Honestus
What should I do?
People are starting to whisper. They are starting to ask questions.
Ayon kay Wilder, hayaan ko lang sila. Pero hanggang kailan ko kayang mabingi-bingihan sa mga sinasabi nila? Hanggang kailan ko kayang huwag pansinin ang mga paratang nila. Hindi ko naman kayang habang buhay na itago ito dahil mabubunyag pa rin ito kahit anong pagbabaon ko nito.
Walang sikretong nananatiling sikreto, 'diba?
"Hayaan mo na sila. Sabihin mo sa akin kapag ginulo ka nila, ako ang kakausap sa kanila." Sabi ni Wilder sa kabilang linya.
"Mas magkakaroon sila ng hinala kung iyan ang gagawin mo. Ano ba ang pwede nating gawin para matigil na sila?" Tanong ko. Anong pwedeng gawin ko para matapos na itong bulong-bulongan sa paligid ko?
"There's only one thing to do, Bethany." Sabi nito.
"Ano iyon?" Humiga ako sa aking kama at niyakap ang aking unan nang mahigpit.
"Tell them the truth. And I'll do the rest or vise versa." Is he seriously suggesting that?
"Pinahamak mo ang sarili mo kung iyan ang gagawin natin. We don't know yet the consequences but we need to be careful of our actions." Sambit ko.
"Hindi naman kita papabayaan. Hindi na." Paninigurado niya.
Huminga ako ng malalim. "You are not just an ordinary employee, Wil. You are much more than that."
Kahit ilang beses kong isipin at baligtarin ang utak ko, wala akong maisip na ibang paraan para matapos ito. I just can't bear to walk everyday when I heard something behind me. I just can't focus on my work when I don't know what the others are thinking.
"Let them be. Huhupa rin ito kapag hindi mo pinansin." Anito.
Hindi ako halos makatulog tuwing gabi sa kakaisip tungkol sa isyung umuusbong sa opisina. Ito nga siguro ang kapalit ng pagsuway ko sa batas. Ito ang unang pagkakataon na titibag ako ngunit hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kahahantungan ko. Ayaw ko lang na kapag sinunod ko nga ang gusto ko ay mapapahamak naman si Wilder. Hindi pa namin alam kung ano ang maaaring mangyari sa oras na malaman ito ng kanyang ama.
"It means you're alive, Beth." Pagbara ni Isabella sa aking sinabi.
"I know that! Ngunit tama ba na maramdaman ko ang takot o nagiging makasarili lang ako?" Kabado ang aking bawat araw na kinakaharap.
Umamin na ako kay Isabella tungkol sa kung anong namamagitan sa amin ni Wilder. At ang babaeng iyon ay tuwang-tuwa pa habang ako ay hindi maintindihan kung magiging masaya ba o mangangamba.
"Matanda ka na, Bethany. Hindi na tama sa edad mo ang magpa-apekto pa sa sasabihin ng iba. So what kung boyfriend mo si Wilder? So what kung workmate mo siya? Duh? It's already two thousand and twenty, people are all growing." Litanya nito.
"Nanliligaw," pagtatama ko.
"Boyfriend! The moment you said yes to his courting questions, you are officially dating!" Depensa nito.
Fine! Hindi rin naman ako mananalo sa kanya.
"Hayaan mo na sila. Hindi sila mahalaga para dating life mo. Ang isipin mo ay kung anong mangyayari sa inyong dalawa. Paghandaan niyo na ang future niyong dalawa." Advance talaga mag-isip itong si Isabella.
"She's right, Bethany. Hindi masama kung hindi ka magpapa-apekto sa sasabihin ng iba. Gawin mo lang kung ano ang magpapsaya sayo." Komento naman ni Oliver nang sumulpot ito sa likuran ng kanyang asawa.
Mabuti pa ang dalawang ito, nagbabakasyon na lamang at palaging masaya sa buhay.
Tama naman siya kahit saang anggulo ko tingnan. Hindi na ito ang taon na magiging depende pa ako sa sasabihin ng iba tungkol sa akin. Hindi naman ako nabubuhay para lamang pakinggan ang mga paratang at hinala nila sa akin. Hindi mga salita nila ang nagpapalaki sa akin.
