Buhat-buhat ni Austin si Winter. Nakatulog na kasi ito kanina pa ng nasa jeep sila at sakay nito hanggang sa makauwi. Pagkapasok nila ng bahay ay sumalubong ang katahimikan sa kanila. “Wala pa rin kaya si Thunder?” pabulong na tanong ni Austin sa hangin. Huminga na lamang ng malalim si Austin. Umakyat siya sa itaas at dinala sa kwarto si Winter. Maayos na inihiga niya ito sa kama para makatulog ng maayos. Mabilis na lumingon si Austin sa pintuan ng kwarto at bahagyang nagulat nang makitang pumasok si Thunder na nakangiti. Nakasuot lamang ito ng sando at boxer at may dala itong isang cake na may nakatusok na nakandila na nakasindi. Bumalot kay Austin ang pagtataka. “Happy Birthday to you… Happy birthday to you… Happy birthday, happy birthday… Happy Birthday Austin,” pagkanta ni Thunder

