Suitors
Wilder stopped the car at the parking lot of the building I live in. He supposed to just drop me off but I got curious because he parked his car here.
"Bakit dito ka pa nag-park?" Tanong ko nang hindi pa kumukibo sa aking pwesto.
"Can I sleep over?" He asked as the engine shuts.
Napalingon ako sa kanya at gulat ang mukhang nagtanong.
"What?" I asked.
"Nandoon na naman kasi sa unit ko ang babaeng iyon," inis na sagot nito.
Sino ang babaeng tinutukoy nito? Paanong makakapunta iyon sa kanyang unit kung ako lang naman ang may duplicate ng susi nito?
"Paano siya nakapasok? May susi siya?" Tanong ko.
"I gave her my keys when I got drunk las time," kinalas nito ang kanyang seatbelt.
"Marapat lamang na pumunta ka doon. Kung naroon siya, naghihintay iyon sa pagdating mo. Kung dito ka rin naman matutulog ay wala nang ibang bakanteng kama." Diretso kong sinabi.
Nakakabigla na napagdesisyonang nitong matulog sa unit ko. Hindi ako nakapaghanda man lang. Hindi ko alam kung may pagkain pa ba sa loob ng refrigerator ko. Saan ko siya patutulugin? Sa sofa? Malamig doon sa sala at paniguradong baluktot ang kanyang magiging pwesto dahil mas malaki pa siya sa sofa.
"Okay lang kahit saan. Ayoko munang umuwi." Sagot nito.
Bago ito bumaba ng kanyang sasakyan ay may kinuha muna ito sa passenger's seat. A gym bag.
"What's in there?" I asked as I saw he lifted his black duffel bag.
"My necessities," he said.
Pinaghandaan ba niya ang pagpunta rito? Nakaplano na ba na matutulog siya sa unit ko kaya siya may dalang mga gamit?
"Aren't you gonna get out there?" He knocked on my side window that made me jump.
He's already outside his car, only waiting for me to get out.
Lumabas ako ng sasakyan nang hindi inaalis ang aking tingin dito. Papalit-palit ang aking tingin sa kanyanv mukha at sa bag na dala nito.
"You planned this," that's not even a question.
"I always bring extra in times like this," he said. How dare he smiled like that?
Wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo ako sa kanya. Hindi ko na naman din ito mapipigilan dahil nauna pa itong maglakad sa akin.
"Maliamig dito sa sala kung sa sofa ka matutulog," sabi ko.
"Kung ganoon, saan mo ako patutulugin?" May malisya pa ang kanyang pagngiti.
"To my room," I said.
"Are you sure?" He asked.
"You will be sleeping on the floor," I smirked.
Akala mo talaga papayag ako na matulog ka sa kwarto ko? Since I don't have a choice, you have to sleep on the floor.
"What's the difference, by the way? It is cold on the floor!" He frustratingly asked.
"At least you will not be sleeping on the sofa," I teasingly said.
Nauna na akong maglakad patungo sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay kusang nagbukas ang ilaw at dumiretso ako sa kabinet para kumuha ng ekstrang unan, comfoter at natitiklop na kutson. Mabuti na lamang at may mga ganito ako dito sa aking kwarto. Madalas kasi na matulog rito sina Isabella nang walang dahilan.
"Cover your pillows and foam bed with these. I will just wash my body." Utos ko rito.
"Yes, master." Nahihinuha ko ang sarkastiko sa kanyang tono at hindi na lamang iyon pinansin. Dumiretso na lamang ako sa banyo at sinaradong nakakandado iyon.
Mahirap na.
Ang sarap ng tubig. Tamang-tama lamang ang timpla na aking ginawa. Hindi ganoong kalamig ngunit hindi rin naman ganoon kainit. Katamtaman lamang para marelaks ang aking balat.
Nang matapos ako sa paghihilamos ay lumabas ako. Nadatnan ko ang kyuryosong si Wilder na nakatitig sa mga unan at hindi pa balot na kutson. Ang unan nito ay hindi maayosang pagkakalagay at ang comforter ay nakabuhol pa rin sa isang tao.
"Mali ang ginagawa mo," pagpuna ko.
"Paano ba dapat? Kanina ko pa iniisip kung paano ito gawin." Naiinis nitong tanong.
Talaga ba? Simpleng pagpupunda lamang at palalagay ng kobre sa kutson ay hindi pa niya magawa? Mag-isa naman siya sa unit niya, kung ganoon, sino ang gumagawa nang mga iyon para sa kanya?
Disadvantage of being a spoiled rich.
"Move. I'll show you." Pagsuko ko.
Inalis kong muli ang kobre ng unan at comforter at inilagay muna iyon sa aking kama. Kinuha ko ang bedsheet at marahas na ipinagpag para bumuka at mailatag sa kutson. Dahil nasa sahig iyon, dumapa ako para mahila sa bawat sulok ang kobre. Nang matapos ay sinunod ko ang mga unan.
Tinuruan ako ni Chloe kung paano ang tamang paglalagay ng punda sa mga unan. To prevent the bacteria on spreading to the new sheets, I always do what she taught me. I don't know if that's true but I just chose to obey her instead.
"There you go. It's that simple." I satisfyingly said when I finished changing the covers.
"Simple chores, yet, you can't do it right." Sermon ko.
Umupo ako sa aking kama habang nakakrus ang mga braso sa aking dibdib. Para akong nanay na pinapagalitan ang anak dahil hindi tama ang kanyang ginawa. Siya naman ay tahimik na nakayuko lamang sa aking harapan at kapagkuwan ay umuurong palapit sa kutson.
"Nagkaroon naman siguro kayo ng Home Economics noong elementary, tama?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. Hindi ko na matandaan." Sagot nito.
Tumataas lamang ang aking altapresyon nang dahil sa kanya. Hindi man lang niya matandaan ang mga pinag-aralan noon.
"Since hindi ka marunong, sino ang gumagawa niyon sa unit mo?" Muli kong tanong.
"Housekeeping," he simply replied.
Yeah, right.
Binalot ko na lamang ang aking katawan ng aking kumot at bumaluktot na sa aking kama. Malaki naman ito, queen sized. Kung tutuusin ay kasya pa siya sa aking tabi ngunit minabuti kong hindi siya makatabi. Hindi iyon kumportable.
"Matulog ka na! At siguraduhin mo lang na paggising ko ay nakaalis ka na." Banta ko.
Wala na akong narinig na sagot. Tahimik na ang buong silid at tanging ilaw na lamang mula sa lamp shade ay bumabalot sa buong silid.
Isang oras na ang sumapit ngunit hindi na naman ako dalawin ng antok. Ang daming gumugulo sa aking isip at hindi ako pinapatahimik ng mga ito. Kahit gusto kong magpahinga ay hindi ko magawa dahil nag-uunahan ang mga ito sa aking isipan.
Marahan akong kumilos at tumayo. Dinampot ang aking cellphone sa maliit na lamesa at naglakad palayo sa kama, papuntang balkonahe. Maingat kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang katabing building ng aking unit at ang kalmadong kalsada sa baba.
Ako:
Good evening Dr. Linda. Can I call?
Naghatid ako ng mensahe sa aking doktor bago ko siya tawagan. Sana ay hindi pa ito tulog dahil kailangan ko talaga siyang kausapin ngayon.
"Yes, Bethany?" Bungad ng doktor nang sagutin niya ang biglaan kong tawag.
"I'm really sorry for disturbing you. I hope I didn't interrupted your sleep?" Paumanhin ko.
"Oh, not at all. I was just about to go to bed when you call." Sagot nito. I sighed in relief.
"Is there something bothering you?" She asked. Actually, there's a lot.
"I'm getting more curious everyday. There are times when I feel scared around him. I tremble, I sweat, and I can't even breath properly. But there will be times when I find his company so comfortable. I don't know why is that even happening." I frustratingly muttered.
"Just like what I told you. He is your fear. But he is your comfort."
"How can he help me if I continue feeling like that towards him?"
"What are you feeling? Fear?" She asked in the other line.
"Yes," I nodded.
"Did you always feel that when he's around?"
"No. But when I am around other people. People that I don't know. I always feel that way."
Ang hirap naman ng sakit na ito. I can't live properly. Fear always eat my space around people and I can't help but to tremble.
The life I used to live, the life that I always worked out. In just one snap, it all changed.
"You have to bear it. You have to be strong. Ikaw lang ang makakapagpagaling sa sarili mo." She encouraged.
"You just have to accept it. He will help you, just let him be."
"Bakit naman po noon? Gumaling naman ako nang walang tulong niya." Katwiran ko.
"Treatments cannot be the same at all times. Kung ang ginawa natin noon ay epektibo para sayo, maaaring hindi na ngayon. You have different needs when you grow up."
She's right. Hindi ko rin maintindihan minsan ngunit alam kong tama siya. My situation before is not the same to what I am experiencing right now.
All have to do is to accept because this is my new normal life. And I just have to let him help me since he is my comfort. Gradually, I will be cured.
"I'll drop by to your office next month, Dr. Linda. Thank you for your time." I said and hung up.
Matatagalan ba bago bumalik sa normal sa lahat? Makakaya ko ba na humarap muli sa mga tao? Hindi naman maiiwasan iyon at sa sakop ng trabaho ko, araw-araw akong humaharap sa iba't ibang tao.
Wilder didn't move any bit in his place. He's still lying sideways just like an hour ago when I left him there. My feet made its way to his direction and face him. Slowly sitting down to reach the level of his face.
"What am I gonna do?" I whispered.
Tinitigan ko ang payapang mukha ni Wilder. I have always wanted to trail his pointed nose. I have always wanted to stare at his luscious lips. I can't seem to focus when he's awake because his so attentive. But now that his asleep, I can stare to his face whenever I want.
"You're really something, don't you know?" As if he's gonna hear me.
I live just fine without you. And now that you're here, I think I can't sleep without thinking of you.
"Please help me heal. I don't want to be alone anymore." I whispered desperately.
I stopped my hand halfway when I planned to caress his face. He moved a bit making me anxious and stopped what I am doing.
Bago pa ako mahuli sa ginagawa ko ay tumayo na ako.
The rays of the sun hits my bare face. Its heated rays went through the glass door. Tuluyan na akong nagising nang unti-unti nang mag-init ang aking mukha. Nakalimutan ko palang saraduhan ang kurtina kagabi.
Naroon pa rin si Wilder sa baba ng kama ko. Still sleeping. At hindi ko alam kung gumalaw man lang ba ito dahil ganoon pa rin ang pwesto nito simula nang huli ko itong tingnan kagabi.
Hinilamos ko ang malamig na tubig sa aking mukha upang tuluyang magising. Inalis ang mga hindi kaaya-ayang mga bagay na nanatili sa aking mukha sa aking pagtulog. Paglabas ko sa banyo ay payapa pa rin ang tulog na si Wilder. Hindi ko alam kung hindi ba ito nakakaramdam ng lamig.
"Wilder," I called while patting his shoulder gently.
He only growled softly as an answer. "Doon ka na sa kama ko magpatuloy ng tulog mo. Malamig dito sa lapag." I whispered.
Tiningnan ko lamang ito habang nag-iba ng pwesto. Hindi minumulat ang mga mata. Mukhang malalim pa rin ang tulog. Tinaasan ko na lamang ang temperatura ng lamig dahil naka-celcius naman ito.
Narinig ko na may nagdoorbell kaya agad ako lumabas ng kwarto. Makalat pa ang sala dahil minsan ay nanonood ako rito ng TV. Popcorn at fries ay nagkalat pa sa sahig. Ang nachos naman ay naroon sa lamesa at isang bukas na bote ng softdrinks.
Babae ba ako? Bakit ganito naman karumi dito sa unit na ito?
"Coming!" Sigaw ko nang pindutin muli nito ang doorbell.
"Who is it?" Tanong ko nang makalapit sa pinto.
"Bethany! Ako ito! Buksan mo ang pinto at mabigat itong mga dala ko!" Sigaw pabalik ng tao sa labas.
Mama? s**t!
Narito pa si Wilder. Hindi ko naisip na maaaring pumunta dito si Mama dahil weekend.
"Ikaw na babae ka! Bilisan mo!" Inip na sigaw ni Mama.
Napabalikwas ako at agad na binuksan ang pintuan habang nanginginig ang mga kamay. Sana ay hindi pa magising si Wilder. Huwag muna siya sana lumabas ng kwarto.
"Mama!" I called in fear.
"Ganyan na ba ang bagong pagbati sa umaga?" Tanong nito sa akin.
Agad namang nagbago ang aking ekspresyon. "Good morning, Mama." I kissed her left cheek.
Siya naman ay nagpatuloy sa pagpasok hanggang kusina. Kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon. Ayokong makita ni Mama na may kasama akong lalaki sa kwarto. Kahit wala namang ibang kababalaghan ang nangyari pero natatakot pa rin ako.
"Ano ba namang kalat ito, Bethany? Babae ka ba?" Sermon niya nang makita ang kalat sa sala at kusina.
Panay ang tingin ko sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko alam ang gising na ba siya. Sinasabi ko sa aking isip ng huwag siyang lalabas dahil kapag nagkataon ay may lilipad na tsinelas dito.
"Hindi ko na po nalilinis kasi palagi akong busy. Nakakalimutan ko po." Sabi ko nang nakatingin pa rin sa pintuan ng aking kwarto.
"Hay naku, ikaw na bata ka. Mahirap kapag naiiwan ka mag-isa." Anito.
Lumikha naman ng matinis na ingay ang kawaling tumama sa marmol ng lababo. Sa lakas niyon ay umalingawngaw iyon sa buong silid. Kung may kasama lang kami dito ay baka nagising na ang mga iyon.
Oo nga pala. May iba pang tao dito!
"Mama! Dahan-dahan po." Singhal ko.
Naguguluhan naman itong napatingin sa akin. Siguro iniisip niya na hindi ko naman pinupuna noon ang mga ganitong bagay dahil wala naman ako pakialam. Pero ngayon ay natatakot talaga ako.
"Saan ka pupunta? Halika rito at ligpitin mo itong mga nasa lababo." Pigil ni Mama sa hakbang na dapat kong gagawin.
Para hindi siya maghinala ay sinunod ko ang utos niya. Habang siya ay nagluluto ng almusal ay ako naman ang naglilinis sa kusina. Naaamoy ko na ang bango ng bawang at sibuyas na ginigisa at parang hayop na sumisigaw ang aking tiyan nang nanuuot ang amoy nito sa akin ilong.
"Sa sala alisin mo yung mga pagkaing nakabalandra doon," muling utos ni Mama nang nakita niyang tapos na ako sa lababo.
"Opo," sagot ko.
Kagaya ng gusto niya mangyari, kinuha ko ang walis tambo at dust pan para dalhin sa sala. Kumuha rin ako ng plastik na pwedeng pagtapunan nang mga ito.
Habang ginagawa ko iyon ay naririnig ko ang kislot na nanggagaling sa aking kwarto. Dahil malapit lang naman ang aking sala sa pintuan nito ay naririnig ko ang ingay sa loob.
"Bethany?" Wilder called.
Nanlaki ang aking mata sa narinig. Gising na ito at hinahanap na ako.
"Saan ko ilalagay ang kutson?" Sigaw nito mula sa loob.
"May iba ka pa bang kasama rito?" Narinig siguro ni Mama ang boses na nanggagaling sa loob ng aking kwarto.
Ano ba? Magsisinungaling ba ako? Ano ba sasabihin ko?
Minamadali ko ang paglilikom ng kalat dito sa sala habang iniisip ang sasabihin ko.
"Ano po kasi-" I got interrupted.
"Nilagay ko na lang sa kama mo yung mga unan," singit naman ni Wilder habang sumasarado ang pinto.
Shit!
"Wilder?" Ani Mama.
Buking na ako.
Nanginginig na lamang ang aking mga binti sa senaryong nakikita ko sa aking harapan. Akala ko talaga magagalit si Mama dahil may lalaki akong kasama dito sa unit ngunit nakangiti pa ito habang pinaghahanda ng pagkain si Wilder. Katapat ko lamang ito sa upuan kaya kitang-kita ko ang giangawa ng mga ito. Mas inuna pa ni Mama na hayinan ito ng pagkain kaysa sa sarili niyang anak.
"Ngayon na lamang muli kita nakita at marami na ang nagbago sayo," sambit ni Mama kay Wilder.
"Mabuti na lamang po at naabutan ko kayo rito," masayang sumubo naman ng pagkain si Wilder habang nakikipag-usap kay Mama.
"Mas lalo ka yatang gumwapo," hagikgik ni Mama na para itong kinikilig. Hindi ko na lamang maiwasang mapangiwi.
"Hindi naman po. Kaunti lang." Sabi ni Wilder na nagpataas ng kilay ko.
Pa-humble ka pang hambog ka.
"Siya nga pala, ilang taon na nga kayo ni Bethang?" Direkta at walang prenong tanong ni Mama na ikinagulat ko.
"Mama!" Pagpuna ko.
Lihim na napa-ubo naman si Wilder ngunit nakikita ko ang multong ngisi nito.
"Bakit? Masaya bang itanong ko sa kanya?" Inosenteng tanong ni Mama.
"Wala po kaming relasyon. Magkatrabaho lang kami." Sagot ko.
"Parang hindi mo naman ako nanay," sabi ni Mama at hindi na ako muling pinansin. Nilagyan naman nito ng panibagong strip ng bacon ang plato ni Wilder habang sinasabi na kumain ito ng madami.
"Mama, totoo sinasabi ko." Depensa ko.
Ngunit parang wala itong naririnig. "Magpunta ka ulit rito tuwing Sabado o Linggo. Ipagluluto kita ng almusal." Pag-imbita ni Mama kay Wilder.
"Makakaasa po kayo," masayang sambit naman ng hambog na lalaking ito.
Nakikita ko sa mga ngiti nito ang pangiinis niya sa akin. Masyado siyang nasisiyahan sa atensyong binibigay ni Mama ngayon. Mali talaga ang naging desisyon ko na patuluyin siya rito.
"Saan ka pinatulog ni Bethany?" Biglaan na namang tanong ni Mama sa kanya.
"Sa baba po ng kama," simple nitong sagot. At hindi man lang nagsinungaling.
"Grabe ka, anak." Dismayadong tugon ni Mama sa akin.
"Hindi naman siya kasya sa sofa, Ma." Sagot ko.
"Sa kama mo, dios ko! Ang lawak niyon." Totoo ba itong sinasabi ni Mama?
"Mama?" Hindi talaga ako makapaniwala.
"Ayos lang naman po, Ma'am. Hindi naman po ako nagreklamo at komportable rin naman po ang pagtulog ko." Singit naman ni Wilder.
"Pagpasensyahan muna itong si Bethany. Matigas talaga puso niyan." Pag-alo ni Mama kay Wilder.
Hello? Narito po ang anak niyo. Naririnig ko po kayo.
Bago ko pa matusok ng tinidor ang mapang-asar na mukha ni Wilder, ay naunahan iyon ng doorbell. Ang aga naman para sa mga hindi inaasahang bisita.
"Ako na po," pagpresinta ko.
Wala naman akong inaasahang iba pang bisita ngayon kasi Linggo naman. Sino kaya ito?
There's onlh one way to find out. I opened the door and by my shocked, Rashid smiled.
"Good morning, beautiful." He greeted.
He even brought a bouquet of red roses and a cake in red velvet flavor.
"What are you doing here?" I asked.
"You are not responding to my messages so I thought I should stop by," he reasoned out.
Tiningnan ko ang kusina kung saan ay naroon pa rin sina Mama at Wilder habang pinagpapatuloy ang pagkain. If I'm going to entertain Rashid as my guest, Mama will question me. Hindi pa nga ako tapos sa isa ay ngayon naman ay may dumagdag pa.
"Bethany, sino ba iyan?" Tanong ni Mama nang mapansin nito na napapatagal ang pagbalik ko.
"You're not alone? Is that your mom?" Rashid asked when he heard my mother's voice.
"Yes, she's here." Wala sa sarili kong sagot.
"Bakit hindi mo pinapapasok ang bisita mo?" Hinila ni Mama ang dulo ng aking buhok na nagpagulat sa akin. Nakalapit na pala ito at siya pa mismo ang naggabay kay Rashid para maupo sa sofa.
Naiwan naman ako na parang posteng nakaharang sa pinto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayari ngayon. Weekend naman ngunit bakit hindi ko magawang makapagpahingan man lang?
"Did you eat breakfast yet?" Mama asked him in Filipino accent. Alam na agad nito na hindi ito marunong magtagalog.
"Yes, Ma'am. I ate breakfast before going here." Rashid said.
"No, no. Eat some more. Come here." I heard footsteps receding.
They have put me in a difficult position. Wilder slept here. Rashid stopped by. And for the good of heavens, Mama is not even complaining that boys came here unannounced. She even assisted them like they were her sons.
"What did you do for a living?" Mama asked Rashid.
For the entire conversation, Mama alwags asked them questions. She doesn't even want to be interrupted.
"I'm a basketball player for PBA. I have a game next week." He simply replied.
"Wow! Bethany here, she also played in UAAP once. But she didn't continue because of her academics." Did she really have to say that?
"Yeah. She mentioned it before to me when we went in dinner together." Rashid said that made Wilder glared at me intensely.
The table setting is really awkward right now. Wilder is in front of me, gawking at me intently. Rashid is on my left while Mama is on mh right, facing the new visitor pleasantly. The square-shaped table became small for the four of us.
Walang umalis kanina sa mga upuan hannga't hindi tumatayo si Mama. Kahit tapos na ang lahat kumain ay walang naglalakas-loob sa mga ito na mauna. Kaya ngayon ay nagliligpit ako ng mga pinagkainan habang ang dalawang bisita ay nasa sala nakaupo at naghihintay. Si Mama naman ay tinutulungan ako dito sa kusina.
"Manliligaw mo ba iyong mukhang arabo na matangkad?" Bulong ni Mama habang nilalarawan si Rashid.
Ano ba ang dapat kong isagot? Umamin na naman siya sa akin, hindi ko lang alam kung panliligaw na ba itong ginagawa niya.
"Hindi ko po alam," tangi ko na lamang nasagot.
"May dala siyang mga bulaklak," palihim nitong silip sa dalawa mula sa counter.
"Mama, tigilan mo nga po iyang ginagawa mo. Nakakahiya." Ako talaga ang nahihiya sa ginagawa niya.
"Boyfriend mo naman si Wilder. Bakit tunatanggap ka pa ng manliligaw?"
"Hindi ko po siya boyfriend. Wala po akong relasyon sa kahit na sino sa kanilang dalawa. Okay?"
Wala na namang patutunguhan ito. Kahit ano namang paliwanag ang sabihin ko ay hindi iyon tinatanggap ni Mama. Gumagawa agad ito ng konklusyon sa mga bagay na hindi naman totoo. Hindi naman ako manalo dahil palagi niya akong pinuputol.
