Kabanata XXI

4253 Words
Large Wolf                Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Wilder at dinala niya ako dito sa palaisdaan. Tumitingin lang naman kami sa mga ginagawa ng mangingisda habang siya ay manghang-mangha sa mga ito. "Nasa kahera mo ba ang pagiging mangingisda at dinala mo ako rito?" Tanong ko. Ang init. Ang ingay. Pinagpapawisan ako dito. "Tingnan mo lang ang ginagawa nila. Admire their work, Bethany." Pinilig nito ang aking ulo para mapaharap sa mga taong nanghuhuli ng isda malapit sa dalampasigan. It's true that it is pleasing to see people doing fishing. It is really admirable knowing that this is a decent job. Imagine that they're doing this not just to feed themselves, they do it to sell their fish and feed other people. Not everybody can do it. "Manong magkano ang isdang ito?" Narinig ko ang boses ni Wilder na nakitang nasa dalampasigan na ito. Nawala na lang bigla sa aking tabi habang okupado ang aking isip. Naglakad ako palapit sa mga ito. Dahil tanging sandals lamang ang aking suot sa paa, ang mga buhangin ay tinatabunan ito habang lumulubog ang aking mga paa dito. "Sariwa ang mga isdang ito, iho. Ibbigay ko na sa iyo sa murang halaga." Tugon naman ng mangingisda sa tanong ni Wilder. "Salamat, manong. Naghahanap kasi kami ng asawa ko ng malulutong pagkain ngayong tanghalian." Sagot nito. Asawa? Ako ba ang tinutukoy niya? "Napakagandang babae naman ng iyong asawa. Bagong kasal lang ba kayo?" Tanong muli ng mangingisda. Lumipad sa ere ang braso ni Wilder na dinala palapit ang aking kawatan sa kanya. Nakaakbay ang kanang braso sa akin na marahang pinisil ang aking hubad na balikat. Off-shoulder maxi dress ang aking suot ngayon kaya dumaloy na naman ang kuryente sa aking katawan nang maglapit ang aming mga balat. Ang ibang mangingisda ay nakangiting nakatingin sa amin at hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa sitwasyon ngayon. Bagong kasal? "Opo at narito kami para sa aming honeymoon. Hindi ba, asawa ko?" Biglang sumama ang pakiramdam ko. Asawa? "Manahimik ka, Wilder. Kapag naniwala ang mga iyan, masusubukan mo ang kamao ko." Bulong kong puno ng pagpipigil. Kung ano-ano ang iniisip ng lalaking ito. Kahit mga bagay na hindi naman totoo ay pinipilit na paniwalaan.  "Sumabay na kayo sa aming tanghalian. Magluluto ang asawa ko ngayon kaya ako nanghuli ng mga isda. Para hindi na rin kayo gumastos." Alok sa amin ng mangingisda. Hindi naman ganoon kadaling tanggihan ang alok niya. Ngunit ito ang unang pagkakataon na may nagimbita sa amin para sa tanghalian. Kami ay turista lamang dito ngunit hindi iyon alintana upang kami ay ituring nilang kaibigan at isalo sa kanilang hapag kainan. Sa maliit na bahay malapit sa dagat ay dito kami tumigil. Nakahain sa aming harapan ang mga pagkain madalang ko lamang makita. Sa tingin pa lamang ay busog na ang aking mga mata. Wala silang lamesa at mga upuan kaya nakaupo kami ngayon sa lapag na may dahon ng saging sa aming gitna. Walang kutsara o tinidor at paniguaradong kamay ang aming gagamitin bilang kubyertos. "Pasensya na iho at iha, ito lamang ang aming nakayanan." Pagpapaumanhin ng asawa ng mangingisda. Ang alam ko ay siya ang nagluto ng lahat ng ito. Hindi niya ako hayaang tulungan siya kaya nakakaramdam ako ng hiya. "Hindi po. Ako nga po ang dapat na mahiya dahil naabala pa namin kayo. Hindi po pinagpapahingi ng pasensya ang lobster at ang alimango dahil sa Maynila ay ginto ang presyo ng mga ito. At ang laing, noon ko pa po gustong tikman ang laing na gawa sa Batanes." Litanya ko. Nahihiya ako dahil wala akong nagawa o naitulong sa mga ito kahit ang pag-aayos ng mga pagkain. Kahit ang dalawang babaeng anak ng mag-asawa ay hindi kami pinahihintulutan na kumilos at tulungan sila. "Ganoon ba? Marami pa namang pagkakataon para makapunta kayo ulit dito. Hayaan nyo at ipagluluto ko pa kayo ng marami sa pagbalik niyo dito." Ani Mang Pong, ang mangingisda. "Hala sige. Tara nang kumain. Arya, bigyan mo sila ng palanggang may tubig para maghugas sila ng kanilang mga kamay." Utos naman nito sa kanyang anak. "Ganito kami kumain dito. Kamay namin ang mga kubyertos." Anito. "Wala pong problema. Mas gusto ko pa nga pong kumain ng kamay lamang ang gamit." Sagot naman ni Wilder. Talaga ba? Marunong itong mag-kamay? Ilang minuto pagkatapos naming maghugas ng kamay ay nagsimula na kami sa pagkain. Mainit pa ang kinuha kong alimango kaya hindi ko iyon makain ng maayos. Hindi ko mabuklat ang katawan nito dahil napapaso pa ako. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Wilder at namangha ako sa kanya dahil alam niya kung paano kainin ang ganitong mga pagkain. "Naaalala ko ang ating kabataan, Pong. Ang bilis ng panahon." Pagtukoy ng ginang sa kanyang asawa habang tinitingnan ang ginagawa ni Wilder sa alimangong kakainin ko. "Mabilis na nga ang panahon kaya heto tayo at may dalawa nang prinsesa," pagtukoy naman ni Mang Pong sa kanyang dalawang anak na babae sa aking tabi. "Sige lang. Kain lang kayo kain. Ubusin niyong lahat ito." Sabi ginang. Masaya at mabait ang pamilya ni Mang Pong. Maalaga ito sa kanyang mga anak at asawa. Ang kanyang mga anak ay magalang at tumutulong sa kanilang ina sa gawaing bahay. Ang ginang naman ang nagluluto ng masasarap na pagkaing nakahain ngayon sa aming harapan. Pakiramdam ko ay puputok na ang aking tiyan at kahit tubig ay hindi na ito malagyan. Hindi ko napigilan ang aking sariling kainin ang buong lobster. Masarap ito at unang pagkakataon na kinain ko itong walang bayad. Ang karaniwang pagkain para sa mga taga-Batanes ay makakain ko lamang sa mga mamahaling restaurant sa Maynila. "Maraming salamat po, Mang Pong pati na rin po sa pamilya niyo. Busog na busog po ako sa sarap ng luto ng misis niyo." Nakangiting kong papuri sa kanya. Hinatid kami nito hanggang sa labas ng kanilang bahay. Nag-alok pa ito na isakay kami sa kanyang bangka upang ipasyal sa kabilang isla ngunit tumanggi kami. Sobra na na pinakain niya kami ng tanghalian na hindi pinagbayad. "Walang anuman. Kung sakaling bumalik kayo rito, puntahan niyo ulit ang dalampasigan para magkita tayo." Sabi ni Mang Pong. Napakaswerte naming dalawa dahil may mga estranghero ang kumupkop sa amin kahit sa kaunting oras para kami ay alokin ng kanilang pagkain. Turista kami sa kanilang lugar ngunit itinuring nila kaming parte ng kanilang pamilya. Kaya naman namin bumili ng sarili naming makakain at may hinandang budget naman para doon ngunit hindi lang namin matanggihan ang mabuting kalooban ni Mang Pong at nang pamilya nito. Habang naglalakad-lakad sa kahabaan ng village ay may nakita akong asong umiihi sa tabi ng isang puno. Natawa ako sa naging pwesto nito kaya hindi ko mapigilan ang aking paghalakhak. Mahilig ako sa mga hayop at noon ko pa balak mag-alaga ng aso ngunit hindi ko na maasikaso sa sobrang busy sa aking trabaho. Iniisip kong baka mapabayaan ko na lamang ito dahil gabi ako laging umuuwi sa bahay. "Why are you laughing maliciously?" Wilder commented. Napahinto tuloy ako sa aking pagtawa. "Natawa lang ako sa ginagawa ng aso doon sa gilid ng puno," sagot ko. "He's just peeing," "I know," "Then what's funny about that?" "Nothing," A nonsense conversation, right? Nagpatuloy na lamang kami sa aming paglalakad. Marami pa palang magandang makikita dito kaya naging okupadong muli ang aking mga mata sa mga ito. "That dog kinda remind me of my Luna," he suddenly spoked. "What?" Is he serious? "Yeah, she does the same thing." Looking so innocently while half laughing. I coughed, "what?" "Sa condo ko, kung saan-saan lamang siya umiihi at dumudumi. Hindi naman marunong magdisiplina." Sabi nito. Did he just mistakenly compared a person to a dog? Napatigil ako sa aking paglalakad. Puno ng kyuryosidad ang aking mukha ng harapin ko siya. Hindi ko alam kung alam ba niyang mali ang sinabi niya o alam niya talaga. Nagagawa pa niyang tumawa habang tinitingnan ang asong dinaanan namin kanina. "Luna," he sighed. "Such a stupid but cuddly dog." Wait. A dog? "Wait. Are you serious? Who is Luna?" I asked trying to connect to dots. "My dog," he answered. So I was wrong all along. Ang tinatawag niya Luna kanina ay isa palang aso. Ang akala kong tao ito ay nagdulot sa akin ng pagkahiya. Kahit hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang inisip ko ay nahihiya pa rin ako. How can I be stupid? Bakit pinangunahan ko na naman ang sitwasyon? "Okay," tipid kong sabi. Nakakahiya! "What's the breed of your... dog?" Nauutal ko pang tanong. Simpleng tanong na nga lang ay hindi ko pa magawa. "Alaskan Malamute," he answered. "Oh! The large white wolf!" I got amazed. "No," he laughed. "She's just a dog. Wolves are much scarier." It's the same thing. Pareho naman silang aso. Gabi na kaming nakabalik sa hotel at pagod na pagod ang aking mga paa sa kakalakad sa buong village ng Diura. Ang kabuhayan sa lugar na iyon ay pangingisda at tuwing umaga at hapon ay nagpupunta sa dagat ang bawat lalaking miyembro ng kanilang mga pamilya upang mangisda. Nakakamangha dahil hindi alintana sa kanilang mga mata ang kahirapan dahil lahat ng kailangan nila ay nasa paligid lamang ng mga ito. Minsan ay hindi na kailangan bayaran ang isang bagay dahil maaari nila itong kuhanin lamang sa kanilang bakuran. "Arya seemed nice and kind. If she want to work in Manila, we can help her." I suggest. Naalala ko ang kwento sa akin kanina ng panganay na anak ni Mang Pong na gusto nitong magpunta ng Maynila upang maghanap ng mas magandang trabaho. Tapos na ito sa kanyang pag-aaral kaya naghahanap na siya ng trabaho. Nabanggit ko rin kasi na kulang pa ang kumpanya ng mga empleyado sa bawat departamento kaya mas lalo siyang naging interesado. Kung sa tirahan naman ay hindi na siya mamomroblema roon dahil pwede ko siyang patuluyin sa aking condo. "I'll ask my father regarding this. I'm also willing to help." Sagot naman ni Wilder. Nakaupo kaming pareho sa aming mga kama habang pareho naming pinupunasan ang aming basang buhok. Katatapos lamang naming maligo at wala na kaming plano para sa gabing ito kundi ang magpahinga. Nothing happened to us, just to make things clear. Mas nauna akong naligo sa kanya at dahil mahaba ang aking buhok ay matagal itong matuyo kung hindi ko gagamitan ng blow dryer. "I'll show you my dog. Come beside me." Tinapik niya ang kanyang kama sa tabi nito. Sumunod naman ako dahil makikita ko ang alaga niyang aso. I always wanted to have a dog. Samoyed breed to be specific. They were so fluffy and cute. "She's huge already?" Hindi ko matandaan na may alaga pala itong aso. Noong nagpupunta naman ako sa bahay niya ay wala akong nakikitang Alaskan Malamute na parang lobo sa laki. "Yeah, she's one years old." Sabi niya. Already?! "Hindi ko naman nakita ito noong pumunta ako sa condo mo. Hindi ko alam na may aso ka." HIndi ako makapaniwala. "She's in my room. She's not going outside when she know there's other person in the house." Wow. I didn't know that. Pareho kami ni Wilder na dog lover. Hindi ko nga akalain na halos punuin niya ang gallery ng kanyang cellphone ng mga pictures ni Luna. May tuloy, kumakain, naglalaro sa park at kung ano pa. Napakadami na halos umabot ng labing limang minuto para matingnan ko iyon lahat. Tuwang-tuwa ako kasi hindi na ako makapaghintay na makita ito sa personal kagaya ng pangako niya sa akin sa oras na dumating kami ng Manila. "Pangako ko na ipapakilala kita agad kay Luna," sabi ni Wilder habang inaalalayan akong makahakbang sa ginawang hagdanan sa bundok na ito. "Malaki ba talaga siya? Nabubuhat mo pa?" Kyuryoso kong tanong. Habang umaakyat kami sa Bundok ng Iraya ay wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ang aso nito. Nakukulitan na nga siya sa akin dahil hindi ako matapos-tapos sa pagtatanong at pagkukwento tungkol sa mga aso lalo na kay Luna. I want a samoyed. I thought. "You will see," Wilder said intently. "Mount Iraya, is an dormant volcano on Batan Island and the highest point in the province of Batanes, Philippines." The tour guide discussed about the mountain. "So this is not just a mountain, it can be a volcano." The foreigner concluded. Hindi lang kami ang umaakyat sa bundok na ito. May kasabayan kaming iba pang turista na manghang-mangha sa tanawin katulad ko. "It is one of the northernmost active volcano in the Philippines. Its last eruption was in 1454 and considered as an heavily forested stratovolcano. Its has the length of 18,000 feet. Adjacent volcanic edifice is Mount Matarem." Dugtong na paliwanag ng aming tour guide. Kailangan niyang mag-English dahil karamihan sa mga turistang aming kasabay ay mga amerikano at briton. "There's two myths about this mountain; the first tale states that the mountain is a mother overlooking her children known as the Ivatans for their protection, while the second tale states that if a ring of clouds appear on top of the mountain, Iraya is notifying the people for preparation due to an inevitable death of an elder, usually due to natural causes." "I was just confused, what is a stratovolcano?" An active tourist asked. "Stratovolcano, it means that the surface was built up of layered hardened lava and ashes from the last eruption. The lava flowing from the surface typically cools and hardens before spreading far, due to high viscosity. It is sometimes called as 'composite volcanoes' because of their composite stratified structure built up from sequential outpourings of erupted materials." The tour guide really knows his job. "So the soil that we are stepping on was lava," the other tourist stated in British accent. "Hardened lava," the tour guide corrected. "Which is totally fine because this is not hazardous. We are not gonna tour here if this volcano will erupt , right?" We all laughed. He's right. But sometimes, stratovolcanoes are the most dangerous volcano on Earth. "But to be transparent and frank to all of you and I don't want my tourists to panic and fright. According to researches, stratovolcanoes can be the most dangerous volcano on Earth because it gives little warning and is releasing large amount of material unlike other volcanoes. This lava plugs up the plumbing in stratovolcanoes, allowing them to build up tremendous amounts of pressure." Kitang-kita ko ang pagsilay ng mga pangamba ng ibang turista. Nagsisimula na silang makaramdam ng kaba dahil sa sinabi ng aming tour guide. "But you know what?" I butted in and immediately got all their attention including the tour guide. "We don't have to fear Mount Iraya just because this is considered as a stratovolcano. Yes, this is an active volcano and monitored by the Philippines Institute of Volcanology and Seismology. It can be hazardous because of the lava and ashes and other volcanic materials that it can released. But tourist spots are not meant to feel safe all the time." All eyes are on me including Wilder. "Some tourist attractions and activities can be dangerous and it is totally normal to feel fifty percent unsure." I forced a smile. I feel like I am teaching a science