Chatter
If you really know how to play, you will remember it even after ten years ago.
Hindi nagbabago ang paraan ng paglalaro ni Wilder. He still has this power when he's inside the court.
At hindi na nakapagtataka na sila ang panalo dahil lamang ang mga ito ng limang puntos. Nagdiwang ang mga nanonood at ngayon ay umaalingawngaw na ang ingay ng mga ito sa buong silid. Samantalang ako ay hindi pa rin makakilos dahil sa ginawa ni Wilder. Hindi makagalaw at tulala lamang sa hangin.
"Thinking of me?" Wilder's voice resurfaced in front of me.
"In your dreams," bumaba ako sa bleachers at naglakad palabas ng hall.
Can he read my mind?
"Hey, where are you going?" Wilder asked behind me. Making sure of keeping his distance near me.
"Wait up!" I am changing my phase to make sure that he will not reach me.
"Hey," he then grasped my elbow.
But I'm wrong. Naabutan pa rin niya ako. Kahit saan ako magpunta, nahuhuli niya pa rin ako.
Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya ngunit alam ko na sa akin ang mga titig niya. Hindi ko alam kung bakit mainit ang aking pakiramdam at parang masikip ang paligid naming dalawa. Bumabalik na naman ako sa umpisa, kung paano ako nahulog nang nahulog sa mga patibong niya.
Wind blew through our direction making my hair swayed in front of my face. I saw him grinned and immediately parted my hair.
"I'm gonna ask you a simple question. I need you to answer me honestly." He said.
"Ano iyon?" Iniiwas ang aking mga mata sa mapanghalinang mga mata niya.
Nakita kong tumitingin sa aming direksyon ang mga taong naglalakad. Ang kanyang mga paa'y umusog pauna para mas mapalapit ang aming distansya. Ang kanyang mga kamay ay nanatili sa aking mga siko na nagbibigay sa akin ng malakuryenteng mga haplos.
"Can I officially court you?" Sa sinabi niyang iyon ay parang nagtigil ang lahat. Simpleng mga salita ngunit ang paligid ay nag-iba.
"No more deals, no more bargains, just my real feelings." Words that came through his mouth was genuine. I can feel it.
"I promise you that no more money involve. I promise. This is real." He reassured.
Hindi ko na alintana ang mga taong nasa paligid naming dalawa. Para sa akin, wala nang halaga ang mga matang nakatingin sa amin.
He surely has his ways to make my heart skip a bit.
"Do whatever you want," I whispered.
Maingat kong kinalas ang aking mga braso mula sa kanyang kapit. Hindi naman iyon mahigpit kaya mabilis lamang para sa akin na kumawala sa kanyang hawak. Naglakad akong muli palayo sa kanya ngunit ngayon ay hindi na ako nagmamadali. Kung sumunod man siya o hindi ay wala na akong pakialam.
Nang ilang metro na ang aking layo sa kanya ay sumulyap ako. Nakatayo lamang ito kung saan ko siya iniwanan. Tulala at hindi gumagalaw. Hindi ko maitago ang sandaling ngiti na kumawala sa aking mga labi. Sa wakas ay naging totoo na rin ako sa aking sarili. Sa wakas dahil pinagbigyan ko na ang matagal nang sinisigaw ng aking puso.
To fell in love with him. Over and over.
Masasabi kong isa ito sa mga gabing sumapit na mahimbing ang aking pagtulog. Walang masamang panaginip, komportable at magaan ang pakiramdam. Wala na ang mga bangungot na gumugulo sa aking utak sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Naghahanap ako ng dahilan kung ano ang nangyari ngunit wala akong mahagilap.
Maingat kong inangat ang aking katawan patayo. Hindi ko nais na maistorbo ang paghilik ni Jom sa aking tabi. Ginawa ko ang aking tipikal na mga ginagawa tuwing umaga bago lumabas ng kwarto. Kahit ang aking paglakad ay tila nakaangat dahil iniiwasan ko na makagawa ng ingay.
Halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa aking mukha ang bulaklak na dala ni Wilder na naghihintay sa tapat ng aming pinto.
"Good morning, beautiful." He smiled.
"If it was not you, I would punch you in the face." Hawak ang aking dibdib habang pinapakalma ang aking puso.
"Oh I like that," he teased.
Tiningnan ko siya ng matalim habang halos manghina ang aking mga tuhod sa gulat. Napansin ko ang tatlong pulang chrysanthemum.
Small details. Small gestures. But he did it.
Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila ito paalis sa aming pwesto. Dinala ko siya kung saan tago at kaming dalawa lamang ang tao.
"Anong ginagawa mo?" Bungad ko.
"Courting you," direkta nitong sagot.
Hindi porque na pumayag ako ay gagawin na nga niya ito. Kailangan niya pa ring isipin kung ano ang gagawin niya.
"Oo pumayag ako, pero dapat nag-iingat ka." Lumilinga ako sa aming paligid at halos bulong ang aking mga sinasabi.
"I am just giving you flowers," nakakunot ang kanyang mga kilay sa aking inaakto sa kanyang harapan.
"But you can't get caught by others," bulong ko.
"Ano?" Tanong nito. Hindi yata nito narinig dahil sa hina ng aking boses.
"Ang sabi ko, hindi ka dapat makita ng iba na nagbibigay sa akin ng bulaklak." Pag-uulit ko.
Wala sanang tao dito sa gilid ng kubong ito.
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi dapat makita ng iba ang mga ginagawa kong panliligaw sayo," nag-iba ang kanyang tono dahil sa aking sinabi.
"Romance at work is not allowed. That is our company's policy." Binaba ko ang kanyang kamay na may hawak ng bulaklak.
"But we are not at work," he has the point.
"Ngunit empleyado ng kumpanya mo ang mga kasama natin. At kung malaman nila ito ay magiging issue ito sa trabaho." Sabat ko.
Relationship at work is not allowed in most of the companies because it can affect the work of the person. It will get awkward because the significant other is with you. Every move can be observe. And you can sometimes feel that you don't have freedom.
"Did my father made that stupid rule?" He called that stupid?
"Most companies have this rule, Wilder." I just don't want him to have a distraction especially at work.
"Kaya kung manliligaw ka or magbibigay sa akin ng bulaklak, siguraduhin mo lang na hindi makikita at malalaman ng mga empleyado lalo na ng Chairman." Sabi ko.
Huminga na lamang ito ng malalim bilang pagsuko. "Fine, I'll be careful next time." Sambit nito sa mababang tono.
Nanlambot ito at nakayuko sa aking harapan. Nalungkot ako dahil sa kanyang inakto ngayon. Tiningnan nito ang mga chrysanthemum na bitbit at handang bitawan ngunit pinigilan ko ang kanyang kamay.
"Bakit mo itatapon?" Tanong ko.
"It doesn't have any use now," malungkot pa rin.
"Hindi ko naman sinabi na hindi ko tatanggapin ang bulaklak," tumunghay ito sa aking sinabi.
"That's my favorite flower," nahihiya kong sambit.
Nakita ko na lumiwanag ang kanyang mukha at unti-unting sumisilay ang ngiti sa kanyang labi. Sino ba ako para tanggihan ang maliliit na bagay na ginagawa niya ngayon? Nagpapasalamat pa ako dahil kahit maliit at simple, binibigyan niya pa rin ng pansin.
This was my first time that I feel so special because of the small things he noticed.
Sa mga oras na nalalabi sa pagtigil namin dito sa resort ay ginigol namin iyon sa paglangoy sa dagat. Ang mga lalaki ay nag-iihaw ng karne at nagluluto ng iba pang pagkain habang ang ilan sa aming mga babae ay lumalangoy sa dalampasigan. Gusto kong tumulong sa mga ito sa pagluluto ngunit hindi ako pinapayagan ni Wilder. Dahilan niya ay isisiwalat niya ang tungkol sa aming dalawa.