Alas dies na ng umaga ngunit wala pa ring umaalis sa kanilang dalawa. Narinig ko minsan ang usapan nila at masasabi kong malalim iyon. Hindi lang ako sigurado sa pinaguusapan nila ngunit alam kong seryoso ang mga ito. Bumalik naman ako sa aking kwarto at naabutan ko ang nakatiklop na kutson sa sahig. Ang mga una at makapal na comforter ay maayos na nakatiklop kasama ng mga unan ko sa kama. Napangiti ako sa ginawa ni Wilder. Kahit paano ay marunong naman pala ito.
"Do you guys want to watch TV?" Pag-alok ko sa nga ito. Maayos na pambahay na damit na ang aking suot ngayon kumpara sa robang katerno ng pajama ko kanina.
Tumango naman ng sabay ang dalawa habang nakatingin sa akin. "Do you have Netflix?" Wilder asked.
"I do have," I answered. Mabuti na lamang at nakapagpa-renew ako ng registration noong Biyernes kaya updated na ang mga movies nasa account ko.
"We can watch games like basketball or your sport, volleyball." Rashid suggested.
"Movie is a great idea," Wilder butted in.
"Yes it is. But maybe Bethany wants to watch other than movies." Rashid answered. Feeling the tension between them.
Wilder turned his gaze on me, expressionless. "What do you wanna watch?" He asked.
Honestly, I don't know what to answer. If I choose movie, Rashid will be disappointed. And I choose to watch live games, Wilder might nit like it.
Mali yata na inalok ko silang manood sa TV. Dapat siguro ay pinalayas ko na lamang ang mga ito dahil magsisimba rin naman kami ni Mama mamayang hapon.
Para hindi maging biased ang pagpili, dinampot ko ang remote control. Sumiksik ako sa gitnang espasyo ng sofa. Hindi man ganoon kahaba ang sofa, katamtamang espasyo naman para sa aming tatlo. Hindi masikip at hindi rin naman maluwag.
"I will choose what should we watch," I said.
Binuhay ko ang TV at agad nagbukas ang aking Netflix account. Pumili ako ng Bollywood Comedy. Pinili ko talaga ang comedy dahil panigurado ako na hindi naman nila magugustuhan iyon. Para lang maging balanse, ang gusto ko ang nasunod.
Bollywood movies, also know as Hindi cinema, is an Indian - Hindi language film made in different parts of India. The term is a portmanteau of Bombay and Hollywood. The industry is related to cinema of South India and other Indian film industries, and one of the world's largest by number of feature films produced.
The movie is quite understandable because they often use English language or Hindi dialect but with subtitles. It is also long in duration because Indian film also includes musical dialects that makes the movie span longer.
Afterwards, I checked Rashid on my side and he is smiling and softly laughing as his eyes were focused on the screen. I thought he won't like it since it can be cliché and corny. And then, I also checked Wilder as his eyes are focused on the screen without giving any expressions.
"I was not expecting that," Rashid commented happily referring to the movie.
Hindi ko alam kung nanood ba siyang talaga o tinititigan lamang ang screen.
In a swift move, I was not prepared by his sudden action. I never thought that he will notice my hand resting on my lap. He grabbed it and hid between our legs to hold. Trying to intertwine our fingers.
"Let go," I mouthed.
Pinipilit kong bawiin ang aking kamay ngunit wala akong ganoong lakas para gawin iyon. I tried to remain calm because I don't want to see Rashid my obvious actions.
Hindi ko na rin maintindihan ang aking pinapanood dahil nasakop na naman niya ang isipan ko. Nang tingnan ko siya ay hindi na ito nakatingin sa TV. Sa akin na nakatututok ang kanyang mga mata. Kumportable ang kanyang pag-upo at kapagkuwan ay sumisilay ang ngiti nito.
I just wished that Rashid is not seeing this. It will be very awkward especially on mine. Their physiques are both huge that I feel like a burger patty between two buns on bread.
Every time I look at Wilder's face, he's just staring at me while smirking. I really feel that those smiles of his means something. I stopped forcing myself to get my hand because I know that is useless.
A smile of victory. A smile of satisfaction.