Girl, you know I've known you forever,
How many nights we hung out together,
Same little crowd, little bar, little town.
'Round this old dance floor,
My boys are laughing and tap me on the shoulder,
Making a motion like, "Could y'all get any closer?"
They wanna know what's up why I'm still holding ya,
Even when the song is over.
Kahit ang radyo sa sasakyan ni Wilder ay sinasabihan din ako. Tumingin ako dito at sinimangutan na lamang ito.
Sino ba ang nag-request ng kantang ito sa mga DJ? Parang gusto ko siyang kausapin.
"Change the song," hiling ko.
"What's wrong?" Imbis na sundin na lamang ako ay nilakasan pa nito ang bolyum ng kanyang radyo.
There's a rumor going 'round about me and you,
Stirring up our little town the last week or two,
So tell me why we even trying to deny this feeling,
I feel it, don't you feel it too?
There's a rumor going 'round, and 'round, and 'round.
What d'you say we make it true?
We make it true,
Oh, we make it true.
"It's a good song, right?" Pang-iinis niya. Hindi ko siya sinagot.
Hinayaan ko na lamang tumunog ang kantang iyon. Malapit na rin naman akong bumaba sa sasakyan iyang ito dahil ilang metro na lamang ay nasa building na kami.
"Well I can shut 'em down, tell 'em all they're crazy, I can do whatever you want me to do, baby." Napatingin ako sa kanya nang sabayan pa niya ang liriko ng kanta.
"Or you could lay one on me right now. We could really give them something to talk about." Tumingin ito sa akin na parang sa akin inaawit ang mga salitang iyon.
"Be honest with me. Do you still want to do this or not?" Saktong tumigil ang kanyang sasakyan sa parking sa labas lamang ng building.
Tama nga si Isabella. Hindi ko dapat hintayin pa na magtanong siya sa akin ng ganito. At kailangan kong mag-ingat sa sasabihin ko dahil maaaring mali ang maging sagot ko.
Dalawa lang iyan, ang tumigil o ang magpatuloy. Tumigil at magpokus na lamang sa aking karera. Tapusin ang mga nalalabing araw para mabuo ang kontrata. Magpatuloy at magpadaloy na lamang sa alon ng buhay. Sundin kung ano ang sinasabi ng aking puso at hayaang maging masaya ang sarili.
"Do you have plans for the final task given to you by your father?" Pag-iiba ko sa usapan.
Biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon. "Oh yeah, about that, I totally forgot."
"How can you forget about that?" Importante iyon. "Wala ka pang plano?" Tanong ko.
"Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Simple lang naman ang hinihingi niya ngunit gusto ko na mamangha siya sa pinaghandaan ko." Sambit nito. Pinatay niya rin ang makina ng kanyang sasakyan.
Hindi ko pa magawang bumaba dahil gusto kong umisip ng paraan para magawa ang pagsubok na inilatag para sa aming dalawa. Ito na ang huling pagsubok na kakaharapin ni Wilder at kailangan na lamang na makita ng kanyang ama ang pagbabago nito upang mailipat na sa kanya ang kumpanya.
How can he sell Batanes to his father?
That's right!
"Do you know the fastest and effective way of selling a product to a client?" Nagbunga ng ideya ang aking isipan.
"Sales talk?" Umiling ako.
"Experience," pagtatama ko.
Using the product or experiencing the certain brand to yourself is the trend in marketing business. It is much more acceptable and realistic since you've gained experienced to that. You can have more knowledge about the product and most importantly, you can sell it effectively since you have gathered more information and deeper details about it.
"You need to experience Batanes first, before you sell it effectively to you father." I suggested.
"So you mean to say that I have to go to Batanes?" He asked.
"That's a great idea!" Brilliant!
Nakuha niya rin sa wakas ang punto ko. Unless kung nakapunta at nagkaroon na siya ng experience sa Batanes, mas mapapadali para sa kanya ang pasubok na binigay.
