Photograph
Pumasok ako sa loob ng tindahan na ang dumating sa akin ay ang mga panindang maayos na nakapatas sa bawat kahon at garapon. Walang kahera at tagabantay man lang ng tindahan. Totoo ba ito? Isang tindahan na walang nagbabantay at ang lahat ng bibilhin mo ay babayaran mo lamang. Ihuhulog lang ang bayad sa isang silyado at malaking kahon sa pinakaloob ng kwarto.
"There's no cashier here?" Tanong ko.
Ang akala kong Honesty Shop na ito noon ay katulad lamang ng ibang tindahan na kahit kahera lamang ang tao.
"Malaki ang tiwala sa mga turista ng mga Ivatan na narito. Naroon lamang sila sa kabilang kwarto." Pagtukoy ni Wilder sa isang pintuan sa likod lamang ng counter na ito.
"Ivatan?" Ano ang ibig niyang sabihin?
"Iyon ang tawag sa taong nakatira sa lugar na ito," sagot niya.
Wow. That's amazing.
Ito ang unang pagkakataon na makarating sa lugar na ganito. Kahit halos walang internet connection, walang signal sa cellphone, ito ang pinakaperpektong lugar kung gusto kong takasan ang reyalidad ng buhay ko. Wala akong ibang iisiping trabaho, mga problema at mga bagay na mabigat para sa akin. Hangin at mabeberdeng d**o sa paligid ang nagsisilbi sa aking pahinga.
"Let's play a little game. All that we will ask should be answered by honest answers." Wilder said.
"Is that because we are inside this Honesty Shop that everything you say connects to the word 'honest'?" Napapansin ko lang. Kanina pa niya ako niyayamot sa mga sinasabi nito.
"We should talk something relatable right?" Tanong niya.
Inirapan ko na lamang siya at inikot ang store para maghanap ng pwede kong bilhin. Tipikal na convenient goods naman ang narito kaya pamilyar sa aking ang ibang paninda.
A chocolate biscuit. I should get one of this.
"How old are you?" Napatigil ako sa kanyang tanong. He should know since we went in high school together.
"Twenty eight," sagot ko. Honest daw dapat 'diba?
"Did you have boyfriends before?"
"No," mabilis kong sagot.
"Did you get interested in other boys?"
"Stop!" Pigil ko.
Bakit tungkol lahat sa akin ang tinatanong niya?
Pinuntahan ko ang dining table sa gitna lamang ng tindahan katapat ang pintuan. Umupo ako roon at tahimik na binuksan ang biscuit na kinuha ko sa shelf. It's been months since I last tasted chocolate. Gustong gusto ko ito ngunit kapag sumobra ang pagkain ko ay sumasakit ang ulo ko. Kaya hangga't maaari ay hindi ako pwedeng kumain ng tsokolate kailan ko man gustuhin. Nakakainggit ang ibang mga taong mapayapang nakakakain nito.
Chocolate is one of the gem food in the world, I must say.
"Do you know the special ingredient in making such a delicious chocolate?" Kumagat akong muli sa biscuit na nababalutan ng tsokolate.
"What?" Umupo naman si Wilder sa aking harapan.
"It contains cocoa seeds in preparation by roasting the seed that form into liquid, powder, paste and block. That can also be use in flavoring other items like this." Pagtukoy ko sa biscuit na aking kinagatan.
"Really?" He leaned forward by placing his crossed arms on the table.
"Yes and there are four types of its flavor; milk, white, dark and unsweetened. Dark is my favorite." Biglang bumaba ang aking mga balikat nang maalala ang nagiging epekto nito sa akin. "And if I eat too much, I'm going to have a headache."
Hindi ko alam kung bakit nakukwento ko sa kanya ang maliliit na detalye na tungkol sa akin ngayon. Para bang bigla na lamang nagsasalita ang bibig ko at kung ano na lang ang pumasok sa aking isip ay iyon ang sasabihin ko. Komportable ako kapag nasasabi ko sa kanya ang mga bagay na ganito. At gusto ko rin na matandaan niya ang lahat ng sinabi ko dahil gusto kong maalala niya ang malilit na detalye sa buhay ko.
We drove the long road going to the Tukon Church, that's what he called. Mount Carmel Church is the translation. Ang maliit na chapel na nababalutan ng bato ang mga haligi nito ay nagmistulang antigo at banal. Tahimik ang buong paligid at kahit sa labas pa lamang ang aking nakikita ay nagandahan na ako.
"Such a beautiful view," I breathed. Nilasap ko ang malamig at preskong simoy ng hangin at ipinikit ang mga mata upang damahin ang init ng sikat ng araw.
"The best view..." humarap ako kay Wilder nang magsalita ito sa aking likuran. Hindi naman sa simbahan nakatingin ang kanyang mga mata kundi sa akin. "Stand in front of the church, post whatever you want, and I'll take the picture." He commanded.
"Why would you want to take a picture of me?"
"Just do it,"
Sa huli ay napasunod na lamang ako. Lumikha ito ng distansya sa akin at kumuha ng magandang anggulo bago pumwesto para ako ay kuhanan ng litrato. Ako naman ay hindi malaman kung ano ang aking gagawin para lamang maging maganda ang kalabasan ng kukuhanin niya.
"Alright. Three... two... one, smile!" He counted. And I pursed my lips.
"Delete it after," I said.
Lumapit ako sa kanya upang tingnan ang litratong kinuha nito. Kasama ko ang buong harap ng simbahan habang ako ay nakatayo sa gitna nito.
"You looked good. Kulang na lang ng wedding dress, ako ang groom." He winked. Hindi ako sumang-ayon sa kanya imbis ay pinagmasdan ko na lamang ang simbahan sa aking harapan.
"Ganito pala talaga ang itsura ng simbahang ito. Mas maganda siya sa personal kaysa sa mga nakikita kong litrato." Sambit ko habang pinagmamasdan ang batong simbahan sa harap ko.
"Things are getting pretty and real when you see it by your own eyes," Wilder is right.
Naalala ko ang sinabi sa akin noon ng aking lola sa tuwing bibisita kami sa mga simbahan na hindi pa namin napupuntuhan kahit isang beses. Kailangan kong humiling ng tatlong beses habang nagdadasal at isa sa mga iyon ang pwedeng matupad agad.
Hindi naman siguro masama na subukan ko?
Unang hiling. Sa kabila ng hirap at mga pagsubok na napagdaanan ni Wilder, hiling ko na sana ay mapagtagumpayan pa niya ang mga susunod na kakaharapin.
Pangalawang hiling. Sa malaking responsibilidad na gagampanan nito, sana ay mabuting ehemplo pa rin siya sa kanyang mga empleyado at sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan.
Pangatlo. Kung ito na ang magiging kasiyahan ko, gusto kong mabuhay na siya ang nasa tabi ko, ang taong palagi kong kasama, ang taong palaging nandyan kahit hindi ko siya hanapin.
"Do you want to swim later?" He asked.
"What?"
"Well, our hotel have a pool area. If you want to try it, we can call the staff to inform them."
"I don't pack a swimwear," I didn't know that he is planning that.
"Yo don't need a swimwear," he said with dark expressionless eyes.
"Okay," bilang pagsuko at pagpayag sa alok nito.
I awkwardly smiled every time he pressed the shutter button. Hindi naman ako sanay na mga ganito dahil noong una pa lamang ay ayaw ko nang magpalitrato nang mag-isa lamang ako.
"Stop, please." Pigil ko.
Sa lahat ng lugar na pupuntahan namin, ilalabas niya ang kanyang cellphone upang kuhanan ng litrato ang mga tanawin. Minsan ay sinasama ako nito kaya naiinis ako dahil sa mga taong tumitingin sa amin dahil sa kanyang ginagawa.
"One more. Make a pose." He commanded. Being a bubbly man.
"No," I firmly declined. Ang aking mga paa ay sumasakit na dahil sa haba ng aming nilalakad.
Narito kami ngayon sa Basco Lighthouse na halos sampung minuto rin naming tinahak gamit ang rentadong motor ni Wilder. Para itong isang batang hindi nauubusan ng lakas. Tuwang tuwa sa kanyang mga nakikita at halos hindi hindi nakakaramdam ng pagod kahit pawis na ito dahil sa init.
"Halika na muna rito. Punasan mo muna iyang pawis mo." Mabuti na lamang at may dala akong panyo. Lumapit naman ito sa akin at hinayaan akong magpunas ng kanyang pawis sa mukha.
As much as possible, I wanted to take care of you but I don't have the most time in this world. And the people might be against us because of who you are. I know that it shouldn't be a big deal but I can't help to think that I will lose the moment I step out of my shell.
"What are you thinking?"
He asked.
"What? Nothing."
Iginiya ko ang kanyang likod paharap sa akin upang iyon naman ang aking punasan. Sinuot ko ang aking mga kamay sa loob ng kanyang damit para punasan ang kanyang pawis.
"Are you still bothered? They're not here. You can loosen up now." He said.
"I'm not bothered. I'm just wiping your sweat." Isinampay ko sa kanyang likod ang panyo kagaya noong palaging ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak sa tuwing pawisan ang mga ito. Makakatulong iyon para sipsipin pa ang mga natirang pawis sa kanyang likod upang hindi ito ubuhin.
"Ang rason kaya kita dinala rito ay para iwanan ang mga problema mo. Hindi ko kayang palagi na lang kitang nakikitang pagod at problemado. Kahit kasama kita kapag hindi ka nagsasalita, alam kong pagod ka lang kaya hindi kita guguluhin. Kapag marami kang ginagawa at nakita kong seryoso ang mukha mo, alam ko nang hindi dapat kita istorbohin dahil ayokong magalit ka sa akin. Kapag natutulala ka sa kawalan habang nagmamaneho ako, gusto kong pumasok diyan sa isip para malaman ko kung ano bang tumatakbo diyan at inookupa nito ang atensyon mo."
Humarap ito sa akin habang ang mga mata'y nakapirmi sa akin.
"Nandito tayo dahil sa pagsubok mo-"
"No," pigil nito. "Wala akong pakialam doon. Wala akong pakialam sa trabaho. Gusto kong sumaya ka, nang walang ibang iniisip."
Pwede ba iyon?
"Magagawa mo ba iyon? Kahit hindi na para sa akin, para sa sarili mo." Hinawakan nito ang aking magkabilang pisngi na agad nag-init nang malapatan ito ng kanyang balat.
"Susubukan ko," sagot ko.
Pagod at halos sumuko na ang aking mga mata nang makapasok kami sa aming kwarto. Hindi ko na napigilan ang ibagsak ang aking katawan sa malambot na kama na agad namang tumalbog nang maramdaman nito ang bigat ko. Sumilip naman si Wilder mula sa pintuan ng banyo habang nakatingin sa akin.
"Paiinitin ko ang tubig sa tub para makaligo ka," sambit nito.
"Okay," bulong ko habang pumipikit-pikit ang aking mga mata.
"Remove your shoes para makapagpahinga ang mga paa mo," utos nito.
Ginalaw ko lamang ang aking mga paa na parang madadala ang aking sapatos para mahubad ito ng kusa. Tamad na akong tumayo pa para abutin iyon kaya ginamit ko na lamang ang aking mga binti para tulungan ako.
"Good Lord," he sighed.
Narinig ko ang kanyang mga yabag na papalapit sa akin. Pinigilan niya ang aking mga paa sa paggalaw at siya na ang naghubad ng aking sapatos pati ang medyas. Napangiti ako sa kanyang ginawa dahil naramdaman na ng aking mga paa ang lamig ng hanging nilalabas ng aircon.
Nang makaalis siya sa aking paanan ay saka pa lamang ako tumihaya ng higa habang ang aking mga braso'y malawak na nakadipa. Ilang minuto ang nakalipas ngunit hindi ko pala iyon namalayan dahil sa aking biglang pag-idlip.
"Handa na ang panligo mo. Pumunta ka na sa banyo." Boses at mga haplos ni Wilder sa aking mukha ang nagpagising sa akin.
Tamad pa rin akong bumangon upang magtungo sa banyo. Kahit ang aking damit pampalit ay nakahanda na rin sa gilid ng bathtub kasama ang dalawang puting tuwalya.
"Dalawa ang tuwalyang nariyan. Isa para sa iyong katawan at isa para sa iyong buhok." Narinig kong sigaw ni Wilder mula sa labas ng banyong ito.
How thoughtful. Pakiramdam ko tuloy ay mag-asawa kami na nagbabakasyon.
Kinilig naman ako sa sarili kong mga ideya.
Ang katamtamang init ng tubig na nanuot sa aking balat ang naging dahilan kung bakit nagtagal ako sa aking panliligo. Muntik ko pang makatulugan ang aking pagbabad sa bathtub. Ilang linggo ang dumaan bago ko muling mapagbigyan ang aking sarili sa mga ganitong bagay.
"How's the bath?" Tanong ni Wilder nang makalabas ako sa banyo habang pinupunasan ng tuwalya ang aking buhok.
"It was good. It's been ages since I last experienced a hot bath." I chuckled. "Thanks, by the way."