class in school. "Zip-lines, how can we be sure on its safety belt to not break? But some of us still tried. Ferris wheels or roller coasters in carnivals, how can we be sure on its screws not to loosen? But some of us still rode. Scuba diving, jumping in the air was on another level. I know that you also thought that 'what if I didn't press the button on my bag to release the parachute?' I may die. But some of us has an unforgettable experienced to it. Surfing, how are you sure that you can pass the ocean waves like a pro? But some of us still did no matter how." Para naman akong naubusan ng hininga sa aking sinabi. Tuloy-tuloy at halos walang hinto ang aking bibig sa pagsasalita. "You see, those are just the feelings. We still tried and did because we're onto experience. No matter how scary, no matter how unsure, we still want to do it. Because we want to feel the thrill. We want to have the best adventure by experiencing mix emotions; happy, thrilled, scared, trembling and more." "I hope you see things that startle you. I hope you feel things you never felt before. I hope you meet people with a different point of view. I hope you live a life you're proud of. If you find that you're not, I hope you have the strength to start all over again. Erick Roth, an American screenwriter said." Hindi ko alam kung anong mga salita ang lumalabas ngayon sa bibig ko. Hindi ko alam kung naiintindihan ba nila ako kasi lahat sila nakatingin lamang sa akin at nakikinig. Should I say more? "Adventures are once in a lifetime experiences, that all." Bigla tuloy akong nahiya nang tinapos ko ang aking mga sinabi sa pamamagitan ng pagtatago ko sa likod ni Wilder. Hiyang-hiya ako kasi nakisawsaw ako na walang kasiguraduhan kung naiintindihan ba nila. "Thank you, Miss. All that you said was right." "Yes. Traveling is not effective if you don't feel the fear on something." They praised me? Wow. Pwede na nga pala siguro akong maging guro. Should I change career? Pagkababa namin ng bundok ay naghiwa-hiwalay na ang mga turista dahil tapos na ang tour. Nakasabay namin ang tour guide at pakiramdam ko ay napahiya ko siya dahil sa aking mga sinabi. Ayoko lang isipin niya na inaagawan ko siya ng trabaho kaya lumapit ako sa kanya para humingi ng tawad. "Kuya, hi!" Pagbati ko. "Pasensya na ha sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko naman gusto na isipin mo na nagmamagaling ako-" Naputol ang sasabihin ko. "Naku ma'am! Hindi po. Hindi ko po iniisip iyon. Nagpapasalamat pa nga po ako kasi tinulungan niyo ako. Gusto ko lang naman kasi maging totoo sa mga turista." Sagot nito. "Walang problema doon. Mabuti na sinabi mo iyon para maging open ang mga turista tungkol sa lugar. Ikaw pa lamang ang nakilala kong tour guide na hindi natakot na sabihin ang disadvantages and cons about the place." Pagpupuuri ko. "Maraming salamat ma'am. Mauna na muna ako sa inyo, may pangalawang batch pa po kasi akong i-tour sa Mount Iraya." Sabi nito. Hindi ko alam ang pangalan niya ngunit may katandaan na ito. "Maraming salamat din po..." kinuha ko ang kanyang kamay at inabutan ito palihim ng isang daang piso bilang tip sa kanyang serbisyo. "...pang miryenda mo po." Pagod kaming bumalik sa hotel upang magpahinga. Hindi ko na halos maramdaman ang aking mga binti dahil katagalan naming naglalakad at umaakyat sa bunok ng Iraya. "You want something to eat?" Wilder asked as soon as I get to bed. "I'm fine," I said lazily. "You sure? You must be hungry from the long walk." "No I'm not. I am not hungry." Bumibigat ang talukap ng aking mga mata at hindi ko na namamalayan ang mga nasa paligid. Nararamdaman ko na lamang na dumudilim ang buong kwarto at may kumot nang tumatabon sa aking katawan. Dinama ko ang lamig nito at bahagyang tumihaya habang tuluyan nang nakapikit ang aking mga mata. It was a long day, well spend with him.  