""We'll go there tomorrow then," sambit nito.
"Tomorrow? Agad?" Nabigla ako sa kanyang naging desisyon.
"I only have one month to prepare. That's too short. We need to start right away." Anito.
He's right. Kaunting panahon lamang ang binigay sa kanya ng kanyang ama. Napakabilis ng isang buwan kung tutuusin. Kailangang pag-isipan ang lahat. Iiwasang magkamali dahil isang pagkakataon lamang ito.
"Can we go there like next week instead? I need to call my mother first." Kailangan ko munang ipaalam ito kay Mama.
"Oh, yeah. You're right. Tita needs to know first." Sagot nito.
"Okay, thanks. Bye." Napapatagal na ang pagtigil namin sa pwestong ito kaya ako na ang gagawa ng kilos para matapos na ito.
"Can I have a kiss?" He suddenly asked when I held the car door.
"No," I firmly said.
"Okay," bigla siyang nalungkot.
Natuwa ako nang nakita kong sumimangot ang kanyang mukha. Nasabi ko na ba sa kanya na cute siya? Kahit saang anggulo ko tingnan ay napakagwapo niya sa aking paningin. Hindi ako nagisip nang umangat ako mula sa aking upuan at dampian ng mababaw na halik ang kanyang pisngi. Nagulat siya at hinawakan agad ang parte na nadampian ng aking labi.
"Can I have one more?" Hiling niya.
Pinagbigyan ko ang kanyang gusto ngunit hindi sa pisngi dumampi ang aking labi, kundi sa kanyang labi.Nilihis niya ang kanyang mukha upang maabot ang aking labi at kinulong ng kanyang mga palad ang aking magkabilang pisngi.
Nagpatuloy ang halik at walang tumitigil. Hindi ako umaawat dahil para sa akin ay ito rin naman ang gusto ko.
"My car's heavenly tinted," he reassured.
"I need to go," baka hindi na ako makapagpigil.
Umayos ako ng aking upo habang may ngiti sa aking mga labi. Hinawakan ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan ngunit pinigilan na naman niya ako.
"Ano na naman ba?" Reklamo ko.
"Can I sleep beside you tonight?" Tanong niya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nasimulan ay mahirap nang magpigil lalo na si Wilder.
"No!" I firmly declined.
Lumabas na ako ng kanyang sasakyan. Naglakad na ako papasok ng building habang hindi mapigilan ang aking pagngiti.
Him and his sinful mouth. They're making me crazy.
Nagdaan ang aling Sabadong hindi ako nakabisita sa ampunan dahil sa masikip kong iskedyul. Madalas ang aking pag-over time dahil maraming trabaho ang kailangan kong matapos bago ako umalis. Isang linggo kaming mananatili ni Wilder sa Batanes ayon sa aming napag-usapan. Pumayag din naman si Mama basta madalhan ko lang siya ng pasalubong. Pabor pa nga ito sa kanya dahil makakasama ko si Wilder. Alam na niya ang namamagitan sa aming dalawa.
Siguro nga ay wala akong kayang maitago sa aking ina.
"She said that?" Wilder was amused every time I tell him what my mother said.
"Oo at hindi raw ako pwedeng umuwi hangga't wala akong dalang pasalubong," minsan nga ay tinatanong ko na lang ang sarili ko, 'nanay ko ba siya talaga?'.
"I will never forget that. Kailangan kong magpalakas sa kanya." Inakyat niya sa compartment ng kanyang sasakyan ang aking malaking maleta.
"Anong nagpapalakas? Bakit?" Para saan?
"I need to win her favour," he said. Kahit wala ka namang gawin ay botong-boto sayo si Mama.
Papunta na kami ngayon sa NAIA para sa flight namin ngayong araw. Palihim ko pang kinausap ang aming ticketing staff para lang mabook ang ticket na ito. Ang alam lamang ng mga empleyado ay naka-leave lang kaming dalawa ni Wilder. Mukha mang planado at alam kong nakakahalata ang iba, ngunit hindi nila pwedeng malaman kung ano ang kaibahan ni Wilder sa mga ito.
"Jom send me a message," I announced.
Jom:
One week talaga? I can't handle them all!
Naririnig ko ang reklamo niya kahit sa mensaheng pinadala nito. Natatawa na lamang ako dahil wala naman kaming magagawa pareho. Kailangan ko itong gawin at ito na ang huling pasgsubok na pagdadaanan ni Wilder.
"What did he say?" I heard him said.
"Nothing. He's just ranting because I left him alone in the office." I chuckled.
"We will also buy him a gift," galante talaga ng isang ito.
Nakarating kami sa airport nang dalang oras bago ang aming paglipad. Nakapag-check in at nasa boarding na rin kami ngayon at naghihintay na lamang na papasukin na kami sa eroplano. Walang imik sa aking tabi si Wilder at kahit tanungin ko siya ay hindi ako pinapansin.
Nag-aasal babae na naman siya ngayon.
"What's wrong?" Sinilip ko siyang muli sa aking tabi.
"I don't have enough leg room," sambit nito habang nakasimangot.
Iyon ba ang dahilan ng sinisimangot ng mukha niya kanina pa? Dahil lang sa maliit ang espasyo ng mga binti niya sa loob ng eroplano?
"Pwede bang mag-upgrade na lang tayo sa business class? Ako na ang magbabayad ng additional charges." Sambit nito habang nagmamakaawa ang mga mata.
Totoo nga naman na kaunti ang espasyo niya sa economy class ng eroplanong sasakyan namin. Mahaba ang mga binti nito dahil sa kanyang angking tangkad. Mahihirapan siya at hindi magiging komportable kahit halos dalawang oras lamang ang paghihintayin sa eroplano.
"Isa't kalahati o dalawang oras lamang ang magiging biyahe. Tiisin mo na lang, kailangan natin tipirin ang budget na dala natin ngayon." Bumuntong hininga na lamang siya sa aking harapan.
"May credit card naman akong dala," bulong niya.
"Hindi ka pwedeng kumaskas sa credit card na iyan. Pag-aralan mo na magtipid. Akin na ang credit card mo at itatago ko." Inilahad ko ang aking kamay sa kanyang harapan.
Pinipilit kong ibigay niya sa akin ang card dahil kilala ko na siya. Hindi ito titigil hangga't hindi nabibili ang gusto nito. Kaya't habang maaga pa ay kukunin ko na para walang maging problema pa.
Dumating na ang aming eroplano at ang mga airport staff ang gumiya sa amin upang maayos kaming makapasok dito. Pinagbigyan ako ni Wilder na sa window seat ang upo kaya tuwang-tuwa ako habang ginagawang komportable ang aking pag-upo. Sa totoo lang ay ito ang unang pagkakataon na makakasakay ako sa eroplano. Hindi pa ako nakakarating sa ibang lugar dahil trabaho lamang ang nagiging laman ng buong araw ko. Kung mamasyal man ako kasama si Mama ay sa malapit lamang at tiyak na makakauwi rin kinagabihan.
"See?" Masikip ang naging pwesto nito lalo na at napaggigitnaan siya. Hindi ko mapigilang hindi matawa habang bumubulong siya ng kung anong mura.
"Konting tiis lang," pag-alo ko sa kanya.
Ano ba ang itsura ng Batanes?
Madadatnan ko rin ba kung ano ang mga nakikita ko sa litrato?
Kagabi, habang hindi ako makatulog ay nagtitingin ako sa internet ng mga lugar na pwede naming puntahan ni Wilder. Napakaganda kahit puro larawan pa lamang ang aking nakikita. Gusto kong akyatin ang mga bundok doon. Gusto kong tikman ang mga pagkain. Gusto kong maranasan ang mga kultura ng mga tao roon. Sikat doon ang tinatawag ng mga itong 'Honesty Cafe' kung saan ay walang tindera o tagabantay sa loob ng tindahan. May isang garapon sa ibabaw ng kanilang lamesa sa tanggapan at doon lamang ilalagay ang bayad ng mga bibilhin mong gamit at pagkain.
Gusto ko iyong masubukan kaya't sinabi ko agad kay Wilder na doon kami unang pumunta.
"Mabuhay!" Tumunog na ang boses ng eroplano hudyat na magsisimula nang lumipad ito.
Ang mga flight attendants ay nagkaroon muna ng maikling briefing sa mga pasahero bilang parte ng kanilang trabaho. Noon ay pinangarap ko ring maging flight attendant dahil mangha ako sa kanilang mga suot na damit at ayos sa kanilang mga sarili. Kay ririkit at tuong maaliwalas ang kanilang mga mukha habang pinagmamasdan ko ang mga ito. Balingkinitan ang mga katawan at makikinis ang mga balat.
In demand ba talagang makinis at matatangkad ang mga flight attendant?
"What are you looking at?" Narinig kong tanong ni Wilder habang hinahabol ko ng tingin ang mga flight attendants na bumabalik na sa kanilang mga post dahil tapos na ang kanilang demonstrasyon.
"My dream is to be a flight attendant," humarap ako sa kanya at masayang binigkas iyon.
"Really?" He showed interest on what I just said. "Tell me. Tell me everything."
I imagined myself wearing their's and also demonstrating in front of the passengers. I'll fix myself to be pretty and proper while flashing the sweetest smile that I can give. So good to dream about that.
Maybe some dreams stayed dreams only because of other circumstances.
Nararamdaman ko na ang pag-andar ng eroplano. Tumataas na ito kaya napapasandal ang aking katawan sa back rest ng aking upuan. Humihigpit ang aking mga hawak sa magkabilang arm rest at mariing nakapikit ang aking mga mata. Kinakabahan ako dahil unti-unting nabubuo ang mga senaryong nakikita ko noon sa mga palabas sa telebisyon.
Hinawakan ni Wilder ang aking kaliwang kamay dahilan ng pagmulat ng aking mga mata. Kumakalma ang pintig ng aking dibdib nang maramdaman ko ang init ng kanyang balat. "Natatakot ka ba? Halika. Sumandal ka sa balikat ko. Hawakan mo ang kamay ko. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mong gawin ko. Normal lang itong nararamdaman mo."
"I just feel nauseous," kumakalam ang aking sikmura lalo na nang pumantay na ang tayo ng eroplano sa himpapawid.
"Ipikit mo ang mga mata mo," marahang iginiya niya ang aking ulo sa kanyang balikat, "I will hold you hand."
Totoong nawawala ang nararamdaman kong pagkalam ng aking sikmura. Kumakalma ang aking dibdib. Sa tuwing malapit ako sa kanya ay komportable ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa tuwing kasama ko siya.
He is my safe haven.
"Nahihilo ka pa rin ba?" Iniling ko lamang ang aking ulo ngunit hindi pa ako umaalis sa kanyang balikat.
Tumagal nga ng halos dalawang oras ang byahe bago kami makababa sa eroplano. Sa Basco Aiport dito sa Batanes ang aming pinagbabaan at ito ang unang pagkakataon na makarating ako rito.
"Ano itong BSO na nakalagay sa ating boarding pass?" Tanong ni Wilder nang hinihintay namin ang aming mga maleta sa baggage counter.
"Airport code iyan ng Batanes, Basco Airport." Sagot ko.
"Ah! I see." Sabi nito bago isinilid sa kanyang bag ang papel.
Maliit lamang ang airport na ito at napansin kong kaunti lang din ang mga turistang narito. Karamihan ay ibang lahi ang mga ito. Masyado kasing mahal ang pamasahe papunta sa Batanes kaya siguro kaunti lamang ang mga kabayan na aking nakikita ngayon.
"Kaunti lang ang mga turista na nagpupunta dito," bulong ko kay Wilder.
"Hindi madalas ang flight papunta dito. Mahal din ang pamasahe. Kaya kung pupunta sila dito ay kapag summer o wala nang pasok ang mga bata." Hindi na nakakapanibago na alam niya ang mga ito.
How do I know? Because I am always updated.
Nang makuha na namin ang aming maleta ay lumabas na kami ng terminal. May mga nakaparadang itsurang tricycle sa gilid lamang ng airport at nagtaka ako dahil sa ayos ng sasakyang iyon. Tatlo ang gulong ngunit ang upuan at ang bahay nito ay gawa sa kawayan na kinulayan lamang. Nakita ko rin ito sa mga litrato kaya agad kong nahulaan ang sasakyang ito.
"Is that cogon trike?" Ngunit saan naman namin ilalagay ang aming mga maleta?
"Wanna try?" Don't ask me! I'm gonna try this one out.
Hindi pa man ako sumasagot ay pinuntahan ko na ang mga naghilerang trike sa gilid ng terminal. Mangha ko itong nilapitan at pinakatitigan ko ito hanggang sa mapagod ang mga mata ko.
"Manong, sa Residencia du Basco po." Si Wilder ang nagsalita mula sa aking likod.
Sumakay na ako sa loob habang inilalagay ni Wilder ang aming mga gamit sa likuran. Komportable at presko sa pakiramdam ang sasakyang ito. Kahit mainit ang sikat ang araw ay malamig naman ang simoy ng hangin lalo na at napapalibutan ng mga puno at berdeng tanawin ang lugar.
"This is amazing!" Komento ko habang dinaramdam ang hangin.
Mayroon kaming valley na nadaanan at hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa angking gandang aking nakikita. Ito ang unang pagkakataong masilayan ko ang lugar na ito. Tipong maiiyak ka dahil sa ganda ng paligid mo. Wala kang ibang maramdaman kundi ang makuntento at busugin ang mga mata mo.
Philippines has a lot to offer when it comes to tourism. We are surrounded by a lot of beautiful and breath taking tourist spots and beaches that we are so proud of. Historical heritages, amusement parks, beaches and resorts, mountain formations and many more.
Nakarating kami sa hotel pagkatapos ng siyam na minuto. Hindi pa man ako tapos sa pagkamangha sa mga tanawin ay nadagdagan na naman nang makita ko ang hotel. Hindi ito tipikal na hotel na palagi kong nakikita sa Maynila, pormang bahay na may maraming kwarto at swimming pool pa.
"Ano pong ibig niyong sabihin? We booked separate rooms, not separate bed in one room." Singhal ko sa babaeng nasa reception ngayon.
"Pasensya na Ma'am ngunit iyon po ang nakalagay dito sa notes. Iyon po kasi ang na-booked niyo." Sagot naman nito sa akin.
"What are you saying? Let me see!" Positibo akong hindi ito ang pina-book kong kwarto.
Of course I will react this way. We're not yet like that. We still set our boundaries because this is professionalism. We are not here for leisure or whatever, but we are here to compete the task given to him.
"I didn't booked this," binalik ko sa kanya ang tablet nito at notebook.
I am certain of the details of the room I picked and I am certain that I said separate bedroom.
Nakalagay sa kanyang notes na sa isang kwarto ay dalawa ang kama na nagkakahulugang magkasama kami ni Wilder sa loob. Hindi pa ako makakalimutin kaya alam ko kung ano ang pina-book ko. Malinaw pa ang aking mga mata kaya hinding-hindi ako magkakamali.
Tiningnan ko si Wilder sa aking tabi. Nakatuon ang kanyang mga siko sa counter at palinga-linga ang tingin. Nararamdaman kong may kakaiba sa kinikilos niya ngayon ngunit hindi ko na lamang masyadong pinansin.
That's Wilder. He's weird. He's funny. He's moody. Perfect combinations.
"Just get it so that we can go to the Honesty Café," sambit nito nang hindi pa rin ako tinitingnan.
Wala na rin naman akong magagawa kung magwala at magreklamo pa ako sa ngayon. Titipirin pa namin ang dala naming cash kaya hindi ako pwedeng magbook ng panibagong kwarto.
"Fine. Give us the key." Sabi ko sa babae.
"Heto po Ma'am. Enjoy your stay po." Enjoy? Talaga ba?
Tamad kong kinuha sa kanyang ang susi ng aming kwarto. Si Wilder naman ang naghila ng aming mga maleta at nauuna akong maglakad ngayon. Nakasimangot pa rin ang aking mukha dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon.
"Wash up quick. I'll meet you downstairs, okay?"
"Saan ba tayo pupunta?"
"You asked me about it. I'm just taking you there." What is he talking about?
Nakita ko siyang nakaupo sa lobby ng hotel habang pinapaikot sa kanyang kamay ang kanyang cellphone. Walang signal sa lugar na ito kaya hindi ko na dinala ang aking cellphone. Nang mapansin niyang palapit na ako sa kanya ay saka siya tumayo.
"Let's go?" Tanong nito.
"Whatever," nauna akong lumabas sa kanya. "Saan tayo sasakay?"
"Doon," turo niya sa isang mountain motor sa tapat naming dalawa.
Saan niya nakuha ang ganitong sasakyan?
Tiningnan kong mabuti ang motor kahit nakasakay na siya dito. Luma na ito at nababalutan ng mga tuyong putik ang mga gulong. Hindi ko alam kung ligtas pa bang sakyan ito.
"Is this safe?" At marunong ba siyang mag-drive?
"Hop in and you'll see," sagot nito. Sinuot niya sa akin ang helmet bago niya suotin ang kanya. "Trust me."
Wala naman akong choice kaya sumakay na rin ako. Mahigpit ang aking hawak sa kanyang mga baywang hindi pa man umaandar ang motor. Hindi ko pa nakikitang magmaneho si Wilder ng motor kaya natatakot ako.
"Huwag mong bibilisan," mahal ko pa ang buhay ko.
"Yumakap ka lang sa akin. Hindi ko naman hahayaang mahulog ka." Binuhay na niya ang makina nito.
Tamang bilis lamang ang kanyang patakbo.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi mabilis ang kanyang patakbo. Maingat ang kanyang pagmamaneho. Nakahawak ako sa magkabilang dulo ng kanyang T-shirt habang tinitingnan ang magandang tanawin na aking nakikita. Natatanaw ko ang Basco lighthouse habang ang alon ng dagat ay tumatama sa ibabang parteng semento na pinagtatayuan nito.
"Yumakap ka sa akin, Bethany."Narinig kong sinabi ni Wilder ngunit hindi ko sinunod.
Okupado ang aking mga mata sa aking paligid. Baka ito na ang huling beses na makikita ko ito dahil hindi ko alam kung mauulit ba ang pagpunta ko dito. Susulitin ko na para hindi sayang ang naging pamasahe ko.
Bumilis ang takbo ni Wilder kaya mabilis din ang pagkilos ng aking mga kamay payakap sa kanyang tiyan. Mahigpit at takot na takot ako habang siya ay tumatawa pa.
"Wilder naman!" Tinapik ko ang kanyang braso dahil sa gulat. At ang lalaking ito ay tinawanan lamang ako.
Nakarating kami sa tinawag nitong Honesty Café. Maliit na bahay na bato lamang ito at kulay asul ang pintuan. Ang bubong ay gawa sa pinatuyong nipa at dahon ng anahaw. Ang haligi nito ay gawa sa pinagtagping mga malalaking bato at hindi ko lolokohin ang sarili ko kung sasabihin kong malikhain ang nakaisip ng ganitong disensyo. May sign board ka pang madadatnan bago ka makapasok ng shop.
Honesty Coffee Shop. Pride of the People of Batanes.
Naunang pumasok si Wilder habang pinagsarhan pa ako ng pinto. Ano bang ginagawa ng lalaking ito?
"Bawal pumasok ang hindi honest," sambit nito. Tinuro pa ang maliit na kahoy na nakasabit sa pintuan.
Honesty is the best policy.
Ano bang tingin niya sa akin? Sinungaling ako?
"Sasabunutan kita sa oras na makapasok ako!" Singhal ko.
"Honest ka ba?" Tanong nito na halatang nag-iinis pa.
He's crazy... and I love it.