Nakatayo sa harapan ng bintana si Austin na nasa loob ng kwarto. Malayo ang kanyang tingin sa labas. Malalim na ang gabi kaya naman madilim na ang langit at nagkalat sa kalangitan ang mga makikislap na bituin na pinapagitnaan ang maliwanag na buwan na malapit ng maging bilog. Ilang minuto pa ang lumipas ay huminga nang malalim si Austin. “Tito Austin.” Mabilis na lumingon si Austin kay Winter na siyang tumawag sa kanya. Hindi niya namalayang nakatayo na ito sa tabi niya at nakatingala nang tingin sa kanya. “Oh? Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na,” wika ni Austin. “Hindi po kasi ako makatulog. Wala pa si Daddy,” sagot ni Winter. Napatango si Austin. ‘Oo nga, wala pa siya hanggang ngayon at hindi pa umuuwi. Saan kaya siya nagpunta?’ sa isip-isip niya pa. Ningitian ng maliit ni Austin

