Kabanata XXIV

3851 Words

The Choice "Nabuksan ang pintuan ng pag-asa para kay Angela," "Mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataon, salamat sa Diyos!" Papuri at pasasalamat sa itaas ang aking mga naririnig nang dumating ako sa kwarto ni Angela. Ganoon pa rin ang sitwasyon nito, nakahimlay at hindi pa nagigising. Kakatapos lang magdasal ng mga madre at napatigil sa kanilang pag-uusap nang dumating ako. "Napakabait ng Panginoon para kay Angela, anak. Tingnan mo at may mabuting mga tao ang gustong tumulong sa kanya." Masayang pahayag ni Sister Belen. Hinawakan ko ang kamay ni Angela nang makalapit ako sa kanyang higaan. Mainit ito at bahagyang kumukuyom nang maramdaman niya ang aking kamay na bumalot sa maliliit na palad nito. Napangiti ako, ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang init na hatid ng aking balat. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD