Kabanata VI

4613 Words
Waking the Pain Back While we were inside the car we played some music just to ease the atmosphere. Walang nagsasalita sa aming dalawa, iniisip ko ang mga pwedeng mangyari sa gabing ito habang siya naman ay nakapokus sa madilim na kalsada ang mga mata. We arrived at the school exactly seven in the evening.  "Wait here," he said. Inalis niya ang kanyang seatbelt bago buksan ang pintuan at lumabas. Nandito na nga kami sa open parking sa Rizal Park ng school. Narinig ko ang ingay na nanggagaling sa gymnasium nang buksan niya ang pintuan sa tabi ko. "Tara na?" Pag-aya niya sa akin. Hindi ako kumibo, imbis ay nakatulala lamang ako sa harapan ko. Nandito na nga kami at nakikita ko na ang paunti-unting pagdating ng mga estudyanteng nakapormal ang ayos para sa gabing ito. "I don't think I'm ready," I whispered. Nakita ko ang ayos ng mga kababaihan habang sila ay naglalakad. Those dresses that perfectly fits their body showing their curves and enhancing the color of their skin. Para silang ibang tao sa gabing ito. "This is my first time also. You don't have to worry for what will happen tonight because we both didn't know. You should be excited, not frightened." He said while doing my seatbelt. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Hindi ko na siya pinigilan dahil hindi ko alam kung ano ba iisipin ko ngayon. Naglahad siya ng kamay sa akin, hinihintay ang pagtanggap ko dito. Napagdesisyunan ko na sundin na lamang siya. Wala naman masama kung magsaya ako sa gabing ito at hindi naman ito mauulit ulit. Tinanggal ko ang coat niya na nakabalot sa mga balikat ko para ibalik iyon sa kanya. "Don't!" pigil niya. "It is part of your outfit," sabi ko. "I know. I know that. Pero sinabi ko naman na isuot mo muna pansamantala." Nakikita ko ang pagpipigil niya sa bagay na hindi ko malaman. Kinakagat niya ang kanyang ibabang labi kapag ito ay nagagalit o nagpipigil. "Okay, okay." Pagsuko ko. Nagtungo na kami papunta sa gymnasium. Ang dating open area na ito ay napapalibutan na ng mga baracks upang mabihisan ng maayos. Tumutunog ang mababagal na melodiya ng iba't ibang klase ng musika. "Bakit wala pang mga estudyante ang nasa gym?" Tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay tanging mga organizers pa lamang ang laman niyon. "Nasa kani-kanilang rooms pa sila. Tatawagin nila tayo kapag magsisimula na ang programa." Sagot niya. I look stupid, I swear! Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Wilder sa takot na baka matapilok ako o madapa. Hindi ako sanay na magsuot ng matataas na sapatos. Sumasakit na ang aking mga daliri dahil naiipit ang mga ito. Isa pa ay kinakabahan pa rin ako dahil kahit anong minuto ay magsisimula na ang programa. "Dito ka muna. Mamaya ay susunduin kita para sabay tayong magpunta sa gym." Hinatid niya ako sa aming classroom. "Sige. Puntahan ko lang din sina Monica." Sabi ko na ambang huhubadin na naman ang kanyang coat. "Mamaya mo na hubarin iyan kapag magsasayaw na tayo," may diin niyang sabi. "Wilder, panigurado ako na magpapapicture muna bago ang sayaw. At kung mananatili ito sa akin baka makalimutan mo." Ano ba kasing mayroon at ayaw niya itong ipahubad sa akin? "Better," sabi nito na may ngiti pa sa labi. Pinaliitan ko siya ng mga mata dahil hindi ko talaga maintindihan ang kinikilos niya ngayon. I know that he's just being protective of me but I am not the only one here who have slit of their dress on right leg, half-open back and exposed shoulders because of the thin straps. I tried to look around but I am just the only one with his coat hugging my upper body. My long hair is loose and I can just use that to cover my shoulder and back. "Nandito naman ako. Kukuhanin ko kung kailan ko gusto." Hindi pa siya nakuntento na suot ko ang coat at inayos pa niya ang butones nito. "Wilder, hubarin mo ito sa akin." Utos ko. "No," pilit niya. "Ngayon na," sabi ko. "Fine," sa huli ay pumayag din ngunit labag pa sa kanyang kalooban. "Bethany! Halina muna kayo! Mamaya na iyang sweet talks niyo!" Narinig ko ang sigaw ni Isabella na nasa baba lamang. Kumpleto na sila doon at tipong nakapostura na para sa litrato. Kami na nga lang ang kulang at magkakapares pa ang posisyon nila. We all look fascinating tonight. With these formal attires, I feel like we're in some kind of historical movie scene where we are invited for People's Ball I get to watch often. We wear different color of satin textured dress and different designs as well. Mine's maple brown, Monica's silver crepe, Isabella's ruby red , Evelyn's emerald green while Chloe's royal blue. And I just realized that the color of our dresses also matches our partner's necktie. "On count of three, say cheese!" Napakiusapan nila si Sandy na kuhanan kami ng litrato kaya siya ang nasa harap namin ngayon na hindi maitago ang ngiti. Ano na ang nangyayari sa kanya? "Three!" She counted. "Cheese!" We said simultaneously. Nang matapos ay binigay na ni Sandy kay Isabella ang kanyang cellphone. Tiningnan namin ang litrato at hindi ko napigilan ang mamangha sa ganda ng pagkakakuha dito. Kahit mababa ang silbi ng mga ilaw dahil gabi, nangibabaw pa rin kami sa kabila niyon. "Guys! We all look affluent here!" Isabella said before laughing. And she was right. I couldn't disagree becasue she was right. As i looked at our picture, as if we were the sons and daughters of elite families. "You look beautiful," Wilder said behind me that makes my heart jump a little. "I'll give you all a tag, then." She said and press the i********: icon. Guess she will post it now. Ilang litrato pa ang kinuhanan kasama ang aming mga kaklase bago kami magtungo sa gym upang magsimula na ang programa. Ngayon ay nakapila na kami para sa pagpasok at hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Humihilab ang aking tiyan at pinagpapawisan ako ng malamig. "Your hands are cold," puna ni Wilder. "Pwede bang bumalik muna ako sa room?" Palusot ko na alam ko namang hindi niya paniniwalaan. "Calm down, I am here." Pinisil niya ang kamay ko habang umuusad kami sa pila. "Hoy! Mamaya na iyan. Magpapicture muna kayo!" Mapait na saad ni Evelyn na inikutan pa ako ng mga mata. Aba. Bakit ba lahat ng tao ngayon ay pinapakitaan ako ng attitude? Umusad pa lalo ang pila at dalawang pares na lang at kami na ang susunod. Hindi ko malaman kung bakit hindi magtigil ang lingon sa paligid ni Wilder. Ang mga mata ay galit na parang mananampal ano mang oras. "Next!" Sigaw naman ng organizer dito sa backstage. Kabado pa rin ako habang papalapit kami sa stage. Ang nandoon ay ang camara man, ang aming adviser at ibang mga estudyante na nauna sa amin. "Smile please," bulong sa akin ni Wilder nang itutok na nila ang camera sa amin. I managed to let out my sweetest smile despite of my foreboding. Dalawang beses ang flash ng camera bago kami umalis sa aking kinatatayuan. Nang makalampas kami doon ng mga limang dipa ay doon na ako nagsimulang magreklamo. "Ang sakit na ng mga paa ko," reklamo ko. Umupo muna ako sa upuang nakalaan para sa akin at tinuwid ang aking mga paa. "Hubarin mo muna. Mamaya mo na ulit suotin kapag sasayaw na." Sabi niya at siya na rin ang nagtanggal ng hook ng aking sapatos. These are all new to me. I am not used in these new gestures that Wilder is giving me. I don't know why my heart flatters every time he's being like this. Only caring for me. Kahit ilang beses ko siyang tingnan, pag-aralan, hindi ko pa rin makuha ang sagot na gusto ko. Pero ano nga ba ang sagot na gusto kong malaman? Ano nga ba ang sagot na makakapagpatahimik sa maingay kong isipan? Halos isang oras ang lumipas para makapasok ang lahat dito sa gym. Lahat ay nakuhanan na ng litrato at nasa knai-kanila nang mga upuan. Bumalik muna si Wilder sa kanilang section at ang mga katabi ko sa ngayon ay sina Isabella. Kahapon ay nagbunutan ang lahat ng aming adviser sa pagkakasunod ng mga sasayaw para sa programang ito. Ngayon ay natapos na ang mga pagpapakilala at ang mga talumpati, gayun din ang sa aming Principal. Sunod na ang ga hinandang sayaw ng bawat section ay sa kamalas-malasan ay pumapangalawa kami sa sasayaw. Ang unang sasayaw ay nakapwesto na sa gitna at hinihintay na tumugtog ang kanilang musika. Hindi ko namalayan na nakapokus na ako sa panonood sa mga ito at ngayon ay sinasabayan ng mata ang kanilang mga galaw. Limang minuto lamang ang binigay na oras sa bawat section para magsayaw at nasa kalahati na ang nagagamit nila. "I'll help you with these," Wilder's husky voice lingers on my ear. Natigilan ako nang haplusin niya ang aking likod para bumulong bago lumuhod sa aking harapan. Inabot niya ang aking paa bago muling isuot sa akin ang aking sapatos. "O-okay," huli na nang masabi ko ito. Bago matapos ang unang nagsasayaw, pumwesto na kami malapit sa entrance. Kung ano ang pina-practice namin noon, nagyon namin iyon gagawin. Magkakapares kaming pumwesto para sa entrahada namin bago magsimula ang aming musika. Sana lamang ay hindi ako magkamali. "And now, for the next performer. May we call on Section C!" Our MC announced our group. Tahimik ang aming entrahada at mabilis na pumwesto sa gitna. Magkahiwalay muna kaming mga babae sa mga lalaki ngunit magkaharap kami sa isa't-isa. Nakapostura kaming lahat at naghihintay na tumunog ang aming hinandang musika. The melody of the song started to play and that's our queue to find our partners. There's a calm surrender, To the rush of day, When the heat of a rolling wave, Can be turned away, An enchanted moment, And it sees me through, It's enough for this restless warrior, Just to be with you. Ang aming galaw ay sumusunod sa agos ng musika. Nangunguna ang mga lalaki at marahan kaming dinadala sa bawat kilos na aming mga katawan. And can you feel the love tonight? The palm of our hand trailed until we reach the above looking at our hands only. It is where we are, It's enough for this wide-eyed wanderer, That we've got this far. And can you feel the love tonight? (Tonight) How it's laid to rest? Wilder made me twirl slowly without leaving each other's eyesights. And slowly hugged my body to make me bend a little. It's enough to make kings and vagabonds, Believe the very best. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang takot na magkamali. Ramdam ko ang mabigat niyang nararamdaman habang konektado ang mga mata niya sa akin. Ito ang unang pagkakataon na naranasan ko ito kasama ang isang lalaki. Am I falling for him? Or am I being ridiculous in something that we both know that will never happen? He's not going to fall for him. Alam ko, parang may mali. I can sense that this is not right. I let out a swift sigh when we pose at the end. He was behind me when his arm was on my waist while the other was away, holding my hand. Our face were separate alternately looking against each other. His hands felt warm and I can't help but to feel safe while his holding me. Narinig ko ang palakas na palakpak ng mga tao nang matapos namin ang sayaw. Ako ang unang bumitaw bago muling pumostura para gawin ang aming paglabas sa gitna. Hinatid niya akong muli sa aming upuan at hinintay na maging komportable ako bago siya magsalita. "Do you want me to remove your heels again?" He asked. "No. It's getting comfortable on my feet. Thank you." Sabi ko. "Text me if you need anything," huli niyang sinabi bago siya umalis at bumalik sa kanilang section. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko ang malalawak na ngiti ng kanyang mga kaklase. They are mouthing words but I can't clearly understand what does it mean. "We did a great job, guys! That's so nice!" Anunsyo ni Sandy bago magsimula ang sumunod na grupo. I am distracted the whole time because I kept on thinking about Wilder. Hindi ko na rin minsan maintindihan ang mga sinasabi ng aking mga kaibigan dahil masyado siyang malikot sa aking isipan. I kept thinking his stares, smiles and touch. It keeps rolling inside my head like a boomerang. Kahit ang mga pangyayari sa aking paligid ay tila wala nang halaga dahil sa mga pinagagawa niya sa akin. Tapos na kaming kumain at ngayon naman ay ang freedom dance na hinihintay ni Isabella. Makakasayaw na raw niya sa wakas si Oliver nang walang pumipigil sa kanila, iyon ang saad niya tungkol sa freedom dance na iyon. Slow melody are playing and some students bravely asking some girls to have a dance with them. I can't help but smile because they look cute. May iba na nahihiya pa habang ang iba naman ay kinikilig. They were pre occupied by each other, talking and smiling to each other. If this is a movie, I would cringe. "Will you have this dance with me?" In shocked, I looked at him with wide eyes. "Sure," sagot ko. Sabi kasi ng aming P.E. teacher, bawal ang tumanggi. We squeezed ourselves in the sea of people dancing together. When we find the right spot, he raised my hands, placing it to his broad shoulders gently. He dominantly swayed synchronizing my movements. My heart keeps on throbbing when he placed his hands around my waist. I feel like he's hugging me that's why the tiny distance between us were gone. He's just staring at me without any emotions. "It is better if you are not angry at me," he said while smirking. "It is better when you are not teasing me," I responded. Afterwards we were both smiling. I keep on reminiscing the scenes when he's in mood teasing me. All of that were flashed through my mind that I didn't even bother laughing. Sa kabila ng pang-iinis niya sa akin, napagtanto ko na siya lamang ang kayang gumawa niyon sa akin. Siya lamang ang gusto kong magpagalit sa akin. Siya lamang ang gusto kong gumanti sa tuwing binabara ko ang mga sinasabi niya. It is official. I am falling from him. Deep and hard. The night was well spent and I cannot move on from that. I will not lie if I say that I had so much fun. Although that was my first time, and I couldn't ask for more! Damn! My toes are aching. Sabado at Linggo, nanatili lamang ako sa bahay. Para akong pilay kung maglakad kaya minsan ay dinadalhan ako ng mga pagkain sa kwarto ng mga kasambahay ni Monica. Nakakahiya man pero mas nahihiya akong tanggihan sila dahil utos iyon ni Monica mismo. Siya pa mismo ang nagmasahe ng aking mga paa. Sanay kasi siya na magsuot ng matatas na sapatos noon pa man na nandoon siya sa Italy. "How's you feet?" She asked me one time when we were at the dining table. "It was getting better. Salamat." Sagot ko. Lunes na naman at pasukan na naman. Kasabay ko sa pagpasok si Monica at ngayon ay nasa classroom na kami. Kwentuhan ang aking naabutan nang pumasok ako sa loob. Maging sila ay hindi pa rin makalimot sa naganap na programa. Marami ang nangyari at lahat nang iyon ay hindi malilimutan. Nagkaroon ng pagkakataon ang iba na makasayaw at makipagkilala sa kanilang mga natitipuhan. Nagkaroon ng pagkakataon ang iba na ayusin ang alitan sa pagitan ng lahat sa pamamagitan ng sayaw. Maging ang mga guro ay nakisaya rin sa amin. At ang hindi ko makakalimutan, ang makasama ko si Wilder sa gabing iyon. Hindi ko makakalimutan na sa gabing iyon ko napagtanto ang nararamdaman ko sa kanya. At handa kong aminin iyon sa kanya kung bibigyan ako ng pagkakataon. Naniniwala ako na hindi ko dapat ipagpaliban ang isang bagay kung alam ko na may dapat akong aminin. Ayokong habang buhay na lang na magtago sa kanya kapag pinapatibok niya ng todo ang puso ko. Ayoko na sayangin ang pagkakataon ngayon pa na patapos na ang school year na ito. Hindi namin alam kung makikita pa ba namin ang isa't-isa pagkatapos nito. Lunch break ngayon at hindi ako sumabay sila sa pagkain. I texted Wilder to meet me at the park because I have something to tell him. I am ready to tell him how I feel. I saw him seating at the round benches but he's not alone. He's with his classmates that I can't remember who they were. They were talking about something but all I can hear are murmurs from my distance. So I decided to walk towards them right behind Wilder to kill my curiosity. Napatigil ako nang nakita ko siyang naglabas ng pera sa kanyang bulsa. Ibinahagi niya ito sa mga kasama niya na tig-isang daang piso pa. "Sabi ko naman sayo, mapapapayag mo siya," bumulong pa ang isa niyang kaklase na klaro ko namang narinig. "This is wrong. Ayoko na malaman niya ito." He is guilty about something. "Hindi naman malalaman ni Bethany ito. This is just between the five of us." Sabi naman ng isa niyang kaklase. Nang narinig ko na ang pangalan ko ay naalarma na ako. Ako ang kanina pa nilang pinaguusapan at tungkol iyon sa pagpayag ko sa kanya sa naganap na prom? "Pre' naman. Chill! Ang mahalaga talo ka!" Umalingawngaw ang kanilang tawanan sa aking tainga. Hindi nakisabay si Wilder. "Tama na! Tigilan niyo na ako. Umalis na kayo." Utos naman niya sa mga ito. Bakit? Kasi darating ako? Tapos kikilos ka na parang wala kang ginawa at wala akong narinig? Are you going to play safe? Kasi wala kang balak na sabihin sa akin. "Umalis na kayo! Darating si Bethany. May paguusapan kami." Sabi niya sa mga ito. Napuno nang kantiyaw ang kanilang grupo at masaya pa ang mga ito nang malaman na parating ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Mananatili ba akong tahimik dito at balewalain na lang ang mga nalaman ko? Na ano? Na pinagpustahan lang ako sa halagang isang daang piso? Sa kondisyon na mapapayag niya ako? "Huwag na kayong umalis," pagbasag ko sa kanilang hiyawan. Naputol ang kanilang kasiyahan nang magsalita ako. Gulat silang napatingin sa akin na nandito lang ako sa kanilang likuran. "Bethany," Wilder said. "Sige Wil, hintayin ka na lang namin sa room." Pagpapaalam ng apat sa kanya. Wala silang sinayang na segundo at mabilisang umalis upang maiwan kami ni Wilder dito. Malawak ang buong park at kung sumigaw man ako dito ay may makakarinig pa rin kaya pinilit kong kalmahin ang akong sarili. "I thought you were real," umiinit ang aking mga mata na nagbabadya ang mga luhang pumatak. "Bethany, let me explain." Para saan pa ang paliwanag mo? Dapat ko pa bang pakinggan? "I knew this. I knew you were up to something. Kaya ka biglang nagbago kasi may kailangan ka." Pinaniwalaan ko na sana ang sarili ko noong una pa lang. "And those words you said? I shouldn't believed any of that!" Gritting my teeth just to stop myself from bursting. "Hear me out, please?" He's trying to reach me but I shifted. "I should have not believed those lips that lie," a parting words that left him hanging.  Is that all that I am worth for? A hundred pesos. I live my eighteen years of existence with a worth of a hundred pesos. At ang pinakamasakit, prinesyuhan niya ako sa ganoong kaliit na halaga. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin hanggang ngayon. Nang dahil sa kanya naging mapili ako sa lahat ng bagay maging sa tao. Nang dahil sa kanya, I work my ass of just to make my worth high. Sabi nga ni Jomar, sa taas din ng standards ko, mahirap na akong abutin. "I'll pretend that I didn't hear that," kinuha ko ang aking bag at handa nang umalis. "You're leaving? Are we done?" He asked. "I'll just come back tomorrow. Think your decision." Sabi ko bago tuluyang umalis sa kanyang flat. In a sudden he wants be better because of me? Because I am his inspiration? He wants to give me a better life? What made him think that I will believe that? I am done with his silly tricks a long time ago and I won't fall for it again. "How's my son, Bethany? Is he ready?" The Chairman asked me when he summoned me in his office. "He's doing great, sir. He will be ready in time." I smiled. He is really worried about his son. He did all that he can just to make Wilder ready for his future. I suddenly miss my father. I grew up without him. And I don't know the feeling of having a father. "I have finally decided," Wilder's voice made me come back to my senses. "What?" I asked. "I will take your advice. I will start as a Sales agent." He said. "What for?" Did you still have the same reason? "For myself. For the company." He sighed. He was sad saying those. He will start tomorrow under my guidance. He still need a proper training to the field so that I will not let him handle a phone just yet. Gabi na nang umuwi ako sa bahay. Ginugol ko ang oras ko para sa mga natitirang details na kailangan malaman ni Wilder about the company and its product. Mama was always worried if I came to the house late. That's why I always bring her something that will divert her attention. Food, new things, cleaning tools that I know she will never use and groceries. "Palagi ka na lamang gabi umuuwi, anak. Magdamag ba ang trabaho mo?" Bungad sa akin ni Mama nang makapasok ako. "May tinapos lang po," Pagod akong dumiretso sa kwarto. "Sige na at maglinis ka na ng katawan mo. Ipaghahanda kita ng hapunan mo." Sabi ni Mama sa likod ng pintuan ng aking kwarto. The last time I saw him was after the graduation in Senior High School. Hindi ako lumapit sa kanya. Hindi ko siya kinausap. Kahit ang tumingin sa kanya nang malapitan ay hindi ko ginawa. I just stayed there. Malayo sa kanya. Dahil alam ko na kapag lumapit ako, baka bumigay ako kalimutan na lamang ang ginawa niya sa akin. And now that we met again, lahat nang iyon ay bumalik. My grudges, my feelings and those memories. "Is he coming tomorrow, for real?" Jomar asked on the other line. "Yes, he is. Under my supervision." Tinawagan niya ako as soon as he read my message to him. "In your office? Just the two of you?" "No, of course. I want him to seat right next to you." "Akala ko ba 'under your supervision'?" "I will not be always on his side because I have my own work to do." "So I will be your substitute when you are not there?" "Exactly," hiding my amusement. I have a hard time sleeping last night. Iniisip ko kung paano ko ba sisimulan ang aking plano kay Wilder. Tama ba iyon? Sapat ba iyon? I arrived in the office this morning but the office seems loud. Whispers and dialogues filled the whole room. "What's all these?" The room were silent for a moment. "Good morning, Ms. Bet." Bati sa akin ni Jomar na ngayon ay katabi na si WIlder. "Good morning. Back to work please." I announced. Agad naman silang sumunod at tahimik na bumalik sa kanilang mga stations. "Sadya ba siyang ganyan?" Narinig kong tanong ni Wilder kay Jomar. "Oo, ever since na magsimula ako dito. Masungit na talaga iyan." Sagot naman ni Jomar. "Naririnig ko kayo," pagbasag ko sa kanilang paguusap. "Sinasadya po namin," si Jomar lang ang may lakas ng loob na gawin iyan sa akin dito sa loob ng office. Dumiretso ako sa aking office upang ibaba ang aking bag. I made few calls to give Wilder what's his lacking in his table. Napansin ko na wala palang computer na nakalagay doon dahil matagal na iyong bakante simula nang mapalipat ako sa office na ito. Well, I guess he need to use my computer this time. Nilapitan ko siya sa pwesto ni Jomar nang nakita ko na nagsisimula na ito sa pagtuturo sa kanya. "I will take Wilder for now. Gagamitin muna niya computer ko." Sabi ko kay Jomar. "Go on," Saad naman nito. Kilala ko ito bilang madaldal at minsan ay hindi ko mapigilan ang kanyang bibig. Siya lamang ang sinabihan ko tungkol kay Wilder at hiling ko lang na sana ay itago niya iyon sa kanyang sarili lamang. Pinisil ko ang braso nito at nakipagtitigan sa kanya. Alam niya ang tinutukoy ko kapag ganito ko siya hawakan. "Don't worry. Our secret is safe." Bulong niya at nag-akto pa siya na sini-zipper ang kanyang bibig. "Good. Let's go, Wilder." Sabi ko at nilagpasan sila pareho. "Yes ma'am," masigla nitong tugon. Nang malapit na kami sa pinto ay inunahan niya akong maglakad para pagbuksan ako ng pinto. "After you, madam." He said while holding the door. "I am not a madam," hindi pa ako kasal para sabihin ko sayo. "Ms. Bet," he corrected. Pinipilit kong itago ang aking mga ngiti. Because of his sudden gestures, I felt like a teen again. "Ang sweet niya, grabe." "A gentlemen," "Sana ipagbukas niya din ako ng pinto kapag nakasabay ko siya," Narinig ko ang ilan sa mga sinabi ng mga staff sa ginawa ni Wilder. Kahit dito ay dinala niya iyon. What a charmer! Tinanggap ko ang pagbukas niya sa akin ng pinto kaya nauna na akong pumasok. I cleared my table decluttering the things we didn't need for him to focus. Even my name plate that could be a size of a brick was removed. "For the mean time, computer ko muna ang gagamitin mo. Matatagalan pa ang office boys sa pagakyat ng computer dahil kukuhanin pa nila yun sa warehouse." Iminuwestra ko sa kanya ang aking swivel chair. "Saan ka uupo?" Tanong niya sa akin. Right. Saan nga ba ako uupo kung ipapagamit ko ang upuan ko sa kanya? I roam around my office finding something to seat on. Ah! A lamp table. That will do. "Are you serious? It could break. It could hurt you." Sabi niya nang nakita niyang tinanggal ko ang maliit na lamp sa gilid at kinuha ang maliit na lamesa. "This is wood. Seat your ass down." Pagtukoy ko sa kanya na umupo na sa aking upuan. Sa huli ay pumayag na siya. My chair felt small when a big man was sitting on it like him. I am not worried because the chair is durable and sturdy. Nagsimula akong iturong muli sa kanya ang mga produkto na binebenta namin. The basic things and informations he need to know about it. And the procedure on how clients will get it. Sinubukan ko kung may natatandaan ba siya sa mga pinagsasabi ko kaya naman sa bawat hinto namin ay binibigyan ko siya ng tanong. "What is the difference between visit visa and tourist visa?" Tanong ko sa kanya noong huminto kami. "Pareho lang naman sila. Tourist visa ay para sa mga turista at ang visit visa ay para naman sa mga may kamag-anak sa UAE." He even said that without blinking an eye. Is he serous? "No! Hindi iyon ang ibig sabihin niyon." Lumapit ako sa kanya. "Search the meaning of it," Utos ko sa kanya na agad naman sumunod. "Tourist visa can only be used for tourism and leisure purpose while a visit visa can be used for business agendas, seminars or any other purpose." Reading out loud what he have searched. "Okay. What is your understanding about it?" Muli kong tanong sa kanya. "Ah," iyon lamang ang sinagot niya sa akin. Mas lumapit pa ako sa kanya para abutin yung mouse at i-highlight ang kanyang binasa kanina. "Heto na. Nandito na rin. Binasa mo lang talaga." Hindi ko alam kung may natatandaan rin ba siya sa mga pinag-aralan namin noong mga nakarang araw. "Tourist visa, for tour and leisure purposes. Visit visa, for business agendas and seminars." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Inabot ko ang keyboard at tinipa ang ibig sabihin ng mga iyon sa master sheet na ginawa ko sa kanya. "I want you to know the difference between them. Although in UAE it is not much a big deal but I still want to teach you the their true meaning and purpose." Sabi ko habang tumitipa sa keyboard. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Sabi ko pagkaharap sa kanya. Ngunit mali ang desisyon ko na humarap sa kanya nang hindi ko alam kung nasaan ba siya. Sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa na hindi ko pinapansin kanina ay naghudyat na maglapit ang aming mga labi. Ngunit imposible na bigla ang paglapit ng aming mga labi gayung nakaanggulo naman ang aking ulo. This is not coincidence. He made it happen. He kissed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD