up now, Bethany." As soon as the doctor said those words, I came back gasping hard.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Sumunod lamang ako sa mga utos nito na walang reklamo o apila.
Ano ang nangyari? Bakit ako biglang bumalik sa ganoong lugar? At ngayon naman ay nandito ako?
"What just happened, Doctor?" Lito kong tanong.
"I helped you find your comfort," she simply replied.
Comfort?
Ang nangyari kanina ay hypnosis. Sabi ng doktor ay hindi pa niya muli nagagawa iyon sa ibang mga pasyente nito. Tanging sa akin lamang.
Kaya ako bumalik sa ganoong lugar ay para malaman ko kung ano ang kinatatakutan ko. Kung ano ang magagawa ko para mapigilan ito. Comfort? Kay Wilder?
Hindi naman nagsisinungaling ang doktor. Totoong iyon ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Ngunit minsan ay sinusumpong ako ng panginginig sa tuwing malapit naman siya akin. Hindi ko na rin minsan maintindihan.
"Hindi ka pumasok kahapon? Okay ka lang ba?" Tanong ni Wilder.
Heto na naman kami. Magkasama.
Tinatago ko ang aking panginginig. Sa tuwing dumadami naman ang tao ay sumisikip ang aking paghinga. Ngunit kaya ko iyong makontrol.
"May pinuntahan lang," sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya.
"Bethany, natutuwa ang mga bata at nakarating kayong dalawa sa birthday party ni Angela." Lumapit sa amin si Sister Belen upang kami ay daluhan.
Narito kami sa bahay ampunan dahil kaarawan ni Angela. Nakikita ko siya sa unahan, sa likod ng clown na nakangiti kahit hindi niya makita kung ano ang nangyayari. Kapag tumatawa ang ibang bata ay nakikisabay ito.
"Hindi ko po palalampasin ang espesyal na araw para kay Angela," sabi ko.
Malabundok ang mga regalong nasa tabi niya. May maliliit na nakabalot ay may malalaking kahon naman sa gilid.
"Halina kayo. Sabayan niyong kumain ang mga bata." Pag-aya nito sa amin.
Kakatapos ko lamang kumainkaya ako tumayo sa gilid. Ngunit sinundan naman ako ni Wilder at ngayon ay hindi na naman ako makahinga. Hindi ko naman siya masabihan na lumayo muna dahil ayokong magtaka ito at baka magtanong pa. Hindi ko rin alam ang isasagot ko.
"Kakatapos lang po namin kumain, Sister. Babalik ho kami sa hapag kainan kung magutom muli." Si Wilder naman ang sumagot na nasa aking likuran.
"Hala sige. Maiwan ko muna kayo rito. Dadaluhan ko lamang ang ibang bisita." Kapagkuwan ay umalis na si Sister Belen para daluhan ang iba pang bata at mga bisita.
Nakakatuwang makita ang mga nakangiting bata. Busog ang mga tiyan. Malawak ang pagngiti ng mga labi. May regalo sa magkabilang kamay. Binunot ko sa aking bulsa ang aking cellphone at palihim na kinuhanan ang mga ito ng litrato.
I might hang this in my condo.
"Magsabi ka lang kung nagugutom ka pa. Kukuha ako ng pagkain sa loob." Alok ni Wilder sa aking likuran.
Sa lapit niya ay naramdaman ko ang kanyang hininga sa likod ng aking tainga na naghatid ng pagtaas ng aking mga balahibo. Laking pasasalamat ko nang magtigil na ang aking panginginig at ang unti-unti kong pagkalma sa harap ng maraming tao. Kapag nariyan ako, kalmado ang lahat. Ngunit kapag malayo siya sa akin, para akong naiipit sa maliit na espasyo at hindi makahinga.
Natatandaan ko pa kung ano ang sinabi sa akin ng doktor.
"You found your comfort in him. Be with him as long as you can." Sabi ni Dr. Linda nang matapos ang session ko sa kanya sa araw na iyon.
"Bakit ko po kailangang manatili sa tabi niya?" Naguguluhan kong tanong.
"He will help you heal," She said.
Walang alam si Wilder sa anxiety attacks ko. Nakakasigurado naman ako na hindi nito nakikita ang panginginig ko.
Paano niya ako matutulungan na gumaling sa pagbalik ng phobia ko?
"Ayos lang ako," simple kong sagot sa alok niya.
Itinikom ko ang aking mga kamay at pinagsiklop ito sa aking tiyan. Ang kanyang paghinga ay nagpapabaliw at naghahatid sa akin ng kiliti. Ang kanyang mga haplos at hawak ay nagpapanginig ng aking buong katawan. Tumataas ang aking mga balahibo sa tuwing maglapat lamang ang aming mga siko.
Paano niya ako matutulungan na gumaling kung ang mapalapit lang sa kanya ay nagpapayanig na ng aking pagkatao?
"Ate Bethany, marami pong salamat at dumalo kayo sa birthday ko." Si Angela na nakangiti ngunit hindi diretso ang tingin sa akin.
Lumuhod ako para magpantay kami. Luma na ang wheelchair nito, dapat pala ay iyon na lamang ang aking binili imbis na mga damit.
"Masaya ka ba ngayon?" Tanong ko sa batang malayo ang tingin.
"Hindi ko man makita na masaya ako, nararamdaman ko po. Maraming salamat po sa pagdagdag ng ligaya ko sa araw na ito." Sagot nito sa akin.
Bilib ako sa kanya na hindi siya sumusuko sa buwanang therapy na ginagawa nito. Panigurado akong masakit iyon ngunit nanatili itong matapang. Wala akong ibang hihilingin kundi ang maging komportable ang kanyang pamumuhay.
"Kailangan ko na munang umuwi. Dadalaw akong muli sa susunod na Sabado." Pamamaalam ko sa kanya.
"Ate Bethany is right, Angela. Muli kaming bibisita dito sa susunod na Sabado at magdadala ako ng maraming regalo para sayo at sa iba pang bata." Pagsingit ni Wilder.
"Talaga po, Kuya? Wow! Hihintayin ko po kayo." Nagagalak na usad ni Angela.
Nagpaalam na rin kami sa iba pang bata bago kami umalis. Hindi nagtagal ay tinatahak na namin ang daan pauwi ng Makati. Gabi na ngayon at kasing dilim ng kalsada ang loob ng sasakyan ni Wilder. Diretso lamang ang aking tingin sa kalsada.
Naririnig ko ang kapagkuwang buntong hininga ni Wilder sa tuwing sasapit ang ikatatlong minuto. Hindi ko maiwasang mabahala sa kanyang kinikilos. Naiilang ako sa tuwing gagawin niya iyon. Walang gustong magsalita sa aming dalawa hanggang makalagpas kami sa trapiko.
"I will help you regarding Angela's therapy," he said, breaking my silence.
"You're gonna do that?" Gulat kong tanong.
"I will help the kid. She deserves more." His eyes was focused on the road only.
I can't help but to admire his facial features sideward. It was perfectly sculpted by Gods. I just can't help but to blame him for making me this way.
Wrecked. Miserable. Stressed out.
If I didn't heard those words before. If I just turned a blind eye. If I continue to be with him before, I wonder what my life could be right now?
Am I his girlfriend? Wife?
My goodness! What am I thinking?
"I'm trying to win you over," he suddenly said.
You can't just give up? Talagang gagawin mo lang ang lahat maging maayos lang tayong dalawa.
Sino ba ako para tumanggi? Gusto ko lang naman mabuhay ng tahimik, walang hinanakit.
Fine. Do whatever you want. Make me fall again.