Cared
It is so warm.
Kahit sa lamig ng aircon ay hindi ko iyon alintana dahil nakabalot sa akin ang mainit na mga bisig.
Bisig?
Minulat ko ang aking mga mata para lang makita na hindi dito ang kwarto ko. At ang taong katabi ko ay hindi si Jom! Kundi si Wilder. Ang kanyang mga braso ay nakabalot sa akin. Pinagsasaluhan ang makapal na kumot sa pareho naming hubad na katawan.
Good gracious. What just happened?
Did we...
I feel sore down there. I feel like I worked out almost six hours last night because my hips and legs are all sore.
Marahan kong inalis ang mga brasong nakabalot sa akin. Nag-iingat na hindi magising si Wilder kapag umalis ako. Maingat rin akong bumagon at pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Ang lalayo pa ng distansya ng mga ito sa kama kaya hubad pa akong naglakad patungo sa mga ito. Isinuot ko na ang aking roba at naglakad na papunta sa pinto.
Matagumpay akong nakaalis sa kanyang kwarto at laking pasasalamat ko na lamang na wala pa ring mga tao sa dinadaanan ko. Siguro ay hindi pa gising ang mga ito. Anong oras na ba? Wala naman akong dalang cellphone o kaya relo para masagot ang sarili kong tanong.
"Saan ka galing?" Bungad sa akin ni Jom nang saraduhan ko ang pinto sa aming kwarto.
Humarap ako dito at kinabahan bigla nang hawak nito ang aking telepono. Nakaupo ito sa gilid ng aming kama at matatalim ang mga tingin sa akin.
"Naglakad lang sa labas. Nagkape na rin. Ang sarap ng kape nila dito!" Pilit akong tumawa dahil sa kabang nararamdaman. Habang lumalapit ako sa kanya para kunin ang aking cellphone sa kamay nito.
Nang makalapit ako ay tumayo siya. Inamoy-amoy ang aking damit at buhok. "You didn't smell like coffee," he said.
"What do you mean?" I asked.
"I didn't smell coffee in you. I smell something else." He said seriously.
Pinapakaba naman ako ng baklang ito.
"Lumabas lang ako para maglakad-lakad. That's it!" Hinigit ko ang aking cellphone sa kanyang kamay at dumiretso na sa cabinet para kumuha ng damit.
"Nang ganyan ang suot mo? Really?" He looked at me conservatively.
The way I dress right now is very revealing. Manipis ang tela at maikli. Hindi naman talaga ako maglalakad sa labas nang ganito ang suot. They all know how conservative I am and if I say that I just go outside to walk in this clothes, I would know if they didn't believe me or not.
"Hindi na ako nakapagpalit. Kasi natakam na ako sa kape!" Palusot ko.
Sinarado ko na ang pintuan ng banyo at doon na muling ininda ang sakit ng pang-ibaba kong parte ng katawan.
HIndi ako makapaniwalang ginawa ko iyon. Hindi ko lubos maisip na parang tinapon ko na ang sarili ko sa kanya. At ako pa talaga ang pumunta para lamang pagbigyan ang tawag ng aking laman.
What the hell?
Napagdesisyonan naming mag-almusal sa mga kubo malapit sa dagat. Naghahatid ng mga pagkain ang mga staff habang kami ay nagkukwentuhan. Sila lang pala. Tungkol sa mga palaro kahapon ang pinag-uusapan ng mga ito habang ako ay tahimik lamang na nakikinig. Iba ang tumatakbo sa aking utak kaya hindi ako makasabay sa usapan sa labas.
"Ang gwapo talaga ni Wilder, ano?" Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap sa aking kanan.
"Simula noong dumating siya sa opisina. Crush ko na talaga siya." Sabi naman ng isa na may pagbungisngis pa.
Mabuti na lamang at wala pa dito si Wilder. Ang bastos ko lang para ipanalangin na huwag na siyang dumating dahil wala rin naman akong mukhang ihaharap sa kanya. Pagkatapos ng nangyari, sinong babae pa ang gugustuhing humarap ng normal sa isang lalaking nakasalo nito sa isang gabi?
"Bawal kasi ang relasyon sa trabaho kaya hindi ko siya malapitan," bulong naman ng katabi ko.
Sa tingin ba nila ay hindi ko naririnig ang kanilang mga sinasabi? At may balak ba siyang lumapit kay Wilder para makipagrelasyon? At ang pumipigil lamang ay ang batas sa opisina.
"Oo nga eh. Sayang naman." Pagsang-ayon naman ng isa.
Parang gusto ko nang umalis sa aking upuan nang makita kong palapit si Wilder sa aming kubo. Nang nahanap nito ang aking mga mata ay wala na itong nakita kundi ako. Hindi ko mapaliwanag ang tono ng pagtingin niya sa akin.
"Oh my, he's here." The girl beside me whispered.
"Good morning, Wilder! How was your sleep?" Jom greeted him. But the way he smiled was different. Titingin kay Wilder, tapos sa akin.
"Good," he answered but still looking at me.
Iniiwas ko ang aking mga mata dahil hindi ko kayang tingnan pa siya. Matapos ng ginawa ko ay nahiya na akong lumapit pa sa kanya.
"Gosh! His voice was so deep!" I heard.
Kung ano lang ang gawin niya ay hindi sila mawawalan ng komento.
"Good, then. Let's eat!" Jom announced.
Apat na malalaking kubo ang narito at lahat nang iyon ay puno ng mga empleyado ng isang kumpanya. Lahat kami ay nagtipon sa gitna ng mesa para magsimula nang kumain.
"Beth, lead the prayer." Jom said.
"What?" I asked, shocked.
"Lead the prayer," he repeated. Hindi naman siya nagbibiro sa sinabi niya at wala rin namang rason para tanggihan ko pa.
"Okay..." I said and we made the sign of the cross.
All heads were bowed and their eyes were all closed. Except me and Wilder. He is looking at me intently.
Dear Lord, make me disappear. Please.
"I thanked God for this wonderful day for us to live the worthy life..." I am out of words when he is looking at me that way.
"I thanked God for these blessings that we received. The food, the shelter, our families and the people around us." Nauutal pa ako habang sinasabi ang mga katagang iyan. Nawawala ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Continue on blessing us with your undying mercy, with your kindness and holiness. Forgive all of our sins. And we will not question your plans to us because we know that that is all for our good." Forgive me for what I have sinned last night.
"Thank you. Amen." I said.
"Amen!" They recited.
We started to eat. They all have the appetite to finish their food but I ain't. Hindi ko ramdam ang kumain ngayon lalo na kung may mga matang parang agilang nakatitig sa akin na handa akong tuklawin ano mang minuto mula rito sa kinauupuan ko.
Habang kumakain ay maingay ang mga kubo. Tawanan, kwentuhan at puno mga paksa na hindi ko maintindihan. May sariling mundo ang aking utak. Halo-halo ang iniisip at ang gusto ko na lamang gawin ay ang magkulong sa kwarto ngayon.
"Thank God, I'm so full." Anunsyo ni Jom habang tinatapik ang tiyan nito.
"Mamayang tanghali na ang laro para sa volleyball. Naayos na ba ang court?" Tanong sa akin ni Jean.
"Ah! Oo, natawagan ko na sila kagabi." Sagot. Nakalimutan kong may laro nga pala mamaya.
"Okay. Let's all get ready. Beth, ikaw ang magligpit ng kalat." Sabi naman ni Jom.
"Teka lang! Bakit ako?" Bakit ako?
Sa pagkakaalam ko ay mas nakakataas ako sa kanya. Pero bakit kung utusan niya ako ay parang ako pa ang junior sa aming dalawa?
"Kaya mo na ito. Okay? Come on guys!" At ang bakla ay umalis nga kasama na ang iba.
Napatunganga na lamang ako dahil hindi ko lubos maisip ang pinagagawa niya sa akin. Do I really have to do this? May mga resort staff naman ang pwedeng gumawa nito.
"I'll help," Wilder said.
Hindi pala siya sumama sa mga ito.
"No. I can do this alone." Sinumulan ko nang pagpatung-patungin ang mga plato. Para pagdating ng tagalinis, maayos na nilang kukunin dito.
"You surely can't do this alone," he butted in.
Hindi siya nakinig. Hindi siya umalis. Nandoon lang siya sa kabilang sulok, tumutulong para ligpitin ang mga kalat sa kubo na ito. HInayaan ko siyang gawin na tulungan ako ngunit hindi ko siya pinapansin.
Pupunasan na lang ang lamesa kaya pumunta ako sa isang sulok ng kubo na mayroong kahon ng tissue. Kukuhanin ko na sana iyon nang makita ko ang tindig ni Wilder sa aking harapan.
"Why did you leave?" He asked.
Hindi ko siya sinagot at tinuloy na lamang ang pakay ko sa sulok na ito. Kumuha ako ng tissue at pumunta ulit sa lamesa para punasan ito.
"Are you sore?" Sa tanong niyang iyon ay nagulat ako. Hinarap ko siya para pamulatan ng mata.
"Shut up! Will you?" I even covered his mouth with my bare hand.
Tiningnan ko ang paligid namin. Tahimik at kami lang naman ang narito kaya wala naman makakarinig ng sinabi niya. Ngunit hindi pa rin niya dapat iyon sinabi. That was so embarrassing for me.
He grabbed both of my wrist and move me closer to him that made my attention diverted.
"Then why did you leave early this morning? At least answer that." He said.
Galit ang kanyang mga mata habang tinatanong ako. Ano ba dapat ang isagot ko. Kahit ako ay hindi rin alam kung bakit ko ba nagawa iyon. I literally threw myself to him and viola! Something happened.
"Bitawan mo ako," piglas ko.
The way he touch me makes a lot of difference now. It is not just a simple caress or a single brush of our skin. The feeling is different. Really different.
Kinalas ko nang marahas ang aking mga braso nang wala itong planong pakawalan ang mga ito. Umalis ako sa kanyang harapan at iwan siya sa kubo dahil hindi ko na matagalan ang presensiya sa tabi ko.
"Bethany!" He called.
Kapag may nakarinig sayo ay lagot tayong dalawa.
Mabilis ang aking lakad para hindi niya ako maabutan. Dahil sa oras na lumapit na naman siya ay baka bumigay na akong muli.
"Stop walking away from me!" He grabbed me by my waist and pulled closer to him.
Nabigla ako sa kanyang ginawa ngunit nanlaki lamang ang aking mga mata. Hindi ako nakakilos dahil naunahan niya ako para pigilan ang sarili ko. We are in a public area and there are no excuse for people to see this. Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasali na may mga tao ngayon na sa amin ay nakamasid.
"Bitawan mo ako, Wilder!" I hissed.
Pinipilit ko na kumawala sa kanyang mga bisig ngunit para hinigop nito ang lahat ng aking lakas kaya't naging walang silbi ang aking pagpiglas.
"After what happened last night, we were okay. We both enjoyed the moment. We both cherish every single part of it. And when you woke up this morning, everything has changed!" He said. Malakas ang kanyang boses at kahit walang mga tao ang narito sa aming paligid ay nagaalala pa rin ako.
"No! You didn't changed. You came back from being cold towards me." He suddenly whispered. His eyes became sad and his grip loosens.
I remained still, looking to him. Ako ang nasasaktan habang nakikita siyang ganito. Hindi na ako gumalaw. Hindi na ako pumiglas. At hindi ko na gustong lumayo pa.
"You know how much I hate that," he whispered.
"What?" What is it that you hate the most?
"Cold treatment by you," he said.
I heard a bushy sound near the pine trees. Someone saw us, I am certain!
Agad akong kumalas sa kanya at lumayo. Hindi ko na siya tiningnan pa at naglakad na patungo sa aming kwarto. Sa aking paglalakad ay hindi ako komportable. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa aking likod at naghahatid ito sa akin ng kaba.
Jom suddenly appeared in front of me and my heart stopped for a second.
He is crossing his arms on his chest. Looking at me intently with dagger eyes. And I feel like he is judging me right now in his mind.
"I saw it," he said.
"What?" Inosente kong tanong.
"Please be honest with me. May nangyari ba sa inyo kagabi ni Wilder?" Walang pakundangan nitong tanong.
Napatunganga na lamang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong nawalan ng boses dahil sa bawat pagbukas ng aking bibig ay walang lumalabas na mga letra. Si Jom ito, kahit hindi ako magsabi, kilala na niya ako. Kung magsinungaling man ako sa kanya, alam kong hindi niya iyon papaniwalaan.
"Stop talking nonesense, Jom. Tara na. We need to prepare for the game." I faked my laugh.
"Bethany you know you can't lie to me," he said.
Nauna ako sa kanyang maglakad. Kailangan ko nang mag-ayos para sa laro ng volleyball mamaya. Iyon na lamang ang iisipin ko sa ngayon.
Pinili naming unahin ang volleyball bago ang basketball. Dahil ang court na pagdadausan ng laro ay isa lamang. Ngunit malaki iyon at nakita ko naman na pwede ang dalawang laro doon. Isa pang dahilan kaya namin pinahuli ang basketball ay dahil mas inaabanagan iyon ng karamihan sa mga empleyado.
Kasali doon si Wilder. At isa na ako sa mga nag-aabang din ng larong iyon.
One thirty in the afternoon, we all gathered in the basketball court. The net was set and other players were formed in the middle. Last batch ang aming grupo kaya nakatambay kami ngayon sa aming benches.
"I hope we win. Ano ba nag reward, Ma'am?" Tanong sa akin ni Juley, miyembro sa aking departamento.
"Cash," sagot ko.
"Wow! Talaga ba? Magkano po?" Sabay pa silang mga nagsalita sa panghuling tanong.
Totoong cash ang premyo na ibibigay sa mananalo sa larong volleyball at basketball. Sa tantya ko ay limang libong piso para sa buong grupo. Paghahatian iyon ng mga ito. Ngunit hindi ko sinabi kung magkano talaga ang matatanggap nila para hindi sila mag-expect masyado.
Nagsisimula na ang dalawang grupo para sa unang laban at habang patagal nang patagal ay gumaganda ang nagiging laban. Talagang marurunong at madiskarte ang bawat miyembro. Walang gustong magpatalo kaya mabagal ang naging pagpuntos sa mga ito.
"Grabe! Walang gustong magpatalo." Komento ng katabi ko.
"Unang laro pa lamang ay mainit na ang laban!" Segundo naman ng mga ito.
Puno nang hiyawan ang buong silid at mas nangingibabaw iyon kaysa sa pagsasalita ng mga komite. Halos mabingi ako dahil ang aming grupo ay nakikisali na sa sigawan para sa dalawang kuponan.
"Alright! That's in!" Komento nila nang pumasok sa linya ang bola nang hindi ito nasalo nang kabilang grupo.
Malakas ang pulso ng pumalo ng bola at kahit tuwid and tira nito ay pasok pa rin iyon sa linya kaya sa kanila ang puntos.
"She must be the captain," I said.
Ang pinakamatangkad sa kanilang grupo ang nangunguna at palaging gumagabay sa kanila kaya iyon ang aking hula. Hindi ko matandaan kung sino ang mga ito dahil halo-halo sila at hindi sinunod ang paggugrupo batay sa departamento.
"Then, she must be the setter." I commented to the lady with white knee pads.
Sa kanilang grupo ay ito ang palaging sumasalo ng tira ng kalaban. At talagang magaling siya dahil kahit madapa ito sa sahig ay hindi iyon alintana dahil ang iniisip lang nito ay magiging magandag simula ng lapag sa kanila ng bola.
"Ooh, a libero." I said.
She defended that ball from falling on the ground like it is her child. Ans she was the shortest. Liberos are typically one of the shortest if not the shortest player on the team because height isn't necessarily a benefit for a libero and because a shorter person can naturally get lower to the ground.
Pumito ang referee hudyat na break ng kabilang grupo. Nagtipon ang mga ito at pinalibutan ang kanilang coach para makinig ng mga stratehiyang ipapahiwatig ng mga ito. Kahit kalmado ang mga ito ay alam kong gusto pa rin nilang manalo ang kanilang grupo.
"We will do great right?" Nag-aalalang tanong ng aking grupo.
Ngumiti ako sa mga ito. "Wether we win or loose, it doesn't matter. As long as we enjoyed it, as long as we have fun during the game, that's all that matters." I said.
"We will do great if we work as a team. We will create good scores, if we will do our best to not let our team down."
"Look at them," pagtukoy ko sa grupong makakalaban namin mamaya. "They may look calm and quiet. But they are nervous and tension at the same time just like us. They may look unexperienced unlike the some of us, but we shouldn't believe it unless we see it."
"Huwag tayong maging kampante team. Do not let your guard down no matter what happens." I said.
As the appointed captain of the team, I need to guide and gave them advices to ease their tensions and worries. As a captain, I need to listen to the voice of my team so we can understand each other. As a captain, I need to be careful with my words because they also listens to me.
"We can do it. And we will." Kinumpol ko sila para mas magkarinigan kami dahil nagsisimula na naman ang hiyawan ng mga nanonood.
"Just stay calm. Release the tension. Listen. And most importantly, have fun. Because that is the main reason on why we are doing this." Ngumiti sila sa akin at kahit papaano ay nabawasan ang kanilang kaba.
Hindi naman talaga maiiwasan na makaramdam ng kaba. Sa tuwing maglalaro ako, halos kainin din ako ng kaba noon. Ang tanging iniisip ko ay ang manalo kami para magbigay ng tropiko sa aming unibersidad. Normal lang iyon dahil ang kaba ang isa sa dahilan para magpatuloy at gawin ang nararapat para sa ikakabuti ng lahat. Kailangan mo muna iyong maramdaman para maisip mo at maiwasan ang pagkakamali, along the way.
Nabawi ng sigawan ang aking atensyon kaya napatunghay ako. Ang bolang dapat ay nasa loob ng court ay mabilis na papunta sa aming direksyon. Mabilis at malakas ang magiging epekto nito kung sa tao ito tatama.
Hindi ako nag-isip nang itulak ko ang aking grupo sa tabi. Hindi ako nag-isip nang tumayo ako at pumunta sa tatakbuhan ng bola para hintayin ito. Bahagya akong tumalon at gamit ang aking palapulsuhan at palad ay pinalo ko iyon pabalik sa court. Tumama pa ito sa gilid ng net bago tumawid sa teritoryo ng kalaban.
"What the f**k?!" Narinig kong sigaw ni Jom mula sa bench.
Kahit kailan talaga itong baklang ito. Palaging may komento.
Parang nahiya naman ako sa ginawa ko. Natigilan ang mga tao pati ang laro ay sandaling nahinto. Ang sigawan ng mga nanunuod ay nabaling sa akin at pangalan ko na ang sinisigaw.
Nakayuko akong bumalik sa aming bench at tiningnan isa-isa ang aking mga miyembro.
"Everyone okay?" I asked them all at once.
"Opo," nauutal at gulat na sagot nang mga ito sa akin.
Natapos ang unang laban. Ang sinusubaybayan kong grupo ang nanalo kaya palihim akong nagdiwang na parang tagahanga ako ng mga ito. Kaunting minutong pahinga at ang susunod na kuponan naman ang maglalaban.
"Congratulations," lumpait ako sa captain ng mga ito at bumati.
Dumaan ang mga ito sa aming harapan at hindi ko pinalampas ang pagkakataon para makausap ang mga ito.
"Salamat po, Ma'am." Sagot naman nito sa akin.
Mas matanda ako sa kanya at ngayon na malapitan ko na siyang nakikita ay natatandaan ko na kung saang departamento ito nabibilang.
"Ang galing mo palang maglaro. Siguro ay manlalaro ka noong estudyante ka pa?" Pagbubukas ko ng usapan sa kanya.
"Naku hindi naman, Ma'am. Marunong lang po." Nahihiya pa itong tumawa sa akin.
"Kayo nga po ang magaling. Ang lakas pala ng pulso niyo. Hindi po kasi halata sa inyo." Sabi naman nito sa akin. Pagtukoy niya sa depensang tira na ginawa ko.
"Ah! Wala iyon." Ako naman ngayon ang hindi komportableng tumawa sa kanya.
Huwag na sanang pag-usapan iyon at ayokong maging sentro ng atensyon.
"Is your hand okay?" I heard Wilder's voice so I immediately turned to him.
"Yeah, I'm fine." I faked.
Sa tagal ko nang hindi naglalaro at wala pang ensayo ay nanibago ang aking braso. Bumigat ito at parang namanhid. Ramdam ko ang pag-iinit nito at nakakasiguro ako na mapula-pula na ito ngayon.
"No, you're not." Maingat nitong inangat ang aking braso na pinampalo ko sa bola kanina.
Gumuhit ang sakit sa parteng hinahawakan ngayon ni Wilder. Ngayon ko lang napansin na talagang mapula nga ito at tumatak ang hugis ng bola sa aking palad at palapulsuhan.
"Sige, Ma'am. Balik lang po ako sa team." Singit ng captain.
"Yeah, sure. Congrats again." I smiled to her. Hinahangaan ko talaga ang galing niya sa paglalaro.
"Congratulations," Wilder said to her.
Nang umalis ito ay muling nabawi ang atensyon ko ni Wilder. I am aware about the amount of crowd here in the court and I am aware that some of them are gawking at us. I am uncomfortable but I can't even move to snatched back my hand on his touch.
"You are not going to play in this condition," he said.
"You don't have to tell me. Last game pa naman kami." Piniglas ko ang aking kamay ngunit hindi ako nagtagumpay dahil humigpit ang kanyang hawak dito.
"Kahit na. Let's go to the clinic." He said grabbing my arm but I resist. I successfully snatched back my arm.
"Fine! I'll go. You don't have to touch me." I hissed. Nakayuko lamang.
"You suddenly don't want my touch?" He lowered his head to level mine.
That's not like that. It's that too uncomfortable. And there are eyes around us! They might be forming stories in their mind right now.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nauna nang maglakad sa kanya palabas ng court. Tinatahak na ngayon ang daan papunta sa clinic. Kung tutuusin ay kaya naman ito ng yelo lamang at konting pahinga. Ngunit sinunod ko na lamang ang gusto ni Wilder para hindi na lumaki pa ang diskusyon naming dalawa.
"Babalik po ako after fifteen to thirty minutes. Lalagyan ko po ng Vitamin K cream para mas mapabilis ang paggaling." Sabi nang nurse nang malagay nito ang pakete ng yelo sa bag na ipinatong sa aking kamay.
"Sige, Ate. Salamat." Sagot ko naman.
Hinawi nito ang kurtina para bigyan ako ng pribadong espasyo sa lugar ko. Si Wilder naman ay nasa tabi ng kama at nakamasid sa aking kamay.
"Does it hurt?" He asked. His eyes are soft and begging.
"It feels numb," I replied.
I heard him cursed in some foreign language before dragging the plastic chair beside my bed. He held the ice pack and pressed it gently to my hand.
"How many times will you hurt yourself?" He hissed.
"It was unexpected," I said to my defense.
Hindi ko naman kayang makontrol ang mangyayari. Kung masasaktan ba ako o hindi.
"It only means one thing," he snapped back.
"What?" I asked.
"That you are not safe when you are away from me," he pressed the ice pack gently to my skin.
"Wilder, this is just a simple bruise-" he cut me off.
"Simple or not. Small or big. Wound or bruise. You still get yourself hurt." He said.
"Accidents happens sometimes!" I hissed.
"But not all the time!" He hissed back.
Are we arguing right now? Like a normal thing in the relationship? Wait? What are we?
"You got hurt for the second time around on our stay here. What more outside this resort? Or in the office? Or worst is when I can't see you!"
"What is your point really?" Things are getting into my nerves right now.
"I need you to be careful!" He hisses again.
"I am!" Maingat naman ako!
"I know how much you care for yourself. In any aspects! But I need you to do me a favor." He said.
"Ano na naman iyon?" Ang dami naman nitong hinihingi.
"Don't get hurt. I will be at peace if I know that you are safe." Tinanggal niya ang ice pack na nakapatong sa aking kamay at pinalitan niya iyon ng mababaw na halik sa aking palad at palapulsuhan. Kung saan ang parteng mapula.
"Now that I am here, I will make sure to always make you safe. That is a promise." He said.
Narinig ko ang nagkikiligang bungisngis ng mga nurse sa likod ng aming kurtina. Mas alam pa nila kung ano ang mararamdaman kaysa sa akin na para bang nararanasan nila kung ano ang nangyayari sa likod ng kurtinang ito.
Wilder really cared for me. Even in smallest things, he really made sure to protect me from sudden invitations in dangers. Kahit sa simpleng sugat ay apekatado ito at halos sigawan na ako para lamang pangaralan ako.
"You did great at that court, by the way." He said breaking the silence between us.
"I did great on interrupting the game?" Tanong ko.
"No. You did great on protecting your members." Anito.
That was my purpose on hitting the ball back at the court. I just want to protect them on receiving such a heavy ball throw.
"You can continue on protecting them. And I will make sure to protect you in return." He kissed my palm again.