Score to Your Heart
"Mine!"
The match between my team and the other has started. And I am just here, seating on the benches and watching them.
Apparently, I can't play right now because of my injury as per Wilder. He is even seating beside me right now just to watch over me.
"I could be that spiker," I whispered.
"No," Wilder butted in with dagger eyes on me.
"I'm just saying!" Pabiro kong sinabi.
Hindi siya umaalis sa aking pwesto hangga't hindi ito nakukuntento na hindi nga ako papasok sa laro. Para lang akong batang nanonood sa mga ito kahit gusto kong sumali sa laro. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao ngunit hindi niya iyon pinapansin. Wala lang para sa kanya ang mga matang nakadako sa aming direksyon.
This feeling like torturing yourself is hell. I supposed to be in the game with my team. My role as their captain was not being fulfilled.
"Ako dapat ang sasalo!" Sigaw ni Mary pagkatapos pumito ng referree.
Hindi na nagiging maganda ang takbo ng laban. Lamang na ng dalawang puntos ang aming kalaban at nahihirapan na ang aking team para makapuntos. Malakas ang kalaban at di hamak na mas matatangkad ito kaysa sa aking grupo.
Naka-break ngayon ang laro dahil foul ang puntos ng aking grupo. Nakikita ko ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha at nahihirapan silang makaisip ng mga bagong stratehiya para manalo.
"Magagaling sila, Ma'am. Nahihirapan kaming mag-block sa mga tira nila." Sambit ng isa kong ka-grupo.
Hindi naman siya nagkamali dahil nakikita ko naman. Hirap na hirap din ako habang pinapanood lamang ang mga ito.
"Halina kayo rito," sabi ko.
Tinipon ko sila sa aking harapan at pinalibutan naman ako ng mga ito. Kung hindi ako makakapaglaro, mabuting ibahagi ko ang aking mga naiisip na stratehiya sa kanila.
"Pagpasensyahan niyo na ako kung hindi ako makakasama sa laro," panimula ko. Tumingin naman ako kay Wilder na may pandidilat ang mga mata. Kung hindi niya ako pinipigilan ay naglalaro ako.
"Napag-aralan ko ang kanilang mga kilos. Habang pinapanood ko sila rito, parehong stratehiya lamang ang kanilang ginagamit." Sambit ko.
"Kung parehong stratehiya lamang ang kanilang ginagamit, bakit po nalalamangan tayo ng dalawang puntos?" Tanong ni Mary.
"Nalalamangan nila kayo ng dalawang puntos dahil alam nila ang galaw ng kalaban. Pagkakataon nila iyon para maungusan kayo sa pamamagitan ng pagbato ng bola sa kahinaan niyo. Mabuting gawin na magpalit tayo ng plano." Sambit ko. Kulang ang oras kung magpapaligoy-ligoy pa ako.
"Ilusot niyo ang bola sa pwestong hindi nila masyadong ginagalawan," Singit ni Wilder.
Napatingin kaming lahat sa kaniya nang sumingit siya sa aming usapan. Dahil katabi ko lamang siya dito sa bench ay naririnig niya din ang aming usapan.
"Wilder..." pigil ko. Hindi siya dapat nagbibigay ng payo sa amin dahil maituturing itong disqualification.
"Ang pwesto na hindi nila masyadong napupuntahan ay doon sa dulo malapit sa linya. Dahil sa likas nilang tangkad, nasasalo nila lahat ng aming binabato." Sagot naman ng isa sa aking miyembro.
Hindi ako pinakinggan ni Wilder habang ang aking mga kagrup ay hindi nadala sa aking tingin. Kapag nalaman ito ng committee ay disqualified kami. O baka hindi na kami makalaro sa susunod na match.
"And we're back to the game!" Narinig kong sinambit ng committe.
"Hala! Hindi pa kami tapos!" Sigaw ni Mary.
Walang nagawa ang mga ito kundi ang bumalik sa court.
"Ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo! Kaya niyo iyan!" Sigaw ko.
Nagsimulang muli ang laban ngunit ngayon ay nag-change court na sila. Kaht nagpalit na ay nahihirapan pa rin silang makapuntos. Hindi ako mapakali dito sa aking upuan nang pinapanood ko lamang ang mga ito.
"Pansinin mo ang galaw ng mga kalaban. Sa tuwing papalo ang iyon koponan, pumupunta sila sa isang direksyon dahil binabantayan nila ito." Bulong sa akin ni Wilder.
Tama nga ang kanyang obserbasyon. When our spiker hits the ball, all of them go to the same direction for defense. Two of them are near the net, blocking our passage while half of them are turning into one side when the ball goes to their direction.
"If they will hit the ball on the other side, we can use the strategy of confusing them instead." He suggested.
He is right, actually. I should have think of that from the very beginning.
Tiningnan ko ang aming puntos kumpara sa puntos ng kalaban. Isang puntos na lamang ang lamang ng mga ito sa amin. Kahit paano ay nakahabol pa rin kami ngunit kitang-kita na dikit ang laban. Walang gustong magpatalo sa gitna ng dalawang koponan.
"Time out!" Humarap ako sa mga comittee at humiling sa mga ito.
Mabuti na lamang at naisip iyon ni Wilder. Makakatulong ang istratehiyang iyon para makapuntos ang aming grupo.
"How do you know about this? Ang alam ko ay basketball ang isports mo." Pagtataka ko.
"You still have a lot of things to discover about me," hambog na sambit nito. Kumindat pa ito sa akin na nagpakilabot sa aking loob.
Ilang minuto ang lumipas ay pinagbigyan din ako ng mga komite sa aking hiniling. Agad kong tinipon ang aking mga kagrupo sa aking harapan habang ang mga ito ay nakabilog naman sa akin. Pinagpahinga ko muna sila at habang kinakausap ay umiinom ang mga ito ng tubig.
"Kagaya nang kanina ko pang sinasabi sa inyo. Bantayan at obserbahan ang galaw ng kalaban." Panimula ko.
"Mabuti na lamang at napansin ni- I mean napansin ko ang galaw na sila lamang ang gumagawa," Muntik pa akong madulas sa sasabihin ko.
"Ano po ba iyon, Captain?" Ang pinakabata sa mga ito ang nagtanong sa akin.
"Hindi ko alam kung napapansin niyo rin ito. Ngunit sa oras na pumalo na si Aly, ang ating spiker, pumupunta silang lahat sa direksyon ng palo mo." Pagtukoy ko.
"Napansin ko rin iyon,"
"Oo nga po. Napansin ko din."
Sabi ng mga ito. Mabuti naman at ginagawa nila ang aking payo.
"Ganito ang ating gagawin," mas pinalapit ko pa silang lahat sa akin para kahit mahina ang aking boses ay maririnig pa rin ng mga ito.
"Lilituhin natin sila. Ituloy niyo lang ang ginagawa niyong paglalaro at pagdepensa. Maganda ang ginagawa niyo. Ngunit kapag ililipat niyo na ang bola sa kanilang base, sisiguraduhin niyo lang na malilito ang mga ito. Paraan para makapuntos." Litanya ko.
Kahit masakit pa ang aking kamay ay pinilit kong kuhanin ang marker at board. Gumuhit ako ng mga linya at ginaya ang pwesto ng mga ito sa loob ng court na nagrerepresinta na hugis na bilog.
"Kapag tumira ang kalaban, Sandra, ikaw ang sasagot." Binilugan ko ang kanyang pwesto. "Mary, ikaw ang gagawa ng paraan para mapalapit mo ang bola sa spiker." Iginuhit ko naman ang pwesto ni Mary sa kaliwa. "Aly, obserbahan mo kung saan papunta ang mga ito at sa bakanteng pwesto mo ilulusot ang bola." Iginuhit ko naman ng malaking bilog si Aly.
"At kayong mga natitira, ang mga nasa unahan ang maghaharang. Ang mga nasa likod ang nakatoka para sa malalayong tira. At huwag kayong matakot na maglipat ng pwesto dahil ang ating plano ay lituhin ang mga ito." Sambit ko.
Sana lang ang maging epektibo ang planong ito. Mas lalo ko pang pinalawak ang pagpapaliwanag sa kanila para mas lalo nilang maunawaan kung ano ang nais kong ipahiwatig. Kung hndi man ako makalaro, mabuting tulungan ko ang mga ito gamit ang mga istratehiyang mailalahad ko.
Natapos ang isang minutong hinto ng aming grupo kaya bumalik na ang mga ito sa court. Nagpalit ang mga ito ng pwesto at ang mga importanteng detalyeng binahagi ko ay agad nilang sinunod.
"That tactic will surely help," Wilder said.
"I really hope so," I whispered.
Kabadong-kabado ako habang pinapanoon ang mga ito. Sa una ay hindi naman ganoon kabigat an laban ngunit nararamdaman ko na nagpapakondisyon na ang mga ito para isagawa ang aming plano.
Naging pokus ang aking panonood sa laro ng aking team laban sa kabilang department. Hindi ako makapaghintay sa gagawin nilang taktika kung paano nila isasagawa ang aming istratehiya.
"Come on," I silently prayed.
Nasulyapan ko ang orasan ng mga komite at tatlumpung segundo na lamang ang natitira para matapos ang laro. Kailangan naming makapuntos ng dalawa para kami ang tanghalin na panalo. At mangyayari iyon kung gagawin nila ng mas maaga ang aming plano.
Masyadong maliit ang oras kung papatagalin pa.
Napaigtad ako sa gulat nang bumaba nang husto sa sahig ang aming libero para lamang mahabol ang bolang lalapag na sa sahig. Hirap na hirap ito dahil wala itong kahit anong proteksyon sa kanyang mga tuhod ngunit matagumpay nitong nasalo ang bola para mapatalbog sa kanyang mga braso. Malapit ito sa net kaya't ang dalawang nagbabantay sa unahan ay maingat iyon nailusot sa kabila. Naharangan man ng kalaban ngunit hindi nagpatalo ang mga ito at lumapag sa sahig ang bola.
"Yes! That's it!" I cheered. One more. One more points to win.
Tuwang-tuwa ako sa puntos na nakamit ng aming grupo. Ang galak na aking nararamdaman ay abot langit. Kahit kinakabahan sa kaunting segundong natitira ay hindi ko mapigilang matuwa sa pinapakitang pagtutulungan ng aking koponan.
Pitong segundo ang natitira at hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. Nalilimutan ko na katabi ko pa ngayon si Wilder na sinasamahan ako sa panonood.
Nakapokus ang aking tingin nang simulan ni Sandra na sagutin ang palo ng kalaban. Maganda ang naging simula dahil napunta agad ang bola sa direksyon ni Mary. Pinatalbog nito sa kanyang mga braso ang bola papunta naman ng isa pa naming miyembro imbis na kay Aly para paluin ito pabalik sa kanila. Kagaya ng inaasahan, inaabangan ng mga ito ang paglipat ng bola at pumunta ang mga ito sa iisang direksyon.
"Change position!" Sigaw ko.
Imbis na paluin ng isa naming kagurpo ang bola, sinagot niya ito papunta sa direksyon ni Aly na lumapit sa pinakagitna. Lumapit ang dalawang miyembro ng kalaban sa net para harangan ang aming tira ngunit sa liksi at bilis ni Aly ay nalihis nito ang bola papunta sa bakanteng pwesto ng kanilang base. Sa lakas ng kanyang palo ay muntik na itong malampas sa linya ngunit laking pasasalamat ko nang lumapag ang bola sa loob ng linya.
"In!" Pasigaw kong komento. Panay ang t***k ng aking dibdib sa naghuhuremantadong kaba.
Pumito ang referee hudyat na natapos na ang natitirang segundo. Pagkatapos niyon ay ang hiyawan ng mga nanonood at tutok din sa laro.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na tumayo at magtatalon sa saya dahil nagtagumpay ang aming plano at maayos na nasagawa ng mga ito ang binahagi kong istratehiya.
"Ma'am!" Sigaw ng mga ito habang palapit sa akin.
"Ang gagaling niyo!" Pagpuri ko.
Yumakap ang mga ito sa akin na hindi alintana ang kanilang mga pawis. Masaya at malugod kong sinagot ng yakap ang mga ito at nakisabay sa pagtalon ng mga ito.
Ang saya. Sobrang saya. Hindi ako makapaniwala sa naging resulta.
"Ang brainy ng strategy mo, Ma'am! Ang galing!" Komento ni Mary sa akin.
"Oo nga po. Grabe! Hindi ko akalain na magagawa natin iyon." Sabi naman ni Aly.
Masaya rin ang mga ito sa naging resulta ng laro. Sa loob ng pitong segundo, nagawa naming malamangan ang mga kalaban. At hindi lang iyon dahil sa mga payo ko, nakakahanga ang ipinakita ng mga itong pagtutulungan upang makamit ang pagkapanalo.
"Huwag niyong puriin lamang ang istratehiyang binahagi ko. Hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa inyo. Lahat tayo ay nagtulungan, at bilang kapitan, proud na proud ako sa inyo." Sambit ko.
"Pagpasensiyahan niyo na ako dahil hindi ako makalaro dahil sa kamay ko. Sana ay natulungan ko kayo." Hindi ko pa rin mapigilan ang bigat na aking nararamdaman sa tuwing maiisip ko na hinayaan kong maglaro ang mga ito na hindi ako kasama.
"Huwag niyo nang isipin iyon, Ma'am. Mas mahalaga pa rin po ang kaligtasan niyo. Lahat naman ng laro ay dadaan sa hirap. Hindi masarap manalo kapag hindi nakaramdam ng hirap at mga pagsubok." Ani Aly, ang aming spiker.
"Tama ka, Aly. Hindi masarap lasapin ang tagumpay kapag hindi ito pinaghirapan." Pagsang-ayon ko.
Sa lahat ng bagay, ano mang aspeto ng buhay, hindi ka sasaya kung hindi mo mararanasang madapa, masugatan at masaktan. Hindi mo masasabing nagtagumpay ka kung hindi ka naghirap bago mo makamit ang iyong mga pangarap. Hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan kung hindi ka muna nasaktan.
Kung masaktan man, iyak lang ng kaunti, pagkatapos ay tumayo agad.
Ngumiti ka. Tingnan ang sarili sa salamin. At subukan muli.
Wala namang masaya kung paulit-ulit. Ang mahalaga ay ginagawa mo ang nararapat. Ginagawa mo ang lahat para matuto. Para pagdating ng tamang panahon, wala kang pagsisisihan dahil sumuko ka agad.
Darating ang problema. Hindi naman mawawala iyan. Kaakibat na iyan ng ating buhay. Ngunit ang solusyon ay nandiyan lang sa paligid. Kailangan mo lang hanapin at subukan.
Tinanghal na panalo sa unang laro ang aming grupo. Labis ang saya at pagbubunyi ng aking koponan dahil sa nakamit na panalo. Sasabak pa kami sa huling laro para sa championship mamaya kaya pagkatapos nito ay magpapahinga na ang mga ito. Sana lang ay makasali na ako sa huling laro para hindi naman sayang ang suot kong jersey.
"We won!" Sambit ko kay Wilder.
Abot tainga ang aking ngiti nang lapitan ko siya at yakapin. Sobrang galak sa puso ang aking nararamdaman na hindi ko na namalayan ang aking ginawa. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang mainit at kalmadong yakap sa aking katawan.
"Bethany," narinig ko ang tikhim ni Jom sa aking likod na nagoabalik sa aking ulirat.
Napawi ang aking malawak na ngiti at napabitaw ako sa yakap kay Wilder. Hinawakan ko ang aking leeg at kahit hindi ko tingnan ay alam kong namumula ang aking maiinit na pisngi.
Humarap ako kay Jom na hindi ito matingnan ng tuwid. Nakapamaywang ito nang harapin ko at kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakataas na ang kilay nito. Nilampasan ko na ang mga ito at tinahak na ang daan palabas ng hall kasama ang ibang mga taong nagsisilabasan na rin.
I became so impulsive this past few days. I sometimes didn't think my actions. And it is always killing me after.
Nagising ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa aking kwarto. Kinusot ko ang aking mga mata at nag-unat ng aking mga braso at binti. Pakiramdam ko ay napakatagal ng aking tulog dahil komportable ang aking pakiramdam ngayon.
"Jom," pagtawag ko.
Walang sumagot. Nakakasigurado ako na narinig ko ang galaw ng pintuan at may pumasok. Minulat ko na lamang ang aking mga mata nang hindi na nakapaghintay pa ng sagot. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Wilder na nakatingin sa akin sa may bandang dulo ng aking kama. Nakaupo ito roon habang sa akin nakapokus ang mga mata.
"Wilder," umupo ako sa kama at sinandal ang aking likod sa unan.
"Good evening." he said.
"What did you say?" Tanong ko. Gulat na gulat pa.
"I greeted you a good evening," he said.
"It's evening?" s**t! The game!
"Yeah, you slept a lot." He shifted in his seat.
What the hell? It is already evening as I checked my phone for time. I am pretty sure that the game is finished by now. And the worst was that I am not there when my time needed me. I feel so irresponsible.
"What's with the face," he asked.
"I felt bad for my team," I whispered.
"Why?" Does he really need to ask?
"I abandoned them," I bowed my head in guilt. I can't believe myself.
Naramdaman ko ang paggalawa ng aking kama. Hindi ako tumunghay dahil nahihiya pa rin ako para sa aking mga kagrupo.
Anong klaseng kapitan ang iiwanan ang mga kagrupo para ipagpalit sa tulog?
"They won," Wilder whispered through my ear that made me turned my face to him.
"Who?" Please, give me a good answer.
"Your team," he said.
"Really?" I need to make sure.
"Yeah," he reassured.
"Oh thank God!" I said.
Hinigit ko ang kanyang katawan palapit sa akin para sa isang yakap. Binigyan nga talaga niya ako ng magandang sagot. Tuwang-tuwa ako na marinig na nanalo pa rin ang aking team sa kabila ng kapabayaan ko. Panibagong tagumpay na naman ang nakamit nila.
"You have hug me twice this day," he whispered.
Dahil sa kanyang sinabi ay kumalas ako sa yakap. Hindi ko na talaga nagugustuhan ang aking mga kinikilos minsan. Nagagawa ko ang mga bagay na hindi dapat, at mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon sa kahit na sinong lalaki. Ngunit hindi ko matatanggi na sa tuwing gagawin ko ang mga bagay na iyon ay nakakaramdam ako ng saya.
"Sorry," nahihiya kong sinabi.
"Well, I'm not even complaining. I just want to inform you." Sabi naman nito ngunit hindi sa aking mukha ang tingin kundi sa aking balot na dibdib.
"Ang bastos mo!" Hinampas ko ang kanyang braso ngunit tumawa lang ito.
Napag-isipan kong pumunta sa nagaganap na pagsasalo malapit sa hall. Naroon ang mga ito upang magdiwang ng pagkapanalo ng aming grupo at para na rin magkaroon sila ng gagawin ngayong gabi dahil hindi pa naman daw sila matutulog.
Maingay na musika, sayawan at tawanan, mga pagkain at inumin. At ang pasimuno sa karaoke ay walang iba kundi si Jom.
"Clock strikes upon the hour, and the sun begins to fade..." Sa simula pa lamang ng kanyang kanta ay nabuhay na ang madla.
"Still enough time to figure out, how to chase my blues away..." Dinadama pa nito ang kanyang pankanta.
"I've done alright up to now. It's the light of day that shows me how, and when the night falls, loneliness calls..." Dahil sa dama nito ang bawat liriko ng kanta, lumapit pa ito sa gilid ng speaker at mabagal na dumadusdos doon.
Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa kanyang ginagawa. Kung anong kalokohan na naman ang pumasok sa utak ng baklang ito. Sumasakit na ang aking tiyan dahil napupuno ng hangin na aking nalalanghap sa tuwing bubukas ang aking bibig. Sumasabay naman ang ibang kalalakihan sa kanya at nakikisayaw sa unahan habang si Jom ay kumakanta.
"Nagkaroon na tayo ng instant disco!" Komento ni Jean na pumapalakpak habang nanonood sa ginagawa ng mga ito sa unahan.
"Oh, I wanna dance with somebody. I wanna feel the heat with somebody..." Walang pakialam si Jom kahit hindi na niya makuha ang tono ng kanta. Ang mahalaga lamang ay kumakanta ito at nakikisayaw kasama ang mga kalalakihang empleyado.
"Go there! Dance with them!" Tugon ko kay Wilder.
Sa lakas ng musika ay sa paglakas din ng aking boses para marinig niya ako ng husto.
"No," matigas nitong sagot.
"Anong no? Makisama ka sa kanila! Ang saya kaya!" Pagpipilit ko.
"I'd rather seat here beside you," umayos lang ito ng upo at walang pakialam sa sinabi ko.
Gusto ko siyang makita na sumasayaw ng malaya kagaya ng ginagawa ng iba. Gusto kong makita na masaya siyang sumasayaw habang maligayang nagdidiwang sa kung ano man. Napakaseryosong tao naman kasi ng lalaking eto. Hindi ko marinig na kumanta, hindi ko makitang sumayaw.
Sana ay dadating ang isang araw na pagbibigyan niya ang hiling ko.
Nakita ko na magkakatabing nagkukwentuhan ang aking mga kagrupo sa volleyball sa kabilang dulo ng cottage na ito. Hindi ako nag-atubiling tumayo at lapitan ang mga ito. May ngiti sa kanilang mga labi habang masayang nagkukwentuhan sa kung ano mang paksa.
"Hi," nahihiya kong pagbati.
"Ma'am! Magandang gabi po." Sabay-sabay na bati ng mga ito.
"Nabalitaan ko na team natin ang nanalo sa championship. Nahihiya man ako humarap sa inyo ngayon dahil sa kapabayaan ko, gusto ko pa rin kayong batiin sa tagumpay na nakamit ng bawat isa." Totoo ang aking mga ngiti ngunit nanginginig ito sa kaba. Hinanda ko na ang aking sarili sa sasabihin nilang lahat.
"Hindi kami galit sa iyo, Ma'am. Ang totoo niyan ay nagpapasalamat pa nga kami sayo." Sambit ni Aly.
"Ano? Bakit niyo naman ako pasasalamatan? Wala naman akong nagawa." Nahihiya kong tanong. Wala akong naitulong sa inyo. Kaya bakit ako pasasalamatan ng mga ito?
"Kung hindi po dahil sa inyo, hindi namin makikila si Sir Wilder po. Ang galing niya po palang mag-coach. Siya po muna ang pumalit sa katayuan mo kanina." Sagot ni Mary.
"Oo, Ma'am. Sabi niya po kasi ay pagod kayo at masakit ang inyong buong braso dahil sa lakas ng impak ng pagpalo niyo ng bola. Kaya napagbigyan naman po siya ng mga committe na magbantay sa amin." Segundo naman ni Sandra.
"Coach?" Naguguluhan kong tanong.
"Opo, Ma'am. Hindi talaga kami makapaniwala sa galing niyang magpayo. Siya po ang dahilan kung bakit team po natin ang nanalo." Sabi naman ni Cath, ang aming libero.
Hindi ako nakasunod sa kanilang mga sinasabi. Si Wilder ang nagbantay at nagbigay ng mga payo sa mga ito kanina sa laro, iyon ang pagkakaintindi ko. Si Wilder ay humiling sa mga komite para pumalit sa aking katayuan sa kadahilanang masakit ang aking buong braso, iyon ang aking interpretasyon. At si Wilder ang dahilan ung bakit nanalo ang mga ito sa laro. Ano bang istratehiya ang ginamit nito?
Mag-uusap kaming dalawa. Dapat na mag-usap kami.
Naiilang akong tumawa sa mga ito. "I still want to congratulate all of you because of your efforts to win the game," pag-iiba ko sa usapan.
"Maraming salamat, Ma'am." Parang korus iyon sa aking pandinig.
Hindi muna ako bumalik sa lamesa. Nanatili ako rito kasama ang mga ito habang nakatingin kay Wilder. Nakikipag-usap na ito sa kanyang mga katabi ay kapagkuwan ay umiinom ng tinagay na alak sa kanyang maliit na baso.
Bakit niya iyon nagawa? Hindi naman masakit ang aking braso, hindi rin ako pagod. Bakit niya nagawa ang bagay na magpapatibok sa aking dibdib?
Hindi ko na nga makontrol paminsan ang aking mga kilos, tapos ngayon ay dadagdagan niya na pagalawin ang aking dibdib.
"The game will start in five minutes and you are not still ready!" Bulala ko.
Maniniwala ba kayo kung sabihin ko na maglalaro si Jom ng basketball ngayon? At kasama pa siya sa grupo nina Wilder.
"I have hangover, Beth." Sabi ni Jom habang hindi maintindihan ang pwesto sa kama.
"Kung hindi ka lang sana nagpaka-inom, hindi mo iyan sasabihin sa akin ngayon. Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo kagabi?" Panenermon ko sa kanya.
"Lasing ako, Beth. Pero alam ko ang ginawa ko. Hindi ko iyon itatanggi." Mabagal na pananalita nito sa mababang tono.
"Right! Mabuti naman. Dahil ayoko rin mag-kwento." Hinawi ko ang kanyang kumot na tumatabon sa kanyang katawan. Hindi pa ito nagpapalit ng damit simula pa kagabi. Laking pasasalamat ko na lamang na hindi ito nagsusuka kapag nalalasing.
"Tumayo ka na riyan. Inumin mo ang tubig na ito. Nagpahatid na rin ako ng almusal mo." Sambit ko. Iniwan ko sa side table ang baso ng tubig.
"Darating na iyon. Mauuna na ako sa hall. Gaga ka talaga!" Pagpapaalam ko.
Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto at tinakbo ang distansya ng hall para makaabot pa ako. Nadaanan ko ang reception area at nakitang tumatanggap na ang mga ito ng panibagong bisita. Hanggang bukas ng tanghali ang aming huling araw sa resort na ito at susulitin ang buong araw ngayon.
Saktong nagsisimula nang magtawag ng mga kalahok ang referee nang dumating ako. Nakita kong nageensayo pa si Wilder kaya naghanap agad ako ng magandang pwesto kung saan ay makikita ko ng husto ang laro.
"Go Wilder!" Karamihan sa sigaw nang mga taga-panood ay sinisigaw ang pangalan nito.
Saan kinuha ng mga ito ang mga papel para sulatan ng pagkalaki-laking pangalan ni Wilder?
"Ms. Bethany! Nasaan si Jom?" Dungaw ni Jean sa baba ng mga bench.
"Naku! May hangover! Hindi ko pa alam kung makakasunod." Sagot ko.
"Sige. Sabihin ko sa kanilang team." Sabi ni Jean.
"Sige, salamat." Umayos ako ng aking pagkakaupo para maghanda na sa pagsisimula ng laro.
Kinumpleto muna ang mga komite bago ito simulan. Ngayon naman ay naghahanda na ang lider ng dalawang grupo para paluin ang bola. Kung kaninong court mapupunta ang bola, sila ang magsisimula ng laro.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone at tiningnan ito. Akala ko ay si Jom na ang nagpadala ng mensahe ngunit mali ako. Si Wilder pala.
Wilder:
Watch me play. When I get my three points shoot, that is dedicated for you.
Pagkatapos ko iyong basahin ay agad na hinanap ng aking mga mata si Wilder. Nakaupo ito sa kanilang bench habang umiinom ng tubig habang patagong nagtitipa sa kanyang cellphone.
Naramdaman ko ulit ang pag-vibrate nito kaya agad ko iyong binuksan.
Wilder:
Sisiguraduhin ko na makakapuntos ako riyan sa puso mo...