Nagawa pa akong takutin.
"Napakagandang tanawin," Jom sat beside me.
"Nakakalungkot dahil ito na ang huling araw na masisilayan natin ito," sagot ko.
Pagkatapos ng lahat ay babalik na sa normal. Trabaho na lang ang aatupagin sa araw-araw. Uuwi sa gabi para makapagpahinga at gigising ulit sa umaga para pumasok sa opisina.
"I just hope that it will happen again," pareho lamang kami ng iniisip.
Sa tinagal na namin sa industriyang ito, normal lang na makaramdam kami ng pagod. Minsan na maiisip namin na magpahinga muna. Minsan talaga na darating kami sa puntong susuko. Sa pagtaas ng posisyon, sa pagdami ng responsibilidad. Iniisip ng iba na malaki ang mga sahod namin dahil sa aming mga posisyon, ngunit ang hindi nila alam ay halos wala nang matira sa amin dahil sa dami ng gastos.
Matapos ang aming tanghalian ay nagtipon na kami sa labas ng resort para sa pagdating ng mga bus service ng kumpanya. Halata sa kanila ang pagod ngunit hindi mapapawi ang mga ngiti sa kanilang labi dahil kahit sa kaunting araw ay nakapagpahinga at naaliw ang mga ito.
"Work na naman tomorrow," sambit ni Mary sa kanyang mga kausap.
That's a sad reality, though.
Dumating na ang mga bus at isa-isa nang pumasok ang mga ito. Hinigit ni Widler ang aking braso palapit sa kanyang sasakyan.
"Sa akin ka sasabay," banggit nito.
"Oo na, hindi mo na ako kailangang pilitin." Pumasok na ako sa kanyang sasakyan at ako na rin ang nagsara ng pinto.
Hindi ko alam kung gaano kahaba ang aking naitulog sa byahe. Nagising na lamang ako nang nasa tapat na kami ng building ng aking unit. Tinulungan pa ako ni Wilder na mag-akyat ng aking mga gamit. Pagod na pagod ako na hindi ko na rin namalayan na hindi na ako nakaabot ng pagtulog sa aking kwarto.
Panibagong araw at ito na ang simula ng pagbalik ng lahat sa reyalidad. Tamad akong pumasok ngayon sa trabaho nang isiping matagal pa bago maulit ang ganoong pangyayari. Kahit ang mga empleyado ay hindi pa rin natatapos sa mga kwentuhan sa mga naganap sa tatlong araw na team building.
Team building helped most of us in many ways. We get new acquaintances, we developed team work, and most importantly, we grow as a team.
"Paula, you have to get their trust. Hindi sila bibili sayo kung ganyan ka." Narinig kong pinapangaralan ni Jom ang bagong sales staff sa kanyang team.
"Heto ang ibigay mo sa kanila. Kapag pumayag sila ipa-issue mo agad ang ticket." Sabi naman ng senior staff na katabi ni Paula.
Dahil lunch break ngayon kaya pumunta ako sa pantry para magtimpla ng kape. Kakatapos ko lamang kumain ng tinapay kaya mabigat pa ang pakiramdam ng aking tiyan.
"Totoo ba ito? Sila na ba?" Unang bulong na narinig ko nang pumasok ako sa pantry.
Hindi nagambala ang mga ito dahil marahan lamang ang aking pagbukas ng pintuan.
"Nakita ko sila. Mabuti nga at nakuhanan ko ng litrato."
"In fairness, ang ganda ng bulaklak."
"Nahirapan pa ako sa pagkuha. Buwis buhay ba." Impit pa itong tumawa.
Ang tatlong babae ay nakaharang sa coffee racks kaya tumikhim ako. Humarap ang mga ito at nanlaki ang mga mata na parang nakakita ng multo. Napa-urong ang mga ito nanghumakbang ako palapit kaya napatigil ako.
"What happened?" Tanong ko.
Nagtinginan ang tatlo bago ako sinagot. "Wala po, Ma'am." Winagayway pa nito ang kanyang mga kamay.
Napatingin ako sa cellphone nito habang winawagayway ang kanyang mga kamay sa aking harapan. Pamilyar sa akin ang litratong iyon kaya doon natuon ang aking pansin. Walang atubili ko iyong kinuha sa mga kamay nito. Hindi ito naka-angal dahil sa bilis ng aking kilos.
Naroon sa litrato ang lugar ng resort kung saan tago at walang mga tao. That's Wilder and I in side view. It captured the way I handed the flowers.
Someone saw us!
"Whose phone is this?" This is not the company's phone.
"Akin po," nanginginig na sagot ng babae sa gitna.
"Oh, yeah, here." Binalik ko sa kanya ang kanyang cellphone at lumabas na ng pantry habang nanginginig ang mga binti.
May nakakita sa amin. This is seriously a trouble.
Are they going to tell everyone?
What if he suffer? Is it my fault?
Oh my gosh! Paano kung malaman ito ng Chairman?
What should I do?
"Bethany! Be careful!" Jom yelled.
Dala ang aking tasang may mainit na tubig, muntikan na itong matapon nang matisod ako. Si Jom ang aking nasa harapan na inalalayan ang aking braso. Ang plano kong magkape ay hindi na natuloy.
"Ang init ng dala mong tubig. Mabuti na lang at hindi nabuhusan ang mukha ko." Some spilled on the hem of his shirt.
"Sorry. I'm really sorry." Feeling guilty.
Npadpad ang tingin ko kay Wilder na nakatingin din sa aking direksyon. May sinasabi ang kanyang mga mata ngunit hindi maisatinig dahil sa mga taong nakapaligid.
"Are you okay? Hindi ka ba napaso?" Tanong ni Jom.
"I'm fine," nilagpasan ko na lamang siya at pumasok na sa aking opisina.
Anong gagawin ko ngayon?
Paano kapag kumalat iyon?
Anong mangyayari sa amin ni Wilder?
Matatanggal ba ako sa trabaho?
Shit! I don't have enough savings!
Bumalik ako sa aking lamesa at kinuha ang aking personal na telepono.
Ako:
We need to talk. Let's meet at the parking lot at seven.
Nagpasala ako ng mensahe kay Wilder. Hindi ako mapakali hangga't wala akong naiisip na solusyon sa ganito.
I knew it would happen. And this is what I'm really scared of.
I just broke the company's rule by following my beating heart.
Am I being selfish?
Saktong alas syete ako lumabas ng opisina at dumiretso sa parking lot. Hinanap ko ang sasakyan ni Wilder at madali ko namang natagpuan nang umilaw ang front lights nito. Hindi kami magkapareho ng oras ng paglabas kaya't isang oras niya akong hinintay sa loob ng kanyang sasakyan.
"Someone saw us," bungad ko.
Nakatingin lamang ito sa akin habang ako ay hindi mapakali. Nagiging maingat na ako sa aking bawat galaw lalo na at may nakaka-alam na ng tungkol sa amin ni Wilder. Baka mamaya ay may tao dito sa parking lot na nakatingin ngayon sa amin.
"My car's heavily tinted. You do not need to worry." Sabi nito.
"Didn't you heard what I just said?" Tumataas ang aking tono.
"Narinig ko. Kumalma ka muna." Inabutan ako nito ng isang bote ng tubig at malugod ko namang tinanggap.
I am really freaking out.
"What's going to happen now?" I was not ready for this.
Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Bakit ka ba natatakot na may makakita sa ating dalawa?" Tanong nito.
"We are breaking the company's rule. If this continue, we will both suffer." Nag-igting ang panga nito habang nakatitig sa akin.
"Hindi ka dapat natatakot sa kanila," sambit nito.
Bakit hindi?
Humarap ito sa akin at inabot ang dalawa kong kamay. Inalis nito ang bote ng tubig na aking hawak at ipinatong ito sa dashboard ng kanyang sasakyan.
"I got you. I always got you." He said.
"Rules sometimes meant to disobey. They don't always go as planned. Life wouldn't be thrilled if you don't try to be reckless sometimes. But always remember, that I got you." He reassured.
Wala akong ibang magawa kundi ang mangamba sa kakaharapin kung magpapatuloy ito. Puno ng pagaalala at pagaalinlangan ang aking mga mata habang siya ay tinitingnan. Sana ay matapang din ako katulad niya. Sana ay kaya ko rin sumugal.
"Let them be. Let them have something to talk about. Let them spread the rumor." Ang dali para sa kanyang sabihin.
"Pero Wilder..." natatakot ako.
Hinaplos niya ang aking pisngi. "Nag-aalala lang ako. Natatakot ako para ating dalawa. Pwedeng mawala sa akin ang trabaho ko. At ikaw, pwedeng bawiin sayo ang mga mana mo." Sambit ko.
"Mas importante ka sa mamanahin ko. Kung hindi pabor si Papa, handa kong iwan ang lahat. Handa kong iwan ang lahat makasama lamang kita. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa mga bagay na iyon." Sagot nito.
"I won't leave. I won't be a coward again. I'll stay by your side." He kissed my forehead.
"Susubukan ko. Susubukan kong maging matapang katulad mo. Para sa ating dalawa." Kaya ko ba?
"Kung hindi mo na kaya, magsabi ka. Ako ang lalaban para sa ating dalawa." Bulong nito.
Hindi naman siguro mapupunta sa wala kung susundin ko ang aking puso. Minsan lang ito at hindi ko na mararamdaman pa sa ibang lalaki. Kung papakawalan ko ang pagkakataong ito ay baka hindi na ako muling pagbigyan ng mundo dahil sa pagiging duwag ko. Kakayanin ko para sa kanya, para sa aming dalawa.
If the world is against me, at least I have him by my side.
Hinatid niya ako sa bahay. Hindi siya umalis hangga't hindi ako nagme-message sa kanya na nakapasok na ako sa loob ng unit ko. Nakatanaw ako sa aking bintana habang umaandar palayo ang kanyang sasakyan.
Kaya ko bang talaga? Paulit-ulit ko nang tinatanong ang aking sarili.
Kaya ko bang kaharapin ang mga sasabihin nila?
They have known me as man hater. Kapag may lalaking nagpapakita ng motibo ay pinapaalis ko kaagad. Wala akong pakialam sa kanila dahil trabaho lamang ang gusto kong atupagin. Ngunit lahat ay nag-iba nang dumating si Wilder. Siya ang nagpabago ng pananaw ko sa mga lalaki. Siya ang nagpabago sa akin.
I became free and loose.
"It's been cold here in Budapest. And my hands are freezing cold!" Reklamo ni Isabella sa vodeo call.
Nagbabakasyon ang mag-asawa sa Hungary ng isang linggo. Natatandaan ko na nagpabook nga pala ang mga ito sa akin ng trip to Hungary nilang mag-asawa dalawang buwan na ang nakakalipas.
"That's the weather that you've been requesting for," sagot ko.
Magkausap kami ngayon sa video call dahil alas dos ng hapon pa lamang doon. Mamayang alas kwatro ay pupuntahan nila ang mga museyo sa Pecs, Hungary. Humiling pa ako sa kanya ng mga litrato na maaari kong gamitin para sa trabaho.
"Yeah, I know. Nabigla lang ang katawan ko." Nakahiga ang mga ito sa kama ng kanilang hotel room at nagpapahinga. Kanina pa silang gising dahil kakarating lang nila kagabi.
"It's a great cause that you're out with your husband. At least you will have time to spend with him." Ipinatong ko ang aking cellphone sa lamesa dito sa kusina habang pinakukuluan ang adobong manok na aking niluto.
"You say it as if I was a bad wife!" Singhal ni Isabella sa kabilang screen.
Dahil sa field ng trabaho nito, halos araw-araw ay tumira na ito sa ospital sa dami ng pasyenteng inaasikaso niya. Kaunting oras ang nalalaan para sa kanyang asawa ngunit hanga ako kay Oliver sa pagiging maintindihin nito.
"Wala naman akong sinasabi. Ikaw lang ang defensive," natatawa kong sagot sa kaniya.
Habang hinahalo ang pinakukuluang adobo ay nakangiti ako. Masaya ako para sa kanya dahil natagpuan na niya ang kasiyahan sa lalaking makakasama niya habang buhay. Noong una pa lang matibay na ang samahan ng dalawa at iniidolo ko talaga si Oliver sa paraan ng pag-aalaga nito sa aking kaibigan. Kung ano ang hilingin ni Isabella ay nabibigay agad ni Oliver. Kung kailangan siya nito ay darating siya agad para daluhan ang kasintahan.
Si Oliver ang tipo ng lalaking parang si Superman. Isang tawag mo lang, darating kaagad ng hindi mo inaasahan. Ganoon rin siya sa aming mga kaibigan niya, hindi lamang kay Isabella.
"We just woke up and we're planning to eat outside. But it's so chilly. Makes me want to sleep all day." Inagaw naman ni Oliver ang cellphone sa asawa nang yumakap ito sa kanya. Hindi pa tumatayo sa kama ang mga ito sa katamarang pinapairal ni Isabella.
"Sayang ang binayad niyo sa trip na ito kung hindi ka naman mamamasyal," sambit ko. Nagsasalin ako sa aking plato ng ulam at isa para sa aking baunan para madala ko bukas sa opisina.
Nagsalin pa rin ako sa isa pang baunan para ibigay ko kay Wilder. Napansin ko na hindi ito nagdadala ng baon at lumalabas pa ng opisina para lamang bumili ng pagkain niya. Minsan naman ay bumababa pa sa cafeteria ng building at doon kumakain.
We're going to eat together? Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Sige na, Bethany. We're going to prepare for the trip today." Si Oliver na ang aking kausap ngayon.
"Sige, Oliver. Take care of her. Enjoy the trip." Umupo ako sa harapan nila at nilapag ang plato sa lamesa.
"Hey wait hubby, I need to ask her something." Sumingit naman si Isabella.
Umikot ang aking mga mata. Mukhang alam ko na agad kung ano ang itatanong niya. "Ano na naman?" Tanong ko.
Tumutok ang mukha nito sa screen at inagaw na ang cellphone sa kanyang asawa. "How's Wilder?"
Should I tell her that we're finally starting over again? That he's courting me now.
"He's doing fine. Why'd you ask?" Sumubo ako ng aking pagkain.
"Well, he message me last night. Ngayon ko lang din kasi nabasa." She rolled to the bed.
"What about it?" Kailangan ko pa bang malaman kung ano iyon?
"Are you two dating?" She suddenly asked.
Napatigil naman ako sa aking pagsubo dahil sa kanyang sinabi. Hindi naman malabo na hindi niya malaman dahil minsan na rin silang nagkaka-usap ni Wilder. Hindi ko lang inaasahan na pati iyon ay sasabihin nito sa kanya.
"He's courting me," I don't want to jump into conclusions yet.
"Oh quit the courting s**t! Just date!" She hissed.
Si Isabella ang aking kaibigan na hindi naniniwala sa proseso ng panliligaw. Para sa kanya, ang panliligaw ay maaaring gawin kahit magsintahan na kayo. Kung gusto mo na makilala ang partner mo, maaari mo iyong gawin kahit magkarelasyon na kayo.
Why courting? When he can court me everyday when he become my boyfriend. That's her belief.
"I am not you, Isabella. I want to know him more." Sabi ko.
"Okay lang iyan. We all know him. Kasama mo siya palagi. What's the cause of delay?" Gaga talaga ito.
Wala namang pagbabago nang dumating ako sa opisina. Ganoon pa rin ang trato at respetong binibigay ng mga ito sa akin sa oras ng trabaho. Hindi rin naman naaapektuhan si Wilder kaya hindi ko na rin pinapansin. Iyon lang ang mahalaga sa akin, ang hindi siya maapektuhan sa issue na ito.
Wilder:
Do you have plans this afternoon?
Nagpadala siya sa akin ng mensahe tatlumpung minuto na ang nakalilipas. Ngayon ko lamang nabuksan dahil nakapatay ang aking telepono. Agad akong nagtipa ng mensahe pabalik sa kanya.
Ako:
I brought you a lunch para hindi ka na bumili sa baba. We can eat together at the cafeteria.
Tiningnan ko ang relo sa aking kaliwang palapulsuhan at nakitang sampung minuto na lamang ang natitira para sumapit ang aking lunch break.
Wilder:
You brought me lunch?
Ako:
Yes. Napapansin ko kasi na palagi ka na lang bumibili. I know that you're rich, but you have to learn the essence of savings.
Wilder:
I am not rich, Bethany. That money was not mine, you know that.
Ako:
It's yours. Kaya nga narito ka para magtrabaho at matuto. Sumesweldo ka rin kagaya namin. Despite the fact that you are the Chairman's son, so you have a share for that.
Wilder:
Fine. I'll try to save starting today. For you.
Bakit lahat na lang ng gagawin niya ay kailangang para sa akin?
Ako:
No. For yourself. Save for yourself.
Wilder:
Okay, okay. I will.
What did you brought for lunch? Are you sure that we can eat together?
Ako:
I cooked Adobong Manok.
Are we not allowed to eat together as colleagues?
Nangangamba rin naman pala siya sa sasabihin ng iba. Kagaya ko, natatakot din siya sa kahihinatnan ng naging desisyon naming ito. Pinapanalangin ko na lamang na hinid lumaki ang issue na ito.
Natapos ang sampung minuto na nagpapalitan lamang kami ng mensahe ni Wilder. Nakalimutan ko ang trabaho dahil naging libangan ko ko ang mga mensahe niya sa akin.
HIwalay kaming bumaba ni Widler. Kasama ko si Jom papunta sa cafeteria sat nagpadala naman ako ng mensahe kay Wilder na pwede na siyang bumaba at sumunod. Iniisip ko kung paano ko ibibigay sa kanya ang pagkain nang hinid nahahalata ni Jom at ng ibang tao. Ayaw ko lamang na magsimula ang mga haka-haka ng mga ito.
"Nakakagutom," hinablot ni Wilder ang dala kong bag at siya na ang naglatag ng mga pagkain sa lamesa.
"Wilder, hindi ka pa rin pala kumakain." Pansin ni Jom.
"Hinihintay ko po kasing mag-break si Ms. Beth," Sagot naman nito.
"Talaga? Bakit mo naman siya hinihintay?" Nararamdaman ko na ang pagbabago ng tono ni Jom sa pagtatanong.
Tiningnan ko si Wilder habang mapaglarong nakatingin din sa akin. Kung ano man ang iniisip nito ay hindi ko mahulaan.
"Nasa kanya ang baon ko," sagot ni Wilder na may ngisi sa kanyang labi.
Gusto kong kainin na lang ako ang lupa mula sa aking kunauupuan ngayon.
Nakita kong dahan-dahan ang pagpaling ng ulo ni Jom mula kay Wilder patungo sa akin. Mapaghinala agad ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Bakit nasa iyo ang baon niya? Dinalhan mo siya?" Tanong nito sa akin.
Alam kasi nito na bumubili lagi ng pagkain para sa kanyang tanghalian. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit nagtatanong siya ngayon ng ganyan. Hindi ko lang alam kung ano ba ang isasagot ko. Ayokong madulas sa mga sasabihin ko. Ayokong may mapahamak sa aming dalawa.
Romance is not allowed at work. Relationship that involves both company staff is prohibited.
Malinaw na malinaw ang aking pagkakaintindi.
Ngunit anong ginawa ko?
Sumuway ako.
I disobeyed the rule to follow what my heart desires.