“Patuloy mo lamang siyang sundan at ang mga taong konektado ngayon sa buhay niya. Kailangan kong malaman kung saan siya nagpupunta at ang mga ginagawa niya,” saad ni Thunder sa kausap niya ngayon sa telepono na private investigator. Hanggang ngayon ay pinasusundan pa rin niya si Charmaine pati na rin ang mga taong nakakasama nito na maaaring tumutulong sa kanya. “Okay, Sir,” sagot ng private investigator na inuutusan at binabayaran ni Thunder. “Bigyan mo ako ng mga impormasyon sa oras na may makuha ka na,” paalala pa ni Thunder bago ibinaba ang tawag nang makita si Austin na ngayon ay papasok na ng kanyang opisina at nakatingin sa kanya. “Sir, may mga gustong kumausap sa inyo,” seryosong wika ni Austin. Kumunot ang noo at nagkasalubong ang kilay ni Thunder. “Sino?” nagtatakang tanong n