"No problem,"
Siya naman ang pumasok ng banyo para maligo habang ako ay umupo sa kama para patuyin pa ang aking buhok. Pinili kong hindi gamitin ang aking blow dryer dahil trabaho pa iyon para sa akin ngayong gabi. Pinatuyo ko na lamang gamit ang tuwalya habang sinusuklay sa iba't ibang direksyon.
Natanaw ko nga mula sa aming kwarto ang swimming pool sa baba. Hugis kahon ito na may maliit pang parte na sa palagay ko ay para sa mga bata. Sa aking tanaw pa lamang ay katamtaman naman ang lalim nito. Maganda at may mga ilaw sa bawat sulok nito na lumilitaw ang kulay asul na tubig nito.
"Wanna swim?" I heard Wilder's voice behind me. Tapos na itong maligo.
"Ayoko. Tinatamad na ako." Humarap ako sa kanya at agad nagsisi nang makita itong hubad ang pang itaas na bahagi. "Magdamit ka na nga! Malamig ang aircon!" Puna ko.
"Sinabi mo sa akin kanina na gusto mo mag-swimming tapos ngayon ay tinatamad ka na," anito.
"I changed my mind. Pagod na rin ako, gusto ko na lang matulog."
Nilagpasan ko siya at humiga na lamang sa aking kama. Dahil dalawang kama naman ang narito sa kwartong ito. Nagtalukbong ako ng kumot dahil ayaw kong makita niya ang pamumula ng aking mga pisngi.
"Come here. Let's take a look to the pictures I captured." He held my bare foot that sends shiver down my spine.
Ang lamig kaya ng kamay niya!
Nakalitaw ang aking mga paa dahil ang kumot ay pilit kong inaangat sa aking ulo upang ito ay takpan.
"Come here baby..." he commanded.
Inis akong tumayo sa aking kama at lumapit sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi habang nakakrus ang aking mga braso sa aking dibdib. Nakatingin sa hindi pa buhay na cellphone it.
"Show it now," I requested.
Narinig ko ang mapanuya nitong tawa sa aking tabi habang sinunod ang aking sinabi. Bawat tigil at pagbaba sa motor ay kinukuhanan nito ng litrato ang tanawin. At sa bawat litratong iyon ay hindi nawawala ang aking pigura at mukha. Sinusigurado na mapapasama ako sa lahat ng mga iyon kahit hindi ako ngumiti.
"Sa bawat litratong iyan, palagi kong nakikita ang pagmumukha ko." Simula sa Honesty Shop, sa Lighthouse, sa bundok at sa simbahan. Maging sa publikong merkado habang nagtitingin ako ng mga paninda ay may litrato.
"Maganda naman ang kuha ko," pagyayabang nito.
"Bakit ba kasi sa bawat pinupuntahan natin ay kinukuhanan mo ng litrato?" Inilipat ko sa sunod na litrato.
"Pictures are a return ticket to a moment otherwise gone," he said.
Muli naming tiningnan ang mga litratong nasa kanyang cellphone. Pinapalaki nito ang imahe sa tuwing kasama ako roon at nakapokus pa sa aking mukha. Hinahampas ko ang kanyang dibdib sa tuwing gagawin niya iyon dahil masyado siyang natutuwa habang pinapalapad ang mga litrato.
"Why did you said that pictures are like a return ticket?" Naalala kong bigla ang kanyang sinabi.
Aaminin ko, hindi ko iyon masyadong naintindihan.
"We don't know when we will come back here. I took all the pictures so that I can browse them and reminisce whenever I want." Sagot nito.
"Hindi mo ba maaalala gamit ang iyong isipan?" It's a waste of time, by the way.
"Humans are forgetful sometimes. Photographs are like a reminder for us that the moment we look into it, we can remember the feeling, the thoughts and how we end up on that frame." He took a picture again. This time, his subject was my face.
"Hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita ang mga ngiti mong ito," ipinakita niya sa akin ang aking litrato na malawak ang ngiti habang nakikipag usap sa mga batang nadaanan namin pabalik dito sa hotel.
Hindi ko alam na ganito pala siya magpahalaga. Kahit simpleng bagay, hindi niya palalampasin dahil gusto niyang maging bahagi ng araw ko. Hindi ko mapigilan ang aking ngiti habang inaalala ang mga malilit na detalyeng nagawa niya sa akin simula pa kanina. Ang pagprotekta sa akin habang nagmamaneho ng motor, ang pagkuha ng aking litrato, ang paghahanda ng aking panligo kanina, at ang pagtulong nito na mahubad ang sapatos ko.
