Mabilis na lumipas ang maraming linggo. Naging payapa naman ang lahat at walang nagbadyang panganib sa mga nakalipas na linggo. Ngunit hindi pa rin nila mapigilang hindi mangamba at hindi makampante lalo na’t hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli sila Charmaine at Eva. Hindi pa rin nalalaman ng mga pulis kung saan nagtatago ang mga ito. Magagaling magtago ang mga ito sa kung nasaan man sila ngayon. Kaya nga kahit papaano’y naghahanda sila dahil posibleng balikan rin sila ng mga ito. “Hindi ka ba talaga papasok ngayon sa office?” pagtatanong ni Thunder kay Austin. Nasa living room sila ngayon ng bahay. Tiningnan ni Austin si Thunder. Tumango-tango siya. “Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya sa tingin ko kailangan ko ng isang araw na pahinga,” aniya. Napatango naman si Thunder. Ni