Nagising na lamang ako nang may pumuntang room service sa aming kwarto upang magdala ng mga pagkain. Nagpaakyat na namn siguro si Wilder at ngayon lamang dumating na nasaktuhan naman ang aking paggising. Nag-inat ako ng aking mga braso at binti sakaya tumayo sa kama. Suot ko pa pala ang damit ko kahapon kaya nagpunta muna ako ng banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay nagsimula nang kumain ng almusal para maging handa sa panibagong plano namin ngayong araw. Ito ang huling araw namin sa Batanes kaya naisipan namin na magsimba. Ngunit pagkarating namin sa simbahan ay may nagaganap na kasal kaya balak kong huwag na lamang tumuloy. "Saan ka pupunta?" Marahang hinigit ni Wilder ang aking kamay nang pumihit ako patalikod. "May kinakasal kaya," sagot ko. At nakakahiya kasi hindi naman kami imbitado. "Anong problema? Pwede pa rin naman tayong dumalo sa misa ni Padre." Pigil nito. "Nakakahiya," "Doon tayo uupo sa malayo," Wala na rin naman ako nagawa nang higitin niya ako papasok sa simbahan. Bago makapasok ay nakita ko pa ang pangalan ng dalawang taong nakatakdang mag-isang dibdib sa araw na ito. May litrato pa sila na nakayakap sa likod ang lalaki habang magkatinginan silang dalawa. Nasa bahagi na ng pangungumunyon ang misa at kahit gusto kong pumunta sa harapan ay hindi ko magawa. Baka magtaka ang mga tao kung sino ako at hindi naman ako imbitado. "Amen," I heard Wilder said while kneeling. He was praying earlier and I was curious about his wishes. "What did you prayed for?" I whispered. "You," he answered. "Me?" Why me? "Yes, you." "Why? What is it?" "I prayed that you will be my wife someday," he said intently. Seryoso ba siya? Nagsisimula pa lamang kami ngunit pag-aasawa na ang iniisip niya. "We still have a long way to go," sagot ko. Totoo naman. Wala pa akong ipon. Hindi ko pa nabibigay ang pangarap ko para kay Mama. Hindi ko pa kaya mag-settle. Marami pa akong maiiwang responsibilidad at plano kung piliin kong sundin na naman ang puso ko. Tama na ang isang beses at hindi naman kailangang madaliin ang lahat. Ang lahat ng bagay ay maaaring makamit sa tamang panahon. Kailangan ko lamang magtiis at magtiyaga dahil hindi lahat ng bagay ay nakahain sa harapan ko. I want to settle when I know that I can. May tamang panahon para sa ibang bagay. Hindi isang bagsakan ang bigayan niyon. "Get in the water, baby." Sa wakas ng panahon ay napagbigyan ko rin si Wilder na magswimming sa pool sa baba lamang ng hotel. Ngayon naman ay inaanyayahan akong lumubog sa tubig upang siya ay daluhan. may mga kasama kami na lumalangoy din sa swimming pool na ito ngunit hindi naman marami. "Is it cold?" Tanong ko. "No. It's perfect for your preference." Dahil wala naman akong dalang swimwear ay tanging puting T-shirt at maikling shorts lamang ang suot ko ngayon. Lumubog na ako sa tubig at agad naman akong pinuntahan ni Wilder para hilahin ako paunta sa pwesto niya kanina. "Malalim na! Dito na lang tayo!" Hindi na makapa ng mga paa ko ang samento kaya kinabahan ako. Hindi ako marunog lumangoy! "Okay lang iyan. Nandito naman ako." Tugon nito habang hinihila pa rin ang mga kamay ko papunta sa malalim ng parte ng pool. Madali niya akong nahihila dahil magaan lamang ang aking pwersa sa ilalim ng tubig. Hindi ko mabitawan ang kanyang mga kamay sa takot. Pinipilit kong ipadyak ang aking mga paa upang lumutang ako kahit nahihirapan ako. Si Wilder naman ay nakatingin lamang sa akin at seryoso ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan akong nahihirapan. "What will you do when we get back to Manila?" Bahagyang tanong niya. "Babalik sa trabaho," sagot ko.  Isang linggo na ako wala sa opisina at pihadong tambak na naman ang aking mga gagawin. "Itatago mo pa rin ba ang relasyon natin?" Sa kanyang tanong ay napabalik ako sa iniisip ko kapag babalik na kami sa syudad. Akala ko ay tapos na ngunit bumalik na naman pala. Hindi ko na nga iniisip dahil akala ko ay hindi ko na maaalala. Nagbalik lamang ako sa reyalisasyon na hindi permanente ang lahat. "Magpapadala ka na naman ba sa sasabihin ng iba?" Hindi naman kasi ito madali, Wilder. Ikaw lang din ang iniisip ko. "Let's just focus on your final task first. Pagkatapos ay pwede na natin isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Saka tayo magdesisyon." Sa ngayon ay hindi ko pa kaya. "Nandito lang ako, tandaan mo iyan." Lumapit siya akin dahilan ng pagkatingala ko. Nag-panic ako nang bigla itong lumubog sa tubig at bitawan ako. "Wilder!" Pagtawag ko habang pinipiglas ang aking mga kamay. Kinakabahan ako na baka lumubog ako at hindi pa naman ako marunog lumangoy. Napasigaw ako nang may humila sa aking paanan palubog sa tubig. Pinilit kong imulat ang aking mga mata kahit masakit upang makita kung sino ang gumawa niyon. Ngunit pagpihit ng aking katawan ay ang paglapat ng aming mga labi sa ilalim ng tubig. Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa gulat.  A kiss underwater. Hindi na rin ako makahinga ngunit bakit hindi ako makadaing? Huminga ako ng malalim nang umangat ako sa tubig. May mga taong nakapaligid sa amin na nagaalala. "Okay ka lang ba, Miss?" "Dalhin niyo siya dito!" "Okay lang po ako. Salamat po." Hindi ko mabitawan ang railings ng hagdanan dahil ayoko nang lumubog pa. Halos yakapin ko na ito habang hinahabol pa rin ang aking paghinga. Sobrang bilis ng pagtibok ng aking dibdib at nadako ang tingin ko kay Wilder na nasa aking harapan.  Nagawa niya pang ngumiti habang ako ay parang mamatay na nang dahil sa ginawa niya. Kahit kailan talaga! Hindi ko siya kinakausap habang nag-iimpake ako ng mga gamit. Hanggang sa pagpila sa airport ay hindi ko siya iniimikan. Muntik na akong mamatay dahil sa ginawa niya habang siya ay nagawa pang ngumiti ng pagkalawak habang tinitingnan ako. Gago ka talaga, Wilder! "Sorry na oh," panunuyo niya nang makaupo kami sa eroplano. Hindi ko siya pinansin at tinakpan na lamang ang aking mga mata. Naglagay ako ng earphone at nag-play ng music para hindi ko marinig kung ano mang sabihin niya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bilang pagkadismaya ngunit hindi ako nagpaapekto. Bahala ka diyan! Alam kong kaya niya akong kunin ulit. kaya ginagawa ko ang lahat para labanan siya. Maayos naman kaming nakabalik sa Maynila at naghiwalay kami sa airport nang hindi ko pa rin siya kinakausap. Nag-taxi na lamang ako paunta sa aking condo at nagpahinga. Ngayon ay bagong umaga para pumasok sa opisina. "Good morning, Ma'am." Bati sa akin ng staff na nasa reception. Ngumiti ako sa kanya habang naglalakad papunta sa kabilang pinto para pumasok sa opisina. Kaunti pa lamang ang mga ahenteng narito dahil alas nueve pa lamang ng umaga. Kahit si Wilder ay wala pa dahil alas onse pa ang pasok nito.  Bakit siya na naman ang iniisip ko? May kasalanan pa siya sa akin! "Good morning, Ma'am Beth. May tao po sa opisina niyo po." Sabi naman ni Wendy, ang agent sa kabilang team. Ha? "I am not expecting someone," sino kaya iyon? "Babae po siya. Doon ka na lang daw niya hintayin po." Sagot nito. "Okay salamat," Hindi na ako nagdalawang isip kaya binuksan ko na ang pintuan ng aking opisina. Babae nga ang naghihintay sa akin dito at nakatalikod naman ito sa akin. Humarap lamang siya nang narinig niya ang pagpasok ko. Oh my gosh. Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa niya dito? "Rachel?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD