Feelings Exposed
I can't believe my situation right now.
I am torn between the man in front of me and the letters that have been sent that keeps circling inside my mind.
Is he really the man I have texted last night?
"It is you?" Gulat na gulat pa din ako.
"Yes," mabilis niyang sagot.
Tiningnan ko ang aking cellphone na patuloy pa rin ang pag-vibrate sa aking nanghihinang palad. I rejected the call because there is no reason for me to answer it. I knew his voice. I knew who he is.
I have known his number! Kaya hindi ko naisip na siya itong lalaki na masugit na nagpapadala sa akin ng mga sulat araw-araw.
"You are the one with the initials of 'W'?" I know that I am being stupid right now.
"Didn't you get any hint?" Balik niyang tanong sa akin.
No! I didn't! I never thought that it was you! Kung alam ko lang, tatanggi ako hanggang sa mapagod ka!
Ang sarap sabihin ng mga iyon sa pagmumukha niya. I don't know why I am being like this. Am I disappointed? Am I angry?
I don't know what to say or how would I react. Alam ko na. No need for me to dig deeper!
Hinigpitan ko ang kapit sa aking bag at naghahanda na para sa aking paglalakad palabas ng pinto. Wala na akong ibang iniisip kundi ang takasan ang sitwasyon ko ngayon. Ilang hakbang pa lamang ang aking ginagawa ngunit humarang na siya sa aking harapan.
"Where are you going? I thought you wanted to know me?" Tanong niya.
Naguumapaw na ngayon ang galit ko. Kung kanina ay nalilito pa ako sa kung ano ba dapat ang maramdaman, ngayon hindi na.
"Seryoso ka ba? Kilala ko na kung sino ka! Ano pang rason para kilalanin ulit kita?" Sarkastiko kong tanong.
"Hindi ba pwede na kilalanin mo ulit ako? Magkunwari ka na ngayon mo lang ako nakita. Hindi ba pwede na ganoon na lang?" Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagiging malambot nito. Sa bawat bigkas ng kanyang mga salita ay kumukunot ang kanyang makakapal na kilay.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Wilder." Matigas kong sambit.
"Hindi rin ako nakikipaglokohan," sabi nito habang pinipilig ang ulo.
Ano ba ang nangyari sa kanya? Bakit siya ganito? Noon ay halos araw-arawin namin ang away, ngunit ngayon, hindi ko alam. Basta nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraang araw.
Habang litong-lito at pinagaaralan ang bagong ekspresyon na binibigay niya sa akin, hindi ko naiwasan ang makita kung gaano siya kaseryoso sa mga binibigkas niya ngayon. Ano bang gagawin ko? Ano ba dapat ang sabihin ko? Paano ba ako makakawala sa ganito?
Ang mga katawan namin ay isang metro ang layo. Kaunting hakbang lang niya ang makakain na niya ang presensya ko. Ngunit kahit may pagitan sa aming dalawa, nararamdaman ko ang mabilis na paghinga nito. Kung gaano kabilis ang pintig ng aking dibdib, mas lalo iyong dumodoble sa tuwing titingnan ko nag kanyang malalalin na mata.
"I already gave you my answer. I can't take it back, right? Wala rin naman akong choice." Humakbang ako sa kaliwa upang makaiwas sa kanya ngunit sinundan niya ang galaw ko.
"Do you really hate me that much?" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng tono ng kanyang boses pero hindi ako natinag.
I never hated you. To tell you honestly, I like you. Masaya ako tuwing kasama ka kahit na palagi mo akong iniinis. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko kung wala ka sa paningin ko o kaya may kausap ka na ibang babae. Call me childish pero iyon ang nararamdaman ko.
"Hoy! Aba! Tapos na ang klase at nariyan pa rin kayo? Hala! Uwi!" Sigaw sa amin ni Manong Guard sa labas lamang ng building na ito. Siguro ay nagiikot-ikot ito.
Nakahanap ako ng pagkakataon para takasan ang sitwasyon. Mabilis akong naglakad at sinisugarado kong hindi niya ako masundan. I can sense his presence right behind me. Copying the pace of my walk just to keep up with me. Wala na akong nagawa kaya tumakbo na ako at naghanap ng matataguan.
I can't face him right now.
Nakita ko sya na hingal na palinga-linga ang mga mata upang hanapin ako. Limang segundo siyang namahinga bago muling tumakbo para ako ay hanapin.
Parang hindi ko kaya na pumasok bukas na siya ang makikita ko. Ayokong pumasok dahil ayokong balikan ang mga nangyari ngayon. Ayaw ko na magtama muna ang aming mga mata dahil kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, baka mahulog ako ng tuluyan. Ayokong mahulog kung alam ko na hindi sigurado ang bawat araw na lilipas.
Nagtagal pa ako doon ng halos limang minuto. Dumaan na din si Manong Guard kaya lumabas na ako sa Recycled Room. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang naramdaman ang tahimik na kapaligiran. At nagdadalawang isip pa rin ako kung papasok ba ako.
"Kamusta na? Nagkita na kayo? What's he look like? Gentlemen?" Bungad sa akin ni Isabella pagpasok ko ng classroom.
Hindi ko na napigilan ang paikutin ang aking mga mata. Umiiwas nga ako tapos may magpapaalaala naman pala. Minsan talaga gusto ko na lang pasakan ng tape ang bibig ni Isabella.
"He's fine," tangi kong sagot.
"And?" She said with excitement.
"And? That's all." Wala kong gana binagsak sa aking arm rest ang aking bag.
"Gwapo ba? Matangkad? What is he doing here in school? Anong club siya kasali?" Sunod-sunod niyang tanong.
"He is fine," pagdiin ko.
Isabella just rolled her eyes on me. Hindi siya kuntento sa mga sagot ko sa kanya. She want me tell her everything completely. But I don't want to! I am not really fond of telling stories and happenings in my life. Well, if you are special and a person whom I can trust, then I'll tell you.
It is not because I didn't trust her or any of my friends, it is just that I am not yet comfortable to tell them.
"And then she was like this," Isabella copied my annoyed face when she asked me about what happened yesterday.
"Again?" Evelyn said followed by laugh.
"Yeah! She didn't want to talk about it kasi kinikilig pa din siya!" Pang-aasar sa akin ni Isabella.
"Okay, that's enough!" Pagpigil ko.
Hindi sila nakinig sa akin. Patuloy lamang sila sa paglalaro sa aking mga ekspresyon. Nabibingi na ako sa kanila kasi napupuno lamang ng tawanan nila ang aming lamesa. Natural na maingay ngayon sa buong canteen dahil recess. Ngunit mas nangingibabaw ang ingay na nanggagagling sa aming lamesa, to think na nasa dulo kami ng silid na ito.
"Can we just eat?" Panumbat ko sa tawanan ng mga ito. Hindi pa kami kumpleto ang grupo dahil hindi kami sabay-sabay na pinalabas ng aming mga guro.
"We only have thirty minutes to fill our stomachs. So eat." Utos ko. I know I am being bossy but they are being naughty!
"Hindi pa sumasapit ang tanghali nagsusungit ka na naman," boses ni Chloe ang narinig ko kaya napalingon ako.
Hindi na bago sa akin na magkasama sila ni Marco. I can sense the aura around them. They are in love! Ngunit nang makita ko si Wilder na may kumpiyansa pa sa paglalakad, nakangiti habang naghahanap ang mga mata sa buong silid. Lumakas ang pintig ng aking puso na parang hindi na ako makahinga. I can't face him right now and I must leave this instance!
Hindi na ako maghihintay na matapos ang break na ito. I didn't even think when I stood up carrying my bottled water without the lid on. Water splashed through a man's chest that made me jump in shock.
"It's okay baby, I can just take it-" he is unbuttoning his polo in front of me, behind many students who's eyes are all of him.
"No!" Sigaw ko. Binawi ko ang kanyang mga kamay para matigil siya sa kanyang ginagawa.
"It's fine, really. May dala naman akong T-shirt." Sabi nito.
"Do you want me to get it, Wil? Para makapagpalit ka." Suhestiyon naman ni Oliver.
"Nah, I'm okay." Sagot nito pero sa akin pa rin ang kanyang mga tingin.
Ako ang unang bumitaw sa aming titigan. Hindi ko iyon kayang tagalan dahil lalong lumalakas at bumibilis ang pintig ng aking bibig. Hawak ko pa rin ang bote ng tubig ko na naging sanhi ng ganitong komosyon. Humigpit ang hawak ko dito at tinalukuran na silang lahat. Wala na akong ibang maisip na paraan para lamang matakasan ang presensya niya.
Bakit ba ako nagiging ganito?
Maayos pa kami noong mga nakaraang taon, pero bakit ngayon ay sobra na ang epekto niya sa akin?
Noon ay inis at galit ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya. Ngayon naman ay parang gusto ko siyang layuan dahil sa tuwing malapit ako sa kanya ay para akong nanghihina.
"Bet! Hindi pa tapos ang recess!" Narinig kong sigaw ng pinsan kong si Monica pero kahit isang lingon ay hindi ko sila ginawaran.
Padabog kong tinapon ang aking bote ng tubig saka binilisan ang aking lakad. Wala na akong pakialam kung sino ang mga nabubunggo ko dahil ang tanging nasa isip ko lamang ay ang makabalik na sa aming classroom. There are fifteen minutes left for our recess to be over. And I am three minutes away before reaching our classroom.
Why am I like this? Bakit ganito na ang epekto niya sa akin?
"Bethany, mamayang one o'clock ang start ng rehearsal natin." Lumapit sa akin ang isa sa king kaklase na nagchoreographed ng sayaw namin for prom.
"Agad-agad?" Gulat kong tanong.
"Oo, we only have five days left to polish the moves before we proceed to general practice." She said.
"General practice?" What for?
"All sections. We will start to rehearse everything we will do at the prom in general." She explained.
"Okay. You tell them." Labag pa sa aking loob ang aking pagsagot.
Nagpatuloy ang klase at hindi ako naging kasing aktibo. Nakikinig ako pero hindi ko alam kung natatandaan ko ba ang mga pinakinggan ko. Tanging laman lamang ng aking isip ay si Wilder. Ang mga mata niyang mapanuyo at nakakaakit. I still remember how he was very careful to me. His lips was so red and plump that I always wanted to touch and kiss. I wonder how would it feel to be touch by a man whom I like.
Hold up! Wait! Pinagnanasaan ko ba siya? Oh come on, not now Bethany!
"Get your partners and we will start the blockings of formation!" Paunang utos sa amin nang makahanap kami ng malawak na space para sa rehearsal.
Our building is located at the poolside of this school. Ngunit ngayon ay wala na ang swimming pool at natatapakan na namin ito ngayon. All over Batangas, this school have a highest number of students ranging from twelve to eighteen years old in general. The campus is for high school students only. The principal sacrificed the pool so that we can have classrooms to help us learn comfortably and effectively.
"Bethany, paano yung partner mo? Nasa kabilang section pa. I think they are still in class." Evelyn with a worried face. She is the one who only knew about it.
"It is fine. I can just teach him the steps." Wow! Tapang naman. Hindi mo nga maharap ng maayos.
"Great! Manghagilap ka muna diyan ng kaklase nating lalaki. We are lucky because we have the perfect ratio of students in each classrooms." Pagmamalaki nito.
Nagsimula muna kami sa pag-aaral ng kantang sasayawin ng grupo. Mabuti na lamang at may hinanda na ang aming kaklase. Ginugol niya ang oras ng lunch break para lamang pag-isipan ang angkop na kanta para sa event. Nagtulungan kami sa pagbuo ng mga steps at lahat naman ay nakikinig.
I am in mood to follow the steps because I like the music. It sounds so fascinating like living a life of a Disney leading character. Although it is a mixed songs, but Sandy managed to harmonized the songs making it as one.
"Nice! I love this move." Isabella countlessly mimicking the specific step she loved.
"Well, thank you." Sandy said. "Now! From the top!"
We willingly obeyed the command of our classmate. I think we all think to go home early that is why we are following her.
"Yung partner mo ba nasa kabilang section?" My temporary partner asked me while we held hands as part of the dance.
"Yes. May klase pa kasi sila." Sagot ko.
"Who? Saang section?" Tsismoso ba ito?
"Section A," tamad kong sagot.
The rehearsal have consumed four hours. Kalahati pa lamang ng buong kanta ang aming natatapos. It is a good thing because when we finished the whole song, we have plenty of time to polish before the general practice. The class is over as well as the practice so we are now preparing to go home.
"So I guess you will be the one to teach Wilder the steps," Monica said.
"I guess so," because I don't have a choice.
This past few days, sa aming lahat, ako ang huling umaalis ng room na ito. Noong nakaraang araw ay naiwan naming bukas ang mga ceiling fan ng magdamag. Para maiwasan na mangyari ulit yun, nagpapaiwan ako para magdouble check.
"Why are you still here?"
"Good gracious!"
Biglang nagsalita sa likod ko si Wilder dahilan para mapatalon ako habang hinihila ang switch ng electric fans. I didn't expect him to be this close and he have the guts to smile at me?
He's literally behind me and I can feel his hot breath under my ears!
"Ano ba? Nanggugulat ka naman eh!" Sabi ko nang makabawi.
"Sorry. I just happened to see you here. I was about to go home." He said looking like a child being scolded by his mother.
"Then, go!" Why stop here?
Nagpatuloy ang aking pagpatay sa mga electronic appliances na meron dito sa room na ito. Hinugot ko sa saksakan ang mga electric fans. Inayos ko ang mga libro sa aming mini bookshelves sa sulok. Isa pang pasada ng pagwawalis at uuwi na ako.
Sumasakit na ang aking braso sa kakapispis ng sahig na hindi mawalan ng gabok. Napatigil ako nang madaanan ko ng walis ang makintab na sapatos kaya napa-angat ako ng aking tingin. Suot na niya ulit ang unipormeng polo na siguro ay tuyo niya. Hindi ko nga alam kung nagpalit ba talaga siya.
"Bakit nandito ka pa?" Hindi ako naiinis nang dahil nandito siya. Mas naiinis ako kasi ang gwapo niya. Lalo akong nahuhulog.
"Hintayin kita. Ihahatid na kita." Ayan ka na naman.
"Wilder, please lang. Umuwi ka na. Hindi ako matatapos dito hangga't nandito ka." Nag-isip na ako ng dahilan na hindi ko alam kung papaniwalaan ba niya.
"It is dangerous to walk alone," he said while convincing me.
For the love of God, it is five in the afternoon! Mataas pa ang sikat ng araw at madaming tao sa labas. How will it be dangerous?
You are more dangerous, Wilder. Kahit wala kang gawin, nalulunod ako.
"Don't make me repeat my words," banta ko.
"Why do you always want me away from you?" He stepped forward eating the space between us while I stepped backwards. Synchronizing his movements.
"Anong ginagawa mo?" Nakakalito na ganito ang akto niya ngayon.
"Hindi mo ba nakikita ang mga ginagawa ko?" Nakita ko na naapakan niya ang winalis ko.
"Wilder, ang winalis ko." Itinuro ko pa sa kanya ang sahig.
"Ayaw mo ba talaga sa akin?" Kaunti na lang at dinding na ang masasandalan ko.
"Wilder!" Sigaw ko.
Doon lamang siya huminto. Nakatigin lamang ako sa kanyang dibdib habang pinag-aaralan ang espasyong natira sa aming pagitan. Pilit niyang inaabot ang aking siko ngunit umiiwas ako na makuryente sa hawak niya.
"I get it. I know why you are being like this!"
"Pupunta nga ako sa prom. I will be your partner. You can fetch me whenever time you want! You can dance with me. You can talk to me."
"Just let me be alone for a moment," litanya ko.
Umalis ako sa kanyang harap at kumuha ng dust pan. Tinapos ko na ang kanina ko pang winawalis. Handa na ako para umalis ng room at iwan siya dito nang magsalita ulit siya.
"Paano yung..." hindi niya tinuloy ang sinabi niya.
"What?" Papahulain mo pa ako?
"Yung sa rehearsal?" Tanong niya.
Hirap na hirap akong itago ang aking pagngiti. It is so lame for him to have that reason. He is so cute that I really wanted to pinch his cheeks.
"Yes, we can. Happy?" I said.
"Better," and now he's happy.
Goddamn it! He's so cute.
The head teacher made sure that no one is left behind taking up the finals. Mas mabuti na rin na wala ka nang ibang iisipin kundi ang rehearsal from prom.
After three days, nabuo na namin ang aming sayaw. So we have at least two days to polish the steps.
"Bethany, hindi ba talaga magagawan ng paraan para mahiram natin si Wilder? We need to polish the steps at wala pa siyang nasisimulan." Sabi ni Sandy. Is he a toy to borrow?
"I'll figure it out. I'll try." Sabi ko.
Nilabas ko ang aking cellphone at patagong tumitipa.
Ako:
Can you come here? We're having a practice.
Wilder:
Where you at?
Ang bilis naman magreply. Wala ba siyang ginagawa?
Ako:
In front.
Maybe they're having a practice also. Hindi na sana ako nagmessage sa kanya if he's busy.
"Where's Bethany?" Narinig ko ang boses niya sa malayo.
"Wilder? Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit mo siya hinahanap?"
Narinig ko ang mga tanong ng aking mga kaibigan. Siya naman ay sa akin lamang nakatingin. With his T-shirt on he's looking so handsome. Kahit maglakad lang siya, grabe yung epekto niya sa akin.
"Let's start?" Tanong niya sa akin nang makalapit.
The song starts playing. Naririnig ko na si Sandy na nagmamando para simulan na ulit ang practice. Ang mga kaibigan ko ay lito pa rin sa mga nangyayari kung bakit nandito si Wilder. While I stayed reaction-less.
"You have some explaining to do," Isabella whispered nang mapadaan siya sa gilid namin. Wala akong nagawa kundi ang mapangiti.
Nagsimula kasi na mag-recall ng mga steps para makasabay sa amin si Wilder. I am amaze that he easily picked up the pace and Sandy didn't have a difficult time to teach him. Hindi niya rin ako pinahirapan dahil nakakasabay na kami pagkatapos ng tatlong beses na pagkakamali niya.
Nakukuryente ako sa tuwing maghahawak ang aming mga kamay. Kahit na ang mga palad niya ay nasa aking likod ay para tumataas ang altapresyon ko. His touch was gentle and is holding me like a porcelain vase. He always apologize when his hold becomes tighter.
"Sorry," sabi na naman niya nang humigpit ang kapit niya habang umiikot ako.
"It's okay, Wilder." Natatawa na lang ako minsan.
Bukas ang general practice sa gymnasium ng campus. Mabuti na lamang at natapos na namin ang sayaw. Kaunting polish na lang ay mapapaganda na namin ito. In two days, hindi tumigil si Wilder hangga't hindi niya nakukuha ng buo ang mga steps. Hindi siya nagpapaistorbo sa kanyang mga kaklase kahit sinasabihan nila ito na pumasok muna sa room dahil sa mga announcements ng President nila.
"You are doing good, Wilder. Chill out." Nang dahil lang sa sayaw naiistress siya.
"Ayoko lang na mapahiya. Hindi ko alam kung paano ka hahawakan kasi ayoko na masaktan kita. Minsan naaapakan ko sapatos mo kasi mali yung mga paa ko, hindi makasunod." He's really pressured right now.
We are here at the benches because we got twenty minutes break. Binilhan niya ako ng tubig at ang paborito kong chocolate mamon. And looking at him, napakalayo ng kanyang tingin. He is taking it seriously.
"Sayaw lang ito. Okay lang na magkamali kasi hindi naman ito competition." Sabi ko.
"There is no room for mistake if it is you. Ayoko na magkamali sayo." He said sincerely while looking at me.
Bakit ba ganito ang puso ko? Kusa na lamang bumibilis ang pintig kahit hindi naman ako tumakbo. Kusa siyang bumibilis sa mga salita ni Wilder.
"Let's go. Twenty minutes is over." Iyon na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Words are really meant something. If it is said for a special person, then it means something. That's what I felt when Wilder said those words. Nararamdamn ko ang pagiingat niya sa akin. Hindi niya gusto na masaktan niya ako sa mga hawak niya.
He wanted to be perfect in front of me while he didn't know that he's effortlessly perfect in my eyes.
"Good morning teachers and students. Please proceed to the gymnasium for a short meeting now." The announcer said repeatedly from the speaker.
We all went to the gymnasium. May mga nakalagay nang mga upuan para sa mga teachers and students. Nandun na ang aming Principal sa taas ng stage at hinihintay kami na makumpleto bago niya simulan ang meeting.
"Ready na ba ang susuotin mo mamaya?" Tanong sa akin ni Isabella.
"Yes," sagot ko.
"Susunduin ka ba ni Wilder?" Tanong naman sa akin ni Monica.
"Yes," sagot ko habang umiikot ang mga mata.
They were all looking at me suspiciously. Na para bang may itinatago pa ako sa kanila.
The meeting has begun and we are all attentive in listening, Reminders, details of the event and timings ang napag-usapan. Mamaya na kasing gabi ang prom at nagsisimula ang mga inarkilang tao ng school para ayusan at bihisan ang venue.
Mamayang gabi, mararanasan na namin ang pinakahihintay ng ilan. Mamayang gabi, iyon na ang pagkakataon para makilala namin ang iba pang mga students na hindi namin nakikita sa buong taon.
Maaga kaming pinauwi para maghanda sa gaganaping event mamaya. It was my first time being in this event just like others. Ang dami kong iniisip, ang daming mga senryo ang pumapasok sa aking utak na nagiging dahilan para gumulo ang lahat.
Will I look good at that dress?
Will I be able to do well tonight?
What will be his reaction when he see me tonight?
Ilang oras na lang at prom na. Handa na si Monica at nakaupo na lamang siyang naghihintay sa sofa para sunduin siya ng driver niya. She looks flashing in that silky silver dress that enhanced the color of her skin. Hindi ko alam kung sino ang kapartner niya ngayong gabi kaya naman kailangan ko rin siya bantayan.
Tapos na ang makeup ko at ngayon ay tinutulungan ako ni Mama na isuot ang damit ko. It was quite heavy because of the type of linen. It is not flashy or detailed. It is just a simple maple colored silk dress.
"Anak, nandito na ang sundo mo!" Sigaw ni Mama mula sa baba.
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Nandito na siya. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng aking vanity mirror. Fifteen minutes before seven. Kinakabahan akong muling humarap sa salamin.
I look okay. I look just fine. So Bethany, enjoy the night.
Kabado akong bumababa sa hagdanan habang siya ay nakatingin lamang sa akin. Si Mama ay nakaabang na sa hamba ng hagdan habang si Wilder ay nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin. Umalis na siguro si Monica dahil hindi ko na siya nakikita.
"Ang ganda naman ng anak ko," malaki ang ngiti ni Mama habang inaabot ang aking kamay. This three inch heels are killing me!
"Ingat kayo! Have fun!" Huling sabi ni Mama bago ako pumasok sa sasakyan ni Wilder.
The air inside is cool. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang lamig na dumapo sa aking exposed skin. He's going to drive? He's only seventeen. Nang makapasok siya ay agad niyang binuhay ang makina.
"Are you cold? I'm sorry." Sabi niya at ambang pipindutin ang switch ng AC.
"No. I am fine." Mabilis lang naman. Baka kasi naiinitan siya sa suot niya. Ako na nga sinundo ako pa magrereklamo?
"Here," he removed his coat. "Wear this for the meantime," and helped me to wear it. Hindi ko pinasok ang aking mga braso sa manggas dahil mamaya naman ay huhubadin ko din ito. Siya na rin ang nagkabit ng aking seatbelt kaya abot ang tahip ng aking hininga sa tuwing magkalapit ang aming mukha.
Ang bango ng coat niya. He smells good. I know that he prepared himself for this. And I am gonna lie, he's gorgeous.
"Do you know how to drive?" I asked sarcastically.
"There are more things you didn't know about me," he said and then started to drive very carefully.