Abala si Austin sa pagta-type sa keyboard ng kanyang laptop habang nakaupo siya sa sariling swivel chair. Kailangan niya kasing tapusin ang nabinbin niyang trabaho nu’ng isang araw dahil hindi niya ‘yun natapos tapos kahapon ay hindi pa siya pumasok. Napapatingin si Thunder kay Austin. Tipid napapangiti ang labi niya. Habang tinitingnan niya si Austin ay naaalala niya ang nangyari kagabi sa unang buwan ng pagiging mag-asawa nila. Sa totoo lang hanggang ngayon, hindi man bagay sa kanya pero nakakaramdam siya ng kilig at saya sa tuwing maaalala iyon ng kanyang utak. Ramdam naman ni Austin na tumitingin sa kanya si Thunder kaya naman tumingin siya sa asawa. Kinunutan niya ito ng noo. “Bakit? May problema ba?” pagtatanong ni Austin. Tumango-tango si Thunder. “Oo, may problema,” sagot nito.