See? Small details means a lot when there is care.
"I didn't know that you are this sentimental. Hindi ko naman ito nakita sayo noon." Sabi ko.
"Paano mo mapapansin kung palagi kang galit sa akin?"
"Nagagalit ako kasi palagi mo aking inaasar noon!"
"That's how I expressed my admiration for you,"
"What?"
How can he call that admiration if he can only see my angry face?
Nahukay na naman ang mga alaalang dapat ay nakabaon na lamang. Bumabalik ang mga pakiramdam ngunit hindi ko na magawang magalit sa kanya. Natatandaan ko pa rin kung ano ang ginawa niya ngunit hindi ko na kayang magalit pa. Bakit? Hindi ko rin alam. Siguro dahil mas kilala ko siya ngayon. Mas naiintindihan ko na ang mga kilos niya. At mas malawak na ang pag-iisip ko.
I tossed.
I turned.
I rolled.
I tried everything to fall asleep. Ngunit hindi ako dalawin ng antok sa lalim ng gabi na ito. Wala naman akong ibang iniisip ngunit pakiramdam ko ay magulo pa rin ang utak ko.
Humarap ako sa direksyon ni Wilder na mapayapa nang nakapikit ang mga mata.
"Wil..." Pagtawag ko.
Ngunit hindi siya sumagot.
"Wil?" Pag-uulit ko.
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Wilder..." Napalakas ang aking boses dahilan ng pagharap nito sa akin.
"Yes?" The husky voice.
"I can't sleep," I tried. But I can't.
Hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha dahil sa dilim na bumabalot sa aming kwarto. Ngunit alam kong nakaharap na ito sa akin dahil sa pagkilos niya kanina.
"Do you want some milk?" He asked.
"How can a milk help me in this situation?" A milk? Really?
"It'll help you fall asleep better..." Talaga? Well I didn't know that.
"Where will you get a milk?" Wala akong dala at alam kong wala rin siya. Ang kwarto namin ay walang kusina kaya napapaisip ako kung saan siya kukuha ng gatas.
Naramdaman kong gumalaw siya sa kanyang kama at nakita ang kanyang pigura na nakatayo habang naglalakad palapit sa pinto. "Saan ka pupunta?" Pabulong kong tanong ko.
Hindi siguro nito narinig ang aking tanong dahil sa hina ng aking boses. Malay na rin ang kanyang distansya mula sa akin. Lumabas ito ng kwarto at sinundan ko na lamang ang kanyang anino sa baba ng singaw ng pinto hanggang sa mawala ito.
Ito ang unang gabi ng aking pagtulog dito sa Batanes. Siguro ay naninibago pa ang aking katawan dahil sa bagong paligid nito. Isa ito sa personalidad ko. Sa tuwing tutulog ako sa ibang bahay o lugar, palagi kong nararamdaman ang pakikibagay at ang hirap sa aking pagtulog. Kaya't paggising ko sa umaga ay puyat ako.
Bumalik si Wilder na may dala nang isang baso ng gatas sa kanyang kamay. Binuksan nitong muli ang ilaw ng aming kwarto para mas makita ko siya.
"Where did you get that?" Tanong ko.
"I just requested it to the reception," anito.
"You went down there just for a milk?" He really went that far?
"You said you can't fall asleep. This will help you." Inaro nito ang baso sa harap ko.
Kailangan niya ba talagang gawin pa ito? Dapat pala ay hindi ko na lang sinabi sa kanya kasi naistorbo ko pa ang pagtulog nito. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil pakiramdam ko ay inutusan ko pa siya.
"I'm not a baby," I said.
"You are,"
"I'm not. You really don't have to do this-"
"Drink it up," utos nito.
Umupo ako sa aking kama at inabot sa kanya ang baso. Mainit pa ang gatas at nakakasiguro akong bagong timpla lamang ito. The dairy smell of this liquid feels delicious.
"Thanks," I drank it up.
Ang init ng gatas ay nanuot sa aking sikmura. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang aking tiyan at masarap sa pakiramdam ito.
"Done?" He asked.
"Yes," binigay ko sa kanya ang baso nang maubos ko ang laman nito.
Kahit tinanggap na niya ang baso ay hindi pa rin siya umaalis sa aking harapan. Nakaupo pa siya sa gilid ng kama malapit sa akin habang ang kanyang kaliwang kamay ay nakatuon sa tabi ng aking hita na parang kinukukulong ito. Malalim ang kanyang tingin na tipong sinasaulo ang bawat detalye ng aking mukha.
May madumi ba sa mukha ko?
May muta ba sa gilid ng mga mata ko?
May tira pa bang makeup sa mga pisngi ko? Sa pagkakaalam ko ay natanggal ko nang lahat iyon.
Sa kalagitnaan ng pagtaas ng aking kamay ay siyang pigil sa pagkilos nito. Marahan niyang pinigilan ang aking kamay at hinaplos pa ang aking mga daliri. Pinatong nito sa side table ang basong kanyang hawak at muling bumalik sa akin ang tingin.
"Are you still not sleepy?" Tanong nito sa pabulong na tono.
Pinakiramdaman ko ang aking katawan. Hinihintay na tumama ang epekto ng gatas upang ako ay patulugin ngunit wala pa rin.
Iniling ko ang aking ulo bilang pagsagot.
"Alright," he whispered.
He suddenly leaned closer to reach my lips. Giving me the sweetest and the most reassuring kiss. I cannot help but to closed my eyes to fully feel the kiss. His lips moved in motion while I follow every move. I feel my hands and legs are turning into jelly every time his hands touches my skin. Until he reached my back and guided me to lie down to bed. As soon as my back hits the soft mattress, I wrapped my arms around his neck while his warm hands are roaming around my skin.
Not wanting him to stop.
Not wanting him to break the kiss.
Wanting him to fulfill my thirst for him.
Wanting him to tuck me down until I fall asleep like this.
"That will do for tonight. That will surely help you sleep better than milk, right?" He cuts off the kiss.
Hindi ko maitago ang aking iritasyon sa kanyang ginawa.
"Sleep now, Bethany." He kissed my forehead before leaving me unsatisfied.
Tumayo siya at pumunta na sa kanyang kama. Humiga na parang wala namang nangyari. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa sa hindi ko malamang dahilan.
That's it?
He seriously kissed me to help me fall asleep? How can I sleep now if I will continuously thinking about that?
Pinalala niya lamang ang insomia ko.
Hindi ko alam kung tulog pa bang tawagin ang dalawang oras na pagpikit lamang ng aking mga mata. Maingay ang aking utak na paulit-ulit ang sinasabi na hindi ko magawang iwasan. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit maitim ang ilalim ng aking mga mata nang humarap ako sa salamin ng banyo namin. Mapungay ito at mabigat sa pakiramdam.
"Look what you did to me, Wilder." Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.
How can I cover this now?
"Hurry up, Beth! Breakfast is served!" Sigaw ni Wilder mula sa labas ng pinto.
Hindi pa nga ako nakakaligo. Hindi ko pa magawang hilamusan ang aking pagmumukha. Hindi ko pa magawang magsipilyo ng ngipin. Hindi ko magawa kasi wala akong sapat na lakas.
"Huwag mo nang paghintayin ang pagkain. Pinaakyat ko na lamang dito." Dugtong niya. Ngunit hindi ako sumagot.
"Baby?" He knocked the door.
If I will to remember the happenings starting yesterday until now, he have called me his baby twice.
"Fine. I'll come out." Tamad kong sagot.
Naghintay pa ako ng limang minuto bago ako tuluyang lumabas ng banyo.Nadatnan ko naman siyang isang dipa ang layo mula sa akin habang nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib na halatang naiinip sa matagal kong pagtugon sa gusto niya.
"Ang tagal mong nasa loob ng banyo ngunit hindi ka pa pala nakakahilamos ng mukha mo," inis nitong bungad sa akin.
"Nagtooth brush naman ako,"
"Umabot ng bente minutos?"
"Bakit? Wala kang pakialam."
Padabog akong umupo sa aking kama. May maliit na lamesang nasa pagitan ng aming kama na pinasadya niya sigurong ipaakyat dito. Inunahan ko na siyang kumuha ng mga pagkain at ilagay iyon sa aking plato. May nakahandang mainit na kape sa aking kanan at tulad na lamang ng aking paborito, iyon ang nakahain ngayon sa harapan ko.
Marahan akong sumimsim sa tasa at nilasahan ito.
Hmm. Cappuccino.
"Sa palagay ko ay tama ako ng napiling kape para sayo," sabi nito.
Tumingin ako sa kanya. "Yes. Just like I want it."