Naalimpungatan sa pagtulog si Thunder dahil sa nakaramdam ito ng uhaw. Dahan-dahan nitong idinilat ang mga mata at kinusot-kusot para mas maging malinaw ang kanyang mga paningin. Tumingin muna si Thunder sa mga katabi niya ngayon sa kama. Napangiti siya dahil nakita niya si Austin na mahimbing na natutulog at si Winter na nasa gitna nila. Hindi niya mapigilang isipin na isa silang pamilya. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang bumangon mula sa kama at umalis roon. Tinungo ang pintuan ng kwarto at binuksan iyon. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Thunder sa pagkagulantang nang pagkabukas niya ng pintuan ay makapal na usok ang bumungad sa kanya na naging sanhi ng sunod-sunod niyang pag-ubo. Hinawi-hawi ni Thunder ang usok gamit ang mga kamay. Tuluyan siyang lumabas mula sa kwarto at isina

