Nakaupo sa isang pandalawahang mesa si Austin na nasa loob ng canteen ng kumpanya. Mag-isa lamang siya ngayon at hindi kasama si Thunder. Hindi tumitingin sa paligid si Austin pero naririnig niya ang bulong-bulungan ng mga kapwa empleyado. Nagbuntong-hininga siya ng malalim. Mistula kasing naging worldwide trending topic sa kanila ngayon at pinakapinag-uusapan ang naging kasal nila ni Thunder. May mga magaganda naman siyang naririnig pero karamihan ay hindi maganda at puro panghuhusga. Wala naman siyang magagawa sa mga sinasabi ng mga taong mapanghusga at mas mabuti na lamang na gawin niya ay ang manahimik at hindi sila pansinin. “Austin.” Napatingala nang tingin si Austin nang marinig niya ang pagtawag na iyon. Tipid siyang napangiti nang makita niya si Yale na nakatayo ngayon sa harap

